ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

18/69

Kabanata 14—“Sa Diwa at Kapangyarihan ni Elias”

Sa mahahabang siglong nagdaan mula ng panahon ni Elias, ang tala ng gawa ng kanyang buhay ay naging inspirasyon at tapang sa kanilang tinawagan upang tumayo sa matuwid sa gitna ng pagtalikod. At para sa atin, “na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon” (1 Corinto 10:11), ay mayroon itong tanging kahalagahan. Ang kasaysayan ay nauulit. Ang mundo ngayon ay mayroong mga Ahab at Jezabel. Ang kasalukuyang panahon ay laganap sa pagsamba sa mga diyus-diyusan tulad din ng panahong kinabuhayan ni Elias. Maaaring walang nakikitang panlabas na groto; maaarmg walang imaheng nakikita ng mata; gayunman ay libu-libo ang sumusunod sa mga diyos ng sanlibutang ito—kayamanan, katanyagan, kalayawan, at mga nakahahalinang kathang isip na umakay sa pusong hindi binyagan upang sundin ang mga sariling layaw. Ang karamihan ay may maling isipan tungkol sa Dios at Kanyang mga katangian, at tunay na naglilingkod sa huwad na diyos tulad ng mga sumasamba kay Baal. Marami sa kanilang nag-aangking Kristiano ang iniayon ang mga sarili sa mga impluwensyang kalaban ng Dios at ng Kanyang katotohanan. Sa ganito ay naaakay sila palayo sa Dios at tumungo sa pagtataas sa tao. PH 148.1

Sa panahon ngayon, ang kawalang katapatan at pagtalikod ang namamayaning diwa—isang diwa ng inaangking kaliwanagan dahilan sa nalalamang katotohanan, datapuwat sa katunayan ay pinakabulag na akala lamang. Ang mga teoriya ng tao ay itinaas sa dakong dapat kalagyan ng Dios at ng Kanyang utos. Tinutukso ni Satanas ang mga lalaki at babaeng sumuway na may pangakong sa pagsuway ay makasusumpong sila ng kalayaan at sila ay matutulad sa mga diyos. Makikita ang diwa ng oposisyon sa malinaw na salita ng Dios, ng mapagsambang pagtataas ng karunungan ng tao higit sa pagpapahayag ng langit. Binayaan ng taong ang kanilang mga isipan ay mapadilim at mapagulo sa pakikiayon sa mga makasanlibutang kostumbre at impluwensya anupa’t halos mawalan na sila ng lahat ng kapangyarihang makita ang pagkakaiba ng liwanag at kadiliman, ng kamalian at katotohanan. Napalayo silang gayon mula sa tamang landas na nanghahawakan sila sa mga opinyon ng mga ilang pilosopo, na sinasabing, higit na mapagkakatiwalaan kaysa mga katotohanan ng Biblia. Ang mga pagsamo at pangako ng salita ng Dios, mga babala nito laban sa pagsuway at pagsamba sa mga ibang diyos—ang mga ito ay parang walang lakas na magpalambot ng kanilang mga puso. Ang isang pananampalatayang tulad ng nagpakilos kay Pablo, Pedro, at Juan ay tinuturing na sinauna, mistiko, at hindi dapat bigyang pansin ng makabagong isipan ng tao. PH 148.2

Nang pasimula, ay ibinigay ng Dios ang Kanyang kautusan sa sangkatauhan bilang paraan ng pagtatamong kaligayahan at walang hanggang buhay. Ang tanging pag-asa ni Satanas upang mahadlangan ang adhikain ng Dios ay ang akayin ang mga lalaki at babaeng sumuway sa kautusang ito, at ang patuloy na pagsisikap niya ay bigyan ng maling kahulugan ang mga aral at maliitin ang kahalagahan nito. Ang malakihang kilos niya ay ang pagbabago ng kautusan, upang ang tao 'y maakay sa pagsalangsang sa mga utos samantalang nagsasabing sumusunod naman dito. PH 149.1

Isang manunulat ang naghalintulad ng pagtangkang baguhin ang kautusan ng Dios sa isang mapagbirong pagpihit ng karatulang nagbibigay direksyon sa tao doon sa sugpungan ng dalawang lansangan. Ang kaguluhan at hirap na ibinubunga ng masamang birong ito madalas ay napakalaki. PH 149.2

