ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 59—“Ang Sambahayan ng Israel”
Sa paghahayag ng mga katotohanan ng walang hanggang ebanghelyo sa lahat ng mga bansa, lipi, wika, at bayan, ang iglesia ng Dios ngayon ay tumutupad sa sinaunang propesiya, “ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko, at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanlibutan.” Isaias 27:6. Ang mga tagasunod ni Jesus, sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng kalangitan, ay mabilis na nararating ang mga malalayong dako ng lupa; at, bilang bunga ng kanilang paggawa, isang masaganang bunga ng mahal na kaluluwa ang naaani. Ngayon, higit sa alin mang panahon, ang pagpapalaganap ng katotohanan ng Biblia sa pamamagitan ng iglesiang natatalaga ay naghahadd sa tao ng mga pagpapalang ibinigay na pangako kay Abraham at sa buong Israel,—sa iglesia ng Dios sa sanlibutan sa bawat panahon,—“Pagpapalain kita,...at ikaw ay magiging pagpapala din.” Genesis 12:2. PH 567.1
Ang pangakong ito ng pagpapala ay natupad sana sa malaking sukat sa mga daangtaon kasunod ng pagbabalik ng mga Israelita mula sa pagkabihag. Panukala ng Dios na ang buong mundo_ ay mahanda sa unang pagparito ni Kristo, kung paanong ngayon ay naghahanda ukol sa Kanyang ikalawang pagparito. Sa katapusan ng mga taon ng kahihiyan ng pagkatapon, mabiyayang ipinagkaloob ng Dios sa Kanyang bayang Israel, sa pamamagitan ni Zacarias, ang kasiguruhan: “Ako’y nagbalik sa Sion, at tatahan Ako sa gitna ng Jerusalem: at ang Jerusalem ay tatawaging bayan ng katotohanan; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo ang banal na bundok. At sa Kanyang bayan ay sinabi Niya, “Narito,...at Ako’y magiging kanilang Dios, sa katotohanan at sa katuwiran.” Zacarias 8:3, 7, 8. PH 567.2
Ang mga pangakong ito ay nakasalig sa pagsunod. Ang mga kasalanang nakilala sa mga Israelita bago madalang bihag, ay di na dapat pang maulit. “Mangaglapat kayo ng tunay na kahatulan,” ang tagubilin ng Panginoon sa mga magtatayong muli; “at magpakita ng kaawaan at ng kahabagan ang bawat isa sa kanyang kapatid: at huwag ninyong pighatiin ang babaing balo, ni ang ulila man, ang taga-ibang lupa, ni ang dukha man; at sinuman sa inyo ay huwag mag-isip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kanyang kapatid.” “Magsalita ang bawat isa sa inyo ng katotohanan sa kanyang kapwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan.” Zacarias 7:9, 10; 8:16. PH 567.3
Sagana ang mga gantimpala, materyal at espirituwal, na ipinangako sa kanilang magsasakabuhayan ng mga prinsipyong ito ng katuwiran. “Sapagkat magkakaroon ng binhi ng kapayapaan,” ang pahayag ng Panginoon; “ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupa’y mapapakinabangan, at ibibigay ng langit ang kanyang hamog; at Aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito. At mangyayari, na kung paanong kayo’y naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa, Oh sambahayan ni Juda, at sambahayan ni Israel; gayon Ko kayo ililigtas, at kayo’y magiging isang kapalaran.” Zacarias 8:12, 13. PH 568.1
Sa pagkaalipin sa Babilonia, mabisang naalis sa Israel ang pagsamba sa mga rebulto. Nang sila ay makauwi na, binigyang pansin ang mga turong relihiyoso at sa pag-aaral ng sulat ng mga kautusan at mga propeta tungkol sa pagsamba sa tunay na Dios. Ang muling pagkatayo ng templo ay nagbigay pagkakataon upang maisagawa ang mga ritwal na serbisyo sa santuwaryo. Sa ilalim ng pangunguna ni Zerubbabel, ni Ezra, at ni Nehemias, paulit-ulit na sila ay nakipagtipang iingatan ang mga kautusan at palatuntunan ni Jehova. Ang mga panahon ng kasaganaang sumunod ay naging sapat na katibayan ng pagiging laan ng Dios na tumanggap at magpatawad, at gayunman sa makitid na paningin ay nanumbalik silang paulit-ulit sa dating gawi at ginamit sa sariling kapakanan ang mga pagpapala ng pagpapagaling at kabuhayang espirituwal na magpapala sana sa maraming buhay. PH 568.2
