ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

69/69

Kabanata 60—Mga Pangitain ng Kaluwalhatian sa Hinaharap

Sa mga pinakamadidilim na araw ng kanyang mahabang pakikipagtunggali sa kasamaan, ang iglesia ng Dios ay binigyan ng mga pagpapahayag ng tungkol sa walang hanggang adhikain ni Jehova. Ang Kanyang bayan ay pinahintulutang makita ang kabila na mga pagsubok ng kasalukuyan tungo sa mga tagumpay ng hinaharap, nang, ang pakikipagbaka ay naisagawa na, ang natubos ay papasok na sa pag-aangkin ng ipinangakong lupain. Ang mga pangitain ng hinaharap na kaluwalhatian, mga tanawing inilarawan ng kamay ng Dios, ay dapat maging mahal sa Kanyang iglesya ngayon, nang ang tunggalian ng mga panahon ay mabilis na nagsasara at ang pangakong mga pagpapala ay malapit ng maranasan sa lahat ng kanyang kahustuhan. PH 581.1

Marami ang mga pabalita ng kaginhawahang ibinigay sa iglesia ng mga propeta noon. “Inyong aliwin, inyong aliwin ang Aking bayan.”(Isaias 40:1), ang utos kay Isaias mula sa Dios; at kasabay ng komisyong ito ay mga kahanga-hangang pangitain ang naging pag-asa at kagalakan ng mga mananampalataya sa mga daang taong sumunod. Hinamak ng mga tao, pinag-usig, pinabayaan, ang mga anak ng Dios sa bawat panahon ay pinunan ng kasiguruhan ng Kanyang mga pangako. Sa pananampalataya ay tumanaw sila sa panahong tutuparin Niya sa Kanyang iglesia ang kasiguruhang, “gagawin kitang walang hanggang karilagan, na kagalakan ng maraming sali’t saling lahi.” Isaias 60:15. PH 581.2

Madalas na ang iglesiang nagbabantay ay tinawagan upang magbata ng pagsubok at kahirapan; ngunit kundi dahil sa mahigpit na tunggalian na ang iglesia ay magtatagumpay. “Tinapay ng kasakunaan,” “ang tubig ng kadalamhatian” (Isaias 30:20), ang mga ito ang karaniwang kapalaran ng lahat; ngunit wala na naglagay ng kanilang tiwala sa Isa na makapangyarihan upang magligtas ay ganap na magagapi. “Ngunit ngayo’y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at Siya na nag-anyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot: sapagkat tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan; ikaw ay Akin. Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, Ako’y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo. Sapagkat Ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas sa iyo: Aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang Egipto, ang Etiopia at ang Seba. Yamang ikaw ay naging mahalaga sa Aking paningin, at kagalang-galang, at Aking inibig ka: kaya’t magbibigay Ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.” Isaias 43:1-4. PH 581.3

May pagpapatawad sa Dios; may pagtanggap na lubusan at walang bayad sa pamamagitan ng mga kabudhan ni Jesus, ang ating Panginoong napako at nabuhay na mag-uli. Nadinig ni Isaias ang pahayag sa Kanyang mga pinili: “Ako, Ako nga ay Siyang pumapawi ng iyong mga pagsalangsang alang-alang sa Akin, at hindi Ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan. Ipaalaala mo Ako: tayo’y kapwa magkatuwiranan: ilabas mo ang iyong usap, upang ikaw ay mapatotohanan.” “At iyong malalaman na Akong Panginoon ay Tagapagligtas sa iyo, at Manunubos sa iyo, Makapangyarihan ng Jacob.” Talatang 25,26; 60:16. PH 582.1

“At ang kakutyaan ng Kanyang bayan ay maaalis sa buong lupa,” wika ng propeta. “At tatawagin nila sila, Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon.” Kanyang itinakda “upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila’y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na pananim ng Panginoon upang Siya’y luwalhatiin.” PH 582.2

“Gumising ka, gumising ka; magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion;
Magsuot ka ng iyong mga magandang damit, Oh Jerusalem, na Bayang
Banal:
Sapagkat mula ngayo’y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli at ang
marumi.

