ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

15/69

Kabanata 11—Carmel

Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Hari 18:19-40.

Sa harapan ni Ahab, hiniling ni Elias na ang buong Israel ay maripon upang makatagpo siya at ang mga propeta ni Baal at Astoret sa Bundok Carmel. “Ngayon nga’y magsugo ka, at pisanin mo sa akin ang buong Israel sa Bundok ng Carmel, at ang mga propeta ni Baal na apat na raan at limangpu, at ang mga propeta ni Asera na apat na raan, na nagsikain sa dulang ni Jezabel.” PH 120.1

Ang utos ay galing sa isang sa anyo ay nakatayo sa harapan mismo ni Jehova; at agad-agad sumunod si Ahab, na parang ang propeta ang hari, at ang hari ang nasasakupan. Madaliang nagpadala ng mga mensahero sa buong kaharian na may utos na ang lahat ay makipagtagpo kay Elias at mga propeta ni Baal at Astoret. Sa bawat bayan at baryo ang mga tao ay naghanda upang magtipon sa itinakdang panahon. Sa kanilang paglalakbay patungo sa dakong itinakda, ang puso ng marami ay puno ng agam-agam. May hindi karaniwang bagay ang magaganap; kung hindi ay bakit mayroong gamtong panawagan? Anong panibagong kalamidad ang darating pa sa bayan at sa lupain? PH 120.2

Bago ang pagkatuyot, ang Bundok ng Carmel ay dakong maganda, ang mga daluyan ng tubig nito ay buhat sa mga bukal na hindi nagkukulang, at ang mga gulod nito ay natatakpan ng mga magagandang bulaklak at mayayabong na halamanan. Ngunit ngayon ang kagandahan nito ay nalalambungan ng nakakatuyong sumpa. Ang mga altar nitong natayo sa pagsamba kay Baal at Astoret ngayon ay napapalibutan ng mga harding walang dahon. Sa taluktok ng pinakamatayog na burol, katuwas ng mga ito ay ang wasak na dambana ni Jehova. PH 120.3

Ang Carmel ay nakatunghay sa isang malawak na lupain; ang taas nito ay nakikita sa maraming bahagi ng kaharian ng Israel. Sa paanan ng bundok ay may mga dakong doon ay makikita ang mga pangyayaring magaganap sa itaas. Ang Dios ay lubos na nawalang karangalan sa pamamagitan ng mga pagsamba sa diyus-diyusang ginagawa sa mga kubling burol na ito; at pinili ni Elias ang mataas na dakong ito bilang pinakalantad na lugar upang doon ay maipakita ang kapangyarihan ng Dios at para ipagtanggol ang karangalan ng Kanyang pangalan. PH 120.4

Maaga pa sa araw na itinalaga, ang karamihan sa tumalikod na Israel, sa masigasig na pag-asam, ay nagtipon sa taluktok ng bundok. Ang mga propeta ni Jezabel ay nagmartsang papanhik sa kasuotang marangya. Sa kamahalang pagkahari ang hari ay nagpakita at kinuha ang lugar niya sa unahan ng mga saserdote, at ang mga mananamba sa mga diyus-diyusan ay nagsigawan sa pagbubunyi sa kanya. Datapuwat may agam-agam sa puso ng mga saserdote sa pag-alaalang sa salita ng propeta ay nagkaroon ng pagkatuyo sa lupain sa loob ng tado at kalahating taon. May nakakatakot na krisis na kakaharapin pa, ito ang natitiyak nila. Ang mga diyos na pinagkakatiwalaan nila ay bigong patunayan na si Elias ay bulaang propeta. Sa kanilang daing ng pagkalito, mga panalangin, luha, kahihiyan, ang kanilang mga seremonyang nakakasuka, mga marangya at ang magastos at walang tigil na sakripisyo, ang mga layunin ng kanilang pagsamba ay kakatuwang walang ginagawa. PH 121.1