Ang kabiguang tuparin ang banal na adhikain ay naging lantad sa panahon ni Malakias. May katigasan na ang mensahero ng Panginoon ay pinakitunguhan ng mga paglabag na nagnanakaw sa Israel ng kasaganaang temporal at kapangyarihang espirituwal. Sa kanyang sansala ay wala siyang pinalagpas kahit na saserdote o mga tao. “Ang propesiya na salita ng Panginoon sa Israel” sa pamamagitan ni Malakias ay ang liksyon ng nakaraan ay huwag malimutan at ang pakikipagtipan ni Jehova sa sambahayan ng Israel ay mapanatiling may katapatan. Sa pamamagitan lamang ng taos-pusong pagsisisi makakamit ang pagpapala ng Dios. “At ngayo’y isinasamo ko sa inyo,” ang pakiusap ng propeta, “inyong dalanginin ang lingap ng Dios, upang pagbiyayaan Niya tayo” Malakias 1:1,9. PH 568.3
Ngunit hindi ang pansamantalang pagkukulang ng Israel ang pipigil sa panukala ng Dios sa pagtubos sa sangkatauhan. Silang nakaririnig ng tinig ng propeta ay maaaring hindi makinig, ngunit ang layunin ni Jehova ay magpapatuloy hanggang sa katuparan nito. “Sapagkat mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon,” ipinahayag ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mensahero, “magiging dakila ang Along pangalan sa mga Gentil; at sa bawat dako ay paghahandugan ng kamangyan ang Aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagkat ang Aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga hindi naniniwala sa Dios .” Malakias 1:11. PH 569.1
Ang tipan ng “buhay at kapayapaan” na ginawa ng Dios sa mga anak ni Levi—ang tipan, kung namgatan ay naghatid sana ng di masukat na pagpapala—ay inalok ngayon ng Panginoon na ulitin sa kanilang dati ay naging tagapangunang espirituwal, ngunit “hamak at pinakamababa sa harap ng buong bayan.” Malakias 2:5, 9. PH 569.2
Taimtim na ang gumagawa ng kasamaan ay binigyang babala ng araw ng paghatol na darating at ang adhikain ni Jehova na dalawin ng mabilis na pagkawasak ang bawat lumabag sa utos. Gayunman ay walang taong di binigyang pag-asa; ang mga propesiya ng paghatol ni Malakias ay may kasamang paanyaya sa mga di nagsisisi na makipagpayapaan sa Dios. “Manumbalik kayo sa Akin,” ang giit ng Panginoon; “at Ako’y manunumbalik sa inyo.” Malakias 3:7. PH 569.3
Sa tingin ay tutugon ang bawat puso sa ganitong paanyaya. Ang Dios ng langit ay sumasamo sa Kanyang naliligaw na anak upang manumbalik sa Kanya, upang muli ay makipagkaisa sila sa Kanya sa pagdadala at pagpapatuloy ng gawain Niya dito sa lupa. Ang Panginoon ay nag-uunat ng kamay upang abutin ang Israel at tulungan sila sa makipot na landas ng pagtanggi at pagsasakripisyo sa sarili, upang makabahagi Niya na tagapagmana bilang mga anak ng Dios. Sila kaya ay tutugon? Makikita kaya nila ang tanging pag-asa? PH 569.4
Gaano kalungkot ang tala, na noong panahon ni Malakias ang mga Israelita ay atubiling isuko ang pusong nagmamataas sa daglian at mapagmahal na pagsunod at buong pusong pakikiisa! Ang pagmamapuri ay lantad sa kanilang tugon, “Saan kami magsisi- panumbalik?” PH 569.5
Inihayag ng Panginoon sa Kanyang bayan ang isa sa karulang natatanging kasalanan. “Nanakawan baga ng tao ang Dios?” Tanong Niya. “Gayunman ay ninanakawan ninyo Ako.” Hindi pa rin kumbinsido sa kasalanan, ang masuwaying tanong, “Saan ka namin ninakawan?” PH 570.1
Tiyak ang tugon ng Panginoon: “Sa mga ikasampung bahagi at sa mga handog. Kayo’y nangagsumpa ng sumpa: sapagkat inyo Akong ninakawan, samakatuwid baga’y nitong buong bansa. Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa Aking bahay, at subukin ninyo Ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi Ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog Ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan. At Aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa myong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagkat kayo’y magiging maligayang lupain, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.” Talatang 7-12. PH 570.2
