ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

25/69

Kabanata 21—Pagtatapos ng Ministeryo ni Eliseo

Tinawagan sa paglilingkod bilang propeta sa paghahari ni Ahab, nakita ni Eliseo ang maraming pagbabagong naganap sa kaharian ng Israel. Ang hatol ay sunod-sunod na dumating sa mga Israelita sa panahon ni Hazael ang Syriano, na siyang naging sumpa sa bansang tumalikod. Ang mababagsik na repormang ipinasok ni Jehu ay nagbunga ng pagpaslang sa buong sambahayan m Ahab. Sa patuloy na pakikidigma sa mga Syriano, si Joas, na pumalit kay Jehu, ay nawalan ng ilang mga siyudad sa silangan ng Jordan. Sa ilang panahon ay parang mapapasailalim ng kontrol ng Syria ang buong kaharian. Ngunit ang repormang sinimulan ni Elias at ipinagpatuloy ni Eliseo ay umakay sa marami na hanapin ang Dios. Ang mga dambana ni Baal ay kinalimutan, at marahan ngunit tiyakang ang adhikain ng Dios ay natutupad sa mga buhay nilang nagpasyang maglingkod sa Kanya ng buong puso. PH 211.1

Dahilan na rin sa pag-ibig ng Dios sa alibughang Israel na pinayagan ng Dios na sila ay sumpain sa pamamagitan ng Syria. Ang Kanyang habag sa mga mahihina ang moralidad kaya ibinangon Niya si Jehu upang paslangin ang masamang si Jezabel at ang buong angkan ni Ahab. Minsan pa, sa pamamagitan ng mahabaging paglalaan ng Dios, ang mga saserdote ni Baal at Astoret ay pinaslang at mga altar nila ay nawasak. Sa karunungan ng Dios ay nakita na kung aalisin ang mga tukso, mayroong tatalikod sa paganismo at titingin sa langit, at ito ang dahilan kung kaya’t pinahintulot Niya na ang mga kalamidad ay magkakasunod na dumating sa kanila. Ang mga kahatulan Niya ay may halong habag; at nang ang Kanyang mga layunin ay natupad, kinalinga Niya silang natutong maghanap sa Kanya. PH 211.2

Habang ang mga impluwensya ng kasamaan at kabutihan ay naglalaban para siyang mamayani, at ginagawa ni Satanas ang lahat upang lubusin ang pagkawasak sa panahon ng paghahari ni Ahab at Jezabel, si Eliseo ay nagpatuloy sa pagbibigay ng kanyang patotoo. Nasagupa niya ang oposisyon, gayunman ay walang sinumang makapagwawalang bisa ng kanyang mga patotoo. Sa buong kaharian siya ay iginalang at pinagpitaganan. Marami ang lumapit sa kanya upang humingi ng payo. Samantalang buhay pa si Jezabel, si Joram, na hari ng Israel, ay humingi sa kanya ng payo; at minsan, nang siya ay nasa Damasco, dinalaw siya ng mga mensahero ni Benhadad, ang hari ng Syria, na nagnais makaalam na kung ang kanyang sakit ay ikamamatay. Sa lahat ng mga ito ang propeta ay nagbigay ng patotoong tapat na, sa panahong ang katotohanan, ay pinipilipit at pinasasama at ang kalakhang bahagi ng bayan ay hayagang naghihimagsik laban sa Langit. PH 211.3

At kailanman ay di pinabayaan ng Dios ang Kanyang piniling mensahero. Minsan, sa panahon ng paglusob ng Syria, ang hari ng Syria ay nagsikap na patayin si Eliseo dahilan sa ginawa nitong pagpapayo sa hari ng Israel tungkol sa paglusob ng kaaway. Ang hari ng Syria ay humingi ng payo sa kanyang mga lingkod, na nagsasabi, “Sa gayo’t gayong dako malalagay ang aking kampamento.” Ang planong ito ay ipinahayag ng Panginoon kay Eliseo na “nagsugo sa hari sa Israel, na nagsasabi, Mag-ingat ka na huwag dumaan sa dakong yaon; sapagkat doo’y lumulusong ang mga taga Syria. At nagsugo ang hari sa Israel sa dakong isinaysay sa kanya ng lalaki ng Dios at ipinagpauna sa kanya, at siya’y lumigtas doon, na hindi miminsan o mamakalawa. PH 212.1