Ang isang karatula sa daan ay ginawa ng Dios para sa kanilang naglalakbay sa sanlibutang ito. Isang kamay ng karatulang ito ay nagtuturo ng kusang loob na pagsunod sa Manlalalang bilang daan ng kaligayahan at buhay, samantalang ang isang kamay ay nagtuturo sa daang patungo sa kahirapan at kamatayan. Ang landas tungo sa buhay ay malinaw na inilahad tulad ng mga siyudad na kanlungan sa panahon ng mga Judio. Datapuwat sa isang masamang panahon sa ating kasaysayan, ang dakilang kaaway ng lahat ng mabuti ay ipinihit ang palatandaan, ang karamihan ay naligaw ng landas. PH 149.3

Sa pamamagitan ni Moises ay nagtagubilin ang Dios sa Israel: “Katotohanang ipangingilin ninyo ang Aking mga Sabbath: sapagkat isang tanda sa Akin at sa inyo sa buong panahon ng myong mga lahi; upang inyong makilala na Ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo. Inyong ipangingilin ang Sabbath nga; sapagkat yao’y pangilin sa inyo: bawat lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagkat sinumang gumawa ng anumang gawa...sa araw ng Sabbath, ay walang pagsalang papatayin. Kaya’t ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng Sabbath, na tutuparin ang Sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan. Ito’y isang tanda sa Akin at sa mga anak ni Israel magpakailanman: sapagkat sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan.” Exodo 31:13-17. PH 149.4

Sa mga salitang ito ay malinaw na ipinaliwanag ng Panginoon ang pagsunod bilang daan patungo sa Lunsod ng Dios; datapuwat ang lalaki ng kasalanan ay ipinihit ang karatula, at itinuro sa maling daan. Nagtatag siya ng huwad na sabbath at binigyang maling isipan ang mga tao na sa pangingilin nito ay nakakasunod na sila sa utos ng Manlalalang. PH 150.1

Inihayag ng Dios na ang ikapitong araw ang Sabbath ng Panginoon. Nang “nayari ang langit at ang lupa,” idnaas Niya ang araw na ito bilang alaala ng Kanyang gawang paglalang. Sa pagpapahinga sa ikapitong araw sa “Kanyang madlang ginawa,” “binasbasan ng Dios ang ikapitong araw, at Kanyang ipinangilin.” Genesis 2:1-3. PH 150.2

Sa panahon ng Exodo mula sa Egipto, ang institusyon ng Sabbath ay malinaw na iniharap sa bayan ng Dios. Habang sila ay alipin pa, sinikap ng kanilang mga panginoong pilitin silang magtrabaho kung Sabbath sa pamamagitan ng pagdaragdag ng gawaing kailangan bawat linggo. Paulit-ulit na pinahirap ang mga kundisyon ng paggawa at lalong mahigpit. Datapuwat ang mga Israelita ay napalaya sa pagkabihag at dinala sa isang dakong doon ay masusunod nilang walang sagabal ang lahat ng utos ni Jehova. Sa Sinai ay sinalita ang kautusan; at ang isang sipi nito, sa dalawang tapyas na bato, “na sinulatan ng daliri ng Dios” ay ibinigay kay Moises. Exodo 31:18. At sa loob ng halos apatnapung taong paglalagalag ang mga Israelita ay palagiang pinaalalahanan ng itinalagang araw ng kapahingahan ng Dios, sa pagkakait ng mana tuwing ikapitong araw at ang mahimalang pag-iingat ng dobleng sukat na kaloob tuwing ikaanim na araw na siyang paghahanda. PH 150.3

