ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

17/69

Kabanata 13—“Ano ang Ginagawa Mo Dito?”

Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Hari 19:9-18.

Ang paglikas ni Elias sa Bundok ng Horeb, bagaman lingid sa tao, ay alam ng Dios; at ang pagal at lupaypay na propeta ay hindi iniwang nag-iisang makipagtunggali sa kapangyarihan ng kadilimang dumadagan sa kanya. Sa pagpasok sa yungib kung saan si Elias ay nagtago, ang Dios ay nakipagtagpo sa kanya, sa pamamagitan ng isang makapangyarihang anghel na isinugo upang usisain ang kanyang mga kailangan at ipaliwanag ang banal na adhikain para sa Israel. PH 140.1

Hanggat hindi lubusang natututuhan ni Elias na magtiwalang lubos sa Dios ay hindi niya matatapos ang gawain para sa kanilang nadaya upang sumamba kay Baal. Ang namumukod na tagumpay sa Carmel ay nagbukas ng daan para sa lalo pang dakilang tagumpay; ngunit sa mga kahanga-hangang pagkakataong nabuksan sa kanya, si Elias ay napigil ng banta ni Jezabel. Dapat ay maldta ng lalaking ito ng Dios ang kahinaan ng kanyang katayuan laban sa lugar na nais ng Dios na kanyang tayuan. PH 140.2

Kinatagpo ng Dios ang Kanyang nasubok na lingkod sa tanong na, “Ano ang ginagawa mo dito, Elias?” Isinugo kita sa ilog ng Kerit at pagkatapos ay sa balo ng Sarepta. Inutusan kitang magbalik sa Israel at tumayo sa harap ng mga saserdote ni Baal sa Carmel, at binigkisan kita ng kalakasan upang patnubayan ang karuwahe ng hari sa pintuan ng Jezreel. Datapuwat sino ang nagsugo sa iyo upang tumakas sa ilang? Ano ang gagawin mo dito? PH 140.3

Sa kapaitan ng kaluluwa ay itinangis ni Elias ang kanyang hinanakit: “Ako’y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo: sapagkat pinabayaan ng mga anak ni Israel ang Iyong dpan, ibinagsak ang Iyong mga dambana, at pinatay ng tabak ang Iyong mga propeta; at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinag-uusig ang aking buhay, upang kitlin.” PH 140.4

Inutusan ang propeta na lisanin ang yungib, pinatayo siya ng anghel sa harapan ng Panginoon sa bundok, at dinggin ang Kanyang salita. “At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputulputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; ngunit ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; ngunit ang Panginoon ay wala sa lindol: at pagkatapos ng lindol ay apoy; ngunit ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig. At nangyari, nang marinig ni Elias, ay tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan sa yungib.” PH 140.5

Hindi sa makapangyarihang paghahayag ng kapangyarihan ng langit, kundi sa “maliit na tinig,” na pinili ng Dios na ihayag ang Kanyang sarili sa Kanyang lingkod. Ninais Niyang ituro sa Kanyang lingkod na hindi laging ang malalaking gawain ang makapagtatagumpay ng Kanyang adhikain. Habang si Elias ay naghihintay sa paghahayag ng Panginoon, isang bagyo ang dumating, ang mga kidlat ay namalas, at isang lumalamong apoy ay nagdaan; ngunit ang Dios ay wala sa mga ito. At ito ay sinundan ng mahina, at banayad na tinig, at tinakpan ng propeta ang kanyang ulo sa harapan ng Panginoon. Ang pag-aalinlangan niya ay natahimik, ang diwa ay napalambot at nagupo. Nalaman niya ngayon ang tahimik na pagtitiwala, isang matatag na pagsandig sa Dios, ang laging maghahatid sa kanya ng tulong sa tamang panahon. PH 141.1

Hindi ang matalinong paglalahad ng katotohanan ng Dios ang laging aakit at hihikayat sa kaluluwa. Hindi sa galing ng pagsasalita o lohika na ang puso ng tao ay nakikilos, kundi sa matamis na impluwensya ng Banal na Espiritu, na gumagawang tahimik ngunit mabisa sa pagbabago at pagpapalago ng likas. Ang banayad, at maliit na tinig ng Espintu ng Dios ang may kapangyarihang magbago ng puso. PH 141.2