“Magpagpag ka ng alabok;
Ikaw ay bumangon, umupo ka sa iyong luklukan, Oh Jerusalem:
Magkalag ka ng mga tali ng iyong leeg, Oh bihag na anak na babae
ng Sion.”
PH 582.3

“Oh ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw,
Narito, Aking ilalagay ang iyong mga bato na may magandang mga kulay,
At ialapag Ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro.
“At gagawin kong mga rubi ang iyong mga dungawan,
At mga karbungko ang iyong mga pintuang-bayan,
At mga mahahalagang bato ang iyong lahat na hangganan.

“At lahat mong anak ay tuturuan ng Panginoon;
At magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak.
Sa katuwiran ay matatatag ka:

“Ikaw ay malalayo sa kapighatian; sapagbt yao’y hindi mo katatakutan:
At sa kakilabutan; sapagbt hindi lalapit sa iyo.
Narito, sila’y magbbpisan, ngunit hindi sa pamamagitan Ko:
Sinumang magpipisan laban sa iyo ay mabubuwal dahil sa iyo....

“Walang armas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan;
At bawat dila na gagalaw laban sa iyo sa bhatulan ay
iyong hahatulan.
Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon,
At ang katuwiran nila ay sa Akin, sabi ng Panginoon. Isaias 25:8; 62:12; 61:3; 52:1, 2; 54:11-17.
PH 583.1

Taglay ang kalasag ng katuwiran ni Kristo, ang iglesia ay papasok sa kanyang huling yugto ng labanan. “Maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, at kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat” (Awit ng mga Awit 6:10), siya ay hahayo sa lahat ng sanlibutan, na nagtatagumpay at para magtagumpay. PH 583.2

Ang pinakamadilim na oras ng pakikibaka ng iglesia sa mga kapang-yarihan ng kasamaan ay ang bisperas ng kanyang pangwakas na kaligtasan. Datapuwat walang sinumang nagtitiwala sa Dios ang dapat mangamba; “pagka ang hihip ng mga kakilaldlabot ay parang bagyo laban sa kuta,” ang Dios ay nasa Kanyang bayan “silungan sa bagyo.” Isaias 25:4. PH 583.3

Sa araw na iyon tanging mga matuwid ang may pangako ng pagliligtas. “Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? sino sa adn ang tatahan sa walang hanggang ningas? Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kanyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kanyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kanyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan; siya’y tatahan sa mataas: ang kanyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kanyang tinapay ay mabibigay sa kanya; ang kanyang tubig ay sagana.” Isaias 33:14-16. PH 583.4

Ang salita ng Panginoon sa Kanyang mga tapat ay: “Ikaw ay parito, bayan Ko, pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sandali, hanggang sa ang galit ay makalampas. Sapagkat, narito, ang Panginoon ay lumalabas mula sa Kanyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan.” Isaias 26:20, 21. PH 584.1

Sa mga pangitain ng dakilang paghuhukom ang lanasihang mga mensahero ni Jehova ay binigyang pantanaw sa pagkahambal ng mga hindi handang makipagpayapa sa Panginoon. PH 584.2

“Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon;...sapagkat kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang hanggang dpan. Kaya’t nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin.... Ang saya ng mga pandereta ay naglikat, ang kaingay nila na nangagagalak ay nagwakas, ang galak ng alpa ay naglikat.” Isaias 24:1 -8 PH 584.3

“Sa aba ng araw na yaon! sapagkat ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, at darating na parang kagibaan mula sa Makapangyarihan sa lahat.... Ang mga binhi ay nangabubulok sa kanilang bugal; ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira, ang mga imbakan ay bagsak; sapagkat ang trigo ay natuyo. Ganyan na lamang ang ungal ng mga hayop! ang mga kawan ng mga hayop ay natitigilan, sapagkat wala silang pastulan; oo, ang mga kawan ng tupa ay nangapahamak.” “Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo: sapagkat ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao.” Joel 1:15-18, 12. PH 584.4

