ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 8—Pambansang Pagtalikod
Mula sa kamatayan ni Jeroboam hanggang sa pagharap ni Elias kay Ahab ang bayang Israel ay nagdanas ng patuloy na pagbulusok na espirituwal. Pinaghaharian ng mga lalaking hindi natatakot kay Jehova at nag-amuki pa ng kakatuwang porma ng pagsamba, ang kalakhang bahagi ng bayan ay mabilis na nawalan ng pantanaw sa kanilang mga tungkulin upang maglingkod sa buhay na Dios at nagsagawa ng maraming anyo ng pagsamba sa mga diyus-diyusan. PH 92.1
Si Nadab, na anak ni Jeroboam, ay umupo sa trono ng ilang buwan lamang. Ang kanyang kasamaan ay agad pinigil ng grupong pinangunahan ni Baasha, isa sa kanyang mga heneral, upang umagaw ng kontrol ng gobiyerno. Pinatay si Nadab, kasama ng lahat ng kanyang kaanak na susunod sa paghahari, “ayon sa sabi ng Panginoon, na Kanyang sinalita sa pamamagitan ng Kanyang lingkod na si Ahias na Silonita: dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam na kanyang ipinagkasala, at kanyang ipinapagkasala sa Israel.” 1 Hari 15:29-30. PH 92.2
Sa ganito ay nalipol ang sambahayan ni Jeroboam. Ang pagsamba sa mga diyus-diyusan na kanyang ipinasok ang nagdala sa mga may kasalanan ng ganting hatol ng Langit; gayunman ang mga sumunod na hari—sina Baasha, Elah, Zimri, at Omri—sa loob ng halos apatnapung taon, ay nagpatuloy din sa ganitong uri ng kasamaang tungo sa kamatayan. PH 92.3
Sa kalakhang bahagi ng pagtalikod na ito ng Israel, si Asa naman ang naghahari sa Juda. Sa maraming taon “gumawa si Asa ng mabuti at matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios: sapagkat kanyang inalis ang mga dambana ng iba, at ang mga mataas na dako, at pinagputol-putol ang mga haligi, at ibinagsak ang mga asera: at iniutos sa Juda na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, at tuparin ang kautusan at ang utos. Kanya rin namang inalis sa lahat na bayan ng Juda ang mga mataas na dako at ang mga larawang araw: at ang kaharian ay tahimik sa harap niya.” 2 Cronica PH 92.4
Ang pananampalataya ni Asa ay lubos na nasubok nang “si Zerah na taga Etiopia na may hukbo na isang angaw, at tatlong daang karo,” ay lumusob sa kanyang kaharian. Talatang 9. Sa krisis na ito si Asa ay hindi umasa sa “mga nakukutaan sa Juda” na kanyang itinayo, na may mga “kuta, at ng mga moog, ng mga pintuang bayan, at ng mga halang,” at may “mga makapangyanhang lalaki na matatapang” na kanyang sinanay na hukbo. Talatang 6-8. Ang pagtitiwala ng hari ay kay Jehova ng mga hukbo, na sa Kanyang pangalan ay nagawa ang mga milagrong pagliligtas ng Israel noong una. Inihanda ang hukbo sa pagbabaka, kanyang hinanap ang tulong ng Dios. PH 93.1
Ang magkalabang hukbo ay magkaharap. Ito ay isang lubusang pagsubok ng panahon at katatagan ng mga naglilingkod sa Panginoon. Lahat ba ng kasalanan ay naikumpisal na? Ang kalalakihan kaya ng Juda ay may lubos na pagtidwala sa kapangyarihan ng Dios upang magligtas? Ganitong mga isipan ang nasa mga lider. Sa tingin ng tao, ang malaking hukbong Egipsyo ay kayang lamunin ang lahat sa harap nito. Datapuwat sa panahon ng kapayapaan si Asa ay hindi nagumon sa kalayawan at libangan; siya ay naghahanda sa kagipitan. May hukbo siyang sinanay sa pakikibaka; naakay niya ang bayan upang makipagpayapa sa kanilang Dios. At ngayon, bagama’t ang kanyang hukbo ay maliit lamang, ang pananampalataya niya sa Isang pinagtiwalaan ay hindi nanghihina. PH 93.2