Bago pumasok sa Lupang Pangako, ang mga Israelita ay pinayuhan ni Moises na “ipagdiwang ang araw ng Sabbath, upang ipangilin.” Deuteronomio 5:12. Ipinanukala ng Dios na sa pamamagitan ng tapat na pangingilin ng utos tungkol sa Sabbath, ang Israel ay patuluyang mapaalalahanan ng kanilang kapanagutan sa Kanya bilang Manlalalang at Manunubos. Habang naiingatan nila ang Sabbath sa wastong diwa, ang pagsamba sa mga diyus-diyusan ay di makakapasolq datapuwat kapag ang pag-aangkin ng itinuturo ng Kautusan ay isasaisantabi na wala nang bisa, ang Manlalalang ay makakalimutan at ang mga tao ay sasamba na sa ibang mga diyos. “Ibinigay Ko rin naman sa kanila ang Aking mga Sabbath,” pahayag ng Dios, “upang maging tanda sa Akin at sa kanila, upang kanilang makilala na Ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.” Pero “kanilang itinakwil ang Aking mga kahatulan, at hindi nagsilakad ng ayon sa Aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang Aking mga Sabbath: sapagkat ang kanilang puso ay nagsisunod sa kanilang mga diyusdiyusan.” At sa Kanyang pagsusumamong bumalik sa Kanya, muli Niyang tinawag ang kanilang pansin sa kahalagahan ng pag-iingat sa Sabbath na banal. “Ako ang Panginoon ninyong Dios; magsilakad kayo ng ayon sa Aking mga palatuntunan, at ingatan ninyo ang Aking mga kahatulan, at inyong isagawa; at inyong ipangilin ang Aking mga Sabbath; at mga magiging tanda sa Akin at sa inyo, upang myong maalaman na Ako ang Panginoon ninyong Dios.” Ezekiel 20:12, 16, 19, 20. PH 150.4

Sa pagtawag sa Juda sa mga kasalanan nitong sa wakas ay naghatid sa kanila ng pagkabihag sa Babilonia, inihayag ng Panginoon: “Iyong ...nilapastanganan ang Aking mga Sabbath.” “Kaya’t Along ibmuhos ang Aking galit sa kanila; Aking sinupok sila ng apoy ng Along poot: ang kanilang sariling lakad ay Aking pinarating sa kanilang mga ulo, sabi ng Pangmoong Dios.” Ezekiel 22:8, 31. PH 152.1

Sa muling pagtatayo ng Jerusalem sa panahon ni Nehemias, ang paglabag sa Sabbath ay hinarap ng matigas na tanong, “Hindi ba nagsigawa ng ganito ang inyong mga magulang, at hindi ba dinala ng adng Dios ang buong kasamaang ito sa atm, at sa bayang ito? gayon ma’y nangagdala pa kayo ng higit na pag-mit sa Israel, sa paglapastangan ng Sabbath.” Nehemias 13:18. PH 152.2

Si Kristo, sa unang bahagi ng Kanyang paglilingkod sa sanlibutan, ay nagdiin sa madbay na pag-aangkin ng Sabbath; sa lahat ng Kanyang aral ay ipinakita Niya ang paggalang sa institusyong ito na Siya na rin ang nagbigay. Sa panahon Niya ang Sabbath ay totoong napasama anupa’t ang pangingilin nito ay naglarawan ng pagkamakasanli at mga taong sumusunod sa mga sariling kuro-kuro sa halip ng likas ng Dios. Binali wala ni Kristo ang mga maling aral na itinuro ng mga lalaking ito na nagsasabing kilala naman ang Dios. Bagaman laging sinusundan ng walang habag na galit ng mga guro, Siya ay hindi nagpakita kahit ng pakikiayon man lamang sa kanilang mga kahilingan, kundi tuwid at lantad na iningatan ang Sabbath ayon sa utos ng Dios. PH 152.3

Sa pangungusap na hindi mapagkakamalan Siya ay nagpatotoo ng Kanyang pagpapahalaga sa utos ni Jehova, “Huwag ninyong isiping Ako’y naparito upang sirain ang kautusan, o ang mga propeta,” wika Niya; “Ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagkat katotohanang sinasabi Ko sa myo, hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit sa anumang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Kaya’t ang sinumang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliit-liitan sa kaharian ng langit: datapuwat ang sinumang gumanap at ituro, ito’y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.” Mateo 5:1719. PH 153.1

Sa panahon ng Kristianismo, ang dakilang kaaway ng kaligayahan ng tao ay ginawang ang Sabbath na ikaapat na utos na obheto ng tanging pagsalakay. Sinabi ni Satanas, “Ako ay gagawang laban sa mga adhikain ng Dios. Bibigyan ko ng kapangyarihan ang aking mga galamay na isaisantabi ang alaala ng Dios, ang ikapitong araw na Sabbath. Sa ganito ay ipapakita ko sa mundo na ang araw na binanal at pinagpala ng Dios ay nabago na. Ang araw na iyon ay di mananatili sa mga isipan ng tao. Buburahin ko ang alaala nito. Sa halip niyon ay ilalagay ko ang isang araw na walang kredensyal ng Dios, isang araw na hindi maaaring maging tanda sa pagitan ng Dios at Kanyang bayan. Aakayin ko ang mga tatanggap ng araw na ito na idagdag dito ang kabanalang inilagay ng Dios sa ikapitong araw. PH 153.2