“Ako’y nagdaramdam sa aking puso,” ang bulalas ni Jeremias habang pinagmamasdan ang lagim ng mga pangyayari sa pagtatapos ng kasaysayan ng sanlibutan. “Hindi ako matahimik; sapagkat iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng trumpeta, ang hudyat ng pakikipagdigma. Kagibaan at kagibaan ang inihihiyaw; sapagkat ang buong lupain ay nasira. Jeremias 4:19, 20. PH 584.5

“At ang kahambugan ng tao ay huhutukin,” ang pahayag ni Isaias sa araw ng paghihiganti ng Dios, “at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mabababa: at ang Panginoon mag-isa ay mabubunyi sa kaarawang yaon. At ang mga diyus-diyusan ay mapapawing lubos.... Sa kaarawang yaon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diyusdiyusang pilak, at ang kanilang mga diyus-diyusang ginto, na kanilang ginawa upang sambahin, sa yungib ng mga bilig at ng mga paniki; upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato, at sa mga bitak ng mga malaking bato, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng Kanyang kamahalan, pagka Siya’y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.” Isaias 2:17-21. PH 585.1

Sa mga panahong iyon ng pagbabago, nang ang pagmamataas ng tao ay masasadlak, ito ang patotoo ni Jeremias: “Aking minasdan ang lupa, at, narito, sira at walang laman; at ang langit ay walang liwanag. Aking minasdan ang mga bundok, at, narito, nagsisiyanig, at ang lahat na burol ay nagsisiindayog. Ako’y nagmasid, at, narito, walang tao, at lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas. Ako’y nagmasid, at, narito, ang mainam na parang ay ilang, at lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira.” “Ay! sapagkat ang araw na yaon ay dakila, na anupa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; ngunit siya’y maliligtas doon.” Jeremias 4:2326; 30:7. PH 585.2

Ang araw ng galit sa mga kaaway ng Dios ay siyang araw ng pagliligtas sa wakas sa Kanyang iglesia. Wika ng propeta: PH 585.3

“Inyong palakasin ang mga mahinang kamay,
At patatagm ang mga mahinang tuhod.

Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo’y mangagpakatapang,
huwag kayong mangatakot:
Narito, ang niyong Dios ay pariritong may panghihiganti,
May kagantihan ng Dios; Siya’y parinto at ililigtas kayo.”
PH 585.4

“Sinakmal niya ang kamatayan magpakailanman; at papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng Kanyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagkat sinalita ng Panginoon.” Isaias 35:3, 4; 25:8. At habang minamasdan ng propeta ang Panginoon ng kaluwalhatian na bumababa mula sa langit, kasama ang mga anghel upang tipunin ang nalabing iglesia mula sa mga bansa sa lupa, nadidinig niya ang matagumpay na sigaw: PH 585.5

“Narito, ito’y ating Dios;
Hinintay natin Siya,
At ililigtas Niya tayo:
Ito ang Panginoon;
Ating hinintay Siya,
Tayo’y matutuwa at magagalak
sa Kanyang pagliligtas.” Isaias 25:9.
PH 586.1

Ang tinig ng Anak ng Dios ay narinig na tumatawag sa mga natutulog na mga banal, at habang minamasdan ng propeta ang paglabas nila mula sa piitang kamatayan, nabulalas niya, “Ang iyong mga patay ay mangabubuhay, ang aking patay na katawan ay babangon. Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagkat ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay. PH 586.2

“Kung magkagayo’y madidilat ang mga mata ng bulag, PH 586.3

At ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.
Kung magkagayo’y lulukso ang pilay na parang usa,
At ang dila ng pipi ay aawit.” Isaias 26:19; 35:5,6.
PH 586.4

Sa mga pangitain ng propeta, silang nagtagumpay sa kasalanan at sa libingan ngayon ay makikitang nagagalak sa presensya ng kanilang Manlalalang, malayang nakikipag-usap sa Kanya tulad ng tao na nakipag-usap sa Dios sa pasimula. “Ngunit kayo’y mangatuwa,” sinabi ng Panginoon, “at mangagalak magpakailanman sa Aking nilikha: sapagkat, narito, Aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kanyang bayan. At Ako’y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa Aking bayan: at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kanya, o ang tinig man ng daing.” “At ang mamamayan ay hindi magsasabi, ako’y may sakit: ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan.” PH 586.5

“Sapagkat sa ilang ay bubukal ang tubig,
At magkakailog sa ilang.
At ang buhanginang kumikislap ay magiging lawa,
At ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig.”
PH 586.6

“Kahalili ng tinik ay tutubo ang puno ng abeto,
At kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan.”

