ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

10/69

Kabanata 7—Jeroboam

Si Jeroboam na iniluklok sa trono ng sampung tribo ng Israel na naghihimagsik sa sambahayan ni David, ang dating aliping ito ni Solomon ay nasa kalagayang magsasagawa ng mga matalinong repormang sibil at relihiyoso. Sa panahon ng pangunguna ni Solomon siya ay nagpakita ng kakayahan at matinong kapasyahan; at ang kaalamang natanggap niya sa mga taon ng matapat na paglilingkod ay nagpaangkop sa kanyang magharing may karunungan. Datapuwat nagkulang si Jeroboam na ilagak sa Dios ang pagtitiwala. PH 84.1

Ang pinakadakilang pangamba ni Jeroboam ay baka sakaling sa paglipas ng mga taon ang puso ng kanyang mga nasasakupan ay maakit ng pinunong nakaupo sa trono ni David. Ikinatuwiran niyang kung ang kanyang mga nasasakupang sampung tribo ay madalas na makadadalaw sa sentro ng monarkiya ng matandang Judio, na doon ang mga serbisyo sa templo ay isinasagawa pa tulad ng mga taon ng paghahari ni Solomon, maaaring marami ang magkaroon ng isipang magpanibagong pagtatapat sa pamahalaang nakasentro sa Jerusalem. Sa payo ng mga alalay niya, ipinasiya ni Jeroboam na sa isang kilos ay mabawasan, hanggang maaari, ang posibilidad ng paghihimagsik laban sa kanyang paghahari. Isasagawa niya ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng dalawang sentro ng pagsamba, isa sa Bethel at isa sa Dan. Sa mga dakong ito ay maaanyayahan ang sampung tribo na magtipon upang sumamba, sa halip na sa Jerusalem. PH 84.2

Sa pagsasaayos nito, inisip ni Jeroboam na manawagan sa pamamamagitan ng imahinasyon ng mga Israelita sa paglalagay ng nakikitang representasyon upang maging simbulo ng presensya ng Dios. Sa ganito ay nagpagawa siya ng dalawang guyang ginto, at ang mga ito ay iginawa ng groto sa mga itinakdang dako ng pagsamba. Sa ginawang ito ni Jeroboam, upang katawanin ang Kadiosan, siya ay lumabag sa tiyakang utos ni Jehova: “Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan.... Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila.” Exodo 20:4, 5. PH 84.3

Gayon kalakas ang pagnanais ni Jeroboam na mapigilan ang sampung tribo sa pagtungo sa Jerusalem na hindi niya nakita ang payak na kahinaan ng planong ito. Nabigo siyang makita ang dakilang panganib na pinaglalagyan niya sa Israel sa paglalagay ng mga idolong kinasanayan ng kanilang mga ninuno sa mga daantaon ng pagkaalipin sa Egipto. Ang di natatagalang paninirahan ni Jeroboam sa Egipto ay dapat sanang nagturo sa kanya ng kahangalan ng paghaharap sa bayan ng gayong pagsamba sa diyus-diyusang mga rebulto. Datapuwat ang matibay niyang adhikaing maakit ang sampung tribo upang tumigil sa pagtungo sa Banal na Siyudad ang umakay sa kanya upang gawin ang gayong walang ingat na bagay. “Kaya’t ang hari ay kumuha ng payo, at gumawa ng dalawang guyang ginto; at sinabi niya sa kanila, Mahirap sa inyo na magsiahon sa Jerusalem; tingnan mo ang iyong mga diyos, Oh Israel, na iniahon ka mula sa lupain ng Egipto.” I Hari 12:28. Sa ganito ay inanyayahan ang bayan upang yumukod sa mga gintong imahen at magsimula ng mga kakaibang porma ng pagsamba. PH 85.1

Sinikap ng hari na kumbinsihin ang mga Levitang nakatira sa loob ng kaharian na maging mga saserdote sa bagong tayong mga groto sa Bethel at Dan; datapuwat siya ay nabigo. Sa ganito ay napilitan siyang itaas sa pagkasaserdote ang mga lalaking mula sa “pinakamababa sa bayan.” Talatang 31. Sa ganitong pagkabahala, marami sa mga tapat, kasama ang maraming Levita, ay tumakas patungong Jerusalem, upang doon ay makasamba sila ayon sa mga pinag-aatas ng Dios. PH 85.2

