ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

16/69

Kabanata 12—Mula sa Jezreel Hanggang Horeb

Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Hari 18:41-46; 19:1-8.

Sa pagpatay sa mga propeta ni Baal, ang landas ay nabuksan upang maipagpatuloy ang makapangyarihang repormang espirituwal sa sampung tribo ng kaharian sa hilaga. Ipinakita ni Elias sa bayan ang kanilang pagtalikod; nanawagan siya sa kanila upang magpakababa ng puso at manumbalik sa Panginoon. Ang hatol ng Langit ay naisagawa na; ang bayan ay nangumpisal ng kanilang mga kasalanan, at kinilala ang Dios ng kanilang mga magulang bilang buhay na Dios; at ngayon ang sumpa ng langit ay babawiin na, at ang mga pansamantalang pagpapala ng buhay ay igagawad. Ang lupa ay muling pagiginhawahin ng ulan. “Bumangon ka, kumain at uminom,” wika ni Elias kay Ahab; “sapagkat may tunog ng masaganang ulan.” At ang propeta ay nagtungo sa taluktok ng bundok upang manalangin. PH 130.1

Hindi sapagkat nakikita na ang palatandaan na ang ulan ay papatak na nga, na si Elias ay may kompiyansang nagtungo kay Ahab upang papaghandain ito. Walang ulap sa mga langit na nakita ang propeta; walang kulog na narinig. Sinalita lamang niya ang salita ng Espiritu ng Pangioon na kumilos sa kanya na salitain bunga ng kanyang malakas na pananampalataya. Sa buong araw ay walang tigatig na ginanap niya ang kalooban ng Dios at tiyakang inihayag ang pagtidwala sa mga propesiya sa salita ng Dios; at ngayon, matapos na gawin ang lahat sa kapangyarihan niyang gawin, alam niyang ang Langit ay masaganang magkakaloob ng mga pagpapalang ipinopropesiya. Siya ring Dios na nagpadala ng pagkatuyo ay nangako ng saganang ulan bilang pabuya ng mabuting gawa; at ngayon si Elias ay naghintay ng pangakong pagbubuhos. Sa kababaan ng diwa, “ang kanyang mukha ay nasa pagitan ng tuhod,” siya ay namagitan sa Dios sa kapakanan ng nagsisising Israel. PH 130.2

Paulit-ulit na nagsugo si Elias sa kanyang alipin mula sa gawi ng Mediteranea, upang maalaman kung mayroong palatandaan na ang dalangin niya’y dininig na ng Dios. Sa bawat pagkakataon ay nagbalik ang alipin na may balitang, “Wala pa.” Ang propeta ay hindi nainip o nagkulang sa tiwala, kundi nagpatuloy sa maningas na dalangin. Anim na ulit na nagbalik ang aliping may balitang wala pang tanda ng pag-ulan sa mapangahas na mga langit. Hindi nawawalan ng pagasa, isinugo pa siyang minsan ni Elias; at ngayon ang alipin ay bumalik na may balitang, “Nakita kong may maliit na ulap na pumaitaas mula sa dagat, kasing laki ng kamay ng tao.” PH 130.3

Sapat na ito. Hindi na naghintay pa si Elias na ang mga langit ay lubusang magdilim. Sa maliit na ulap na iyon ay nakita niya sa pananampalataya ang saganang ulan; at siya ay kumilos ayon sa kanyang pananampalataya, isinugo ang alipin kay Ahab na taglay ang balitang, “Ihanda mo ang iyong karuwahe, at magmadali ka upang di ka abutan ng ulan.” PH 131.1

Sapagkat si Elias ay lalaking may dakilang pananampalataya na siya ay maaaring gamitin ng Dios sa malagim na panganib sa Israel. Sa pananalangin niya ang kanyang pananampalataya ay nanghawakan sa mga pangako ng Langit, at nagpatuloy siya sa pananalangin hanggang dininig ang kanyang mga daing. Hindi siya naghintay ng buong katibayang dininig na siya ng Dios, kundi handang kumilos kahit na sa bahagyang tanda ng kaluguran ng langit. At ang nagampanan niya sa ilalim ng Dios, ay magagawa din ng lahat sa kanilang sakop ng gawain sa paglilingkod sa Dios; sapagkat tungkol sa propeta mula sa mga kabundukan ng Galaad ay nasusulat: “Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng adn, at siya’y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan: at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.” Santiago 5:17. PH 131.2