“Sa pamamagitan ng kahalili ko, itataas ko ang aking sarili. Ang unang araw ay pahahalagahan, at ang sanlibutang Protestante ay tatanggapin ang huwad na sabbath bilang siyang tunay. Sa pamamagitan ng di pangingilin ng Sabbath na idnatag ng Dios, dadalhin ko ang Kanyang kautusan sa paglibak. Ang mga salitang, ‘Isang tanda sa Akin at sa inyo sa buong panahon ng mga lahi,’ ay gagawin kong kagaapay ng aking sabbath. PH 153.3

“Sa ganito ay mapapasaakin ang sanlibutan. Ako ang maghahari sa lupa, ang prinsipe ng sanlibutan. Gayon ko kokontrolin ang mga isipang nasa ilalim ng aking kapangyarihan anupa’t ang Sabbath ng Dios ay magiging obheto ng pag-aglahi. Isang tanda? Gagawin kong ang pangingilin ng ikapitong araw bilang tanda ng kawalang pagtatapat sa mga otoridad sa lupa. Mga batas ng tao ay gagawin kong napakabigat upang walang mga lalaki at mga babae mang maglakas ng loob na ingatan ang ikapitong araw na Sabbath. Sa takot na magkulang sa pagkain o pananamit, sila ay sasanib sa sanlibutan sa paglabag sa utos ng Dios. Ang lupa ay lubusang mapapasailalim ng aking kapamahalaan.” PH 154.1

Sa pamamagitan ng pagtatag ng huwad na sabbath, inisip ng kaaway na baguhin ang mga utos at mga panahon. Datapuwat nagtagumpay nga kaya siya sa pagbabago ng utos ng Dios? Ang mga salita sa Exodo 31 ang siyang kasagutan. Siya na hindi nagbabago kahapon, ngayon, at magpakailanman, ay naghayag ng tungkol sa ikapitong araw na Sabbath: “Isang tanda sa Akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi.” “Ito’y isang tanda...magpakailanman.” Exodo 31:13, 17. Ang karatula ay tumuturo sa ibang daan, datapuwat ang Dios ay di nagbabago. Siya pa rin ang makapangyarihang Dios ng Israel. “Narito ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa dmba, inaari na parang munting alabok sa dmbangan: narito, Kanyang idnataas ang mga pulo na parang napakaliit na bagay. At ang Libano ay hindi sukat upang sunugin, ni ang mga hayop niyaon ay sukat na pinakahandog na susunugin. Lahat ng mga bansa ay parang walang anuman sa harap Niya; nangabilang sa Kanya na kulang kaysa wala, at walang kabuluhan.” Isaias 40:15-17. At Siya ay masigasig ngayon na ipagtanggol ang Kanyang utos katulad ng mga panahon ni Ahab at Elias. PH 154.2

Ngunit gaano nga na ang kautusan ay niwalang bahala! Pagmasdan ang sanlibutan ngayon na lantad na naghihimagsik sa Dios. Sa katotohanan ang lahi ngayon ay masama, puno ng kawalang utang na loob, may pormalismo, walang katapatan, mapagmataas, at pagtalikod. Ang mga tao ay kinalimutan ang Biblia at namumuhi sa katotohanan. Nakikita ni Jesus na ang Kanyang kautusan ay tinanggihan, ang pag-ibig Niya ay itinakwil, mga sugo Niya ay di pinansin. Nagsalita Siyang may kahabagan, ngunit hindi pinagpahalagahan; nangusap Siya ng mga babala, datapuwat hindi pinakinggan. Ang kaluluwang templo ay naging dako ng walang kabanalang gawain. Kasakiman, inggit, pagmamataas, masamang nasa—lahat na ito ay minahal. PH 154.3

Marami ang walang pag-aatubiling umiismid sa salita ng Dios. Silang naniniwala sa tiyak na salita ay nagtatawanan. May lumalagong pagmamalaki laban sa batas at kaayusan, na tuwirang bunga ng paglabag sa maliwanag na mga utos ni Jehova. Karahasan at krimen ay bunga ng pagtalikod sa daan ng pagsunod. Pagmasdan ang kautusan at kahirapan ng karamihang sumasamba sa mga groto ng mga diyusdiyusan at naghahangad na walang katuturan sa kaligayahan at kapayapaan. PH 155.1