“At ang puso ng hari sa Syria ay nabagabag na mainam dahil sa bagay na ito; at kanyang tinawag ang kanyang mga lingkod, at sinabi sa kanila, Hindi ba ninyo ipakikilala sa akin kung sino sa atin ang sa hari sa Israel? At sinabi ng isa sa kanyang mga lingkod, Hindi, panginoon ko, Oh hari: kundi si Eliseo, na propeta na nasa Israel, ay nagsaysay sa hari sa Israel ng mga salita na iyong sinasalita sa iyong silid na tulugan.” PH 212.2

Nagtakda para mawala ang propeta, ang hari ng Syria ay nag-utos, “Ikaw ay yumaon at tingnan mo kung saan siya nandoon, upang ako’y makapagpasundo at dalhin siya.” Ang propeta ay nasa Dothan; at, pagkaalam nito, ang hari ay nagsugo ng “mga kabayo, at mga karo, at ng isang malaking hukbo: at sila’y naparoon sa gabi, at kinubkob ang bayan sa palibot. At nang ang lingkod ng lalaki ng Dios ay magbangong maaga, at maglabas, narito, isang hukbo na may mga kabayo at mga karo ay nakalibot sa bayan.” PH 212.3

Sa takot ang lingkod ni Eliseo ay nagsabi sa kanya, “Sa aba natin, panginoon ko! paano ang ating gagawin?” PH 213.1

“Huwag kang matakot,” ang sagot ng propeta; “sapagkat ang sumasaatin ay higit kaysa sumasa kanila.” At upang maniwala ang kanyang lingkod, “si Eliseo ay nanalangin, at nagsabi, Idinadalangin ko sa Iyo, Panginoon, na idilat ang kanyang mga mata, upang siya’y makakita.” “At idinilat ng Panginoon ang mga mata ng binata; at siya’y nakakita: at narito, ang bundok ay puno ng mga kabayo at ng mga karo ng apoy sa palibot ni Eliseo.” Sa pagitan ng lingkod ng Dios at ng nasasandatahang hukbo ay mayroong nakapalibot na banda ng mga anghel. Sila'y bumaba ng may malakas na kapangyarihan, hindi upang sumira, hindi upang sambahin, kundi upang ipamalita at maglingkod sa mahihina at kaawa-awang mga anak ng Panginoon. PH 213.2

Nang ang bayan ng Dios ay napunta sa masisikip na lugar, na tila wala na silang kawala, ang Dios na lang ang aasahan nila. PH 213.3

Samantalang ang hukbo ng mga sundalong Syriano ay matapang na sumusulong, hindi alam na may hukbo pala mula sa langit, “ay nanalangin si Eliseo sa Panginoon, at nagsabi, Idinadalangin ko sa Iyo, na bulagin Mo ang bayang ito. At Kanyang binulag sila ayon sa salita ni Eliseo. At sinabi ni Eliseo sa kanila, hindi ito ang daan, o ang bayan man: sumunod kayo sa akin, at dadalhin ko kayo sa lalaki na inyong hinahanap. At kanyang pinatnubayan sila sa Samaria. PH 213.4

“At nangyari, nang sila’y magsidating sa Samaria na sinabi ni Eliseo, Panginoon, idilat Mo ang mga mata ng mga lalaking ito, upang sila’y makakita. At idinilat ng Panginoon ang kanilang mga mata, at sila’y nangakakita; at, narito, sila’y nangasa gitna ng Samaria. At sinabi ng hari ng Israel kay Eliseo, nang makita niya sila, Ama ko, sasaktan ko ba sila? sasaktan ko ba sila? At siya’y sumagot, Huwag mong sasaktan sila: sasaktan mo ba ang iyong binihag ng iyong tabak at ng iyong busog? maghain ka ng tinapay at tubig sa harap nila, upang kanilang makain at mainom, at magsiparoon sa kanilang panginoon.” At siya ',y naghanda ng maraming pagkain para sa kanila: at pagkatapos na sila’y makakain at makainom, pinaalis niya sila at nagsiparoon sa kanilang panginoon.” Tingnan ang 2 Hari 6. PH 213.5

Sa ilang panahon pagkaraan nito, ang Israel ay naligtas sa mga paglusob ng mga Syriano. Datapuwat di natagalan, sa ilalim ng pangunguna ng determinadong hari, na si Hazael, ang mga sundalo ng Syria ay pinalibutan ang Samaria at kinubkub ito. Kailanman ay di naranasan ng Israel ang ganitong uri ng kahirapan. Tunay na ang mga kasalanan ng magulang ay umaabot sa mga anak at mga anak ng kanilang mga anak. Ang mahabang kagutom dahilan sa pagkubkob ay nagtataboy sa hari ng Israel upang maging desperado, nang ipropesiya ni Eliseo ang kaligtasan sa kinabukasan. PH 213.6