Pinagpapala ng Dios ang gawa ng kamay ng tao, upang sila ay makapagbalik sa Dios ng Kanyang bahagi. Nagkakaloob Siya ng sikat ng araw at ulan; pinatutubo Niya ang pananim; nagkakaloob Siya ng kalusugan at kakayahan upang magkamit ng kayamanan. Bawat pagpapala ay buhat sa Kanyang mapagpalang kamay, at hinahangad Niya na ang mga lalaki at babae ay maghayag ng utang na loob sa pagbabalik sa Kanya ng bahagi sa ikapu at mga handog— mga handog ng pasasalamat, kusang-loob na handog, handog sa kasalanan. Ipagtatalaga ng tao ang kanilang kayamanan sa paglilingkod sa Kanya, upang ang Kanyang ubasan ay di maging tiwangwang. Pag-aaralan nila kung ano ang marapat gawin kung sila ay nasa lugar ng Panginoon. Lahat ng mahihirap na bagay ay isasangguni nila sa Kanya sa panalangin. Ihahayag nila ang di makasariling interes sa pagpapalago ng Kanyang gawain sa lahat ng bahagi ng mundo. PH 570.3
Sa mga pabalitang tulad ng taglay ni Malakias, ang huli sa mga propeta ng Lumang Tipan, at sa pamamagitan ng pang-aapi ng mga kaaway na pagano, sa huli ay natutuhan ng mga Israelita ang liksyon na ang tunay na kasaganaan ay nakasalig sa pagsunod sa utos ng Dios. Ngunit sa maraming tao, ang pagsunod ay hindi bumubukal mula sa pananampalataya at pag-ibig. Ang mga motibo nila ay makasarili. Ang panlabas na paglilingkod ay bunsod ng pagkakamit ng katanyagan sa bansa. Ang bayang hirang ay di naging tanglaw sa mundo, kundi ibinukod ang sarili mula sa mundo bilang sanggalang sa hindi pagkahulog sa idolatriya. Ang mga pagbabawal sa kanila ng Dios tungkol sa pag-aasawa sa mga pagano, at pagsama sa mga gawa ng mga nakapalibot na bansa, ay napasama anupa’t ito ay gumawa ng pader na pagitan sa kanila at ibang mga bansa, at sa ganito ay isinara sa mga tao ang mga pagpapalang iniutos ng Dios sa Israel na kanilang ibahagi sa sanlibutan. PH 570.4
Kasabay nito, ang mga kasalanan ng mga Judio, ay nagpapahiwalay sa kanila sa Dios. Hindi nila nakita ang malalim na katotohanang espirituwal sa mga serbisyong sagisag lamang. Sa kanilang pag-aaring ganap sa sarili ay nagtiwala sila sa mga sariling gawa, sa mga sakripisyo at ordinansa na rin, sa halip na magtiwala sa mga kabutihan Niya kung saan nakaturo ang lahat ng bagay na ito. Sa ganito “sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila” (Roma 10:3), pinalibutan nila ang sarili ng makasariling pormalismo. Kulang sa Espiritu at biyaya ng Dios, pinagtakpan nila ito ng mga mabibigat na seremonya at ritong relihiyoso. Hindi pa nasiyahan sa mga ordinansang ang Dios ang nagtakda, pinabigat nila ang mga banal na utos sa pamamagitan ng di mabilang na paghihigpit na sila ang gumawa. Habang nalalayo sa Dios, lalong naging mahigpit ang kanilang paglingat ng mga uri nito. PH 571.1
Dahilan sa salimuot na mga detalyeng ito, naging imposible halos para sa bayan na ingatan ang kautusan. Ang mga dakilang prinsipyo ng katuwirang nakapaloob sa Sampung Utos, at ang mga maluwalhating katotohanang binigyang anino ng mga sagisag na serbisyo, ay napalabo din, at natabunan sa karamihan ng tradisyon at gawa ng tao. Silang may tunay na hangaring maglingkod sa Dios, at nagsikap na sundin ang buong kautusan ayon sa tagubilin ng mga saserdote at pinuno, ay umangal sa mabigat na pasan. PH 571.2
Bilang isang bansa, ang bayan ng Israel, bagama’t umaasa sa pagdating ng Mesias, ay napalayong mainam sa Dios sa puso at kabuhayan na nawalan sila ng tunay na isipan tungkol sa likas at misyon ng ipinangakong Manunubos. Sa halip na maghangad ng katubusan sa kasalanan, at ng kaluwalhatian at kapayapaan ng kabanalan, ang kanilang mga puso ay natuon sa pagkaligtas mula sa mga kaaway na bansa, at pananauli sa makalupang kapangyarihan. Tumingin sila sa Mesias bilang mananagumpay, na magwasasak ng bawat pamatok, at magtataas sa Israel sa pamamayani sa mga bansa. Sa ganito ay nagtagumpay si Satanas sa paghahanda sa puso ng bayan na tanggihan ang Tagapagligtas kung dumating na Siya. Ang kataasan ng puso, ang maling isipan sa Kanyang likas at misyon, ang hahadlang sa kanila sa tapat na pagtitimbang ng mga katibayan ng Kanyang pagiging Mesias. PH 571.3
