ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

14/69

Kabanata 10—Ang Tinig ng Matigas na Batikos

Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Hari 17:8-24; 18:1-19.

Sa isang panahon si Elias ay nanatiling nagtatago sa mga kabundukan sa tabi ng ilog Cherith. Sa loob ng ilang buwan ay mahimalang pinagkalooban siya ng pagkain. Nang nagtagal, dahilan sa patuloy na pagkatuyot, at ang ilog ay natuyo, inatasan ng Dios ang Kanyang lingkod upang maghanap ng kanlungan sa lupain ng mga walang pagkakilala sa Dios “Magbangon ka, at magtungo sa Sarepta, na bahagi ng Sidon, at manirahan ka doon: at narito, inatasan Ko ang isang babaeng balo upang pangalagaan ka.” PH 109.1

Ang babaeng ito ay hindi Israelita. Hindi siya kailanman nakaranas ng mga pagpapalang natamasa ng bayang hirang ng Dios; datapuwat siya ay nananampalataya sa tunay na Dios at lumakad sa lahat ng liwanag na tumanglaw sa kanyang landas. At ngayong walang kaligtasan kay Elias sa lupain ng Israel, isinugo siya ng Dios sa babaeng ito upang makasumpong ng kanlungan sa kanyang tahanan. PH 109.2

“Sa gayo’y bumangon siya, at naparoon sa Sarepta. At nang siya’y dumating sa pintuan ng bayan, narito, isang balong babae ay nandoon na namumulot ng mga patpat: at tinawag niya siya, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na dalhan mo ako, ng kaunting tubig sa inuman, upang aking mainom. At nang siya’y yumayaon upang kumuha, tinawag niya siya, at sinabi, Dalhan mo ako, isinasamo ko sa iyo, ng isang subong tinapay sa iyong kamay.” PH 109.3

Sa tahanang ito ng karalitaan ang kagutom ay higit na mabigat, at ang pagkaing kakaunti na nga ay halos ubos na. Ang pagdating ni Elias nang araw na yaon na ang babaeng balo ay nangangambang kailangan nang bitiwan ang pakikipagpunyagi upang mabuhay ay lubos na sumubok sa kanyang pananampalataya sa kapangyarihan ng Dios na buhay upang magkaloob ng mga pangunahing pangangailangan. Datapuwat kahit na sa kagipitang yaon siya ay nagpatotoo sa kanyang pananampalataya sa pagsunod sa kahilingan ng taga-ibang lupang ito na nakikiusap na bahaginan siya ng pinakahuling pagkaing nasa kanya. PH 109.4

Bilang tugon sa kahilingan m Elias ukol sa pagkain at inumin, sinabi ng balo, “Ang Panginoon mong Dios ay buhay, ako’y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi, at kaunting langis sa banga: at, narito, ako’y namumulot ng dalawang patpat, upang ako’y pumasok at ihanda sa akin at sa aking anak, upang aming makain, bago kami mamatay.” At sinabi ni Elias sa kanya, “Huwag kang matakot; yumaon ka at gawin mo ang iyong sinabi: ngunit igawa mo muna ako ng munting tinapay, at ilabas mo sa akin, at pagkatapos ay gumawa ka para sa iyo at para sa iyong anak. Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Dios ng Israel, Ang gusi ng harina ay hindi makukulangan, o ang banga ng langis man ay mababawasan, hanggang sa araw na magpaulan ang Panginoon sa ibabaw ng lupa.” PH 110.1

Wala nang dadakila pang patunay ng pananampalataya ang mahihiling bukod dito. Ang babaeng balong ito bago pa ang pagkakataong ito ay lagi na lamang maganda ang kalooban at mabait sa mga taga-ibang lupain. At ngayon, anumang kahirapan ang magiging katumbas nito sa kanya at sa anak, at sa pagtitiwala sa Dios ng Israel upang magkaloob ng pangangailangan niya, hinarap niya ang sukdulang subukang ito ng kagandahang loob sa pagsunod “ayon sa sinabi ni Elias.” PH 110.2

