ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

67/69

Kabanata 58—Ang Pagdating ng Tagapagligtas

Sa mahahabang daangtaon ng “kahirapan at kadiliman” at “ulap ng kahapisan” (Isaias 8:22) na naging tanda ng kasaysayan ng tao mula nang ang ating mga magulang ay nawalan ng tahanang Eden, hanggang sa panahong ang Anak ng Dios ay magpapakita bilang Tagapagligtas ng makasalanan, ang pag-asa ng lahing bumagsak ay nakasentro sa pagdating ng Tagapagligtas upang palayain ang tao mula sa pagkabihag ng kasalanan at libingan. PH 550.1

Ang unang pahiwatig ng gayong pag-asa ay nabigay kay Adan at Eva sa sentensyang napataw sa ahas doon sa Eden nang ihayag ng Panginoon kay Satanas, “At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kanyang binhi; ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong.” Genesis 3:15. PH 550.2

Habang pinapakinggan ng nagkasalang mag-asawa ang mga salitang ito, sila ay nabuhayan ng pag-asa; sapagkat sa propesiyang ibinigay tungkol sa pagkawasak ng kapangyarihan ni Satanas kanilang naunawaan ang pangako ng pagtubos mula sa pagkawasak na nagawa sa pamamagitan ng paglabag. Bagama’t sila ay dadanas ng hirap sa kapangyarihan ng kaaway, sapagkat sila ay nahulog sa mapang-akit na impluwensya at lumabag sa dyak na utos ni Jehova, gayunman ay di sila nagupo ng lubos na kapanglawan. Ang Anak ng Dios ay naghahandog na maging pantubos sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo sa kanilang paglabag. Sa kanila ay ipagkakaloob ang palugit na sa panahong ito, sa pamamagitan ng pananampalataya sa kapangyarihan ni Kristong magligtas, sila ay muling maging mga anak ng Dios. PH 550.3

Si Satanas, sa pamamagitan ng kanyang tagumpay na ang tao ay mailayo sa pagsunod sa Dios, ay naging “diyos ng sanlibutang ito.” 2 Corinto 4:4. Ang pamamahalang dati ay kay Adan ay nalipat sa mang-aagaw. Ngunit ang Anak ng Dios ay nagmungkahing manaog sa lupang ito upang bayaran ang parusa ng kasalanan, at sa gayon di lamang tubusin ang tao, kundi bawiin din ang kapamahalaang nawala. Tungkol sa pagsasauling ito na nagpropesiya si propeta Mikas, “At Ikaw, oh Moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa Iyo’y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating.” Mikas 4:8. Tinukoy ni apostol Pablo itong “ikatutubos ng sariling pagaari.” Efeso 1:14. Ang mang-aawit ay may sulat tungkol sa pagsasauli sa wakas ng orihinal na pamana ng tao, “Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailanman.” Awit 37:29. PH 550.4

Ang pag-asang ito ng katubusan sa pagdating ng Anak ng Dios bilang Tagapagligtas at Hari, ay di namatay sa mga puso ng tao. Mula pasimula ay may mga lalaking ang pananampalataya ay umabot na lagpas sa mga lambong ng kasalukuyan hanggang sa katotohanan ng hinaharap. Sina Adan, Seth, Enoc, Metusalem, Noe, Shem, Abraham, Isaac, at ang Jacob—sa pamamagitan ng mga ito at iba pang marapat ay inalagaan ng Dios ang mga mahal na pagpapahayag ng Kanyang kalooban. Kung kaya’t ang Israel na bayang pinili na sa kanila ay ipagkakaloob ang Mesias para sa sanlibutan, ang Dios ay nagkaloob ng kaalamang ukol sa mga kahilingan ng Kanyang kautusan, at ng kaligtasang isasagawa sa tumutubos na sakripisyo ng Kanyang mahal na Anak. PH 551.1

Ang pag-asa ng Israel ay napaloob sa pangako sa panahon ng pagtawag kay Abraham, at pagkatapos ay inulit muli at muli sa kanyang angkan, “At pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.” Genesis 12:3. Habang ang adhikain ng pagtubos ay inilalahad kay Abraham, ang Araw ng Katuwiran ay sumilang sa kanyang puso, at ang kadiliman ay napawi. At sa wakas, nang ang Tagapaligtas na nn ay lumakad na kasama ng tao, Siya ay nagbigay patotoo sa mga Judio tungkol sa maliwanag na pag-asa ng patriarka sa pagliligtas sa pamamagitan ng pagdating ng Manunubos. “Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang Aking araw,” ipinahayag ni Kristo; “at nakita niya, at natuwa.” Juan 8:56. PH 551.2

Ang mapalad na pag-asa ding ito ang binigyang anino ng pagpapalang ipinagkaloob ng naghihingalong patriarkang Jacob sa kanyang anak na si Juda: PH 551.3

“Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid:
Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway;
Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo.... Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda,
Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kanyang mga paa,
Hanggang sa ang Shiloh ay dumating;
At sa kanya tatalima ang mga bansa.” Genesis 49:8-10.
PH 551.4