Nang magbukang-liwayway ng sumunod na umaga, “ipinarimg ng Panginoon sa hukbo ng mga taga Syria ang hugong ng mga karo, at ang huni ng mga kabayo, samakatuwid baga’y ang hugong ng malaking hukbo;” at sila’y, nangatakot na “nagsitindig at nagsitakas sa pagtatakip silim,” at iniwan ang “kanilang mga tolda, at ang kanilang mga kabayo, at ang kanilang mga asno, at ang buong kampamento na gaya ng dati,” pari nang mga inipong pagkain. At sila’y “nagsitakas dahil sa kanilang buhay,” na hindi namamalayang sila’y nakatawid na sa Jordan. PH 214.1

Nang gabi ng pagtakas, apat na ketongin sa pintuan ng siyudad, nanlupaypay sa gutom, ay nagpanukalang magtungo sa kampamento ng mga taga Syria at magmakaawa, umaasang sila’y kahahabagan at bibigyan ng pagkain. Ngunit pagdating nila ay “walang lalaki roon.” At dahil walang taong mamomolestya o pipigil, “sila’y nagsipasok sa isang tolda, at nagsikain at nagsiinom, at nagsipagdala mula roon ng pilak, at ng ginto, at ng bihisan, at nagsiyaon at itinago; at sila’y bumalik, at pumasok sa ibang tolda, at nagdala rin mula roon, at nagsiyaon at itinago. Nang magkagayo’y nagsang-usapan sila, Hindi mabuti ang ginagawa natin: ang araw na ito ay araw ng mabubuting balita, at tayo’y tumatahimik.” At madali silang nagbalik sa siyudad na dala ang magandang balita. PH 214.2

Madami ang nasayang, sagana ang nasamsam sa araw na yaon “ang takal ng mainam na harina ay naipagbili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada ay isang siklo,” ayon sa salita ni Eliseo bago sa araw na yaon. Minsan pa ang pangalan ng Dios ay naitaas sa harapan ng mga pagano “ayon sa salita ng Panginoon” sa pamamagitan ng Kanyang propeta sa Israel. Tingnan ang 2 Hari 7:5-16. PH 214.3

Sa ganito ay nagpatuloy na gumawa taun-taon ang lalaki ng Dios, nalalapit sa mga tao sa tapat na paglilingkod, at sa panahon ng mga krisis ay tumayong tagapayo ng mga hari. Ang mahabang panahon ng pagsamba sa mga diyos sa bahagi ng mga pinuno at ng bayan ay gumawa ng nakalulunos na bunga; ang lambong ng pagtalikod, ay patuloy pa ring nakikita sa bawat dako, gayunman sa iba’t ibang dako ay may mga tapat na matatag na tumangging yumukod kay Baal. Sa patuloy na gawain ni Eliseo sa pagrereporma, marami ang nabawi sa pagka pagano, at ang mga ito ay natutong magalak sa paglilingkod sa tunay na Dios. Ang propeta ay pinasigla ng mga kababalaghang ito ng biyaya ng Dios, at tumanggap ng inspirasyong abutin silang may taimtim na puso. Saan mang dako ay sinikap niyang maging guro ng katuwiran. PH 214.4

Sa tingin ng tao ang hinaharap para sa espiritwal na pagpapasigla ng bayan ay walang pag-asa, tulad din ng tanawin ngayon ng mga lingkod ng Dios na gumagawa sa mga madidilim na dako ng lupa. Datapuwat ang iglesia ni Kristo ang ahensya ng Dios sa paghahayag ng katotohanan; binigyang kapang-yarihan sa isang tanging gawain; at kung siya ',ymagiging tapat sa Dios, masunurin sa Kanyang mga utos, ay malalagak sa kanya ang kapangyarihan ng Dios. Kung siya ',y magiging tapat sa pananayuan, ay walang kapangyarihang makatatagal laban sa kanya. Kung paanong ang ipa ay di makakalaban sa ipu-ipo, gayon din ang puwersa ng kasamaan ay di makatatayo sa iglesia. PH 215.1

Nasa harapan ng iglesia ang bukang liwayway ng maliwanag, maluwalhating araw, kung isusuot niya ang balabal ng katuwiran ni Kristo, na lumilisan sa pagtatapat sa sanlibutan. PH 215.2