Kahanga-hanga ang kagandahang loob na ipinakita ng babaeng ito ng Phoenicia sa propeta ng Dios, at kahanga-hanga din ang paraan ng gantimpala sa kanyang pananampalataya at kagandahang loob. “At kumain ang babae, at siya, at ang kanyang sambahayan na maraming araw. Ang gusi ng harina ay hindi nakulangan, o ang banga ng langis man ay nabawasan, ayon sa salita ng Panginoon, na Kanyang sinalita sa pamamagitan ni Elias. PH 110.3

“At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na ang anak na lalaki ng babae, na may-ari ng bahay, ay nagkasakit; at ang kanyang sakit ay malubha, na walang hiningang naiwan sa kanya. At sinabi niya kay Elias, Ano ang ipakikialam ko sa iyo, Oh ikaw na lalaki ng Dios? ikaw ay napanto sa akin upang ipaalala mo ang aking kasalanan, at upang patayin ang aking anak? PH 110.4

“At sinabi niya sa kanya, Ibigay mo sa akin ang iyong anak. At kinuha niya sa kanyang kandungan, at dinala sa silid, na kanyang tinatahanan, at inihiga sa kanyang sariling higaan.... At siya’y umunat sa bata na maikatlo, at dumaing sa Panginoon.... At dininig ng Panginoon ang tinig ni Elias; at ang kaluluwa ng bata ay bumalik sa kanya, at siya’y muling nabuhay. PH 110.5

“At kinuha ni Elias ang bata, at ibinaba sa loob ng bahay na mula sa silid, at ibinigay siya sa kanyang ina: at sinabi ni Elias, Tingnan mo ang iyong anak ay buhay. At sinabi ng babae kay Elias, Ngayo’y talastas ko na ikaw ay lalaki ng Dios, at ang salita ng Panginon sa iyong bibig ay katotohanan.” PH 111.1

Ang balo ng Sarepta ay ibinahagi ang kanyang huling tinapay kay Elias, at kapalit noon ang buhay niya at ng anak ay naingatan. At sa lahat, na sa panahon ng kagipitan at pangangailangan, ay magkakaloob ng malasakit at tulong sa ibang nangangailangan, ang Dios ay nangako ng dakilang pagpapala. Hindi pa rin Siya nagbabago. Ang kapangyarihan Niya ngayon ay hindi mas maliit kaysa mga kaarawan ni Elias. Tiyak din ngayon pagka sinalita ng ating Tagapagligtas ang pangako na, “Siyang tumatanggap sa isang propeta dahil sa pangalan ng isang propeta ay tatanggap ng gantimpala ng isang propeta.” Mateo 10:41. PH 111.2

“Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pag-ibig sa mga tagaibang lupa: sapagkat sa pamamagitan nito ang iba’y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.” Hebreo 13:2. Ang mga salitang ito ay hindi nababawasan ng puwersa sa paglakad ng panahon. Ang adng Ama sa langit ay patuloy pa rin sa paglalagay sa landas ng Kanyang mga anak ng mga pagkakataong tulad ng nakakubling pagpapala; at silang magpapalago ng mga pagkakataong ito ay makasusumpong ng daldlang kagalakan. “At kung magmamagandangloob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo’y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat: at papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto: at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.” Isaias 58:10,11. PH 111.3

Sa Kanyang mga tapat na lingkod ngayon ay sinasabi ni Kristo, “Ang tumatanggap sa inyo ay Ako ang tinatanggap, at ang tumatanggap sa Akin ay tinatanggap ang nagsugo sa Akin.” Walang gawa ng kagandahang loob na ipinakita sa pamamagitan ng Kanyang pangalan ang hindi kikilaianin at gagandmpalaan. At sa katulad na mapagmahal na pagkilala ibinibilang ni Kristo ang pinakamahina at pinakamababa sa pamilya ng Diyos. “At sinumang magpainom,” sabi Niya, sa “isa sa maliliit na ito”—silang bilang mga anak sa kanilang pananampalataya at ng kanilang kaalaman ka Kristo—“ng kahit isang sarong tubig na malamig, dahil sa pangalang alagad, katotohanang sinasabi Ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kanya.” Mateo 10:40,42. PH 111.4