Sa mahigit na isang libong taon ay naghintay ang bayang Judio sa pagdating ng ipinangakong Tagapagligtas. Ang pinakamaningmng na pag-asa nila ay nasa pangyayaring ito. Sa loob ng isang libong taon, sa awit at propesiya, sa mga ritos sa templo at dalangin sa tahanan, ang Kanyang pangalan ay nadambana; gayunman, nang Siya ay dumating, hindi Siya kinilala bilang Mesias na matagal na nilang hinihintay. “Siya’y naparito sa sariling Kanya, at Siya’y hindi tinanggap ng mga sariling Kanya.” Juan 1:11. Sa kanilang mga pusong nagmamahal sa sanlibutan, ang Minamahal ng langit ay naging “ugat mula sa tuyong lupa.” Sa kanilang mga paningin ay wala Siyang “anyo o kagandahan man;” walang nakita sa Kanyang kagandahan na maaari nilang manais. Isaias 53:2. PH 572.1
Ang buong buhay ni Jesus ng Nasaret sa gitna ng bayang Judio ay panunumbat sa kanilang pagkamakasarili, na nahayag sa kanilang pagiging makupad na kilalanin ang Kanyang mga pag-aangkin bilang May-ari ng ubasan na doon ay inilagay silang tagapag-alaga. Kinamuhian nila ang Kanyang halimbawa ng katotohanan at kabanalan; at nang dumating ang huling pagsubok, ang subukan na ang pagsunod doon ay mangangahulugan ng buhay na walang hanggan at ang pagsuway naman ay walang hanggang kamatayan, tinanggihan nila ang Banal ng Israel at may-kagagawan sa Kanyang pagkapako sa krus ng Kalbaryo. PH 572.2
Sa talinhaga ng ubasan, si Kristo sa pagtatapos ng Kanyang gawain sa lupa ay nanawagan sa mga gurong Judio ukol sa mga mayamang pagpapala na ipinagkaloob sa Israel, at dito ay inasahan ng Dios ang kanilang tugon. Maliwanag na inilahad sa kanila ang kaluwalhatian ng adhikain ng Dios, na sa pagsunod ay magagampanan nila. Inalis ang tabing ng hinaharap, at ipinakita sa kanila kung paano sa pamamagitan ng pagkukulang na magampanan ang layunin Niya, ang buong bansa ay nagtatakwil ng mga pagpapala at nag-aanyaya ng pagkawasak sa sarili. PH 572.3
“May isang tao, na puno ng sambahayan,” sinabi ni Kristo, “na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.” Mateo 21:33. PH 573.1
Sa ganito ay dnukoy ng Tagapagligtas “ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo,” na ipinahayag ni propeta Isaias sa naunang mga daangtaon “ang sambahayan ng Israel.” Isaias 5:7. PH 573.2
“At nang malapit na ang panahon ng pamumunga,” nagpatuloy si Kristo, ang may-ari ng ubasan “ay sinugo ang kanyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kanyang bunga. At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kanyang mga alipin, at hinampas nila ang isa, at ang isa’y pinatay, at ang isa’y binato. Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigpit pa sa nangauna: at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan. Datapuwat pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kanyang anak na lalaki, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak. Datapuwat nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangag-usapan sila, Ito ang tagapagmana; halikayo, siya’y ating patayin, at kunin natin ang kanyang mana. At siya’y hinawakan nila, at itinaboy siya sa ubasan, at pinatay siya.” PH 573.3
Naipamalas nga sa harap ng mga saserdote ang kanilang kasamaan, inilagay ngayon ni Kristo sa kanila ang tanong, “Pagdating ng panginoon ng ubasan, ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon?” Nakinig na mataman ang mga saserdote; at sa hindi pag-iisip ng kaugnayan nito sa kanila, sumama sila sa bayan sa pagtugon, sinabi nila sa kanya, “Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kanya’y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan.” PH 573.4
