ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 20—Si Naaman
Ang kabanatang ito ay batay sa 2 Hari 5.
“Si Naaman nga, na punong kawal ng hukbo ng hari sa Syria, ay dakilang lalaki sa kanyang panginoon, at marangal, sapagkat sa pamamagitan niya'y nagbigay ang Panginoon ng pagtatagumpay sa Syria: sip rin nama'y malakas na lalaki na may tapang, ngunit may ketong.” PH 203.1
Tinalo ni Ben-hadad, hari ng Syria, ang mga hukbo ng Israel at dito ay napatay si Ahab. Mula noon ang mga Syriano ay palagiang nakikipaghamok sa Israel sa mga hangganan nito, at sa isang paglusob nila ay tinangay ang isang dalagita, na “naglingkod sa asawa ni Naaman.” Isang aliping, malayo sa sariling tahanan, ang dalagitang ito ay naging isang saksi ng Dios, na di namamalayang siya ay tumutupad sa isang adhikaing ipinagkariwala ng Dios sa Israel bilang Kanyang bayang hirang. Habang naglilingkod ito sa tahanang walang pagkakilala sa Dios, ang kanyang malasakit sa tahanan ay lumago; at sa pag-alaala sa mga kahanga-hangang milagro na nagawa ni Eliseo, sinabi niya sa kanyang panginoong babae, “Mano nawa ang aking panginoon ay humarap sa propeta na nasa Samaria! kung magkagayo’y pagagalingin niya siya sa kanyang ketong.” Alam niyang ang kapangpyarihan ng Langit ay na kay Eliseo, at alam niyang ang kapangprihang ito ang magpapagaling kay Naaman. PH 203.2
Ang ugali ng babaeng aliping ito, ang paraan ng kanyang paglilingkod sa tahanang pagano, ay matibay na patotoo ng kapangprihan ng kanyang naging pagsasanay sa tahanan bilang kabataan. Wala nang dadakila pang pagtitiwalang maibibigay sa mga ama at mga ina maliban sa pag-aaruga at pagsasanay sa kanilang mga anak. Nasa magulang ang paglalagay ng pundasyon ng likas at pag-uugali. Sa kanilang halimbawa at pagtuturo ang kinabukasan ng mga anak ay nakasalalay sa malaking bahagi. PH 203.3
Mapalad ang mga magulang na ang mga buhay ay tunay na sinag ng makalangit, upang ang mga pangako at utos ng Dios ay magising sa mga anak ang pagpapasalamat at paggalang; ang mga magulang na ang magandang loob at makatuwiran at matiisin ay isinasalin sa mga anak ang pag-ibig at katarungan at pagtitiis ng Dios, at sa pagtuturo sa anak na ibigin at magtiwala at sumunod sa kanila, ay tinuturuan siya na ibigin at magtiwala at sumunod sa kanyang Ama sa langit. Mga magulang na nagpapahayag sa anak ng gano’ ng kaloob ay nagbibigay sa kanya ng kayamanang mas mahalaga kaysa kayamanan ng sanlibutan, kayamanang magpakailanman. PH 203.4
Hindi natin alam kung saang linya ng gawain tatawagin ang ating mga anak. Maaaring sila ay mamalagi lamang sa loob ng tahanan; maaaring magkaroon sila ng karaniwang hanap-buhay, o humayo bilang guro ng ebanghelyo sa mga paganong lupain; datapuwat ang lahat na ito ay pagiging misyonero para sa Dios, mga ministro ng kahabagan ng sanlibutan. Kailangang magkaroon sila ng uri ng edukasyong tutulong sa kanila sa pagtayo sa panig ni Kristo sa di makasariling paglilingkod. PH 204.1
Ang mga magulang ng Hebreong aliping ito, habang tinuturuan siya ng tungkol sa kanyang Dios, ay hindi alam ang naghihintay na kapalaran sa kanya. Datapuwat sila ay naging tapat sa pagkakatiwala; at sa tahanan ng kapitan ng Syria, ang kanilang anak ay sumaksi sa Dios na natutuhan niyang parangalan. PH 204.2