“Ano ang ginagawa mo dito, Elias?” ang tanong ng tinig; at muli ay tumugon ang propeta, “Akoy naging totoong marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo: sapagkat pinabayaan ng mga anak ni Israel ang Iyong tipan, ibinagsak ang Iyong mga dambana, at pinatay ng tabak ang Iyong mga propeta; at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinag-uusig ang buhay ko, upang kitlin.” PH 141.3

Tumugon ang Panginoon kay Elias na ang gumagawa ng kasamaan sa Israel ay di babayaan, kundi maparurusahan. Ang mga lalaki ay tanging pipiliin upang tumupad ng banal na adhikain sa pagpaparusa sa kaharian na sumasamba sa diyus-diyusan. May isang malupit na gawaing dapat isagawa, upang ang lahat ay mabigyan ng pagkakataong kunin ang kanilang dako sa panig ng tunay na Dios. Si Elias na nn ang babalik sa Israel, at ibabahagi sa iba ang pasanin ng paghahatid ng repormasyon. PH 141.4

At sinabi ng Panginoon kay Elias, “Ikaw ay yumaon, bumalik ka sa iyong lakad sa ilang ng Damasco: at pagdating mo, ay iyong pahiran ng langis si Hazael upang maging hari sa Syria: at si Jehu na anak ni Nimsi ay iyong papahiran ng langis upang maging han sa Israel: at si Eliseo na anak ni Saphat sa Abel-mehula ay iyong papahiran ng langis upang maging propeta na kahalili mo. At mangyayari na ang makatanan sa tabak ni Hazael ay papatayin ni Jehu: at ang makatanan sa tabak ni Jehu ay papatayin ni Eliseo.” PH 142.1

Akala ni Elias ay siya lamang sa Israel ang tanging sumasamba sa tunay na Dios. Ngunit Siya na nakababasa ng puso ng mga tao ay naghayag sa propeta na marami pa ring, sa kabila ng mahabang mga taon ng pagtalikod, ay nanatiling tapat sa Kanya. Sinabi ng Dios, “Gayon ma’y iiwan Ko’y pitong libo sa Israel, lahat na tuhod na hindi nagsiluhod kay Baal, at lahat ng bibig na hindi nagsihalik sa kanya.” PH 142.2

Mula sa karanasan m Elias sa mga panahong iyon ng kabiguan at waring pagkatalo ay maraming mga aral na makukuha, mga aral na lubhang mahalaga sa mga lingkod ng Dios sa panahong ito, maliwanag na lubos sa paglayo mula sa katuwiran . Ang pagtalikod ngayon ay tulad din ng pagtalikod sa katuwiran sa panahon ng propeta. Sa pagtataas ng tao higit sa Dios, sa papuring patungkol sa mga kilalang mga pangulo, sa pagsamba sa kayamanan, at sa paglalagay ng turo ng agham higit sa mga katotohanan ng pahayag, ang karamihan ngayon ay sumusunod kay Baal. Ang alinlangan at kawalang pananampalataya ay nagbibigay ng masamang impluwensya sa isipan at puso, at marami ang ipinagpapalit ang mga orakulo ng Dios sa mga turo ng tao. Hayagang itinuturo ngayon na nasa panahon na tayo na ang katuwiran ng tao ay itinataas kaysa sa mga turo ng Salita. Ang utos ng Dios, ang banal na pamantayan ng katuwiran, ay inihahayag na walang epekto. Ang kaaway ng lahat ng katotohanan ay gumagawang may mapanlinlang na kapangyarihan upang ang mga lalaki at babae ay ilagay ang mga institusyon ng tao sa lugar na dapat ay para sa Dios, at kalimutan ang mga bagay na itinalaga para sa kaligayahan at kaligtasan ng sangkatauhan. PH 142.3

Gayunman ang pagtalikod na ito, laganap man, ay hindi pansansinukob. Hindi lahat sa mundo ay walang kautusan at makasalanan; hindi lahat ay nasa panig na ng kaaway. Ang Dios ay may mga libong hindi lumuhod kay Baal, marami ang nananabik na higit na maunawaan ang tungkol kay Kristo at sa kautusan, marami ang umaasa pa ring si Jesus ay daranng upang wakasan ang pamamayani ng kasalanan at kamatayan. At marami ang sumasamba kay Baal na walang muwang, datapuwat ang Banal na Espiritu ay nakikipagpunyagi pa rin sa kanila. PH 143.1