Sa mahabang taon ng tuyot at kagutom, si Elias ay matamang nanalanging nawa ang puso ng Israel ay maibalikwas mula sa mga diyus-diyusan pabalik sa katapatan sa Dios. Matiyagang naghintay ang propeta, samantalang ang kamay ng Panginoon ay mabigat sa lupaing salanta. At habang nakita niyang ang pagdurusa at pangangailangan ay lumalaki sa bawat dako, ang kanyang puso ay nabagbag, at nanabik siya sa kapangyarihang maghaharid ng madaliang repormasyon. Datapuwat ang Dios na rin ang nagsasagawa ng Kanyang panukala, at ang tanging magagawa ng Kanyang lingkod ay patuloy na dumalangin sa pananampalataya at maghintay ng panahon ng tiyak na desisyon. PH 112.1

Ang naganap na pagtalikod sa panahon ni Ahab ay bunga ng maraming taong paggawa ng kasamaan. Bawat hakbang, sa bawat taon, ang Israel ay lumalayo sa tamang landas. Sa bawat saling lahi ay tumanggi silang ituwid ang kanilang landas, at sa wakas ang kalakhang bahagi ng bayan ay napasuko sa pangangasiwa ng mga puwersa ng kadiliman. PH 112.2

Halos isang daan taon na ang nakalipas, mula nang sa pangunguna ni Haring David, ang Israel ay magalak na nagsanib sa awit ng pagpupun sa Kataastaasan, bilang pagkilala ng lubusang pagsandig nila sa Kanya sa pang-araw-araw na kahabagan. Pakinggan ang mga salita ng pagpupuri sa kanilang pag-awit: PH 112.3

“Oh Dios ng aming kaligtasan,...
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatalap-silim.
Iyong dinadalaw ang lupa, at dinidilig Mo:
Iyong pinayayamang mainam ang ilog ng Dios, ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, sapagkat inihanda Mo ang lupa.
Iyong dinidilig ang kanyang bungkal ng sagana: Iyong pinapantay ang
kanyang mga bungkal:
Iyong mga pinalalambot ng ambon: Iyong pinagpapala ang pagsibol
niyaon.
Iyong dinudulutan ang taon ng Iyong kabudhan;
At ang Iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
PH 112.4

Nagsisipatak sa mga pastulan sa ilang:
At ang mga burol ay nabibiglrisan ng kagalakan.
Ang mga pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila’ ‘y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.” Awit 65:5, 8-13.
PH 113.1

Noon ay kinilala ng Israel ang Dios bilang Isa na “naglagay ng mga patibayan ng lupa.” Bilang pahayag ng pananampalataya ay umawit sila: PH 113.2

“Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan:
Ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok.
Sa Iyong pagsaway sila’y nagsitakas;
Sa hugong ng Iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila.
Sila ‘y nagsiahon sa mga bundok; sila’y nagsilusong sa mga libis
Sa dako Mong itinatag ukol sa kanila.
Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila’y huwag makaraan;
Upang sila’y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.” Awit 104:5-9.
PH 113.3

Sa kapangyarihan ng Walang Hanggan ang mga sangkap ng kalikasan sa lupa at langit ay naiingatan sa tamang lugar. At ang mga sangkap na ito ay ginagamit Niya sa ikaliligaya ng Kanyang mga nilalang. Ang “Kanyang mabuting kayamanan” ay masaganang nagagasta “upang ibigay ang ulan...sa kapanahunan, at upang pagpalain ang buong gawa” ng iyong kamay. Deuteronomio 28:12. PH 113.4

“Siya’y nagsusgo ng mga bukal sa mga libis,
Nagsisiagos sa gitna ng mga bundok.
Sila’y nagpapainom sa bawat hayop sa parang:
Nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno.
Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid,
Sila’y nagsisiawit sa mga sanga....

Kanyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop,
At ang gugulayin sa paglilingkod sa tao:
Upang siya’y maglabas ng pagkain sa lupa;
At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao,
At ng langis upang pasilangin ang kanyang mukha,
At ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao....
PH 113.5

“Oh Panginoon, pagka san-sari ng iyong mga gawa!
Sa karunungan ay ginawa Mo silang lahat;
Ang lupa ay puno ng Iyong kayamanan.
Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang,
Na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay,
Ng mga munri at ng mga malaking hayop din naman....
Lahat ng ito ay nangaghihintay sa Iyo;
Upang Iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.
Ang Iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila:

“Iyong ibinubukas ang Iyong kamay,
Sila’y nangabubusog ng kabudhan.” Awit 104:10-15,24-28.
PH 114.1