Tinatawagan ng Dios ang lahat ng mga tapat sa Kanya, na naniniwala sa Kanya, na maghayag ng pampalakas ng loob sa mga walang pananampalataya at walang pag-asa. Manumbalik kayo sa Panginoon, kayong mga bilanggo ng pag-asa. Hanapin ang kalakasan sa Dios, ang buhay na Dios. Maghayag ng di natitinag, maamong pananampalataya sa Kanyang kapangyarihan at, Kanyang pagnanais na magligtas. Kung sa pananampaltaya ay hahawak tayo sa Kanyang lakas babaguhin Niya, sa kahanga-hangang paraan ang tanawing pinakaw alang pag-asa. Gagawin Niya ito sa ikaluluwalhati ng Kanyang pangalan. PH 215.3

Hangga 't si Eliseo ay nakapaglalakbay sa buong kaharian ng Israel, nagpatuloy siyang may aktibong interes sa pagpapalago ng mga paaralan ng mga propeta. Saan mang dako siya, ay kasama niya ang Dios, nagkakaloob ng salita at kapangyarihan sa paggawa ng mga milagro. Minsan, sinabi ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, Nanto ngayon, ang dakong aming kinatitirahan sa harap mo ay totoong gipit sa ganang amin. Isinasamo narrun sa iyo, na kami ay paparoonin sa Jordan, at kumuha roon ang bawat isa ng sikang, at gumawa kami para sa amin ng isang dako roon, na aming matatahanan.” 2 Han 6:1, 2. Si Eliseo ay sumama sa kanila sa Jordan, pinasisigla sila sa kanyang presensya, tinuturuan sila, at gumagawa ng himala bilang tulong sa kanilang paggawa. “Ngunit samantalang ang isa’y pumuputol ng isang sikang, ang talim ng palakol ay nalaglag sa tubig: at siya’y sumigaw, at nagsabi, Sa aba ko, panginoon ko! sapagkat hiram. At sinabi ng lalaki ng Dios, Saan nalaglag? At itinuro niya sa kanya ang dako. At siya’y pumutol ng isang patpat, at inihagis doon; at pinalutang ang bakal.” At kanyang sinabi, Kunin mo. Sa gayo’y kanyang iniunat ang kanyang kamay, at kinuha.” Talatang 57. PH 215.4

Malaki at malawak ang epekto ng kanyang ministri at impluwensya, anupa’t kahit na sa higaan ng kamatayan, ang Haring Joas na kabataan pa, isang mananamba sa diyus-diyusan ngunit mayroon lamang maliit na paggalang sa Dios, ay kinilala ang propeta bilang isang ama sa Israel, at tinanggap na ang presensya nito sa Israel ay higit na mahalaga sa panahon ng bagabag kaysa pagkakaroon ng maraming kabayo at karuwahe. Ayon sa tala: “Si Eliseo nga ay nagkasakit ng sakit na kanyang ikinamatay. At binaba siya, at iniyakan siya, at nagsabi, ama ko, ama ko, ang mga karo ng Israel, at ang mga nangangabayo niyaon.” 2 Hari 13:14. PH 216.1

Sa maraming kaluluwang bagabag ang propeta ay naging pantas at mapagmalasakit na ama. At sa pagkakataong ito ay di niya tinalikuran ang kabaatang walang Dios nasa harapan niya, na bagaman di karapatdapat sa bigat ng tungkuling nasa kanya, gayunman ay nangangailangan ng payo. Ang Dios sa Kanyang paglalaan ay dinala sa hari ang pagkakataong tubusin ang mga pagkukulang ng nakaraan at muling maitaas ang kaharian. Ang kaaway na Syriano na ngayon ay nakatira sa silangan ng Jordan, ay dapat gahisin. Minsan pa ang kapangyarihan ng Dios ay dapat mahayag sa kapakanan ng sumasalangsang na Israel. PH 216.2

Ang naghihingalong propeta ay nagsabi sa hari, “Kumuha ka ng busog at pana.” Sumunod si Joas. At sinabi ng propeta, “Ilagay mo ang iyong kamay sa busog: at inilagay niya ang kanyang kamay roon: at inilagay ni Eliseo ang kanyang mga kamay sa mga kamay ng hari. At kanyang sinabi, Buksan mo ang dungawan sa dakong silanganan”— na nakatutok sa mga siyudad sa kabila ng Jordan na pag-aari ng Syria. Binuksan ng hari ang dungawan, at inutusan ni Eliseong magpahilagpos siya. Sa paghilagpos ng pana, ang propeta’y malugod na nagsabing, “Ang pana nga ng pagtatagumpay ng Panginoon, samakatuwid baga’y ang pana ng pagtatagumpay sa Syria: sapagkat iyong sasaktan ang mga taga-Syria sa Aphek, hanggang sa iyong malipol.” PH 216.3