Ang pananampalatayang tulad nito ay kailangan sa sanlibutan ngayon—pananampalatayang manghahawakan sa mga pangako ng Dios ay hindi bibitaw hanggang sa ang Langit ay duminig. Ang ganitong pananampalataya ay nag-uugnay na malapit sa atin sa Langit, at naghahatid sa atin ng kalakasan upang makayanan ang mga kapangyarihan ng kadiliman. Sa pamamangitan ng pananampalataya ang mga anak ng Dios ay “na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalataya’y nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, nangagtamo ng mga pangako, nangagtikom ng mga bibig ng mga leon, nagsipatay ng bisa ng apoy, nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka, nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa.” Hebreo 11:33, 34. At sa pananampalataya tayo ngayon ay makararatmg sa taas ng adhikain ng Dios sa atin. “Kung kaya mo, ang lahat ng mga bagay ay may pangyayan sa kanya na nananampalataya.” Marcos 9:23. PH 131.3

Ang pananampalataya ay mahalagang sangkap ng panalanging matagumpay. Ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at Siya ang tagapagbigay gand sa mga sa Kanya’y nagsisihanap.” “Kung tayo’y hummgi ng anumang bagay na ayon sa Kanyang kalooban, ay dinidinig tayo Niya: at kung ating nalalaman na tayo’y dinidinig Niya sa anumang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa Kanya’y ating hiningi.” Hebreo 11:6; 1 Juan 5:14, 15. Sa masugid na pananampalataya ni Jacob, ang hindi natitinag na tiyaga m Elias, maaan tayong magharap ng mga kahilmgan sa Ama, na inaangkin ang lahat Niyang mga pangako. Ang karangalan ng Kanyang trono ay nakataya sa katuparan ng Kanyang salita. PH 132.1

Ang lambong ng gabi ay nagtitipon sa Bundok ng Carmel nang si Ahab ay naghandang bumaba. “At dumating maya-maya, na ang langit ay dumilim na may mga ulap at hangin, at may malakas na ulan. At sumakay si Ahab, at pumaroon sa Jezreel.” Sa paglalakbay niya patungo sa makaharing siyudad sa gitna ng dilim at nakabubulag na ulan, ay hindi makita ni Ahab ang daan. Si Elias, na, propeta ng Dios na sa maghapong iyon ay pinahiya si Ahab sa harap ng nasasakupan niya at pinaslang ang kanyang mga saserdoteng mananamba sa mga diyus-diyusan, ay kinilala pa rin siya bilang hari ng Israel; at ngayon, upang magbigay galang dito, at pinalakas ng kapangyarihan ng Dios, ay tumakbo sa harapan ng karuwahe, at pinatnubayan ang hari hanggang sa pintuan ng siyudad. PH 132.2

Sa mabiyayang gawang ito ng mensahero ng Dios na ipinakita sa isang masamang hari ay makikita ang isang liksyon para sa kanilang nag-aangking mga lingkod ng Dios, datapuwat nagmamataas sa kanilang sariling tingin. Mayroong nag-iisip na ang gawain ay napakababa para sa kanila at ayaw itong gawin. Atubili silang gumanap ng tungkuling kinakailangan, natatakot na baka ang ginagawa nila ay gawain ng isang alipin. Ang mga ito ay maraming matututuhan sa halimbawa ni Elias. Sa kanyang salita ang mga kayamanan ng langit ay napigilan sa lupa; at siya ay hayagang pinarangalan ng Dios, sa pagtugon sa dalangin niya sa Carmel, ang apoy ay nakita sa langit at tumupok ng handog; ang kamay niya ang nagsagawa ng kahatulan ng Dios sa pagpatay sa mga propetang sumasamba sa mga diyusdiyusan; ang dalangin niya para sa ulan ay dininig. Gayunman, matapos ang mga tiyak na tagumpay na bilang parangal sa kanya ay ipinagkaloob ng Dios, siya ay handa pa ring gumanap ng paglilingkod na pang-alipin. PH 132.3