Ang Israel ay sagana sa pagkakataon upang magdiwang. Ang lupaing pinagdalhan ng Panginoon sa kanila ay inaagusan ng gatas at pulot Sa paglilimayon sa ilang, ibinigay ng Dios ang kasiguruhang ang lupaing pagdadalhan ng Dios sa kanila kailanman ay hindi magkukulang sa ulan. “Sapagkat ang lupain na iyong pinaroroonan upang ariin,” sabi Niya sa kanila, “ay hindi gaya ng lupain ng Egipto, na inyong pinanggalingan, na doo’y nagtatanim ka ng iyong binhi, at iyong dinidilig ng iyong paa, na parang taniman ng mga gulay: kundi ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin, ay lupaing maburol at malibis, at dinidilig ng tubig ng ulan sa langit: lupaing inaalagaan ng Panginoon mong Dios: at ang mga mata ng Panginoon mong Dios ay nandoong lagi, mula sa pasimula ng taon hanggang sa katapusan ng taon.” PH 114.2

Ang pangako ng saganang ulan ay nabigay sa kundisyong pagsunod. “At mangyayari,” pahayag ng Dios, na “kung inyong didingging maigi ang Aking mga utos na Aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at Siya’y paglingkuran ng buo ninyong puso, at ang buo ninyong kaluluwa, ay ibibigay Ko ang ulan ng inyong lupain sa kanyang kapanahunan, ang una at huling ulan upang iyong makamalig ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis. At aking bibigyan ng damo ang iyong mga hayop sa iyong mga bukid, at ikaw ay kakain at mabubusog. PH 114.3

“Mangag-ingat kayo,” pinangaralan ng Dios ang Kanyang bayan, “baka ang inyong puso ay madaya, at kayo’y maligaw at maglingkod sa ibang mga diyos, at sumamba sa kanila; at ang galit ng Panginoon ay mag-alab laban sa inyo, at Kanyang sarhan ang langit, upang huwag magkaroon ng ulan, at ang lupa’y huwag magbigay ng kanyang bunga; at kayo’y malipol na madali sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon.” Deuteronomio 11:10-17. PH 114.4

“Ngunit mangyayari na kung hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isasagawa ang lahat ng Kanyang mga utos at ang Kanyang palatuntunan,” ang mga Israelita ay binabalaan, “at ang iyong langit na nasa itaas ng iyong ulo ay magiging tanso, at ang lupa na nasa ilalim mo ay magiging bakal. Ang ipauulan ng Panginoon sa iyong lupa ay abo at alabok: mula sa langit ay bababa sa iyo, hanggang sa ikaw ay magiba.” Deuteronomio 28:15, 23, 24. PH 115.1

Ito’y kasama sa mga payo ni Jehova sa makalumang Israel. “Kaya’t inyong ilalagak itong Aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa,” Kanyang inutusan ang Kanyang bagong pinili, “at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo. At inyong ituturo sa inyong mga anak, na inyong sasalitain sa kanila, pagka ikaw ay nauupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumalakad sa daan, at pag ikaw ay nahihiga, at pagka ikaw ay bumabangon.” Deuteronomio 11:18, 19. Maliwanag ang mga utos na ito, gayunman sa pagdaan ng mga daantaon, sa bawat saling lahi ay nawala ang pangitain sa mga paglalaang ito ng Dios para sa kanilang espirituwal na kapanutuhan, at ang pangwasak na impluwensya ng pagtalikod ay nagbantang magwalis ng bawat sanggalang ng biyaya ng Dios. PH 115.2

Kung kaya’t nangyari na ngayon ay dinadalaw ng Dios ang Kanyang bayan ng Kanyang pinakamabibigat na mga parusa. Ang propesiya ni Elias ay natutupad sa kalunos-lunos na paraan. Sa loob ng tatlong taon ang mensahero ng pagkaaba ay hinanap sa bawat siyudad at bawat bansa. Sa utos ni Ahab, ang maraming hari sa palibot ng bansa ay nagbigay ng salitang marangal na ang propetang ito ay wala sa kanilang lupain. Gayunman ay patuloy pa rin ang paghahanap, sapagkat ang muhi ni Jezabel at mga propeta ni Baal ay tulad ng kamatayan, at lahat ay ginawa nila upang mahuli siya sa maaabot ng kanilang kapangyarihan. Datapuwat wala pa ring ulan. PH 115.3