Ang mga ito ay nangangailangan ng tulong nilang nakakilala sa Dios at kapangyarihan ng Kanyang salita. Sa ganoong panahong gaya nito, bawat anak ng Dios ay dapat na masiglang gumawa sa pagtulong sa iba. Gaya nilang may pagkaunawa sa katotohanan ng Biblia ay humahanap ng mga lalaki at babae na nangangailangan ng liwanag, ang mga anghel ng Dios ay pangangalagaan sila. At kung saan tumutungo ang mga anghel, walang sinumang dapat matakot na magpatuloy. Bilang bunga ng natatalagang paggawa ng mga tapat na manggagawa, marami ang mailalayo sa pagsamba sa mga diyusdiyusan tungo sa buhay na Dios. Marami ang titigil sa paglilingkod sa mga institusyong gawa ng tao at tatayong walang takot sa panig ng Dios at Kanyang kautusan. PH 143.2

Malaki ang nakasalalay sa walang tigil na paggawa ng mga tapat at tunay, at dahil dito si Satanas ay nagsisikap ng husto upang mapigil ang banal na layuning maisasakatuparan sa pamamagitan ng mga masunurin. Aakayin niya ang ilan na mawalan ng pantanaw sa mataas at banal na misyon, at masiyahan na lamang sa mga kalayawan ng buhay na ito. Aakayin niya silang mamahinga sa kagmhawahan, ukol sa mga pakinabang ng mundong ito, at aalisin sila sa mga dakong doon ay magiging impluwensya sila sa kabutihan. Ang iba ay itataboy niya mula sa tungkulin sa pamamagitan ng panlulupaypay dahilan sa pag-uusig o oposisyon. Datapuwat lahat ng mga ito ay isinasaalangalang ng Langit na may matinding kahabagan. Sa bawat anak ng Dios na nadala ng tinig ng kaaway ng kaluluwa upang matahimik, ang tanong ay ibinibigay, “Ano ang ginagawa mo dito?” Inutusan kitang humayo sa buong lupa at ipangaral ang ebanghelyo, ang maghanda ng isang bayan para sa araw ng Dios. Bakit naririto ka? Sino ang nagsugo sa iyo? PH 143.3

Ang kagalakang inilagay sa harap ni Kristo, ang kagalakang nagpanatili sa Kanya sa harap ng pagdurusa at saknpisyo, ay ang kagalakang makita ang makasalanan na naliligtas. Ito ang dapat na maging kagalakan ng bawat alagad Niya, ang pampasigla at pantulak sa kanyang ambisyon. Silang nakadadama, kahit na sa maliit na paraan lamang, kung ano ang kahulugan ng pagkatubos sa kanila at sa kanilang kapwa tao, ay makakaunawa sa malaking paraan ng mga pangangailangan ng sangkatauhan. Ang mga puso nila ay makikilos sa kahabagan habang nakikita nila ang moral at espirituwal na karalitaan ng libong nasa ilalim ng lilim ng nakakalunos na lagim, na kung ihahambing ang pisikal na pagdurusa ay bale wala lamang. PH 144.1

Sa mga sambahayan, gaya sa isahan, ay tinatanong, “Ano ang ginagawa mo dito?” Sa maraming iglesia ay mayroong mga pamilyang lubos na naturuan sa mga katotohanan ng salita ng Dios, na maaring magpalawak ng impluwensya sa paglipat sa mga dakong nangangailangan ng paglilingkod na maaari nilang ipagkaloob. Nananawagan ang Dios sa mga Kristianong sambahayan upang tumungo sa madidilim na dako ng lupa at matalinong gumawa para sa kanilang nalalambungan ng dilim na espintuwal. Kailangan ang pagsasakripisyo upang matugon ang panawagang ito. Samantalang ang iba ay naghihintay na maalis ang mga hadlang, may mga kaluluwang nangamamatay, na walang pag-asa at walang Dios. Para sa pakinabang na makamundo, upang magkamit ng mga kaalamang pang agham, ang mga tao ay handang tumungo sa mga dakong laganap ang peste at magdusa ng kahirapan at kasalatan. Nasaan silang laang gumawa ng ganito upang maibalita sa iba ang tungkol sa Tagapagligtas? PH 144.2