Muli, sa hangganan ng Lupang Pangako, ang pagdating ng Manunubos ng sanlibutan ay ipinopropesiya ni Balaam. PH 552.1

“Aking makikita Siya, ngunit hindi ngayon: Aking mapagmamasdan Siya,
ngunit hindi sa malapit:
Lalabas ang isang Bituin sa Jacob, at may isang Setro na
lilitaw sa Israel,
At sasaktan ang mga sulok ng Moab, at lilipulin ang lahat ng mga
anak ng Kaguluhan.” Bilang 24:17.
PH 552.2

Sa pamamagitan ni Moises, ang adhikain ng Dios na isugo ang Anak bilang Manunubos ng nagkasalang tao, ay inilahad sa Israel. Sa isang okasyon, bago siya namatay, ipinahayag ni Moises, “Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang isang Propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa Kanya kayo makikinig.” Maliwanag na itinuro kay Moises para sa Israel ang tungkol sa gawain ng Mesias na darating. “Aking palilitawin sa kanila ang isang Propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo,” ang pananalita ni Jehova sa Kanyang lingkod; “at Aking ilalagay ang Aking mga salita sa bibig Niya; at Kanyang sasalitain sa kanila ang lahat ng Aking iuutos sa Kanya.” Deuteronomio 18:15, 18. PH 552.3

Sa panahon ng mga patriarka ang paghahandog ng sakripisyo kaugnay ng banal na pagsamba ay naging palagiang paalaala ng pagdating ng Tagapagligtas, at gayon din sa buong ritwal ng paglilingkod sa santuwaryo sa buong kasaysayan ng Israel. Sa paglilingkod sa tabernakulo, at sa templo ang bayan ay tinuruan sa bawat araw, sa pamamagitan ng mga tipo at anino, ng mga dakilang katotohanang kaugnay ng pagdating ni Kristo bilang Manunubos, Saserdote, at Han; at minsan sa bawat taon ang kanilang isipan ay dinadala sa mga pangyayari ng dakilang tunggalian sa pagitan ni Kristo at Satanas, sa huling pagdadalisay ng sansinukob mula sa kasalanan at makasalanan. Ang mga sakripisyo at paghahandog sa mga seremonyang Mosaico ay laging nagtuturo sa lalong mainam na serbisyo, na makalangit. Ang makalupang santuwaryo “na yao’y isang talinhaga ng panahong kasalukuyan,” na kung saan iniaalay ang mga kaloob at mga handog; ang dalawang banal na dako ay “anyo ang mga bagay sa sangkalangitan;” na si Kristo, ang ating dakilang Punong Saserdote, ay ngayon, “ministro sa santuwaryo, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.” Hebreo 9:9, 23; 8:2. PH 552.4

Mula ng araw na inihayag ng Panginoon sa ahas sa Eden, “at papagaalitin Ko ikaw at ang iyong binhi at ang kanyang binhi” (Genesis 3:15), alam na ni Satanas na kailanman ay di siya makapapangyari sa mga nananahan sa lupa. Nang pasimulan ni Adan at mga anak niya ang seremonya ng paghahandog na itinalaga ng Dios bilang uri ng darating na Manunubos, nakita ni Satanas sa mga simbulong ito ang komunyon ng lupa at langit. Sa mga mahahabang daangtaon na sumunod, naging palagiang misyon niya na pigilin ang komunyong ito. Walang pagod na binigyan niyang maling representasyon ang Dios gayon din ang mga ritong nagtuturo sa Tagapagligtas, at sa malaking bahagi ng sangkatauhan ay nagtagumpay siya. PH 553.1

Samantalang ninanais ng Dios na ituro sa tao na mula sa Kanyang Kaloob na pag-ibig na ang tao ay maaaring makipagkasundo sa Kanya, ang kaaway ng tao ay nagsisikap namang ilarawan ang Dios bilang isang nagagalak sa pagkawasak ng tao. Kung kaya’t ang mga sakripisyo at ordinansang inihayag ng Langit upang maglarawan ng pag-ibig ng Dios ay napasama anupa’t ang makasalanan ay nagsikap na bigyang lubag ang kasalanan, sa pamamagitan ng mga kaloob, at mabubuting gawa, upang maalis ang galit ng Dios na nilabag. Kasabay nito ay ginismg din ni Satanas ang masasamang damdamin ng tao upang maakay na palayo sa Dios sa pamamagitan ng patuloy na paglabag, upang siya ay halos walang pag-asang natatalian ng kasalanan. PH 553.2