Di nalalamang ipinataw nila sa sarili ang parusa. Tumingin sa kanila si Jesus, at sa Kanyang nanunuot na mata ay nabasa nila na alam ni Jesus ang mga lihim ng kanilang mga puso. Ang Kanyang pagka-Dios ay suminag sa kanila sa kapangyarihang di mapagkakamalian. Nakita nila sa tagapag-alaga ang larawan ng kanilang sarili at sila’y biglang nagwika, “Huwag nawang mangyari!” PH 573.5
May kaselanan at kapanglawang sinabi ni Jesus sa kanila: “Kailanman baga’y hindi ninyo nabasa sa mga Kasulatan, Ang batong itinak- wil ng nangagtatayo ng gusali, ang siya nng ginawang pangulo sa panulok: ito’y mula sa Panginoon, at ito’y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata? Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga. At ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwat sinumang kanyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok.” Mateo 21:34-44. PH 573.6
Napigilan sana ni Kristo ang lagim na darating sa bansang Judio kung tinanggap lamang Siya ng bayan. Ngunit ang inggit at selos ay nagpatigas ng kanilang mga puso. Pinasyahan nilang hindi nila tatanggapin si Jesus ng Nasaret bilang Mesias. Tinanggihan nila ang Tanglaw ng sanlibutan, at mula noon ay napalibutan ang kanilang buhay ng kadilimang tulad ng dilim ng hatinggabi. Ang lagim na ipinopropesiya ay dumating sa bansang Judio. Ang kanilang sariling marahas na damdamin, walang pagpipigil, ang nagdala ng pagkapahamak sa kanila. Sa kanilang bulag na galit, winasak nila ang ang isa't isa. Ang pagmamataas na mapanghimagsik ang nagdala sa kanila ng galit ng mga Romano. Ang Jerusalem ay winasak, ang templo ay giniba, at ang dakong kinatayuan ay inararo. Ang mga anak ng Juda ay nangamatay sa kalunos-lunos na paraan. Milyon ay ipinagbili bilang alipin sa mga lupaing walang pagkakilala sa Dios. PH 574.1
Ang adhikain ng Dios na hindi nagampanan ng Israel, na bayang hirang, ay magagampanan sa wakas ng Kanyang iglesia sa lupa ngayon. “Ibinigay Niya ang ubasan sa ibang tagapag-alaga,” sa Kanyang bayang nag-iingat ng tipan na “nagkakaloob sa Kanya nang tapat na bunga sa tamang panahon.” Kailanman ay di nawalan ang Panginoon ng mga tapat na kinatawan sa lupa na nagpakilala sa tao ng Kanyang mga interes. Ang mga saksing ito ng Dios ay nabibilang sa espirituwal na Israel, at sa kanila ay matutupad ang mga pangako ng tipan na ipinahayag ni Jehova sa Kanyang sinaunang bayan. PH 574.2
Ngayon ang iglesia ng Dios ay malayang maipagpapatuloy ang banal na panukala sa ikaliligtas ng lahing nagkasala. Sa maraming daangtaon ang bayan ng Dios ay nagdanas ng pagsikil sa kanilang mga kalayaan. Ang pangangaral ng ebanghelyo sa kanyang kadalisayan ay ipinagbawal, at ang pinakamabigat na parusa ay sumasakanilang lalabag sa mga batas ng tao. Bunga nito, ang ubasan ng Panginoon ay halos nawalan ng manggagawa. Ang bayan ay nawalan ng pagkakataong makatanggap ng liwanag ng salita ng Dios. Ang dilim ng kamalian at pamahiin ay nagbantang burahin ang pagkaalam ng tunay na relihiyon. Ang iglesia ng Dios sa lupa ay halos bihag sa mahabang panahon ng walang humpay na pag-uusig tulad ng pagkabihag ng Israel sa Babilonia. PH 574.3
Ngunit, salamat sa Dios, ang Kanyang iglesia ay di na bihag. Sa espirituwal na Israel ay naisauli ang mga karapatang ipinagkaloob sa bayan ng Dios matapos na sila ay palayain mula sa Babilonia. Sa bawat bahagi ng lupa, mga lalaki at babae ay tumutugon sa pabalitang sugo ng Langit na ipinopropesiya ni Juan na rebelador na ibabalita bago ang ikalawang pagparito ni Kristo: “Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa Kanya; sapagkat dumating ang panahon ng Kanyang paghatol.” Apocalipsis 14:7. PH 575.1