Kung, sa ilalim ng mga pangyayaring sumusubok, mga lalaking may kapangyarihang espirituwal ay nabibigatan, nanlulupaypay at namamanglaw, kung minsan ay wala silang makitang kanais-nais pa sa buhay, anupa’t pinipili nila ito, hindi na ito bago o kakatuwa pa. Aalalahanin ng lahat na kahit na ang pinakamakapangyarihang propeta ay tumakas din sa galit ng isang namumuhing babae. Isang takas, pagod at malayo ang nalakbay, ang mapait na kabiguan na dumadagan sa kanyang kaluluwa, hiniling niyang mamatay na sana. Datapuwat sa panahong ang pag-asa ay wala na at ang gawain ay parang talunan na, na natutuhan niya ang mga pinakamamahal na aral sa kanyang buhay. Sa oras ng pinakadakilang kahinaan natutuhan niya ang panganga-ilangan at posibilidad ng pagtitiwala sa Dios sa panahon ng mga pangyayaring lubhang mahirap. PH 144.3

Silang natutuksong manlupaypay sa panahon ng hindi makasariling paglilingkod at pag-uubos ng lakas dito, ay makasusumpong ng lakas ng loob sa karanasan ni Elias. Ang mapagbantay na pag-ibig ng Dios, ang Kanyang kapangyarihan, ay tanging inihahayag sa Kanyang mga lingkod na ang sigasig ay hindi mauunawaan o pinagpapahalagahan, na ang mga payo ay iniismiran, at ang mga pagsisikap ukol sa reporma ay ginagantihan ng muhi at oposisyon. PH 145.1

Sa panahon ng higit na kahinaan na sinisikap naman ni Satanas na ang kaluluwa ay subukang lubusan. Sa ganito sinikap niyang managumpay sa Anak ng Dios; sa ganitong paraan ay nanagumpay siya sa maraming tao. Kapag ang nasa ay napahina at ang pananampalataya ay nanlupaypay, silang tumayong matatag sa matagal na panahon ay nahuhulog sa tukso. Si Moises, na napagal sa loob ng apatnapung taong paglilimayon at kawalang pananampalataya, ay sumandaling bumitaw sa Walang Hanggang Kapangyarihan. Siya ay nabigo kahit sa pagpasok na sa Lupang Pangako. At gayon nga kay Elias. Siya na sa mga taon ng pagkatuyot at kagutom ay nanadling nagtitiwala kay Jehova, walang takot na tumayo sa harapan ni Ahab, at sa maghapong pagsubok sa Carmel ay tumayong nag-iisa sa harapan ng buong Israel bilang saksi ng tunay na Dios, sa isang sandali ng kahinaan ay pinayagang ang takot sa kamatayan ay daigin ang pagtitiwala sa Dios. PH 145.2

At gayon din ngayon. Kung tayo ay napapaligiran ng alinlangan, nagugulumihanan ng mga pangyayari, o ng kahirapan at karalitaan, sinisikap ni Satanas na ugain ang ating pagtitiwala kay Jehova. Inilalahad niya sa atin ang ating mga pagkakamali at tinutukso tayong huwag magtiwala sa Dios, na mag-alinlangan sa Kanyang pag-ibig. Inaasahan niyang ang kaluluwa ay mapanghina upang kumalas sa Dios. PH 145.3

Silang nasa unahan ng pagbabakang ito na inaatasan ng Banal na Espiritu sa isang tanging gawain, ay madalas na mararanasan ang reaksyon kapag ang bigat ay naalis. Ang kalumbayan ay maaaring umuga ng pananampalataya ng ilan at magpahina ng pinakamatatag na kapasyahan. Datapuwat ang Dios ay nakakaunawa, at Siya’y may habag pa rin at pag-ibig. Binabasa Niya ang mga motibo at adhikain ng puso. Ang maghintay na may pagtitiis, ang magtiwala gayong sa tingin ay madilim ang lahat, ay liksyong nais ng Dios na matutuhan ng mga lider ng gawain. Ang langit ay hindi magkukulang sa kanila sa araw ng kahirapan. Sa tingin ay wala nang hihina pa, datapuwat sa katunayan ay walang makagagapi pa, sa kaluluwang nakadadama ng kawalang lakas at lubusang nagtidwala sa Dios. PH 145.4

Hindi lamang para sa mga lalaking nasa katungkulang may malaking kapanagutan ang liksyon sa karanasan ni Elias na muling magtiwala sa Dios sa oras ng pagsubok. Siya na naging kalakasan ni Elias ay malakas upang itaas ang bawat anak Niyang nalalapagpunyagi, gaano man siya kahina. Sa bawat isa ay umaasa Siya ng katapatan, at sa bawat isa ay nagkakaloob Siya ng kapangyarihan ayon sa pangangailangan. Sa Kanyang sarili ang tao ay walang lakas; datapuwat sa kalakasan ng Dios ay may kakayahan siyang magtagumpay sa kasamaan at makatulong sa iba upang sila man ay magtagumpay. Si Satanas kailanman ay hindi mananaig sa kanyang ginagawa ang Dios bilang kanyang depensa. “Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan.” Isaias 45:24. PH 146.1