Sa pintuan ng Jezreel, si Elias at Ahab ay naghiwalay. Ang propeta, pinili na manatili sa labas ng pader, ay nagbalot sa kanyang balabal, at nahiga sa lupa upang matulog. Ang hari, pagkapasok sa palasyo ay ibinalita sa asawa ang kahanga-hangang bagay na naganap nang araw na iyon, at ang kagulat-gulat na paghahayag ng Dios ng Kanyang kapangyarihan na nagpatunay sa Israel na si Jehova ang tunay na Dios at si Elias ay Kanyang piling mensahero. Nang sinabi ni Ahab kay Jezabel ang pagkapaslang ng mga propetang mananamba sa mga diyus-diyusan, si Jezabel, na matigas at walang pagsisisi ay nagalit. Tumanggi siyang kilalanin ang mga pangyayari sa Carmel at ang namamayaning paglalaan ng Dios, at, naghihimagsik pa rin at lumalaban, ay nagmatapang na inihayag na dapat mamatay si Elias. PH 133.1

Nang gabing iyon isang mensahero ang gumising sa pagod na propeta at inihatid ang pabalita ni Jezabel: “Ganito ang gawin sa akin ng mga diyos, at lalo na, kung hindi ko gawin ang buhay mo na gaya ng buhay ng isa sa kanila kinabukasan sa may ganitong panahon.” PH 134.1

Matapos magpakita ng tapang na walang takot, matapos magtagumpay nang lubusan sa hari at mga saserdote at bayan, sa tingin ay parang hindi na malulupig pa si Elias ng panghihina o mapasuko pa. Ngunit siya na pinagpala ng maraming katibayan ng pag-aaruga ng Dios ay hindi pa rin ligtas sa mga kahinaan ng tao, at sa madilim na oras na ito ang tapang at pananampalataya ay tumakas sa kanya. Bagabag, siya ay nagising. Ang ulan ay bumubuhos pa rin, at ang kadiliman ay laganap. Nakalimutan niyang tadong taon ang nakalipas ay pinatnubayan siya ng Dios sa isang lugar na kanlungan mula sa muhi ni Jezabel at sa paghahanap ni Ahab, ang propeta ngayon ay tumakas upang iligtas ang kanyang buhay. Pagdating sa Beersheba, “iniwan niya ang kanyang alipin doon. At siya ay naglakbay pa ng isang araw patungo sa ilang.” PH 134.2

Si Elias ay di sana dapat umalis sa dako ng kanyang tungkulin. Sana ay hinarap niya ang banta ni Jezabel ng isang samo ng proteksyon sa Kanya na nagsugo upang itayo ang karangalan ni Jehova. Sinabi sana niya sa mensaherong ang Dios na kanyang pinagkakatiwalaan ang magsasanggalang sa kanya sa muhi ng reyna. Ilang oras lamang ang nakalipas na nasaksihan niya ang kahanga-hangang pagpapahayag ng kapangyarihan ng Dios, at ito sana ang nakapagbigay sa kanya ng kasiguruhan na siya ay hindi pababayaan. Kung nanatili siya sa kinaroroonan, kung ginawa niya ang Dios na kanyang kanlungan at kalakasan, at tumayong matatag sa katotohanan, siya sana ay nailigtas sa pinsala. Naipagkaloob sana sa kanya ng Panginoon ang isang tagumpay na natatangi sa pagsusugo ng kahatulan kay Jezabel; at ang impresyong naibigay sa hari at sa bayan ay nagtulak sana sa daldlang repormasvon. PH 134.3

Malaki ang inasahan ni Elias sa milagrong naganap sa Carmel. Inasahan niyang matapos ang pagpapakitang ito ng kapangyarihan ng Dios, si Jezabel ay mawawalan na ng iinpluwensya kay Ahab, at magkakaroon ng mabilisang reporma sa buong Israel. Maghapon doon sa Carmel ay gumawa siyang walang pagkain. Gayumman, nang patnubayan niya ang karuwahe ni Ahab hanggang sa pintuan ng Jezreel, ang tapang niya ay buo pa rin, sa kabila ng panghihina ng katawan sa kanyang paggawa. PH 135.1

