Ang Aking Buhay Ngayon
Mga Panalangin ng Ina, 17 Enero
Ngunit, ganito ang sabi ng PANGINOON: “Pati ang mga bihag ng makapangyarihan ay kukunin at ang biktima ng malupit ay maliligtas, sapagkat ako'y makikipaglaban sa iyo, at aking ililigtas ang mga anak mo.” Isaias 49:25 BN 21.1
Silang mga nag-iingat sa mga utos ng Diyos ay tumitingin sa kanilang mga anak na may hindi maipaliwanag na pakiramdam ng pagasa at pagkatakot, na nag-iisip kung anong bahagi ang kanilang gagampanan sa malaking tunggalian na nasa kanilang harapan. Ganito ang mga tanong ng nababalisang ina, “Ano ang kanilang pipiliing paninindigan? Ano ang magagawa ko para maihanda silang gampanang mabuti ang kanilang bahagi, upang sila'y maging tagatanggap ng walanghanggang kaluwalhatian?” BN 21.2
Malalaking responsibilidad ang nakaatang sa inyo, mga ina.... Maaari ninyo silang tulungan para makapaglinang ng mga karakter na hindi makikilos o maiimpluwensyahan para gumawa ng masama, ngunit magkikilos at mag-iimpluwensya sa ibang gumawa ng matuwid. Sa pamamagitan ng inyong taimtim na mga panalangin na may pananampalataya, maaari ninyong makilos ang bisig na nagpakilos sa sanlibutan.... BN 21.3
Ang mga panalangin ng mga Cristianong ina ay hindi binabalewala ng Ama ng lahat.... Hindi Niya tatalikuran ang inyong mga kahilingan, at iiwanan kayo at ang mga nasa inyo sa mga pagpapahirap ni Satanas sa dakilang araw ng huling pagtutunggali. Nasa inyo ang tungkulin na gumawang may kapayakan at katapatan, at pagtitibayin ng Diyos ang mga gawa rig inyong mga kamay. BN 21.4
Ang gawaing ginampanan sa lupa ay kinikilala sa mga bulwagan sa kalangitan bilang gawaing nagampanang mabuti. Taglay ang kasiyahang hindi mailarawan, makikita ng mga magulang ang putong, ang kasuotan, ang alpa, na ibinigay sa kanilang mga anak. ... Ang punlang inihasik na may pagtangis at mga panalangin ay tila inihasik nang walang kabuluhan, ngunit ang kanilang ani ay pipitasin na may katuwaan sa huli. Ang kanilang mga anak ay natubos. BN 21.5
Kapag binigkas na ang salitang “Magaling!”ng dakilang Hukom, at ang putong ng walang-hanggang kaluwalhatian ay naipatong na sa ulo ng nagtagumpay, marami ang magtataas ng kanilang mga putong sa paningin ng nagkatipong sansinukob at, habang itinuturo ang kanilang mga ina, ay sasabihing, “Ginawa niya ako kung sinuman ako ngayon sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Ang kanyang mga aral at panalangin ay pinagpala para sa aking walang-hanggang kaligtasan. BN 21.6