“At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan,
At tatawagin Ang daan ng kabanalan;
Ang marumi ay hindi daraan doon;
Kundi magiging sa kanyang bayan:
Ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi
mangaliligaw roon.”
PH 587.1

“Mangagsalita kayong may pag-aliw sa Jerusalem, at sigawan ninyo siya, na ang kanyang pakikipagdigma ay naganap, na ang kanyang kasamaan ay ipinatawad: sapagkat siya’y tumanggap sa kamay ng Panginoon ng ibayong ukol sa kanyang lahat na kasalanan.” Isaias 65:18, 19; 33:24; 35:6, 7; 55:13; 35:8; 40:2. PH 587.2

At habang minamasdan ng propeta ang mga tinubos na naninirahan sa Siyudad ng Dios, ligtas sa kasalanan at sa lahat ng tanda ng parusa, sa kagalakan ay nawika niya, “Kayo’y mangagalak na kasama ng Jerusalem, at mangatuwa dahil sa kanya, kayong lahat na nagsisiibig sa kanya: kayo’y mangagalak ng kagalakan na kasama niya.” PH 587.3

“Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain,
Ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan;
Kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan,
At ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan.

“Ang araw ay hindi na magiging iyong liwanag sa araw;
O ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag:
Kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang liwanag,
At ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian.

“Ang iyong araw ay hindi na lulubog;
ang iyo mang buwan ay lulubog:
Sapagkat ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag,
At ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos.

“Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat
Sila’y mangagmamana ng lupain magpakailanman,
Ang sanga ng Aking pananim,
/p> Ang gawa ng Aking mga kamay,
Upang Ako’y luwalhatiin.” Isaias 66 : 10; 60 : 18-21.
PH 587.4

Nadinig ng propeta ang tunog ng musika doon, at awit, gayong musika at awit, na inilaan sa mga pangitain ng Dios, ay walang taong nakarinig o isipang nakaisip man. “At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nag-aawitan sa Sion at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila’y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam.” “Kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam.” “Ganon din ang mga mang-aawit at mga manunugtog ng mga instrumento ay nandoon.” “Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, sila’y magsisihiyaw, dahil sa kamahalan ng Panginoon.” Isaias 35:10; 51:3; Awit 87:7; Isaias 24:14. PH 588.1

Sa lupang ginawang bago, ang mga tinubos ay gagawa sa mga gawain at mga kaluguran na nagdulot ng kaligayahan kay Adan at Eva noong pasimula. Ang buhay sa Eden ay isasakabuhayan, ng buhay sa halamanan at kabukiran. “At sila’y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao’y kanilang tatahanan; at sila’y mangag-uubasan, at magsisikain ng bunga niyaon. Sila’y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila’y hindi magtatanim, at iba ang kakain: sapagkat kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy ay magiging gayon ang mga kaarawan ng Aking bayan, at ang Aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.” Isaias 65:21,22. PH 588.2

Doon ang bawat kapangyarihan ay lalago, bawat kakayahan ay mararagdagan. Ang mga pinakadakilang gawain ay mapapasulong, pinakamatatayog na lunggati ay maaabot, ang pinakamataas na mga pangarap ay matatamo. At may higit pang mga taluktok na makikita, mga bagong kahanga-hangang bagay na hahangaan, bagong katotohanang mauunawaan, mga bagong pag-aaral na isasagawa upang hamunin ang mga kapangyarihan ng katawan, isipan at kaluluwa. PH 588.3