Narinig ni Naaman ang wika ng kabataang ito sa kanyang panginoong babae; at, matapos nang pumayag ang hari, siya’y yumaon, at nagdala siya ng “sampling talentong pilak, at anim na libong putol na ginto, at sampung pangpalit na bihisan.” At kanyang dinala ang sulat mula sa hari ng Syria sa hari sa Israel, na sinasabi, “Talastasin mo,...na aking sinugo si Naaman na aking lingkod sa iyo, upang iyong pagalingin siya sa kanyang ketong.” “Nang mabasa ng hari sa Israel ang sulat, “kanyang hinapak ang kanyang suot, at nagsabi, Ako ba ',y Dios upang pumatay at bumuhay, na ang lalaking ito ay nagsugo sa akin upang pagalingin ito sa kanyang ketong? ngunit talastasin mo kung paanong siya’y humahanap ng dahilan laban sa akin.” PH 204.3
Dumating kay Eliseo ang bagay na ito, na siya’y nagsugo sa hari, na nagsabi, “Bakit mo hinapak ang iyong mga kasuutan? paparituhin mo siya sa akin, at kanyang malalaman na may isang propeta sa Israel.” PH 204.4
“Sa gayo’y naparoon si Naaman na dala ang kanyang mga kabayo at ang kanyang mga karo, at tumayo sa pintuan ng bahay ni Eliseo.” Pinasabi ng propeta sa kanyang sugo, “Ikaw ay yumaon, at maligo sa Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis.” PH 204.5
Si Naaman ay umasa na makakita ng kahanga-hangang pagpapahayag ng kapangyarihan mula sa langit. Siya’y nagsabi, “Narito, along inakalang walang pagsalang lalabasin niya ako, at tatayo, at tatawag sa pangalan ng Panginoon niyang Dios, at pagagalawgalawin ang kanyang kamay sa kinaroroonan, at mapapawi ang ketong.” Nang sabihang maghugas sa Jordan, siya’y nanliit, at sa kabiguan ay nagsalitang, “Hindi ba ang Abana at ang Pharphar, na mga ilog ng Damasco, ay mainam kay sa lahat ng tubig sa Israel? hindi ba ako makapaliligo sa mga yaon, at maging malinis?” “Sa gayo’y pumihit siya at umalis sa pag-init.” PH 205.1
Ang mapagmataas na espiritu ni Naaman ay naghimagsik sa pagsunod sa ipinag-utos ni Eliseo. Ang mga ilog na binanggit ng kapitang Syriano ay magaganda, at marami ang nagtitipon doon upang magsisamba sa kanilang mga diyus-diyusan. Hindi magiging malaldng kahihiyan para kay Naaman kung sila’y lulusong sa isa sa mga sapang yaon. Subalit sa pagsunod lamang sa mga inuutos ng propeta na siya’y gagaling. Ang laang pagsunod lamang ang makapaghahatid ng inaasam na resulta. PH 205.2
Ang mga lingkod ni Naaman ay sinabihan siyang gawin ang inuutos ni Eliseo: “Kung ipinagawa sa iyo ng propeta ang anumang mahirap na bagay,” wika nila, “hindi mo ba gagawin? gaano nga kung sabihin niya sa iyo, Ikaw ay maligo at maging malinis?” Ang pananampalataya ni Naaman ay sinusubok, habang ang pagmamataas ay sinisikap alisin. Ngunit ang pananampalataya ay nanaig, at ang mapagmataas na Syriano ay nagpakumbaba at yumukod sa pagpapasakop sa ipinahayag na nais ng Dios. Makapitong beses na sumugbong siya sa Jordan, “ayon sa sabi ng lalaki ng Dios.” At pinarangalan ang kanyang pananampalataya; “ang kanyang laman ay nagsauling gaya ng laman ng isang munting bata, at siya’y naging malinis.” PH 205.3
May pagpapasalamat na “siya’y bumalik sa lalaki ng Dios, siya at ang buong pulutong niya, na nagsabi, “Narito ngayon, aking talastas na walang Dios sa buong lupa, kundi sa Israel.” PH 205.4
Sang-ayon sa kaugalian noon, nagsumamo si Naaman kay Eliseo na tanggapin ang mamahaling handog. Ngunit ang propeta ay tumanggi. Hindi niya kukuning kabayaran sa pagpapalang ipinagkaloob ng Dios. “Buhay ang Panginoon,” kanyang sinabi, “wala akong tatanggapin.” Ipinilit ng Syriano “na kunin niya; ngunit siya’y tumanggi. PH 205.5