Sapagkat hinanap niya ang Panginoon sa kasaganaan, ang hari ay umaasa ngayon sa Kanya sa panahon ng kagipitan. Ang mga samo niya ay naghahayag na hindi siya estranghero sa kahanga-hangang kapangyarihan ng Dios. “At si Asa ay dumaing sa Panginoon niyang Dios, at kanyang sinabi, Panginoon, walang iba liban sa Iyo na makatutulong, sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas: tulungan Mo kami, Oh Panginoon naming Dios, sapagkat kami ay nagsisitiwala sa Iyo, at sa Iyong pangalan ay kami nagsisiparito laban sa karamihang ito. Oh Panginoon, Ikaw ay aming Dios; huwag Mong panaigin ang tao laban sa Iyo.” Talatang 11. PH 93.3
Ang panalangin ni Asa ay angkop sa bawat mananampalatayang Kristiano. Ang ating pakikidigma ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamahalaan at kapangyarihan, at laban sa espirituwal na kadiliman sa matataas na dako. Tingnan ang Efeso 6:12. Sa pakikibaka sa buhay ay kailangan nating harapin ang mga ahensya ng kasamaan na nakahanay laban sa mga matuwid. Ang ating pag-asa ay hindi sa tao, kundi sa Dios na buhay. May katiyakang sa pananampalataya ay maasahan nating isasamb Niya ang walang kapantay na kapangyarihan Niya sa pagsisikap ng tao, sa ikaluluwalhati ng Kanyang pangalan. Nabibihisan ng kalasag ng Kanyang katuwiran, matatamo natin ang tagumpay laban sa bawat kaaway. PH 93.4
Ang pananampalataya ni Haring Ahab ay ginantimpalaan. “Sa gayo’y sinaktan ng Panginoon ang mga taga Etiopia sa harap ni Asa, at sa harap ng Juda; at ang mga taga Etiopia ay nagsitakas. At si Asa at ang bayan na kasama niya ay nagsihabol sa kanila hanggang sa Gerar: at nangabuwal sa mga taga Etiopia ang totoong marami, na anupa’t sila’y hindi makabawi, sapagkat sila’y nalansag sa harap ng Panginoon, at sa harap ng Kanyang hukbo.” 2 Cronica 14:12, 13. PH 94.1
Habang ang matagumpay na hukbo ng Juda at Benjamin ay pabalik sa Jerusalem, “ang Espiritu ng Dios ay suma kay Azarias na anak ni Obed: at siya’y lumabas na sinalubong si Asa, at sinabi niya sa kanya, Dinggin ninyo ako, Asa, at buong Juda at Benjamin: Ang Panginoon ay sumasa inyo samantalang kayo’y sumasa Kanya; at kung inyong hanapin Siya, Siya’y masusumpungan ninyo; ngumt kung pabayaan mnyo Siya, Kanyang pababayaan kayo.” “Ngunit mangagpakalakas kayo, at huwag manglata ang inyong mga kamay: sapagkat ang inyong mga gawa ay gagantihin.” 2 Cronica 15:1, 2, 7. PH 94.2
Pinasiglang gayon ng mga salitang ito, pinangunahan ni Asa ang ikalawang repormasyon sa Juda. “Inalis ang mga karumaldumal sa buong lupain ng Juda at ng Benjamin, at sa mga bayan na kanyang sinakop sa lupaing maburol ng Ephraim, at kanyang binago ang dambana ng Panginoon, na nasa harap ng portiko ng Panginoon. PH 94.3
“At kanyang pinisan ang buong Juda at Benjamin, at silang mga nakikipamayan na kasama nila mula sa Ephraim at Manases, at mula sa Simeon: sapagkat sila’y nagsihilig sa kanya na mula sa Israel na sagana, nang kanilang makita na ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kanya. Sa gayo’y nangagpipisan sila sa Jerusalem sa ikatlong buwan, sa ikalabing limang taon ng paghahari ni Asa. At sila’y nagsipaghain sa Panginoon sa araw na yaon, sa samsam na kanilang dinala, na pitong daang baka at pitong libong tupa. At sila y pumasok sa tipan upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang ng kanilang buong puso at ng kanilang buong kaluluwa.” At Siya’y nasumpungan sa kanila: at binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa palibot.” Talatang 8-12, 15. PH 94.4