Hindi na muling mabibihag pa ng masamang kapangyarihan ang iglesia; sapagkat “Naguho, naguho, ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kanyang pakikiapid;” at sa espirituwal na Israel ay ibinigay ang mensahe, “Mangagsilabas kayo sa kanya, bayan Ko, upang huwag kayong mangaramay sa kanyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kanyang mga salot.” Talatang 8; 18:4. Habang pinakinggan ng mga bihag ang mensahe, “Tumakas ka na mula sa gitna ng Babilonia” (Jeremias 51:6), at ibinalik sa Lupang Pangako, kaya’t yaong nangatatakot sa Dios ngayon ay nakikinig sa mensahe na lumabas mula sa espirituwal na Babilonia, at hindi matatagalan sila ay tatayo bilang mga katibayan ng banal na biyaya sa bagong lupa, ang makalangit na Canaan. PH 576.1
Sa panahon ni Malakias ang nanunuyang tanong ng ayaw magsisi ay, “Saan nandoon ang Dios ng kahatulan?” ay nakatagpo ng taimtim na tugon: “Ang Panginoon...ay biglang paroroon sa Kanyang templo, at ang Sugo ng tipan.... Ngunit sino ang makatatahan sa araw ng Kanyang pagparito? at sino ang tatayo pagka Siya’y pakikita? sapagkat Siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi: at Siya’y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak: at Kanyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kanyang pakikinising parang ginto at pilak, at sila’y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran. Kung magkagayo’y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugod-lugod sa Panginoon, gaya ng mga araw nang una, at gaya ng mga taon nang una.” Malakias 2:17; 3:1-4. PH 576.2
Nang malapit nang magpakita ang ipinangakong Mesias, ang pabalita ng naghanda ng daan ni Kristo ay: Magsisi, mga maniningil ng buwis at makasalanan; magsisi, mga Pariseo at Saduceo; “sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.” Mateo 3:2. PH 576.3
Ngayon, sa diwa at kapangyarihan ni Elias at ni Juan na Magbabautismo, ang mga mensahero ng Dios ay tumatawag ng pansin ng sanlibutang hahatulan sa mga maselang pangyayaring magaganap kaugnay ng mga nagwawakas na oras ng palugit at pagpapakita ni Kristo Jesus bilang Han ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Di magtatagal ang bawat tao ay hahatulan sa bawat gawa ng kanyang katawan. Ang oras ng paghatol ng Dios ay dumating na, at sa mga kaanib ng Kanyang iglesia sa lupa nakababaw ang banal na kapanagutang magbibigay babala sa kanilang nakatayo sa bingit ng walang hanggang pagkapahamak. Sa bawat tao sa lupang tutugon ay dapat malinaw na ipahayag ang mga prinsipyong nakataya sa dakilang tunggaliang nagaganap, mga prinsipyong dito’y nakasalig ang hantungan ng sangkatauhan. PH 576.4
Sa mga huling oras na ito na palugit para sa mga anak ng tao, na ang kapalaran ng bawat kaluluwa ay pagpapasyahan magpakailanman, ang Panginoon ng langit at lupa ay umaasang ang Kanyang iglesia ay magbabangon sa paggawa higit sa alin mang panahon. Silang pinalaya kay Kristo sa pagkaalam ng mahahalagang katotohanan, ay ibinibilang ni Kristo na Kanyang mga pinili, at nakahihigit sa lahat ng tao sa balat ng lupa; at Siya’y umaasa sa kanila na maghayag ng kapurihan Niyang tumawag sa kanila mula sa kadiliman tungo sa kagila-gilalas na kaliwanagan. Ang pagpapalang masaganang ipinagkaloob ay dapat ibahagi sa iba. Ang mabuting balita ng kaligtasan ay lalaganap sa bawat bansa, lipi, wika, at bayan. PH 577.1
Sa mga pangitain ng mga propeta noon ang Panginoon ng kaluwalhatian ay milalarawan bilang nagkakaloob ng tanging liwanag sa Kanyang iglesia sa panahon ng kadiliman at kawalang paniniwala bago ang Kanyang ikalawang pagparito. Bilang Araw ng Katuwiran, Siya ay babangon sa Kanyang iglesia, “na may kagalingan sa Kanyang mga pakpak,” Malakias 4:2. At sa bawat tunay na alagad ay masisinag ang impluwensyang ukol sa buhay, tapang, pagtulong, at tunay na pagpapagaling. PH 577.2