“At sinabi ni Naaman, Kung hindi, isinasamo ko pa sa iyo, na bigyan ko ang iyong lingkod ng lupang mapapasan ng dalawang maliit na kabayo? sapagkat ang iyong lingkod buhat ngayon ay hindi maghahandog ng handog na susunugin o hain man sa ibang mga diyos, kundi sa Panginoon. Sa bagay na ito’y patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod, pagka ang aking panginoon ay pumasok sa bahay ni Rimmon upang sumamba roon, at siya’y umagapay sa aking kamay, at ako’y yumukod sa bahay ni Rimmon: pagyukod ko sa bahay ni Rimmon, na patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod sa bagay na ito. PH 208.1
“At sinabi niya sa kanya, Ikaw ay yumaong payapa. Sa gayo’y nilisan niya siya ng may agwat na kaunti.” PH 208.2
Si Giezi, na lingkod ni Eliseo, ay nagkaroon ng pagkakataon ng mga taon na maglinang ng diwa ng pagsasakripisyo tulad din ng likas ng kanyang panginoon. Naging karapatan niyang maging kawaksi sa hukbo ng Panginoon. Ang pinakamabuting mga kaloob ng Langit ay malapit sa kanya; gayunman, tinalikuran niya ito, at ang hinangad ay mga kayamanan ng lupa. At ngayon ang natatagong naising ito ay nalantad sa tuksong ito na hindi niya malabanan. “Narito,” kanyang sinabi sa kanyang sarili, “pinalagpas ng aking panginoon ang Naamang ito na taga Syria, sa di pagtanggap sa kanyang mga kamay ng kanyang dala: ngunit...tatakbuhin ko siya, at kukuha ako ng anuman sa kanya.” Sa gayo’y “sinundan ni Giezi si Naaman,” ng palihim. PH 208.3
“Nang makita ni Naaman na isa’y humahabol sa kanya, siya’y bumaba sa karo na sinalubong niya, at sinabi, Lahat ba’y mabud? At kanyang sinabi, Lahat ay mabud.” At si Giezi ay nagsinungaling. “Sinugo ako ng aking panginoon,” kanyang sinabi, “narito, dumating sa akin ngayon mula sa lupaing maburol ng Bundok Epraim ang dalawang binata sa mga anak ng mga propeta: isinasamo ko sa iyo na bigyan mo sila ng isang talentong pilak, at dalawang pangpalit na bihisan.” Sa kahilingang ito si Naaman ay masayang pumayag, at pinagkalooban niya si Giezi ng dalawang talentong pilak imbes na isa lang, “na may dalawang pangpalit na bihisan,” at inutusan ang kanyang mga lingkod na ibalik ang mga kayamanan. PH 208.4
Habang palapit si Giezi sa bahay ni Eliseo, pinaalis niya ang mga alipin at itinago ang mga damit at pilak. Nang matapos ito ay “pumasok, at tumayo sa harap ng kanyang panginoon;” at, upang takpan ang sarili, ay nagwika pa ng ikalawang kasinungalingan. Nagtanong si Eliseo kung saan nanggaling si Giezi, at siya ay tumugong, “Ang iyong lingkod ay walang pinaroonan.” PH 208.5
Sa ganito ay dumating ang matigas na sansala, nagpapakitang alam ni Eliseo ang lahat na naganap. “Hindi ba sumasa iyo ang aking puso,” kanyang tinanong, “nang ang lalaki ay bumalik mula sa kanyang karo na sinasalubong ka? Panahon ba ng pagtanggap ng salapi, at pagtanggap ng bihisan, at ng mga olibohan, at ng mga ubasan, at ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga aliping lalaki, at babae? Ang ketong nga ni Naaman ay kakapit sa iyo, at sa iyong binhi magpakailanman.” At siya’y umalis sa kanyang harapan “na may ketong na kasingputi ng niebe.” PH 209.1