Ngayon sinubok ng propeta ang pananampalataya ng hari. Inutusan si Joas na tangnan ang pana, at sinabing, “Humampas ka sa lupa.” Tadong beses na humampas ang hari sa lupa, at tumigil. “Marapat nga sana na iyong hampasing makalima o makaanim,” pahayag ni Eliseo sa malakas na tinig; “sinaktan mo nga sana ang Syria hanggang sa iyong nalipol: kaya’t ngayo’y sasaktan mo ang Syria na makatlo lamang.” 2 Hari 13:15-19. PH 217.1

Ang liksyon ay para sa lahat ng nasa mga tungkulin ng pagtitiwala. Kapag binuksan ng Dios ang daan sa katuparan ng isang bagay at nagkaloob ng kasiguruhan ng tagumpay, ang napiling pamamaraan ay dapat gawin ang lahat sa kanyang kapangyarihan na hanggang matamo ang ipinangakong bunga. Katumbas ng sigasig at pagtitiyaga para ang gawain ay mapasulong ang kaloob ay tagumpay. Ang Dios ay makagagawa ng milagro para sa Kanyang bayan kung gagawin lamang nila ang kanilang bahagi na walang pagod. Tumatawag Siya sa mga lalaki ng pagtatalaga, ng kalakasang moral, ng may maningas na pag-ibig sa mga kaluluwa, at may sigasig na hindi nagbabago. Ang ganitong manggagawa ay di ipapalagay ang isang gawaing napakahirap, walang tanawing walang pag-asa; patuloy silang gagawa, walang takot, hanggang ang pagkatalo ay maging maluwalhating tagumpay. Kahit na ang bilangguan o ang pagiging martir, ay hindi magpapalihis sa kanilang adhikaing gumawang kasama ng Dios sa pagpapalago ng Kanyang kaharian. PH 217.2

Sa payo at pampalakas-loob na ibinigay kay Joas, nagtapos ang gawain ni Eliseo. Sa kanya kung kanino nabigay ang buong sukat ng espiritu na nananahan kay Elias, ay nagpatunay ng pagiging tapat hanggang sa wakas. Kailanman ay hindi siya nanghina. Kailanman ay hindi nawala ang kanyang pagtitiwala sa kapangyarihan ng Makapangyarihan sa lahat. Lagi na lamang, kapag ang daan ay parang sarado, ay nagpatuloy siyang may pananampalataya, at pinarangalan ng Dios ang kanyang pagtitiwala at binuksan ang daan para sa kanya. PH 218.1

Hindi para kay Eliseo na sumunod sa kanyang panginoon sa karuwaheng apoy. Sa kanya ay ipinahintulot ng Dios ang isang karamdamang matagalan. Sa mahabang panahon ng kahinaan ng tao at pagdurusa ang kanyang pananampalataya ay nanghawakan sa mga pangako ng Dios, at nakita niya ang mga makalangit na mensahero ng kaginhawahan at kapayapaan. Tulad ng sa taluktok ng Dotan na nakita niya ang mga mensahero ng kalangitang pumapaikot, ang mga karuwaheng apoy ng Israel at ang mga nakasakay doon, ngayon ay nadarama niya ang presensya ng mga anghel na nagmamalasakit, at siya ay napalakas. Sa buong buhay niya ay naghayag siya ng pananampalatayang malakas, at habang lumalago siya sa pagkaalam ng mga paglalaan ng Dios at ng Kanyang kahabagan at kagandahang loob, ang pananampalataya ay nahinog tungo sa isang nananahanang pagtitiwala sa Dios, at nang ang kamatayan ay tumawag sa kanya ay handa na siyang magpahinga sa kanyang mga gawa. PH 218.2

“Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng Kanyang mga banal.” Awit 116:15. “Ang matuwid ay may kanlungan sa kanyang kamatayan.” Kawikaan 14:32. Kasama ng mang-aawit, may katiyakang masasabi ni Eliseo, “Ngunit tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagkat tatanggapin Niya ako.” Awit 49:15. At, may kagalakang siya’y makapagpapatotoo, “Talastas ko na ang aking Manunubos ay buhay, at Siya'y tatayo sa lupa sa kahuli-hulihan.” Job 19:25. “Tungkol sa akin, aking mamasdan ang Iyong mukha sa katuwiran: ako’y masisiyahan, pagka bumangon, sa Iyong wangis.” Awit 17:15. PH 218.3