Datapuwat ang reaksyong madalas na kasunod ng mataas na pananampalataya at maluwalhating tagumpay ay nagpapabigat kay Elias. Nangangamba siyang ang repormasyong sinimulan sa Carmel ay hindi magtatagal; at ang kalungkutan ay bumangon sa kanya. Naitaas siya sa taluktok ng Pisga; ngayon siya ay nababa sa kapatagan. Habang nasa ilalim ng inspirasyon ng Makapangyarihan sa Lahat, tumayo siyang matatag sa pinakamahigpit na subukan ng pananampalataya; ngunit sa oras na ito ng kabiguan, na may banta ni Jezabel na umaalingawngaw sa kanyang mga tainga, at sa dngin ay nagtatagumpay pa rin si Satanas sa mga pakana ng masamang babaeng ito, bumitaw ang kanyang panghahawakan sa Dios. Siya ay nataas nang gayon na lamang, at ang bunga ay nakakagulat. Sa pagkalimot sa Dios, si Elias ay patuloy na tumakas, hanggang nasumpungan ang sarili sa isang dakong tiwangwang, nag-iisa. Lubos ang pagod, naupo siya upang magpahinga sa ilalim ng punong junipero. Sa pagkaupo doon, humiling siya ng kamatayan. “Hindi pa sapat; ngayon Panginoon, kunin mo ang aking buhay; sapagkat wala akong kabutihang higit sa aking mga magulang.” Isang takas, malayo sa mga tirahan ng tao, ang diwa niya ay bagbag sa mga maraming kabiguan, ninais niyang hindi na mamasdan pa ang mukha ng tao. Sa wakas, lubusang hapo, siya ay nakatulog. PH 135.2

Sa karanasan ng lahat may dumaradng na panahon ng mabigat na kabiguan at pagkasiphayo—mga araw na kalungkutan ay naroroon, at mahirap paniwalaang ang Dios pa rin ang tagapagkaloob ng Kanyang mga anak sa lupa; mga araw na ang kaluluwa ay bagabag, anupa’t halos piliin ang kamatayan kaysa buhay. Dito ay nawawalan ng dwala ang marami sa Dios at napapaalipin sa alinlangan, at pagkabihag ng kawalang paniniwala. Kung sa mga panahong iyon ay makikita lamang natin sa pamamagitan ng espirituwal na pananaw ang kahulugan ng mga paglalaan ng Dios ay makikita natin ang mga anghel na nagsisikap na iligtas tayo mula sa ating mga sarili na rin, nagsisikap na ilagak ang ating mga paa sa matibay na pundasyong higit na matatag kaysa walang kamatayang mga burol, at bagong pananampalataya, bagong buhay, ay bubukal sa sangkatauhan. PH 135.3

Ang tapat na si Job, sa araw ng kanyang kapinsalaan at kadiliman, ay naghayag: PH 136.1

“Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin.”
“Oh timbangin nawa ang aking pagkainip,
At ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na
magkakasama!”

“Oh, mangyan nawa ang aking kahilingan;
At ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na along minimithi!
Sa makatuwid baga’y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako;
Na bitawan ang Kanyang kamay, at ihiwalay ako!
Kung magkagayo’y magtataglay pa ako ng kaaliwan.”

“Kaya’t hindi ko pipigilin ang aking bibig;
Ako’y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa;
Ako’y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.”

“Na anupa’t pinili ng aking kaluluwa...ang kamatayan
kaysa aking mga butong ito.
Aking kinayayamutan ang aking buhay;
Di ko na ibig mabuhay magpakailanman:
Bayaan akong mag-isa;
Sapagkat ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.” Job 3:3; 6:2, 8-10; 7:11, 15, 16.
PH 136.2

Bagama 't pagal na sa buhay, si Job ay di pinahintulutang mamatay. Sa kanya ay itinuro ang mga mangyayari sa hinaharap, at ibinigay ang pabalita ng pag-asa: PH 136.3

“Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:
Sapagkat iyong malilimutan ang iyong karalitaan,
Iyong aalalahanmg parang tubig na umaagos:
At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kaysa
katanghaliang tapat;
Bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.
At ikaw ay matitiwasay sapagkat may pag-asa....
PH 136.4

Ikaw nama’y hihiga,
At walang tatakot sa iyo;
Oo, maraming liligaw sa iyo.
Ngunit ang mga mata ng masama ay mangangalumata,
At mawawalan sila ng daang tatakasan,
At ang kanilang pag-asa av pagkalagot ng hininga.” Job 11:15-20.
PH 137.1

Mula sa lalim ng kabiguan at kawalang pag-asa si Job ay umahon sa taluktok ng lubusang pagtitiwala sa kahabagan at nagliligtas na kapangyarihan ng Dios. Matagumpay na inihayag niya: PH 137.2

“Bagaman ako’y patayin Niya, akin ding hihintayin Siya ... PH 137.3

Ito man ay magiging aking kaligtasan.”