Maselan ang mga liksyong itinuturo ng karanasang ito ng isang pinagkatiwalaan ng matataas at mga banal na kapanagutan. Ang ginawa ni Giezi ay sapat upang katisuran ni Naaman, na sa isipan ay napunla ang kahanga-hangang liwanag, at may nabubuong isipan ng paglilingkod sa buhay na Dios. Sa pandarayang ginawa ni Giezi ay walang katuwiran. Hanggang sa araw ng kanyang kamatayan nanatili siyang ketongin, isinumpa ng Dios at pinandirihan ng kanyang kapwa mga tao. PH 209.2
“Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan, at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan.” Kawikaan 19:5. Isipin man ng taong itago ang kanyang masamang gawain sa mata ng tao, ngunit hindi nila malilinlang ang Dios. “At walang anumang nilalang na hindi nahahayag sa Kanyang paningin.” Hebreo 4:13. Inisip ni Giezi na dayain si Eliseo, datapuwat inihayag ng Panginoon sa Kanyang propeta ang mga salitang binitiwan ni Giezi kay Naaman, at ang bawat detalye ng pagtatagpo ng dalawang lalaki. PH 209.3
Ang katotohanan ay sa Dios; ang anumang pandaraya sa maraming anyo nito ay kay Satanas, at ang sinumang lilihis sa matuwid na landas ng katotohanan ay nagkakanulo ng sarili sa kapangyarihan ng masama. Silang nag-aral kay Kristo ay “hindi makikibahagi sa mga walang mapapakinabangang gawa ng kadiliman.” Efeso. 5:11. Sa pananalita, at sa buhay, sila ay magiging payak, pranka, at totoo, sapagkat sila ay naghahanda sa pakikisama sa mga banal na sa mga labi ay walang nasumpungang daya. Tingnan ang Apocalipsis 14:5. PH 209.4
Mga daantaon matapos na si Naaman ay umuwi sa kanyang Syrianong tahanan, napagaling sa katawan at nahikayat ang diwa, ang kanyang kahanga-hangang pananampalataya ay pinuri ng Tagapagligtas bilang isang liksyon sa mga nag-aangking naglilingkod sa Dios. “Maraming ketongin sa Israel nang panahon ni Eliseo na propeta,” wika ng Tagapagligtas; “at sinuman sa kanila’y hindi nilinis, kundi lamang si Naanam na Syriano.” Lucas 4:27. Nilagpasan ng Panginoon ang maraming ketongin sa Israel sapagkat ang kanilang kawalang pananampalataya ay nagsara ng pintuan ng kabutihan para sa kanila. Ang taong walang pagkakilala sa Dios datapuwat tapat sa mga kombiksyon ng puso ukol sa matuwid, at nakadadama ng pangangailangan ng tulong, ay higit na karapat-dapat sa paningin ng Panginoon kaysa doon sa mga pinagkalooban ng mga karapatan ng Dios datapuwat ito ay tinalikdan at kinamuhian. Ang Dios ay gumagawa para sa kanilang may pagpapasalamat sa mga pabor ng Dios at tumutugon sa liwanag na kaloob ng langit. PH 210.1
Ngayon sa bawat lupain ay maraming mga tapat sa puso, at sa kanila ay sumisikat ang liwanag ng langit. Kung magpapatuloy silang may katapatan sa pagsunod sa nauunawaan nilang tungkulin, pagkakalooban sila ng dagdag na liwanag, hanggang, sa katulad ni Naaman noong una, maaakay sila sa pagkilalang “walang ibang Dios sa buong lupa,” liban sa buhay na Dios, na Manlalalang. PH 210.2
Sa bawat taimtim na kaluluwang “lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag,” ay may paanyaya, “Tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, at umasa sa kanyang Dios.” “Sapagkat hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa Iyo, na iginagawa Niya ng kabutihan ang naghihintay sa Kanya. Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran, yaong nagsialaala sa Iyo sa Iyong mga daan.” Isaias 50:10; 64:4, 5. PH 210.3