Sa wakas, “pagkatapos ng maraming araw,” ay dumating ang salita ng Dios kay Elias. “Humayo ka, magpakita ka kay Ahab; at Ako’y magpapadala ng ulan sa lupa.” PH 115.4

Bilang pagsunod sa utos, “Si Elias ay napakita kay Ahab.” Nang panahong ding iyon na ang propeta ay patungong Samaria, si Ahab ay nagmungkahi kay Obadias, na gobernador ng kanyang sambahayan, na gumawa ng masinop na paghahanap ng mga bukal at ilog ng tubig, sa pag-asang makakita ng inuman ng mga hayop at kawan. Kahit na sa korte ng hari ay nadadama ang epekto ng mahabang pagkatuyot. Ang hari, nababahala sa kalagayan ng kanyang sambahayan, ay nagpasyang makipagtulungan sa kanyang alipin na maghanap ng mga tanging dako na maaaring pastulan. “Sa gayo’y pinaghati nila ang lupain sa gitna nila upang lakarin: si Ahab ay lumakad ng kanyang sarili sa isang daan, at si Obadias ay lumakad ng kanyang sarili sa isang daan.” PH 115.5

“At samantalang si Obadias ay nasa daan, narito, nasalubong siya ni Elias: at nakilala niya siya, at nagpatirapa, at nagsabi, Di ba ikaw, ang panginoon kong si Elias?” PH 116.1

Sa panahon ng pagtalikod ng Israel, si Obadias ay nanatiling tapat. Ang kanyang panginoon, ang hari, ay hindi siya natinag sa katapatan niya sa buhay na Dios. Ngayon ay pinarangalan siya ng tungkuling itong galing kay Elias, na nagsabi, “Humayo ka, sabihin mo sa iyong panginoon, narito, si Elias.” PH 116.2

Malaki ang pagkasindak, sinabi ni Obadias, “Sa ano ako nagkasala, na iyong ibibigay ang iyong lingkod sa kamay ni Ahab, upang patayin ako?” Ang magdala ng ganoong pabalita kay Ahab ay mahahatulan ng tiyak na kamatayan. “Buhay ang Panginoon mong Dios,” kanyang ipinaliwanag sa propeta, “walang bansa o kaharian man, na hindi pinagpahanapan sa iyo ng aking panginoon: at pagka kanilang sinasabi, Siya’y wala rito; kanyang pinasusumpa ang kaharian at bansa, na hindi kinasusumpungan sa iyo. At ngayo’y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito. At mangyayari, pagkahiwalay ko sa iyo, na dadalhin ka ng Espintu ng Panginoon sa hindi ko nalalaman; na anupa’t pagka ako’y pumaroon at isinaysay ko kay Ahab, at ikaw ay hindi niya nasumpungan, papatayin niya ako.” PH 116.3

Nagmakaawa si Obadias sa propeta na huwag siyang pilidn. “Akong iyong lingkod,” kanyang pakiusap, ay “natatakot sa Panginoon mula sa aking pagkabinata. Hindi ba nasaysay sa aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, kung paanong nagkubli ako ng isang daan sa mga propeta ng Panginoon na lima-limangpu sa isang yungib, at pinakain ko sila ng tinapay at tubig? At ngayo’y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito: at papatayin niya ako.” PH 116.4

Na may mataimtim na panunumpa si Elias ay nangako kay Obadias na ang utos ay hindi mawawalan ng saysay. “Buhay ang Panginoon ng mga hukbo, na sa harap niya’y nakatayo ako,” kanyang sinabi, “ako’y walang salang pakikita sa kanya ngayon.” Sa gayo’y, “yumaon si Obadias upang salubungin si Ahab, at sinaysay sa kanya.” PH 117.1