“At si Jeroboam ay nagpadaos ng isang kapistahan nang ikawalong buwan, sa ikalabing limang araw ng buwan, gaya ng kapistahan sa Juda, at siya’y sumampa sa dambana. Gayon ang ginawa niya sa Bethel, na kanyang hinahainan ang mga guya na kanyang ginawa: at kanyang inilagay sa Bethel ang mga saserdote sa mataas na dako na kanyang mga inihalal.” Talatang 32. PH 85.3

Ang tahasang paglaban ng hari sa Dios sa pagwawalang bahala sa mga institusyong banal ay hindi binayaang lumagpas na walang parusa. Sa panahon pa lamang ng pangangasiwa niya sa pagsusuob ng insenso sa panahon ng pagtatalaga ng kakaibang dambanang ito sa Bethel, may napakita sa kanyang isang lalaki ng Dios mula sa kaharian ng Juda, na isinugo upang tuligsain ang pagpapasok niya ng mga bagong anyo ng pagsamba. “At siya’y sumigaw laban sa dambana,...at nagsabi, Oh dambana, dambana, ganito ang sabi ng Panginoon; Narito, isang bata’y ipanganganak sa sambahayan ni David, na ang pangalan ay Josias; at sa iyo’y ihahain ang mga saserdote ng mga mataas na dako na nagsisipagsunog ng kamangyan sa iyo, at mga buto ng mga tao ang kanilang susunugin sa iyo. PH 85.4

“At siya’y nagbigay ng tanda nang araw ding yaon, na nagsasabi, Ito ang tanda na sinalita ng Panginoon; Narito, ang dambana ay mababaak, at ang mga abo na nasa ibabaw ay mabubuhos.” Ang dambana naman ay nabaak, at ang mga abo ay nabuhos mula sa dambana, ayon sa tanda na ibinigay ng lalaki ng Dios ayon sa salita ng Panginoon.” 1 Hari 13:2, 3, 5. PH 86.1

Sa pagkakita nito, si Jeroboam ay napuspos ng diwa ng paglaban sa Dios at sinikap na sansalain siyang naghatid ng pabalita. Sa galit ay “iniunat niya ang kanyang kamay mula sa altar at sumigaw, “Hulihin siya.” Ang ginawa niyang ito ay hinarap ng mabilis na parusa. Ang kamay na nakaunat laban sa mensahero ni Jehova ay biglang nawalan ng lakas at natuyo, at di na maibaluktot pa. PH 86.2

Puno ng takot, ang hari ay nakiusap sa propetang makipamagitan sa kanya at sa Dios. “Isamo mo ngayon ang biyaya ng Panginoon mong Dios,” ipinagmakaawa niya, “at idalangin mo ako, upang ang aking kamay ay gumaling. At idinalangin ng lalaki ng Dios sa Panginoon, at ang kamay ng hari ay gumaling uli, at naging gaya ng dad.” Talatang 4, 6. PH 86.3

Walang kabuluhan ang pagsisikap ni Jeroboam na bigyang kabanalan ang pagtatalaga sa kakaibang dambana, na ang paggalang dito’y aakay sana sa kawalang paggalang sa pagsamba kay Jehova sa templo sa Jerusalem. Sa pabalita ng propeta, ang hari sana ay dapat naakay upang magsisi at iwaksi ang mga masamang adhikain, na sana’y pipigil sa bayan sa paglayo sa tunay na pagsamba sa Dios. Datapuwat tinigasan niya ang kanyang puso at piniling sundin ang landas na siya na rin ang gumawa. PH 86.4

Sa panahon ng kapistahan sa Bethel ang puso ng bayan ay di lubusang napatigas. Marami ang bukas sa impluwensya ng Banal na Espiritu. Pinanukala ng Dios na silang mabilis ang paa sa pagtalikod ay agad mapigil bago maging huli ang lahat. Isinugo Niya ang Kanyang lingkod upang pigilin ang pagsambang ito sa diyus-diyusan at ihayag sa hari at sa bayan ang magiging bunga ng maling pagsambang ito. Ang pagkawasak ng dambana ay tanda ng kawalang kaluguran ng Dios sa karumaldumal na bagay na ginagawa ng Israel. PH 86.5