Pagmasdan ang halos pambuong sanlibutang pagwawalang bahala sa utos ukol sa Sabbath. Tingnan din ang malalakas na loob nilang walang kabanalan na nagbubuo ng mga batas upang isanggalang ang iniisip na kabanalan ng unang araw ng sanlinggo, at kasabay naman nito ay gumagawa ng batas upang pahintulutan ang pagbibili ng alak. Nag-aanyong higit na pantas sa nasusulat, sinisikap nilang ipilit sa konsyensya ng tao, samantalang nagpapahintulot na saktan at wasakin ang mga nilalang ng Dios sa Kanyang wangis. Si Satanas na rin ang nagpapasigla sa ganitong mga batas. Alam niya na ang sumpa ng Dios ay lalapag sa kanilang nagtataas ng mga batas ng tao higit sa batas ng Dios, at ginagawa niya ang lahat sa kanyang kapangyarihan upang akayin ang mga tao sa maluwang na lansangang ang dulo ay kapahamakan. PH 155.2

Matagal na ang tao ay sumasamba sa mga kuro-kuro ng tao at mga institusyon ng tao anupa’t halos ang buong mundo ay sumusunod at naglilingkod sa mga idolo. At siyang nagsikap magbago ng utos ng Dios ay gumagawa ng lahat ng pandaraya upang hikayatin ang mga lalaki at babaeng humanay laban sa Dios at sa tanda na dito ay nakikilala ang mga matuwid. Datapuwat hindi pababayaan ng Dios na ang Kanyang utos ay patulupng wasakin at aglahiing walang patumangga. May panab ng darating na “ang mga ringing mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, at ang Panginoon mag-isa ay mabubunyi sa kaarawang yaon.” Isaias 2:11. Ang mga walang paniniwala ay maaaring tawanan, biruin, at tanggihan ang mga pag-aangkin ng salita ng Dios. Ang diwa ng kamunduhan ay maaaring manghawa sa marami at kontrolin ang ilan, ang gawain ng Dios ay maaaring tumayong matatag sa pamamagitan lamang ng malaking paghihirap at patuluyang sakripisyo, gayunman sa wakas ang katotohanan ay magtatagumpay na maluwalhati. PH 155.3

Sa pagtatapos ng gawain ng Dios sa lupa, ang pamantayan ng Kanyang kautusan ay muling matataas. Ang huwad na relihiyon ay maaaring mangibabaw, kasamaan ay lumaganap, ang pag-ibig ng marami ay maaaring manlamig, ang krus ng Kalbaryo ay maaaring manlabo sa paningin, at ang kadiliman, tulad ng lambong ng kamatayan, ay maaaring lumaganap sa buong mundo; ang buong puwersa ng kilalang tema ay maaaring lumaban sa katotohanan; pakana sa pakana ay maaaring mabuo upang ibagsak ang bayan ng Dios; datapuwat sa oras ng pinakamalaking panganib ang Dios ni Elias ay magbabangon ng mga taong magpapalaganap ng mensahe na hindi mapatatahimik. Sa mga siyudad na dagsa ang mga tao, at sa mga dakong ang mga lalaki ay humayo upang lubusang magsalita laban sa Kataastaasan, ang tinig ng matigas na batikos ay maririnig. Matapang na ang mga lalaking itinalaga ng Dios ay tutuligsain ang pagsasanib ng iglesia sa sanlibutan. Taimdm na mananawagan sila sa mga lalaki at babae na bumalikwas mula sa pangingilin ng araw na idnatag ng tao tungo sa pangingilin ng tunay na Sabbath. “Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa Kanya;” ibabantala nila sa bawat bansa; “sapagkat dumating ang panahon ng Kanyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa, at ng dagat, ng mga bukal ng tubig.... Kung ang sinuman ay sumasamba sa hayop at sa kanyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kanyang noo, o sa kanyang kamay, ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng Kanyang kagalitan.” Apocalipsis 14:7-10. PH 156.1

Hindi sisirain ng Dios ang Kanyang tipan, ni babaguhin man ang salitang lumabas sa Kanyang bibig. Ang mga salita Niya ay magpawalang hanggan tulad ng Kanyang di nagbabagong trono. Sa paghuhukom, ang Kanyang tipan ay ilalabas, malinaw na isinulat ng daliri ng Dios, at ang lupa ay kakasuhan sa harapan ng hukuman ng Walang Hanggang Katarungan upang tumanggap ng sentensya. PH 156.2

