Kasaysayan ng Pag-Asa

26/28

Kabanata 14 - Ang Sentensya

Milenyo

Nalipol ang mga masasama sa lupa at nakahandusay sa ibabaw nito ang kanilang bangkay. Sumapit sa mga naninirahan dito ang galit ng Diyos sa huling pitong salot, dahilan para ngatngatin nila ang kanilang dila sa hirap at sumpain Siya. Matapos iligtas ng tinig ng Diyos ang mga banal, binalingan ng galit ng napakakapal na mga masasama ang isa’t isa. Parang babahain ng dugo ang lupa, at nasa iba’t ibang dako ang mga bangkay. KP 114.1

Tila isang mapanglaw na ilang ang lupa. Naging mga guho ang mga lunsod at nayon dahil sa lindol. Naalis ang mga bundok sa kanilang kinalalagyan at nag-iwan ng malalaking hukay. Nangalat sa ibabaw ang mga basag na batong ibinuga ng dagat o natungkab sa lupa. Naghambalang sa buong lupain ang mga nabunot na puno. Titira si Satanas dito kasama ng kanyang masasamang anghel sa loob ng 1,000 taon. Dito siya ikukulong upang magpagala- gala sa gibang lupa at makita niya ang mga naging resulta ng paghihimagsik laban sa kautusan ng Diyos. Matatamasa niya sa loob ng 1,000 taon ang bunga ng sumpang idinulot niya. KP 114.2

Dahil nilimitahan sa lupa, siya'y hindi makakapunta sa ibang mga daigdig upang tuksuhin at abalahin ang mga hindi nagkasala. Napakatindi ng paghihirap ni Satanas sa panahong ito. Simula nang siya'y bumagsak, walang-tigil niyang ginamit ang masasama niyang katangian. Pero sa loob ng 1,000 taon, tatanggalan siya ng kapangyarihan at babayaang magbulay-bulay sa mga ginawa niya simula nang siya'y magkasala, at tunghayang may panginginig ang kakila-kilabot na hinaharap kung kailan dapat siyang magdusa dahil sa lahat ng mga kasamaang ginawa niya at kasalanang isinulsol niya. KP 114.3

Narinig ang mga sigaw ng pagtatagumpay na tulad sa sampung libong instrumento ng musika mula sa mga anghel at tinubos na banal, dahil hindi na sila muling iinisin at tutuksuhin ni Satanas at dahil ligtas na sa kanyang presensya at mga panunukso ang mga nakatira sa ibang daigdig. KP 114.4

Umupo sa mga trono si Jesus at ang mga tinubos na banal, at nanungkulan bilang mga hari at mga pari ng Diyos ang mga banal. Kasama ng Kanyang bayan, hinatulan ni Cristo ang mga masasamang patay, na inihahambing ang kanilang mga gawa sa Tuntuning Aklat, ang Salita ng Diyos, at pinagpapasyahan ang bawat kaso ayon sa mga gawang ginawa. (Tingnan ang Apocalipsis 20:4-6.) Kung gayo’y igagawad na ang bahaging dapat pagdusahan ng mga masasama, ayon sa kanilang mga gawa, at ito’y nakasulat sa aklat ng kamatayan katapat ng kanilang mga pangalan. Hinatulan din ni Jesus at ng Kanyang mga banal si Satanas at ang kanyang mga anghel. Higit na mas matindi ang kanyang kaparusahan kaysa iba. Lubhang higit pa sa kanila ang kanyang pagdurusa anupa’t walang maihahambing dito. Kapag namatay na ang lahat ng nadaya niya, mabubuhay pa rin at patuloy pang magdurusa si Satanas. KP 115.1

Pagkatapos ng paghuhukom sa mga masasamang patay sa dulo ng 1,000 taon, iniwan ni Jesus ang lunsod, at sumunod sa Kanya ang mga anghel at banal. Bumaba Siya sa isang malaking bundok, at pagkalapat ng Kanyang mga paa rito, nahati ito’t naging malawak na kapatagan. Pagkatapos, lumitaw sa itaas ang dakila’t magandang lunsod, na may labindalawang pundasyon at labindalawang pin- tuan, tatlo sa bawat panig, at may isang anghel bawat pintuan. Sumigaw ang mga tinubos, “Ang lunsod! Ang dakilang lunsod! Ito’y bumababa mula sa langit buhat sa Diyos!” Bumaba ito sa buong kagandaha’t nakakasilaw na kaluwalhatian, at lumapag sa malawak na kapatagang sadyang inihanda ni Jesus para rito. KP 115.2