Ang Panginoon ay naghahangad magligtas, hrndi magwasak. Nalulugod Siya sa kaligtasan ng mga makasalanan. “Buhay Ako, sabi ng Panginoong Dios, wala Akong kasayahan sa kamatayan ng mga masama.” Ezekiel 33:11. Sa pamamagitan ng babala at pagsamo ay tinatawagan Niya ang mga naliligaw upang tumigil sa kamlang masasamang gawa at manumbalik sa Kanya at mabuhay. Binibigyan Niya ang piniling mensahero ng banal na tapang, upang silang makarinig ay matakot at madala sa pagsisisi. Gaano nga katatag na binatikos ng lalald ng Dios ang hari! At ang katagang ito ay mahalaga; walang ibang paraan pa upang ang nananatiling kasamaan ay masansala. Binigyan ng Panginoon ang Kanyang mga alipin ng katapangan, upang isang nananatiling impresyon ay maiwan sa naldkinig. Ang mga mensahero ng Dios kailanman ay di dapat matakot sa tao, kundi tatayong walang takot para sa matuwid. Habang ang kanilang tiwala ay nakalagak sa Dios, di sila dapat mangamba; sapagkat Siyang nag-uutos sa kanila ay nagbibigay din ng katiyakan ng Kanyang pag-iingat. PH 89.1

Matapos ibigay ang pabalita, ang propeta ay babalik na sana, nang sabihin sa kanya ni Jeroboam, “Umuwi kang kasama ko, at kumain ka, at bibigyan kita ng kagantihan.” “Kung ang ibibigay mo sa akin ay kalahad ng iyong bahay,” ang sagot ng propeta, “Hindi ako yayaong kasama mo, o kakain man ako ng tinapay o linom man ako ng tubig sa dakong ito: sapagkat gayon ibinilin sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na sinasabi, Huwag kang kakain ng tinapay, o linom man ng tubig, ni babalik man sa daan na iyong pinanggalingan.” 1 Han 13:7-9. PH 89.2

Naging mainam sana kung ang propeta ay nagtuloy agad sa adhikaing magbalik sa Judea. Habang naglalakbay pauwi sa ibang daan, siya ay nalagpasan ng isang matanda na nag-angking siya man ay propeta at nagsabi ng mga kasinungalingan sa lalald ng Dios, “Ako man ay propeta na gaya mo; ay nagsalita sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na nagsasabi, Ibalik mo siya na kasama mo sa iyong bahay, upang siya’y makakain ng tinapay at makainom ng tubig.” Paulit-ulit ang kasinungalingan ng matandang ito gayon din ang paanyaya hanggang sa ang lalald ng Dios ay pumayag na ngang magbalik PH 89.3

Sapagkat ang tunay na propeta ay pumayag na dumaan sa ibang landas na hindi kaayon ng tungkulin, ipinahintulot ng Dios na magdusa siya dahilan sa pagsalangsang na ito. Habang magkasama sila ng lalaking nag-anyaya sa kanya pabalik sa Bethel sa dulang ng pagkain, ang inspirasyon ng Makapangyarihan sa lahat ay dumatmg sa huwad na propeta, “at siya’y sumigaw sa lalaki ng Dios na nanggaling sa Juda, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa paraang ikaw ay naging manunuway sa bibig ng Panginoon, at hindi mo iningatan ang utos na iniutos ng Panginoon sa iyo,...ang iyong bangkay ay hindi darating sa libingan ng iyong mga magulang.” Talatang 18-22. PH 89.4

Ang propesiyang ito ng kapahamakan ay tunay na natupad. “At nangyari, pagkatapos na makakain ng tinapay, at pagkatapos na makainom, na siniyahan niya ang asno.... At nang siya’y makayaon, isang leon ang nasalubong niya sa daan, at pinatay siya: at ang kanyang bangkay ay napahagis sa daan, at ang asno ay nakatayo sa siping, ang leon naman ay nakatayo sa siping ng bangkay. At, narito, may mga taong nagsipagdaan, at nalata ang bangkay na nakahagis sa daan,...at silay yumaon at isinaysay ml a sa bayan na kinatatahanan ng matandang propeta. At nang marinig ng propeta na nagpabalik sa kanya sa daan, sinabi niya, Lalaki nga ng Dios, na naging masuwayin sa bibig ng Panginoon.” Talatang 23-26. PH 90.1