Sa pagharap kay Haring Ahab at sa mga bulaang propeta, at napapalibutan ng nagkadpong karamihan ng Israel, si Elias ay tumayo, na nag-iisa upang ipagtanggol ang karangalan ni Jehova. Siya na pinaratangang dahilan ng bigat ng kaabahang dumating sa kaharian, ngayon ay nasa harapan nila, walang kalaban-laban sa harapan ng hari ng Israel, ng mga propeta ni Baal, mga sundalo, at nakapalibot na libu-libo. Ngunit si Elias ay di nag-iisa. Sa itaas at palibot niya ay naroroon ang nagsasanggalang na hukbo ng kalangitan, mga anghel na lubos sa kalakasan. PH 121.2

Hindi nahihiya, hindi nasisindak, na ang propeta ay tumayo sa harap ng karamihan, lubos na batid ang tungkuling dapat isagawa ang utos ng langit. Ang mukha niya ay nasisinagan ng nakakagulat na kabanalan. May pagkabahalang naghintay ang bayan sa kanyang sasabihin. Una muna ay tumingin si Elias sa wasak na dambana ni Jehova, sunod ay sa karamihan, at sumigaw sa maliwanag at tila trumpetang tinig, “Hanggang kailan kayo mananatili sa pagitan ng dalawang isipan? kung ang Panginoon ay Dios, sundin ninyo Siya; datapuwat kung si Baal nga, sundin ninyo siya.” PH 121.3

Isa mang salita ay walang tugon ang bayan. Walang sinuman sa lubhang karamihang iyon ay maglakas loob na magpahayag ng katapatan kay Jehova. Tulad ng maitim na ulap, ang pandaraya at pagkabulag ay lumaganap sa Israel. Hindi biglaan, kundi unti-unti na ang pagtalikod ay naganap sa kanilang paminsan-minsan, at patuloy na pagtangging dinggin ang salita ng babala at sansalang pahatid sa kanila ng Panginoon. Bawat pagtalikod sa matuwid na gawa, bawat pagtangging magsisi, ay nagpalalim ng kanilang pagkakasala at nagtaboy palayo sa Langit. At ngayon, sa ganitong panganib, mapilit pa nn sila sa pagtangging tumayo sa panig ng Dios. PH 122.1

Ang Panginoon ay namumuhi sa pagwawalang bahala at kawalang pagtatapat sa panahon ng panganib sa Kanyang gawain. Ang buong sansinukob ay nagmamasid sa hindi maihayag na malasakit sa nagtatapos na tanawin ng daldlang tunggalian ng mabud at masama. Ang bayan ng Dios ay malapit na sa hangganan ng walang hanggang daigdig; ano pa ang higit na mahalaga sa kanila kundi ang katapatan sa Dios ng kalangitan? Sa buong kapanahunan, ang Dios ay nagkaroon ng mga bayaning mabait, at mayroon pa rin Siya ngayon—mga katulad ni Jose at Elias at Daniel, na hindi ikinahihiyang ipaldlala ang sarili bilang Kanyang tanging bayan. Ang mga tanging pagpapala Niya ay kasama ng paggawa ng mga lalaki ng pagkialos, mga lalaking hindi maililiko mula sa matuwid na landas ng tungkulin, kundi sa kalakasan ng Dios ay magtatanong, “Sino ang nasa panig ng Panginoon?” (Exodo 32:26), mga lalaking hindi titigil sa pagtatanong lamang, kundi magpipilit na silang magpapasyang magpakilala ng sarili sa panig ng bayan ng Dios ay hahakbang palapit at magpapahayag ng hindi mapagkakamaliang katapatan sa Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Ang ganitong mga lalaki ay ipasasailalim ang kanilang mga kalooban at panukala sa utos ng Dios. Sa pag-ibig sa Kanya ay hindi magpapahalaga sa sariling buhay. Ang gawain nila ay kunin ang liwanag mula sa Salita upang ito ay magliwanag sa sanlibutan sa malinaw, at panatag na sinag. Katapatan sa Dios ang sawikain nila. PH 122.2

Habang kulang sa pagtidwala ang Israel doon sa Carmel, ang tinig ni Elias ay muling bumasag ng katahimikan: “Ako, ako lamang, ang naiwang propeta ng Panginoon; datapuwat ang mga propeta ni Baal ay apat na raan at limampung lalaki. Bigyan nga nila tayo ng dalawang baka; at pumili sila sa ganang kanila ng isang baka, at katayin, at ilagay sa ibabaw ng kahoy, at huwag lagyan ng apoy sa ilalim: at ihahanda ko ang isang baka, at ilalagay ko sa kahoy, at hindi ko lalagyan ng apoy sa ilalim: at tawagan ninyo ang pangalan ng inyong diyos, at tatawagan ko ang pangalan ng Panginoon: at ang Dios na sumagot sa pamamagitan ng apoy, ay siyang maging Dios.” PH 122.3