“Ngunit talastas ko na manunubos sa akin ay buhay,
At Siya’y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:
At pagkatapos na mag-ibang ganito ang aking balat,
Gayon ma’y makikita ko ang Dios sa aking laman:
Siyang makikita ko ng sarili,
At mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba.” Job 13:15, 16; 19:25-27.
PH 138.1

“Ang Panginoon ay sumagot kayjob mula sa ipo-ipo” (Job 38:1), at inihayag sa Kanyang lrngkod ang lakas ng Kanyang kapangyarihan. Nang maaninaw ni Job ang kanyang Manlalalang, namuhi ito sa sarili at nagsisi sa alabok at abo. Pagkatapos ay pinagpala siya ng Panginoon ng sagana at ang mga huling taon ng kanyang buhay ay naging pinakamabuti. PH 138.2

Ang pag-asa at tapang ay mahalaga sa sakdal na paglilingkod sa Dios. Ang mga ito ay bunga ng pananampalataya. Ang pagmumukmok ay makasalanan at walang katuwiran. Ang Dios ay laan at may kakayahang “lalo pang masagana” (Hebreo 6:17) na ipagkaloob sa Kanyang mga lingkod ang kalakasang kailangan sa pagsubok at subukan. Maaaring ang panukala ng kaaway ay maayos na nailahad at matatag, datapuwat maibubuwal ng Dios ang pinakamatibay sa mga ito. At ito ay ginagawa Niya sa Kanyang sariling panahon at paraan, kapag nakita Niyang ang pananampalataya ng Kanyang mga lingkod ay sapat nang nasubok. PH 138.3

Sa mga mahinang puso ay may tiyak na lunas—pananampalataya, panalangin, paggawa. Ang pananampalataya at pagkilos ay magbabahagi ng katiyakan at kasiyahang lalago sa bawat araw. Natutukso ka bang padaig sa mga damdamin ng mabagabag na pananaw at lubusang pagkabahala? Sa mga pinakamadilim na araw, kapag ang tingin ay nakakatakot, huwag kang matakot. Manampalataya ka sa Dios. Alam Niya ang iyong pangangailangan. Nasa Kanya ang lahat ng kapangyarihan. Hindi nanghihimagod ang Kanyang walang hanggang pag-ibig at kahabagan. Huwag kang matakot na Siya ay di tutupad sa mga pangako. Siya ang walang hanggang katotohanan. Kailanman ay hindi Niya babaguhin ang tipang ibinigay Niya sa kanilang umiibig sa Kanya. At ipagkakaloob Niya sa mga tapat na lingkod Niya ang sukat ng kalakasang kailangan nila. Pinatotohanan ni apostol Pablo: “At Siya’y nagsabi sa akin, Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagkat ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.... Kaya’t bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Kristo.” 2 Corinto 12:9, 10. PH 138.4

Pinabayaan ba ng Dios si Elias sa oras ng pagsubok? O, hindi! Ang pag-ibig Niya ay katulad ng sa panahong parang nadama ni Elias na siya ay pinabayaan ng Dios at ng tao, at ng panahong bilang tugon sa dalangin, ay naglandas ang apoy sa langit at nagpaliwanag sa bundok. At ngayon, habang natutulog si Elias, isang mabanayad na hipo at malambing na tinig ang gumising sa kanya. Nagulantang sa takot, at anyong tatakas, sa akala ay natuklasan siya ng kaaway. Datapuwat ang mukha ng isang nakatunghay sa kanya ay hindi mukha ng kaaway, kundi ng isang kaibigan. Nagsugo ang Dios ng anghel mula sa langit na may dalang pagkain para sa Kanyang lingkod. “Bumangon ka at kumain,” wika ng anghel. “At siya ay tumingin, at, narito, may tinapay na niluto sa baga at lalagyan ng tubig sa kanyang ulunan.” PH 139.1

Matapos makakain si Elias sa pagkaing inihanda sa kanya, siya ay muling nakatulog. Ikalawang ulit ay dumating ang anghel. Hinipo ang pagod na si Elias, nagsalitang may malamyos na tinig, “Bumangon ka at kumain; sapagkat ang paglalakbay mo ay mahaba pa, at magiging mabigat para sa iyo.” “At siya ay bumangon, at kumain at uminom;” at sa kalakasang dulot ng pagkaing iyon siya ay nakapaglakbay ng “apatnapung araw at apatnapung gabi hanggang sa Horeb ang bundok ng Dios,” na doon ay nakasumpong siya ng kanlungan sa isang yungib. PH 139.2