Ang parusang dumatmg sa hindi tapat na mensahero ay katibayan pa rin ng katotohanan ng propesiyang naibigay sa ibabaw ng dambana. Kung, matapos sumuway sa utos ng Panginoon, ang propeta ay pinahintulutang magbalik na ligtas, ginamit sana ito ng hari upang bigyang katuwiran ang sariling paglabag. Sa dambanang nawasak, sa kamay na napilay, at sa kalunos-lunos na kapalaran niyang naglakas loob sumuway sa tiyakang utos ni Jehova, ay nakita sana ni Jeroboam ang mabilis na pagkasuklam ng Dios na nilabag, at ang mga hatol na ito ay naging babala sana sa kanya upang hindi magpatuloy sa maling gawa. Datapuwat, sa halip na magsisi, “si Jeroboam ay hindi tumalikod sa kanyang masamang lakad, kundi gumawa uli mula sa buong bayan ng mga saserdote sa mga mataas na dako: sinumang may ibig, kanyang itinatalaga upang magkaroon ng mga saserdote sa mga mataas na dako.” Sa gano’n ay hindi lamang siya ang nagkasala, ngunit “kanyang ipinagkasala ang Israel;” at “ang bagay na ito ay naging kasalanan sa sambahayan ni Jeroboam, kaya’t inihiwalay, at nilipol sa ibabaw ng lupa.” Talatang 33, 34; 14:16. PH 90.2

Sa pagtatapos ng magulong paghahari ni Jeroboam sa dalawampu’t dalawang taon ay natalo siya sa pakikidigma kay Abias, ang pumalit kay Roboam. “Na hindi man nagsauling lakas si Jeroboam uli sa mga kaarawan ni Abias: at sinaktan siya ng Panginoon at siya’y namatay.” 2 Cronica 13:20. PH 91.1

Ang pagtalikod na ipinasok sa panahon ni Jeroboam ay lalo pang lumala, hanggang ito ay nagbunga ng lubusang pagkawasak ng kaharian ng Israel. Kahit na bago pa ang kamatayan ni Jeroboam, si Abias, ang matandang propeta sa Shiloh na maraming taon bago naganap ito ay nagpropesiyang si Jeroboam ay matataas sa trono, ay nagsabi: “Sapagkat sasaktan ng Panginoon ang Israel ng gaya ng isang tambo na gumagalaw sa tubig, at kanyang bubunutin ang Israel dito sa mabuting lupa, na ibinigay sa kanilang mga magulang, at panga-ngalatin sa dako roon ng ilog, dahil sa kanilang ginawa ang kanilang mga asera, na minungkahi ang Panginoon sa galit At kanyang pababayaan ang Israel dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, na kanyang ipinapagkasala, at ipinagkasala sa Israel.” 1 Hari 14:15, 16. PH 91.2

Datapuwat hindi basta binitiwan ng Dios ang Israel hanggat hindi nagagawa para dito ang paraan upang maakay silang pabalik sa pagtatapat sa Kanya. Sa paglakad ng maraming taon ng matapang na paglaban ng mga papalit-palit na hari sa Dios ng Israel, at sa pagakay nila sa bayan sa lalo pang malalim na pagsamba sa mga diyusdiyusan, ang Dios ay nagpadala pa rin ng mga magkakasunod na mga mensahe sa Kanyang bayang tumalikod. Sa pamamagitan ng mga propeta ay ibinigay Niya sa kanila ang mga pagkakataong mapigilan ang mga alon ng pagtalikod at manumbalik sa Kanya. Sa mga taong kasunod ng pagkahati ng kaharian, si Elias at Eliseo ay nabuhay at gumawa, at ang mairuging samo ni Oseas at Amos at Obadias ay nadinig sa lupain. Kailanman ay hindi naiwan ang Israel na walang mga banal na saksi sa kapangyarihan ng Dios na magligtas sa kasalanan. Kahit na sa pinakamadidilim na mga oras mayroon pa ring ilan na nanatiling tapat sa banal na Hari at sa gitna ng pagsamba sa mga diyus-diyusan ay mabubuhay na walang kapintasan sa paningin ng banal na Dios. Ang mga tapat na ito ay napabilang sa tapat na nalabi na sa kanila ang walang hanggang adhikain ni Jehova sa wakas ay matutupad. PH 91.3