Ang tala ng mahabang panahong matapat na paglilingkod ni Asa ay nababahiran ng ilang pagkakamali, sa panahong hindi siya nagtiwala sa Dios. Minsan, ang hari ng Israel ay lumusob sa kaharian ng Juda at inagaw ang Rama, isang siyudad na nakukutaan ng limang milya lamang ang layo sa Jerusalem, si Asa ay nagsikap na makipag-alyansa kay Benhadad na hari ng Syria. Ang hindi pagtidwalang ito sa Dios lamang sa panahon ng pangangailangan ay matigas na binadkos ni propeta Hanani, na humarap kay Haring Asang may taglay na ganitong pabalita: PH 95.1
“Sapagkat ikaw ay nagtiwala sa hari sa Syria, at hindi ka nagtiwala sa Panginoon mong Dios, kaya’t ang hukbo ng hari sa Syria ay nagtanan sa inyong kamay. Hindi ba ang mga taga Edopia at ang mga Lubim ay makapal na hukbo, na may mga karo at mangangabayo na totoong marami? gayon ma’y, sapagkat ikaw ay nagtiwala sa Panginoon, ibinigay sila sa iyong kamay. Sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nagsisiyasat sa palibot ng buong lupa, upang pakilala na matibay sa ikagagaling ng mga yaon na ang puso ay sakdal sa Kanya. Ikaw ay gumawang may kamangmangan: sapagkat mula ngayo’y magkakaroon ka ng mga pakikipagdigma.” 2 Cronica 16:7-9. PH 95.2
Sa halip na magpakababa sa harapan ng Dios dahilan sa pagkakamaling nagawa, “nagalit si Asa sa tagakita, at inilagay niya siya sa bilangguan; sapagkat siya’y nagalit sa kanya dahil sa bagay na ito. At pinighati ni Asa ang iba sa bayan nang panahon ding yaon.” Talatang 10. PH 95.3
“At nang ikatatlumpu ' t siyam na taon ng kanyang paghahari,” si Asa ay “nagkasakit sa kanyang mga paa, ang kanyang sakit ay totoong malubha: gayon ma’y sa kanyang sakit ay hindi niya hinanap ang Panginoon, kundi ang mga manggagamot.” Talatang 12. Ang hari ay namatay sa ikaapatnapu’t isang taon ng paghahari at pinalitan ng kanyang anak na si Jehosapat. PH 95.4
Dalawang taon bago mamatay si Asa, si Ahab naman ay nagsimulang maghari sa kaharian ng Israel. Mula sa pasimula pa, ang paghahari niya ay kinakitaan ng kakaiba at nakakalubos na pagtalikod. Ang kanyang amang si Omri, na siyang nagtatag ng Samaria, ay “gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at gumawa ng masama na higit kaysa lahat ng hari ng Israel na nauna sa kanya” (1 Hari 16:25); datapuwat ang mga kasalanan ni Ahab ay masahol pa. “At gumawa pa ng higit si Ahab upang mungkahiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa galit kaysa lahat ng mga hari sa Israel na nauna sa kanya,” at nangyari, “na wari isang magaang bagay sa kanya na lumakad sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat” Talatang 33, 31. Hindi pa nasiyahan sa pag-aamuki ng mga porma ng paglilingkod relihiyoso na siyang sinunod sa Bethel at Dan, lantarang pinangunahan niya ang bayan sa pinakalaganap at pinakamasamang hidenismo, sa pagiisang tabi sa pagsamba kay Jehova upang sumamba kay Baal. PH 95.5
Na siya’y nag-asawa kay Jezabel, “na anak ni Ethbaal na hari ng mga Sidonio” at “yumaon at naglingkod kay Baal, at sumamba sa kanya. At kanyang ipinagtayo ng dambana si Baal sa bahay ni Baal, na kanyang itinayo sa Samaria.” Talatang 31,32. PH 96.1
Hindi lamang ipinakilala ni Ahab ang pagsamba kay Baal sa kapitolyo ng siyudad, kundi sa pangunguna ni Jezabel ay nagtayo ng mga dambanang pagano sa mga “matataas na dako,” na sa pananggol ng mga pumapalibot na kuweba at groto ang mga saserdote at iba pang kaugnay ng nakagagayumang porma ng pagsamba sa mga diyusdiyusan ay nagbigay ng nakalulunos na impluwensya, hanggang halos ang buong Israel ay sumusunod na kay Baal. “Ngunit walang gaya ni Ahab na nagbili ng kanyang sarili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, na nahikayat ni Jezabel na kanyang asawa. At siya’y gumawa ng totoong karumaldumal sa pagsunod sa mga diyus-diyusan, ayon sa lahat na ginawa ng mga Amorrheo, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.” 1 Hari 21:25, 26. PH 96.2
