Ang Aking Buhay Ngayon
Hanapin ang Diyos sa Pamamagitan ng Panalangin, 15 Enero
At kayo’y tatawag sa akin, at kayo'y lalapit at dadalangin sa akin, at diringgin ko kayo. Hahanapin ninyo ako at matatagpuan kapag hinanap ninyo ako nang inyong buong puso. Jeremms 29:12,13 BN 19.1
May dalawang uri ng panalangin—ang panalangin sa anyo at ang panalangin ng pananampalataya. Ang pag-uulit ng nakatakda, nakaugaliang mga parirala kung saan hindi nararamdaman ng puso ang pangangailangan sa Diyos, ay isang pormal na panalangin.... Kailangan nating maging labis na maingat sa lahat ng ating mga panalangin, na bigkasin ang mga kagustuhan ng puso at sabihin lamang iyong niloloob natin. Lahat ng mga mabubulaklak na mga salitang masasabi natin ay hindi katumbas ng isang banal na pagnanasa. Ang pinakamahusay na panalangin ay walang kabuluhang pag-uulit kung hindi nito ipinapahayag ang tunay na damdamin ng puso. Ngunit ang panalangin na nagmumula sa isang marubdob na puso, kapag ang payak na pangangailangan ng kaluluwa ay ipinapahayag gaya ng paghingi natin ng pabor sa isang kaibigan, na umaasang tayo'y pagbibigyan—ito ang panalangin na may pananampalataya. Ang publikanong nagtungo pataas sa templo upang manalangin ay isang magandang halimbawa ng isang taos-puso at tapat na mananamba. Naramdaman niyang siya'y isang makasalanan, at ang kanyang malaking pangangailangan ay nagdala sa isang silakbo ng marubdob na pagnanais, “Diyos ko, mahabag ka sa akin na isang makasalanan.” .... BN 19.2
Matapos nating maihandog ang ating mga kahilingan, kailangan nating sagutin ang mga ito mismo sa abot ng ating makakaya, at huwag maghintay sa Diyos na gawin para sa atin iyong magagawa natin para sa ating sarili. Ang tulong ng Diyos ay inirereserba para sa lahat na humihingi nito. Ang banal na pagtulong ay dapat na maisanib sa pagsisikap, mga naisin at lakas ng tao. Ngunit hindi natin maaabot ang mga pugalan ng kalangitan kung hindi mismo tayo ang aakyat. Hindi tayo kayang buhatin sa pamamagitan ng mga panalangin ng ibang tao kung tayo mismo ay nakalilimot manalangin; dahil walang ginawang ganitong pagkakaloob ang Diyos para sa atin.... Ang hindi magandang mga pag-uugali sa ating karakter ay hindi matatanggal, at mapapalitan ng mga pag-uugaling dalisay at kaibig-ibig, kung walang pagsisikap sa bahagi natin. BN 19.3
Sa ating mga pagsisikap na masundan ang halimbawang ibinigay sa atin ng ating Panginoon, maaari tayong makagawa ng pagkakamali. ... Ngunit huwag na tinitigilang ating mga pagsisikap.... Ang pansamantalang kabiguan ay dapat maghatid sa atin sa mas lalo pang pagsandal kay Cristo. BN 19.4