Ang pagdating ni Kristo ay magaganap sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng lupa. Ang mga kaarawan ni Noe at Lot ay naglarawan ng kalagayan ng mundo bago dumating ang Anak ng tao. Ang mga Kasulatan, na tumuturo sa kapanahunang ito, ay naghahayag na si Satanas ay gagawang may buong kapangyarihan “at may buong daya ng kalikuan.” 2 Tesalonica 2:9, 10. Ang paggawa niya ay malinaw na nakikita sa mabilis na pagdami ng kadiliman, kamalian, kasinungalingan, at mga pandaraya sa mga huling araw. Hindi lamang nabibihag ni Satanas ang mundo, ang kanyang mga daya ay nakahahawa sa mga iglesiang nagpapanggap na kay Jesu-Kristong Panginoon. Ang dakilang pagtalikod ay lalago hanggang kadilimang pusikit sa hatinggabi. Sa bayan ng Dios ay magiging gabi ito ng pagsubok, gabi ng pagtangis, gabi ng pag-uusig alang-alang sa katotohanan. Ngunit mula sa dilim na ito ng gabi ay sisilang ang liwanag ng Dios. PH 577.3
Kanyang pinapangyanng “magniningning ang ilaw sa kadiliman.” 2 Corinto 4:6. Nang “ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” “ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios, Magkaroon ng liwanag: at nagkaroon ng liwanag.” Genesis 1:2, 3. Kaya sa gabi ng kadilimang espirituwal, ang salita ng Dios ay nagpapatuloy, “Magkaroon ng liwanag.” Sa Kanyang bayan ay sinasabi Niya, “Ikaw ay bumangon, sumilang ka; sapagkat ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.” Isaias 60:1. PH 578.1
“Sapagkat narito,” sabi ng Kasulatan, “tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: ngunit ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang Kanyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.” Talatang 2. Si Kristo, ang kaliwanagan ng kaluwalhatian ng Ama, ay dumating sa lupa bilang ilaw. Siya’y dumating upang kumatawan sa Dios para sa tao, at sa Kanya ay nasusulat na Siya ay pinahiran “ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan,” at “naglilibot na gumagawa ng mabuti.” Gawa 10:38. Sa sinagoga sa Nazaret ay sinabi Niya, “Sumasa Akin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat Ako’y pinahiran Niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha; Ako’y sinugo Niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang bigyan ng kalayaan ang nanga-aapi, upang itanyag ang kaaya-ayang taon ng Panginoon.” Lucas 4:18, 19. Ito ang gawain na iniatas Niya sa mga alagad na gawin. “Kayo ang ilaw ng sanlibutan,” ang sabi Niya. “Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao, upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.” Mateo 5:14, 16. PH 578.2
Ito ang gawaing inilarawan ni propeta Isaias nang sabihin niyang: “Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha ng walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapwa tao? Kung magkagayo’y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw: at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod.” Isaias 58:7, 8. PH 578.3
Sa gabi ng espirituwal na kadiliman ang kaluwalhatian ng Dios ay sisilang sa pamamagitan ng Kanyang iglesia sa pagtataas sa kanilang lumo at nagpapaginhawa sa kanilang napipighati. PH 578.4
Sa palibot natin ay nadidinig ang lumbay ng sanlibutan. Sa bawat dako ay mga nangangailangan at nababagabag. Nasa atin ang pagpapaginhawa ng kahirapan ng buhay at pagkaaba. Ang mga pangangailangan ng kaluluwa ay tanging ang pag-ibig ni Kristo ang makasasapat. Kung si Kristo ay nananahan sa atin, ang ating mga puso ay napupuspos ng banal na malasakit. Ang mga bukal ng pagibig ni Knsto na dati’y may takip ay mabubuksan at aagusan. PH 579.1
Marami ang tinakasan na ng pag-asa. Ibalik ang sikat ng araw sa kanila. Marami ang nawalan na ng lakas ng loob. Salitain sa kanila ang mga salitang nagpapasaya. Idalangin sila. Marami ang nangangailangan ng tinapay ng buhay. Basahin sa kanila ang salita ng Dios. Sa marami ay nakapataw ang sakit ng kaluluwa na walang gamot dito sa lupa o doktor na makapagpapagaling. Idalangin ang mga kaluluwang ito. Dalhin sila kay Jesus. Sabihin sa kanilang may balsamo sa Galaad at naroroon ang Manggagamot. PH 579.2