Ikalawang Pagkabuhay na Muli—Sa kakila-kilabot at nakaka- sindak na kapangyarihan, binuhay ni Jesus ang mga masasamang patay. Bumangon sila taglay ang mahina’t sakiting mga katawang nahimlay sa libingan. Anong tagpo! Pawang bumangon sa walang- hanggang kasariwaan iyong sa unang pagkabuhay na muli, ngunit makikita sa lahat ang mga bakas ng sumpa sa ikalawang pagkabuhay na muli. Lumabas sa libingan ang mga hari’t mahal na tao sa lupa, dukha at hamak, edukado’t di-edukado. Nakita nilang lahat ang Anak ng Tao. Nakita Siya ngayon sa buo Niyang makaharing kamahalan ng mismong mga taong humamak at nagtawa sa Kanya, na naglagay ng koronang tinik sa sagrado Niyang ulo at humampas sa Kanya ng tambo. Umiiwas ngayon sa tumatagos Niyang tingin at sa kaluwalhatian ng Kanyang mukha ang mga dumura sa Kanya nang Siya ay nilitis. Nakatitig na ngayon sa mga bakas ng pagkapako Niya sa krus ang mga nagbaon ng pako sa Kanyang mga kamay at mga paa. Nakita ng mga tumusok ng sibat sa Kanyang tagiliran ang mga tanda ng kanilang kalupitan sa Kanyang katawan. Alam nila na Siya mismo ang ipinako nila sa krus at nilibak sa hirap ng Kanyang paghihingalo. Doo’y may narinig na mahaba't matagal na taghoy ng pagdadalamhati, habang sila'y tumatakas upang magtago sa presensya ng Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. KP 115.3

Lahat ay gustong makapagtago sa malalaking bato, upang ipag- sanggalang ang kanilang sarili sa kakila-kilabot na kaluwalhatian Niya na kanilang nilait. At, palibhasa’y sinakmal at sinaktan ng Kanyang kamahalan at dakilang kaluwalhatian, sama-sama nilang inilakas ang kanilang mga tinig, at bumulalas nang napakalinaw, “Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon!” KP 116.1

Pagkatapos, pumasok uli sa lunsod si Jesus at ang mga banal na anghel kasama ng lahat ng mga banal at pinuno ng masasaklap na pagtangis at taghoy ng kapahamakan ang papawirin. Nagsimula na naman si Satanas sa kanyang gawain. Nilibot niya ang kanyang mga sakop at pinalakas ang mahihina’t walang-kaya, sinasabi sa kanila na makapangyarihan siya at ang mga anghel niya. Itinuro niya ang di-mabilang na karamihang binuhay. May mga makapangyarihang mandirigma at mga hari na bihasang-bihasa sa labanan at sumakop na ng mga kaharian. Merong mga makapangyarihang higante at matatapang na taong wala pang naipatalong laban. Naroon ang mapagmalaki’t ambisyosong si Napoleon, na nagpanginig sa mga kaharian sa paglapit pa lang. Naroon ang mga taong napakatatangkad at makikisig ang tindig. Sila'y namatay sa digmaan sa paghahangad na manakop. KP 116.2

Ipinagpatuloy nila ang takbo ng kanilang isipan kung saan ito tumigil nang sila'y lumabas sa libingan. Inudyukan sila ng ganoon ding paghahangad na manakop na siyang naghahari sa kanila noong sila'y mamatay. Sumangguni si Satanas sa kanyang mga anghel, at pagkatapos sa mga hari, mananakop, at makapangyarihang tao. Tapos, tiningnan niya ang lakas at dami ng kanilang panig, at sinabing kakaunti at mahihina ang hukbong nasa loob ng lunsod, at puwede na silang lumusob at kunin ito, palayasin ang mga nakatira rito, at angkinin ang kayamanan at kaluwalhatian nito. KP 116.3

Nagtagumpay si Satanas na dayain sila. At agad na naghanda para sa labanan ang lahat. Maraming mahuhusay na tao sa napakalaking hukbong iyon, at sila'y gumawa ng lahat ng uri ng kagamitang pandigma. Pagkatapos, sa pangunguna ni Satanas, kumilos na ang napakaraming tao. Nakabuntot kay Satanas ang mga hari’t mga mandirigma, at kasunod nila ang hukbong nakaayos nang pulu-pulutong. May lider ang bawat pulutong, at sumulong sila sa maayos na paraan sa bitak-bitak na ibabaw ng lupa patungo sa Banal na Lunsod. Ipinasara ni Jesus ang mga pintuan ng lunsod, at ito'y pinalibutan ng napakalaking hukbong ito na humilera na sa pakikidigma, inaasahan ang isang matinding labanan. KP 117.1