Sa pagkagulat na may halong takot ang hari ay nakinig sa pabalitang nagmula sa taong kinatatakutan at kinamumuhian niya, datapuwat walang pagod na kanyang hinanap. Alam niyang hindi basta isasapanganib ni Elias ang buhay nito upang katagpuin lamang siya. Maaari kayang ang propeta ay mayroon na namang salita ng pagkaaba para sa Israel? Ang puso ng hari ay napuno ng bagabag. Naalaala niya ang natuyong bisig ni Jeroboam. Hindi matatakasan ni Ahab ang pakikipagtagpong ito, o kaya ay magtangka man lamang na saktan ang mensahero ng Dios. Kung kaya 't, kasama ang mga sundalong bantay, ang nanginginig sa takot na hari ay nakipagtagpo sa propeta. PH 117.2

Ang hari at propeta ay tumayong magkaharap. Gayong puspos ng pagkamuhi si Ahab, ang hari sa harap ng propeta Elias ay waring walang lakas. Sa mga unang utal niyang salita, “Ikaw ba ang nanggugulo sa Israel?” hindi niya namamalayang naibulalas niya ang laman ng kanyang puso. Alam ni Ahab na sa salita ng Dios na ang kalangitan ay naging kulay tanso, ngunit nais niyang ibunton sa propeta ang sisi sa mabibigat na parusang ito sa lupain. PH 117.3

Natural lamang para sa gumagawa ng kasamaan na ibunton sa mga propeta ng Dios ang pananagutan para sa mga kalamidad na dumating bilang tiyak na bunga ng paglihis sa daan ng katuwiran. Silang naglalagay sa sarili sa kapangyarihan ni Satanas ay hindi nakakakita sa mga bagay tulad ng pananaw ng Dios. Kapag ang salamin ng katotohanan ay inihaharap sa kanila, sila ay nagagalit sa isipang sila’y tatanggap ng sansala. Binulag ng kasalanan, tumatanggi silang magsisi; sa pakiramdam nila ay kinakalaban sila ng mga lingkod ng Dios at ang mga ito ang dapat na tumanggap na pinakamalupit na batikos. PH 117.4

Sa pagtayo sa kawalang sala sa harapan ni Ahab, hindi sinikap ni Elias na ipagtanggol ang sarili o papurihan ang hari. O kaya ay sikaping iwasan ang galit ng hari sa pamamagitan ng mabuting balitang ang pagkatuyot ay malapit nang magwakas. Wala siyang paumanhing maibibigay. Galit, at masigasig upang itayo ang karangalan ng Dios, binalingan niya ang paratang ni Ahab, na walang takot na sinabi sa hari na ang mga kasalanan niya, at ng kanyang mga ninuno ang naghatid ng mga kalamidad na ito sa Israel. “Hindi ko binagabag ang Israel,” walang takot na pahayag ni Elias, “kundi ikaw, at ang sambayanan ng iyong ama, sapagkat inyong dnalikuran ang utos ng Panginoon, at sinunod ang mga Baalim.” PH 117.5

Ngayon ay kailangan ang tinig ng mabigat na sansala; sapagkat masasamang kasalanan ang naghiwalay sa bayan sa Dios. Ang kawalang katapatan ay nauuso. “Hindi namin pahihintulutang maghari sa amin ang taong ito,” ang siyang salita ng libu-libo. Lucas 19:14. Ang mga sermong magaganda kadalasan ay hindi nag-iiwan ng tumatagal na impresyon; ang pakakak ay walang tiyak na tunog. Mga tao ay hindi natitigatig ng maliwanag, at matalas na salita ng Dios. PH 118.1

Marami sa mga nagpapanggap na Kristiano, na kung magsasabi lamang ng tunay na saloobin ay magwiwika, Anong pangangailangan ng pagsasalita nang gayong tiyakan? Mabuti pang itanong nila, Bakit kinailangang sabihin ni Juan na Magbabautismo sa mga Pariseo, “O lahi ng mga ulupong, sino ang nagbabala sa inyong tumakas sa galit na daradng?” Lucas 3:7. Bakit kinailangang pagalitin niya si Herodias sa pagsasabi kay Herodes na labag sa batas na siya ay makipisan sa asawa ng kanyang kapatid? Ang naghanda ng daan ni Kristo ay nawalan ng buhay dahilan sa tuwirang pagsasalita. Bakit hindi na lamang siya nagpatuloy na hindi na ginising ang galit nilang nabubuhay sa kasalanan? PH 118.2