Ang liwanag ay pagpapala, isang pagpapalang pansanlibutan, na ibinubuhos ang kayamanan niya sa isang sanlibutang walang pagpapasalamat, walang kabanalan, at sira ang loob. Ganito rin ang liwanag ng Araw ng Katuwiran. Ang buong sanlibutan, nababalutan ng dilim ng kasalanan at kapanglawan at sakit ay dapat matanglawan ng pagkakilala sa pag-ibig ng Dios. Walang sekta, posisyon, o klase ng taong dapat isantabi sa pagtanggap ng tanglaw mula sa trono ng langit. PH 579.3
Ang pabalita ng pag-asa at habag ay dapat dalhin hanggang sa mga dulo ng lupa. Ang sinuman, ay maaaring mag-unat ng kamay upang abutin ang kalakasan ng Dios at makipagpayapaan sa Kanya, at Siya'y makipagpayapaan. Ang mga hindi naniniwala sa Dios ay di na dapat pang manatili sa kadiliman ng hatinggabi. Ang lambong ay mapapawi sa harapan ng liwanag ng Araw ng Katuwiran. PH 579.4
Ginaw a ni Kristo ang lahat ng paglalaan upang ang Kanyang iglesia ay mabago, nagtataglay. ng Liwanag ng sanlibutan, na may kaluwalhatian ni Immanuel. Adhikain Niya na ang bawat Kristiano ay mapalibutan ng espintuwal na liwanag at kapayapaan. Ninanais Niyang tayo ay maghayag ng Kanyang kagalakan sa ating mga buhay. PH 579.5
“Ikaw ay bumangon, sumilang ka; sapagkat ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.” Isaias 60:1. Si Kristo ay darating na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. Darating Siyang taglay ang sariling kaluwalhatian at nang kaluwalhatian ng Ama. At ang mga banal na anghel ay kasama Niya sa Kanyang daraanan. Habang ang sanlibutan ay nakalugmok sa kadiliman, magkakaron ng liwanag sa bawat tirahan ng mga banal. Makikita nila ang unang liwanag ng Kanyang ikalawang pagdating. Ang walang batik na liwanag ay sisikat mula sa Kanyang kaluwalhatian, at si Kristo na Manunubos ay hahangaan ng lahat ng naglingkod sa Kanya. Habang ang masasama ay lumalayo, ang mga tagasunod ni Kristo ay magdiriwang sa Kanyang presensya. PH 579.6
At pagkatapos ang mga naligtas sa mga tao ay tatanggap ng kanilang ipinangakong pamana. Sa ganito, ang layunin ng Dios para sa Israel ay magkakaroon ng literal na katuparan. Kung ano ang layunin ng Dios, ang tao ay walang kapangyarihang magpawalang bisa. Kahit sa gitna ng paggawa ng kasamaan, ang layunin ng Dios ay patuloy na sumusulong sa kanyang kaganapan. Ganito sa sambahayang Israel sa buong kasaysayan ng nahating kaharian; ganito rin sa espirituwal na Israel ngayon. PH 580.1
Ang propeta ng Patmos, sa paglingon sa nagdaang taon hanggang sa panahon ng pagbabalik ng Israel sa bagong lupa, ay nagpatotoo: PH 580.2
“Tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan, na hindi mabilang ng sinuman, na mula sa bawat bansa, at lahat ng mga angkan, at mga bayan, at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan, at sa harapan ng Kordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay; at nagsisigawan ng tinig na malakas, na nagsasabi, Ang Pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Kordero. PH 580.3
“At ang lahat ng mga anghel ay nangatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na hayop (“nilalang na buhay), at sila’y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios, na nagagsasabi, Siya nawa: Pagpapala, at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailanman.” PH 580.4
“At narinig ko ang gaya ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagkat naghahan ang Panginoong ating Dios na makapangyarihan sa lahat. Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at Siya’y ating luwalhatiin.” “Siya'y Panginoon ng mga panginoon, at Hari ng mga hari; at ng mga kasama Niya, na mga tinawag, at mga pili, at mga tapat.” Apocalipsis 7:9-12; 19:6, 7; 17:14. PH 580.5