Ang mungkahi ni Elias ay makatuwiran na ang bayan ay hindi makahindi, kaya nakasumpong sila ng katapangan na sumagot, “Alabud ang pagkasabi.” Ang mga propeta ni Baal ay hindi makapaglakas ng boses upang tumutol; at, sinabi ni Elias sa kanila, “Magsipili kayo ng isang baka sa ganang inyo, at inyong ihandang una; sapagkat kayo’y marami; at tawagan ninyo ang pangalan ng inyong diyos, ngunit huwag ninyong lagyan ng apoy sa ilalim.” PH 125.1

Sa panlabas ay malakas ang loob at nagmamagaling, datapuwat may takot sa kanilang mga pusong may kasalanan, ang mga bulaang saserdote ay naghanda ng dambana, inilagay ang kahoy at ang biktima; at nagsimulang mag-awitan. Ang matinis na tinig nila ay nadinig sa kalaparan ng mga kagubatan at mga nakapalibot na burol, sa pagtawag nila sa pangalan ng kanilang diyos, “O Baal, dinggin mo kami.” Pumalibot ang mga saserdote sa altar, at may pagtalon at pagsigaw at may paghila ng buhok at pagsugat sa sarili, nagsumamo sila sa diyos nila upang tumulong. PH 125.2

Lumipas ang umaga, dumatmg ang tanghali, gayunman ay walang patunay na dininig ni Baal ang panangis ng kanyang mga ligaw na tagasunod. Walang dnig, walang tugon sa kanilang aligagang dalangin. Ang handog ay nanatiling hindi nasunog. PH 125.3

Patuloy sa kanilang mga magulong pagdalangin, ang mga tusong saserdote ligid sa marami ay nagsisikap na magsindi ng apoy upang matapos ay mapaniwala nilang ang apoy ay galing kay Baal. Ngunit minamasdan ni Elias ang bawat kilos; ang mga saserdote, bagaman umaasang magkakaroon ng pagakakataong makapandaya, ay nagpatuloy sa kanilang walang katuturang seremonya. PH 125.4

“At nangyari, nang kinatanghaliang tapat, na biniro sila ni Elias, at sinabi, Sumigaw kayo ng malakas: sapagkat siya’y diyos; siya nga’y nagmumunimuni, o nasa tabi, o nasa paglalakbay, o marahil siya’y natutulog, at marapat gisingin. At sila’y nagsisigaw ng malakas, at sila’y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumulwak ang dugo sa kanila. At nangyari, nang makaraan ang kinatanghaliang tapat, at sila’y nagpropesiya hanggang sa oras ng paghahandog ng alay na ukol sa hapon, ngunit wala kahit tinig, ni sinumang sumagot, na sinumang makinig.” PH 125.5

Magalak sanang si Satanas ay makakatulong sa kanilang nadaya niya, at natalaga sa paglilingkod niya. Magalak sanang maisusugo ni Satanas ang kidlat upang sindihan ang sakripisyo. Datapuwat tinalian ni Jehova si Satanas, pinigil ang kapangyarihan nito, at ang lahat ng pakana ng kaaway ay hindi makapagdala ng isa mang kislap sa dambana ni Baal. PH 126.1

Sa wakas, ay namalat ang kanilang mga tinig sa kasisigaw, mga damit ay tigmak sa dugo sa pagsugat sa sarili, ang mga saserdote ay nawalan ng pag-asa. Sa hindi nababawasang sigasig at kaguluhan ay sinamahan ang kanilang pagsamo ng pagmumura sa kanilang diyos na araw, at si Elias ay patuloy lamang na matamang nagmasid; sapagkat alam niyang kung sakaling masisindihan ang altar, siya naman ay dyak na lulurayin. PH 126.2