Kaya 't mga lalaking dapat tumayong tapat na tagapangalaga ng utos ng Dios ay nagkasagutan, hanggang ang patakaran ay pumalit sa katapatan, at kasalanan ay pinahintulutang hindi sinasansala. Kailan pa maririnig ang tinig na tapat na sansala sa loob ng iglesia? PH 118.3

“Ikaw ang lalaking iyon.” 2 Samuel 12:7. Mga salitang ganito na tuwirang sinabi ni Nathan kay David ay bihirang marinig ngayon sa mga pulpito, o nababasa sa mga limbag pampubliko. Kung hindi ganito kadalang, ay dapat sanang makita nating higit na ang kapangyarihan ng Dios ay nahahayag sa tao. Hindi dapat magreklamo ang mga mensahero ng Dios na ang kanilang pagsisikap ay walang bunga hanggang sa sila ay magsisi muna sa kanilang sariling hilig na sumang-ayon at magbigay kaluguran sa tao, na umaakay sa kanila upang hadlangan ang katotohanan. PH 118.4

Silang mga ministro na nagbibigay kaluguran sa tao, na sumisigaw, Kapayapaan, kapayapaan, gayong ang Dios ay hindi nagsalita ng kapayapaan, ay dapat magpakababa ng puso sa harapan ng Dios, na humingi ng patawad sa kanilang kawalang kataimtiman at kakulangan ng katapangang moral. Hindi pag-ibig sa kapwa ang umaakay sa kanilang padulasin ang pabalitang kaloob sa kanila, kundi sapagkat sila 'y sumusunod sa sariling layaw at kaginhawahan. Ang tunay na pag-ibig ay inuuna ang karangalan ng Dios at ang kaligtasan ng mga kaluluwa. Silang may ganitong pag-ibig ay hindi iiwas sa katotohanan upang iligtas lamang ang sarili sa hindi kanais-nais na bunga ng tuwirang pagsasalita. Kapag ang kaluluwa ay nasa panganib, ang mga ministro ng Dios ay hindi iisipin ang sarili, kundi magsasalita ng salitang kaloob sa kanila, at tatangging bigyang dahilan o pagaanin ang kasamaan. PH 118.5

Nawa’y madama ng bawat ministro ang kabanalan ng kanyang tungkulin at ng kanyang gawain, at ipahayag ang tapang na ipinakita ni Elias! Bilang mga mensaherong hirang ng langit, ang mga ministro ay nasa posisyon ng kagulat-gulat na kapanagutan. Sila ay dapat “sumansala, magtuwid, magpayong may mahabang pagtitiis.” 2 Timoteo 4:2. Sa lugar ni Kristo sila ay gagawa bilang mga katiwala ng mga misteryo ng langit, nagpapasigla sa masunurin at nagbababala sa masuwayin. Sa kanila ang mga patakarang makasanlibutan ay walang timbang. Hindi sila kailanman lilihis sa landas na ipinakikiusap ni Jesus na dapat nilang lakaran. Hahayo sila sa pananampalalataya, inaalaala na sila ay napapalibutan ng mga saksi. Hindi sila magsasalita ng sariling salita, kundi ng buhat sa Isang higit na dakila sa mga hari sa lupa. Ang pangungusap nila ay magiging, “Ito ang wika ng Panginoon.” Nananawagan ang Dios ng mga lalaking tulad ni Elias, Nathan, at Juan na Magbabaudsmo—mga lalaking magtataglay ng Kanyang pabalita na may katapatan, anumang maging bunga nito; mga lalaking matapang na magsasalita ng katotohanan, gayong ito ay mangahulugan ng pagsasakripisyo ng lahat nilang tinatangkilik. PH 119.1

Hindi magagamit ng Dios ang mga lalaking, sa panahon ng panganib, kapag ang kailangan ay lakas, tapang, at impluwensya, ay takot tumayong matatag sa panig ng matuwid. Tumatawag Siya sa mga lalaking makikipaghamok nang tapat laban sa kamalian, makikibaka sa mga pamahalaan at kapangyarihan, laban sa pamunuan ng kadiliman sa sanlibutang ito, laban sa kadilimang espirituwal sa matataas na dako. Sa mga tulad nito na sasabihin Niya ang mga pangungusap na: “Mabuting gawa, mabud at tapat na alipin;... pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon.” Mateo 25:23. PH 119.2