Ngayon, tulad din sa mga kaarawan ni Elias, ang linya ng pagkakabahagi ng bayan ng Dios na tumutupad sa mga utos at sa mga mananamba sa huwad na diyos ay malinaw na makikita. “Hanggang kailan kayo mangag-aalinlangan sa dalawang isipan?” wika ni Elias; “kung ang Panginoon ay Dios, sumunod kayo sa Kanya: ngunit kung si Baal, sumunod nga kayo sa kanya.” 1 Hari 18:21. At ang pabalita ngayon ay: “Naguho, naguho ang daldlang Babilonia.... Mangagsilabas kayo sa kanya, bayan Ko, upang huwag kayong mangaramay sa kanyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kanyang mga salot. Sapagkat ang kanyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kanyang mga katampalasanan.” Apocalipsis 18:2, 4, 5. PH 157.1

Hindi na malayo pa ang oras na ang subukan ay darating sa bawat kaluluwa. Ang pangingilin ng huwad na sabbath ay ipipilit sa adn. Ang labanan ay sa pagitan ng tumutupad sa mga utos ng Dios at doon sa sumusunod sa mga utos ng tao. Silang sa bawat hakbang ay nagpadala sa makasanlibutang bagay at nakiayon sa mga gawa ng mundo ay pasasakop sa mga makapangyarihan, upang hindi masama sa pagtuya, libak, bantang pagkabilanggo, at kamatayan. Sa panahong iyon, ang ginto ay ihihiwalay sa tanso. Ang tunay na kabanalan ay mailwanag na mabubukod sa kinang at tanso. Maraming mga bituin na hinangaan sa kanilang kinang ay magdidilim. Silang nag-angkin ng mga kagayakan ng santuwaryo, gayunman ay hindi naramtan ng katuwiran ni Kristo, ay malalantad sa kahihiyan ng kanilang kahubaran. PH 157.2

Kabilang sa mga nananahan sa lupa, na nasa maraming dako, mayroong hindi lumuhod kay Baal. Tulad ng mga bituin sa langit na nakikita lamang kung gabi, ang mga tapat na ito ay kikinang kapag ang kadiliman ay tumakip sa lupa at ganap na kadiliman sa mga tao. Sa Africa na walang diyos, sa mga lupaing Katoliko ng Europa at Timog America, sa Tsina, sa India, sa mga pulo ng dagat, at sa lahat ng madidilim na sulok ng lupa, ang Dios ay may reserbang hirang na magliliwanag sa gitna ng kadiliman, na maliwanag na maghahayag sa tumalikod na sanlibutan ng nagpapabagong kapangyarihan ng pagsunod sa Kanyang kautusan. Ngayon pa ay nakikita na ang mga ito na lumilitaw sa bawat bansa, sa gitna ng mga wika at bayan; at sa oras ng pinakamalalim na pagtalikod, na ang lubos na pagsisikap ni Satanas ay naging dahilan na “ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin,” ay makatatanggap, sa kaparusahang kamatayan, ng tanda ng katapatan sa maling araw ng kapahingahan, itong mga tapat, “walang sala at malay, mga anak ng Dios, na walang dungis,” ay “liliwanag tulad sa mga ilaw sa sanlibutan.” Apocalipsis 13:16; Filipos 2:15. Kung lalong madilim ang gabi, lalong makinang ang kanilang pagliliwanag. PH 157.3

Ano ngang kakaibang gawain ang nagawa ni Elias sa pagbilang sa Israel sa panahong ang hatol ng Dios ay bumabagsak sa tumatalikod na bayang ito! Iisa lamang ang nabilang sa panig ng Dios. Ngunit nang kanyang sabihin “ako, lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang buhay ko,” ang salita ng Panginoon ay gumulat sa kanya, “Gayon ma’y iiwan Ko’y pitong libo sa Israel, lahat na tuhod na hindi nagsiluhod kay Baal.” 1 Hari 19:14, 18. PH 158.1

Walang sinumang maghangad na bilangin ang Israel ngayon, kundi ang bawat isa ay magtaglay ng pusong laman, isang pusong mahabagin, isang pusong, tulad ng puso ni Kristo, na umaabot para sa kaligtasan ng sanlibutang napahamak. PH 158.2