Ang mga propetang binigyan ng ganitong pagpapahayag ay nanabik na maalaman ang kanilang buong kahalagahan. Sila',y “nagsikap at nagsiyasat na maigi:...sinisiyasat ang kahulugan kung ano, o anong panahon itinuro ng Espiritu ni Kristo na sumasa kanila.... Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayoy’y ibinalita sa inyo.” 1 Pedro 1:10-12. PH 588.4

Sa ating nakatayo sa bingit ng katuparan ng mga bagay na ito, anong kalalim na sandali, ng buhay na interes, ang mga pagliliwanag na ito ng mga bagay na darating—mga pangyayaring, mula nang ang ating mga unang magulang ay tumalikod sa Eden, ang mga anak ng Dios ay nagmasid at naghintay, nanabik at nanalangin! PH 588.5

Kapwa ko manlalakbay, tayo ay nasa gitna pa ng mga lambong at kaguluhan ng mga pangyayari dito sa lupa; ngunit di na magtatagal ang ating Tagapagligtas ay magpapakita upang magdala ng kaligtasan at kapahingahan. Sa pananampalataya ay masdan natin ang mapalad na darating ayon sa paglalarawan ng kamay ng Dios. Siyang namatay para sa kasalanan ng sanlibutan ay binubuksang malawak ang mga pintuan ng Paraiso sa lahat ng mananampalataya sa Kanya. Di na magtatagal ay matatapos ang pagbabaka, ang tagumpay ay matatamo. Di na magtatagal ay makikita natin Siya na tampulan ng ating pagasa ukol sa walang hanggang buhay. At sa Kanyang presensya ang mga pagsubok at mga paghihirap sa buhay na ito ay mawawalang saysay. Ang mga dating bagay ay “hindi maaalaala, o mapapasa isip man.” “Huwag nga ninyong itakwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang gantimpala. Sapagkat kayo’y nangangailangan ng pagtitiis, kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako. Sapagkat sa madaling panahon, Siyang pumaparito ay darating, at hindi magluluwat.” “Ngunit ang Israel ay ililigtas...ng walang hanggang kaligtasan: kayo’y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailanman.” Isaias 65:17; Hebreo 10:35-37; Isaias 45:17. PH 589.1

Tingin sa itaas, tingin sa itaas, at bayaang ang iyong pananampalataya ay patuloy na lumago. Bayaang ang pananampalatayang ito ang pumatnubay sa iyo sa makipot na landas na maghahatid sa iyo sa mga pintuan ng siyudad tungo sa kahanga-hangang ibayo, ang malawak, at walang hanggang kaluwalhatian sa hinaharap ng mga tinubos. “Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang maaga at huli. Mangagtiis din naman kayo; pagtibayin ninyo ang inyong mga puso: sapagkat ang pagparito ng Panginoon ay malapit na.” Santiago 5:7, 8. PH 589.2

Ang mga bansang naligtas ay walang batas na matututuhan liban sa batas ng langit. Lahat ay magiging maligaya, nagkakaisang sambahayan, nadaramtan ng kasuotan ng papuri at pagpapasalamat. Sa tanawing ito ang mga tala sa umaga ay mag-aawitang magkakasama, at ang mga anak ng Dios ay sisigaw sa kagalakan, samantalang ang Dios at si Kristo ay magsasanib sa paghahayag, “At hindi na magkakaroon pa ng kasalanan, ni ng kamatayan man.” PH 589.3

“At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang Sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap Ko, sabi ng Panginoon.” “Ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat na tao.” “Gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa.” “Sa araw na yaon ay magiging putong ng kaluwalhatian ang Panginoon ng mga hukbo, at pinakadiadema ng kagandahan, sa nalabi sa Kanyang bayan.” PH 590.1

“Inaliw ng Panginoon ang Sion: Kanyang pinasaya ang lahat Niyang sirang dako; at ginawa Niyang parang Eden, at ang Kanyang ilang at ang Kanyang lupang masukal ay parang halamanan ng Panginoon.” “Ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron.” “Hindi ka na tatawagin pang Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah.... Kung paanong ang kasintahang lalaki ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon magagalak ang Dios sa iyo.” Isaias 66:23; 40:5; 61:11; 28:5; 51:3; 35:2; 62:4, 5. PH 590.2