Si Ahab ay may kahinaang moral. Ang pag-aasawa niya sa isang babaeng sumasamba sa mga diyus-diyusan at may katutubong masamang likas ay nagbunga ng pagkawasak sa kanya at sa bansa. Walang prinsipyo at mataas na pamantayan ng paggawa ukol sa kabutihan, ang likas niya ay madaling nahubog ng malakas na diwa ni Jezabel. Ang likas niyang makasarili ay walang kakayahang makita ang kahabagan ng Dios sa Israel at sa kanyang sariling obligasyon bilang bantay at lider ng bayang pinili. PH 96.3
Sa ilalim ng madilim na paghahari ni Ahab, ang Israel ay naglimayong palayo sa Dios na buhay at pinasama ang kanilang kabuhayan sa harapan Niya. Sa maraming taon ay unti-unting nawawala ang kanyang paggalang at pagkatakot sa Dios; at ngayon ay parang walang sinumang makatatayo upang ilantad ang sarili at hayagang bakahin ang namamayaning pagtalikod. Ang madilim na lambong ng pagtalikod ay tumakip sa buong lupain. Mga imahen ng Baalim at Astoret ay nakikita kahit saang dako. Mga templo at groto ng pagsamba sa mga diyus-diyusan na doon ay yinuyukuran ang gawa ng kamay ay lalong dumami. Ang hangin ay pinuno ng usok ng mga handog pangsakripisyong inilalaan sa mga diyus-diyusan. Mga burol at kapatagan ay umalingawngaw sa kalasingan ng mga saserdoteng sumasamba sa mga diyus-diyusan at naghahandog sa araw, buwan, at mga bituin. PH 96.4
Sa impluwensya ni Jezabel at kanyang mga saserdoteng walang kabanalan, ang bayan ay natuwang ang mga rebultong ito na naitayo ay mga diyos, na naghahari sa mistikong kapangyarihan ng mga elementong lupa, apoy, at tubig. Lahat ng pagpapala ng langit—ang umaagos na tubig at mga sapa, ang hamog, ang patak ng ulang nagpapasariwa sa lupa at nagpapabungang masagana sa mga bukid— ay iniukol sa pabor na kaloob ni Baal at Astoret, sa halip na sa Tagapagkaloob ng bawat mabuti at sakdal na kaloob. Nakalimutan ng bayan na ang mga burol at kapatagan, mga daluyan, at bukal ng tubig ay nasa kamay ng buhay na Dios, na Siya ang may kontrol sa araw, sa mga alapaap sa langit, at sa lahat ng puwersa ng kalikasan. PH 97.1
Sa pamamagitan ng mga tapat na mensahero, sinikap ng Dios na magbigay ng paulit-ulit na babala sa hari at sa bayan, datapuwat ang mga salita ng pagsansala ay nawalang kabuluhan. Walang katuturang gumawa ang mga kinasihang mensaherong ito upang itatag ang karapatan ni Jehova bilang tanging Dios ng Israel. Nahalina ng magagandang panoorin at nakagagayumang rito ng pagsamba sa mga diyus-diyusan, sinunod ng bayan ang halimbawa ng hari at ng korte niya, at ipinaubaya ang sarili sa mga nakalalango at nagpapababang kalayawan ng pagsambang nakakaaliw. Sa kanilang bulag na kahibangan, pinili pa nilang tanggihan ang Dios at ang pagsamba sa Kanya. Ang liwanag na masaganang ibinigay sa kanila ay naging kadiliman. Ang makintab at pinong ginto ay lumabo. PH 97.2
O gaano ngang ang kaluwalhatian ng Israel ay naglaho! Kailanman ay hindi nahulog nang ganito ang bayang hirang ng Dios. “At ang mga propeta ni Baal na apat na raan at limangpu,” maliban sa apat na raan na “mga propeta.” 1 Hari 18:19. Tanging ang kababalaghan ng Dios ang mag-iingat sa bayan sa pagkawasak Sa sariling kagustuhan ay humiwalay ang Israel mula sa Dios, gayunman ang Panginoon sa kahabagan ay nanabik sa kanilang nadala sa pagkakasala, at handang isugo sa kanila ang isa sa makapangyarihang propeta, na sa pamamagitan niya ay marami ang maaakay pabalik sa Dios ng kanilang mga magulang. PH 97.3