Kapwa ko Kristiano, alam ni Satanas ang iyong kahinaan; kaya manghawakan ka kay Jesus. Sa pananahanan sa pag-ibig ng Dios, makatatayo ka sa bawat pagsubok. Tanging ang katuwiran ni Kristo ang magkakaloob sa iyo ng kapangyarihang labanan ang kasamaang laganap ngayon sa sanlibutan. Dalhin ang pananampalataya sa iyong karanasan. Ang pananampalataya ay nagpapagaan ng pasanin, nagpapaginhawa ng pagod. Ang mga pangangalagang parang hiwaga sa iyo ngayon ay malulutas ng pagtitiwala sa Dios. Lumakad na may tiwala sa daang inilalahad Niya sa iyo. Daradng ang mga pagsubok, datapuwat magpatuloy ka. Ito ay magpapalakas sa iyong pananampalataya at mag-aangkop sa iyo sa paglilingkod. Ang tala ng banal na kasaysayan ay nasusulat, hindi lamang upang mabasa natin at hangaan, kundi upang ang pananampalatayang gumawa sa mga lingkod ng Dios noong una ay siya ring pananampalatayang makagawa sa mga lingkod ng Dios ngayon. Ang Dios ay gagawa ring katulad noong una kung saan may pusong may pananampalataya upang ito ay maging daluyan ng Kanyang kapangyarihan. PH 146.2

Sa atin, tulad ng kay Pedro, ay sinasabi, “Hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: datapuwat ikaw ay ipinamanhik Ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya.” Lucas 22:31, 32. Kailanman ay hindi iiwan ni Kristo sila na Kanyang pinagkamatayan. Maaaring tayo ay tumalikod sa Kanya at magupo ng tukso, datapuwat si Kristo kailanman ay hindi tatalikod sa sinumang binayaran ng Kanyang sariling buhay bilang pangtubos. Kung ang adng espirituwal na pananaw ay sisigla lamang, makikita natin ang mga kaluluwang nakayukod na sa mga pang-aapi at pinabibigatan ng kalungkutan, bagsak na tulad ng karitong may mabigat na pasan, at handa nang mamatay dahilan sa kabiguan. Makikita natin ang mga anghel na agad na lumilipad upang tumulong sa mga natutuksong ito, na itinataboy palayo ang puwersa ng kasamaang nakapalibot sa kanila, at inilalagay ang kanilang mga paa sa panatag na lugar. Ang mga digmaan sa pagitan ng dalawang hukbo ay totoong tulad ng mga digmaan ng mga hukbo sa lupang ito, at sa mga paksa ng espirituwal na tunggaliang ito ay nakasalalay ang mga walang hanggang hantungan. PH 146.3

Sa pangitain ni Propeta Ezekiel ay nakita ang isang kamay sa ilalim ng mga bagwis ng kerubin. Ito ay nagtuturo sa mga lingkod ng Dios na ang kapangyarihan ng langit ang nagkakaloob ng tagumpay. Silang ginagamit ng Dios bilang mga mensahero Niya ay di dapat makaisip na ang gawain ay nakasalalay sa kanila. Ang taong kulang ang lakas ay hindi pinababayaang siyang magsabalikat ng kapanagutan. Siya na hindi natutulog, Siyang patuloy na gumagawa sa ikatutupad ng mga panukala Niya, ay pasusulungin ang Kanyang gawain. Pipigilin Niya ang mga pakana ng masasamang tao at dadalhin sa kaguluhan ang mga payo nilang nagpapanukala ng masama sa Kanyang bayan. Siya na Hari, ang Panginoon ng mga hukbo, ay nakaupo sa pagitan ng mga kerubin, at sa gitna ng mga kaguluhan ng mga bansa ay nagsasanggalang pa rin sa Kanyang mga anak. Kapag ang mga tanggulan ng mga hari ay nawasak na, kapag ang mga palaso ng kagalitan ay tumama sa mga puso ng Kanyang mga kaaway, ang Kanyang bayan ay magiging panatag sa Kanyang mga kamay. PH 147.1