At dumating ang hapon. Ang mga propeta ni Baal ay napagod, nanghina at naguluhan. May nagmungkahi ng isang bagay, mayroong iba naman, hanggang sa wakas ay tinigilan nila ang kanilang mga pagsisikap. Natigil ang kanilang mga sigaw at murang umaalingawngaw sa Carmel. Sa kabiguan ay umurong sila sa paligsahan. PH 126.3

Buong araw ay namasdan ng bayan ang demonstrasyong ito ng nagugulumihanang saserdote. Nakita nila ang magulong paglundaglundag sa palibot ng altar, na parang nais nilang halbutm ang sikat ng araw upang ipangsindi ng dambana. Nalata nilang may sindak ang nakakapangilabot, na pagsugat sa sarili ng mga saserdote, at nagkaroon ng pagkakataong limiin ang kahibangan ng kanilang pagsamba sa diyus-diyusan. Marami sa kalupunang yaon ay nanghimagod na sa demonstrasyong iyon ng demonyonismo, at ngayon ay matamang naghihintay sa gagawin ni Elias. PH 126.4

Oras na ng paghahandog panggabi, at tinawagan ni Elias ang bayan, “Magsilapit kayo sa akin.” At habang nanginginig na naglalapitan, bumaling siya sa wasak na dambana ni Jehova na dati ay sinamba ng mga taong sumasamba sa Dios ng kalangitan, at ito ay kinumpuni. Sa kanya ang gibang altar na ito ay higit na mahalaga kaysa mga magagandang altar ng pagsambang pagano. PH 126.5

Sa pagkumpuni ng sinaunang altar na ito, inihayag ni Elias ang paggalang sa tipan ng Panginoong ibinigay sa Israel nang tawirin nila ang ilog ng Jordan papasok sa Lupang Pangako. Pumili ng “labing-dalawang bato, ayon sa bilang ng mga tribong anak ni Jacob,... nagtayo sip ng dambana sa pangalan ng Panginoon.” PH 126.6

Ang mga bigong saserdote ni Baal, pinagod ng kanilang walang katuturang pagsisikap, ay naghintay upang masdan ang mga gagawin ni Elias. Muhi sila sa propetang nagmungkahi ng isang pagsubok na naglantad ng kanilang kahinaan at kawalang lakas ng kanilang mga diyos; gayunman ay natatakot sila sa kanyang kapangyarihan. Ang bayan, na nahihintakutan din, at halos ay pigil ang paghinga sa paghihintay sa mga pangyayaring kasunod, ay patuloy na nagmasid sa mga paghahandang ginagawa ni Elias. Ang panatag na pagkilos ng propeta ay katuwas ng mga walang matuwid, at panatikong kaguluhan ng mga alagad ni Baal. PH 127.1

Natapos ang dambana, at nilagyan ng propeta ng kanal sa palibot nito, at, matapos lagyan ng kahoy na maayos at maihanda ang baka, inilagay ang biktima sa dambana at nag-utos sa bayang basain ang sakripisyo at pabahain ang dambana sa tubig. At kanyang sinabi, “Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig, at ibuhos ninyo sa handog na susunugin, at sa kahoy. At kanyang sinabi, Gawin ninyong ikalawa; at kanilang ginawang ikalawa. At kanyang sinabi, Gawin ninyong ikatatlo at kanilang ginawang ikatatio.” PH 127.2

Ipinaalaala ni Elias sa bayan ang kanilang matagal nang pagtalikod na gumising sa galit ni Jehova, at tinawagan silang magpakababa ng puso at manumbalik sa Dios ng kanilang mga magulang, upang ang sumpa sa lupain ay maalis. At, yumukod siya sa harap ng Dios na di nakikita, itinaas ang kamay sa langit at nag-ukol ng isang simpleng panalangin. Ang mga saserdote ni Baal ay nagsigawan, naglundagan, at bumula ang mga bibig mula umaga hanggang hapon; ngunit sa pagdalangin ni Elias, walang sigaw ang umalingawngaw sa kaitaasan ng Carmel. Dumalangin siyang parang alam niyang si Jehova ay naroroon, saksi sa tanawing iyon, at nakikinig sa kanyang pagsamo. Ang mga saserdote ni Baal ay nanalanging magulo at di maunawaan. Si Elias ay dumalanging simple at maningas, na himhiling sa Dios na patunayang Siya ay higit kay Baal, upang ang Israel ay maakay pabalik sa Kanya. PH 127.3

“Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel,” ang pakiusap ng propeta, “pakilala Ka sa araw na ito, na Ikaw ay lingkod, at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa Iyong salita. Dinggin Mo ako, Oh Panginoon, dinggin Mo ako, upang matalastas ng bayang ito, na Ikaw, na Panginoon, ay Dios, at Iyong pinapanumbalik ang kanilang puso.” PH 127.4

Isang katahimikang, may bigat ng kabanalan, ang namayani sa lahat Ang mga saserdote ni Baal ay nanginginig sa takot. Sa pagkadama ng kanilang pagkakasala, ay naghihintay sila ng mabilisang parus PH 128.1

Hindi pa halos natatapos ang dalangin ni Elias na ang apoy, tulad ng kislap ng kidlat, ay bumaba mula sa langit tungo sa dambana, sinunog ang handog, tinupok ang tubig sa palibot na kanal, at tinupok pati na rin ang mga bato ng dambana. Ang liwanag ng apoy ay tumanglaw sa kabundukan at halos ay bumulag sa paningin ng karamihang natitipon. Sa kapatagan sa ibaba, na doon ay marami ang nanonood na may pananabik sa mga pangyayari doon sa itaas, ang pagbaba ng apoy ay malinaw na nakita, at lahat ay namangha sa tanawin. Katulad nito ang haliging apoy sa Dagat na Pula na doon ay inihiwalay ang mga anak ng Israel sa mga hukbo ng Egipto. PH 128.2

Ang bayan sa bundok ay nangayupapa sa lupa sa paggalang at pitagan sa Dios na di nakikita. Hindi nila matagalang tumingin sa apoy na isinugo ng Langit. May takot silang baka sila ay matupok; at, nagising sa katotohanang dapat nilang kilalanin ang Dios ni Elias bilang Dios ng kanilang mga magulang, na sa Kanya’y may utang silang katapatan, nanangis silang tulad ng isang dnig, “Ang Panginoon, Siya ang Dios; ang Panginoon, Siya ang Dios.” Sa nakakagulat na liwanag ng salita, ito ay umalingawngaw sa kabundukan at narinig sa kapatagan sa ibaba. Sa wakas ang Israel ay nagising, hindi na nadadaya, nagsisisi. Sa wakas ay nakita ng bayan kung gaano kalaki na nadungisan nila ang karangalan ng Dios. Ang likas ng pagsamba kay Baal, katuwas ng makatuwirang paglilingkod na kahilingan ng tunay na Dios, ay tumayong lubusang nahahayag. Nakilala ng bayan ang katarungan ng Dios at kahabagan sa pagkakait ng hamog at ulan hanggang sa sila’y hindi naaakay sa pagkukumpisal ng Kanyang pangalan. Ngayon ay handa na silang amining ang Dios ni Elias ay higit sa lahat ng diyus-diyusan. PH 128.3

Ang mga saserdote ni Baal ay namasdang may panghihilakbot ang kahangahangang paghahayag na ito ng kapangyarihan ni Jehova. Gayunman sa kanilang pagkabisto sa harap ng kaluwalhatian ng langit, tumanggi pa rin silang magsisi sa mga masamang gawa. Mananadli pa rin silang mga saserdote ni Baal. Sa ganito ay ipinakita nilang hinog na sila sa pagkawasak. Upang masanggalang ang nagsisising Israel mula sa gayuma ng mga nagturo ng pagsamba kay Baal, si Elias ay binigyang tagubilin ng Panginoon na wasakin ang mga bulaang gurong ito. Ang galit ng bayan ay nagising na laban sa mga lider na ito ng pagsalangsang; at nang ibigay ni Elias ang utos, “Dakpin ang mga propeta ni Baal; huwag bayaang makatakas ang sinuman,” sila ay handang sumunod. Hinuli nila ang mga saserdote, at dinala sa ilog ng Kidron, at doon, bago lumubog ang araw na naging pasimula ng tiyakang reporma, ang mga ministro ni Baal ay pinatay. Walang sinumang itinirang buhay. PH 128.4