Nang ibigay ng Dios ang nasusulat na salita sa mga propetang Hebreo, pinag-aralang mabuti ni Satanas ang mga balita tungkol sa Mesias. Maingat ng tinatalunton niya ang mga salitang naghahanay na maliwanag sa gawain ni Kristo ukol sa tao bilang nagdurusang sakripisyo at nanagumpay na hari. Nabasa niya sa mga balumbon ng Aklat ng Lumang Tipan na ang Isa na magpapakita ay “dadalhing parang tupa sa patayan,” “ang Kanyang mukha...ay napakakatuwa kaysa kaninumang lalaki, at ang Kanyang anyo ay higit na kumatuwa kaysa mga anak ng mga tao.” Isaias 53:7; 52:14. Ang ipinangakong Tagapagligtas ng sangkatauhan ay “hinamak at itinakwil ng mga tao; isang tao sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman;....sinaktan ng Dios, at dinalamhati;” ngunit Kanyang gaganapin ang Kanyang malaking kapangyarihan upang “Kanyang hahatulan ang dukha sa bayan.” Kanyang “ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,” “at pagwawaray-warayin ang mang-aapi.” Isaias 53:3, 4; Awit 72:4. Ang mga propesiyang ito ay nagbigay takot at panginginig kay Satanas; gayunman ay di niya binitiwan ang adhikaing pigilan kung maaari ang mga mahabaging probisyon ni Jehova para sa katubusan ng lahing nagkasala. Ipinasya niyang bulagin ang mata ng tao hangga',t maaari, sa tunay na kahalagahan ng mga propesiya tungkol sa Mesias, upang ihanda ang daan sa pagtanggi kay Kristo sa Kanyang pagdating. PH 553.3

Mga daangtaon bago ang Baha, ang tagumpay ay nakuha ni Satanas na magdala sa mundo ng malawakang paghihimagsik laban sa Dios at kahit na ang mga liksyon ng Baha ay madaling nakalimutan. May katalinuhang inakay ni Satanas ang tao sa bawat hakbang tungo sa walang takot na rebelyon. Muli ay parang siya ay magtatagumpay, ngunit ang adhikain ng Dios para sa taong nagkasala ay di gayon kadaling maisasantabi. Sa pamamagitan ng lahi ni Abraham, sa lahi ni Shem, ang pagkakilala sa kagandahang loob ni Jehova ay maiingatan sa kapakanan ng mga kasunod na lahi. Sa paglakad ng panahon ay ibabangon ang mga mensaherong itinalaga ng Dios upang tawagang pansin ang kahulugan ng mga seremonya ng sakripisyo, at lalo na sa pangako ni Jehova tungkol sa pagdating ng Isa na sa Kanya nakaturo ang lahat ng sistema ng sakripisyong ito. Sa ganito ay maiingatan ang sanlibutan mula sa malawakang pagtalikod. PH 554.1

Ang adhikaing ito ng Dios ay maisasagawa na hindi walang oposisyon. Sa bawat paraan kung maaari ay sisikapin ng kaaway ng katotohanan at katuwiran na ang mga lahi ni Abraham ay makalimot sa mataas at banal na pagkatawag, at maibaling ito sa pagsamba sa mga huwad na diyos. At kung minsan ay nagtatagumpay siya. Sa mga daangtaon bago dumating si Kristo sa una, ang kadiliman ay nakabalot sa lupa at pusikit na kadiliman sa tao. Nakalambong sa landas ng tao ang madilim na anino ni Satanas, upang hadlangan ito na makilala ang Dios at ang sanlibutang darating. Ang karamihan ay nakaupo sa lilim ng kamatayan. Ang tanging pag-asa ay ang pag-aalis ng kadiliman upang ang Dios ay mahayag. PH 554.2

Sa propesiya na nakita ni David, na pinahiran ng Dios, ang pagdating ni Kristo ay “magiging gaya ng liwanag sa lanaumagahan, pagka ang araw ay sumisikat, sa isang umagang walang mga alapaap.” 2 Samuel 23:4. At si Oseas ay nagpatotoo, “Ang Kanyang paglabas ay tunay na parang umaga” Oseas 6:3. Tahimik at malumanay ang umaga ay sumilay sa daigdig, itinataboy ang kadiliman at gumigising sa daigdig para sa buhay. Gayon ang Araw ng Katuwiran ay sisikat, “na may kagalingan sa kanyang mga pakpak.” Malakias 4:2. Ang karamihan na nakatahan “sa lupain ng lilim ng kamatayan,” sa kanila sumilang ang “malaking liwanag.” Isaias 9:2. PH 554.3

Si propeta Isaias, sa kanyang pagtingin na may kagalakan sa maluwalhating pagliligtas, ay bumulalas: PH 555.1

“Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang Bata,
Sa atin ay ibinigay ang isang Anak na Lalaki:
At ang pamamahala ay maaatang sa Kanyang balikat:
At ang Kanyang pangalan ay tatawaging
Kamangha-mangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios,
Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
Ang paglago ng Kanyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi
magkakaroon ng wakas,
Sa luklukan ni David,
At sa Kanyang kaharian,
Upang itatag, at upang alalayan
Ng kahatulan at ng katuwiran
Mula ngayon hanggang sa magpakailanman.
Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.” Talatang 6, 7.
PH 555.2

Sa mga sumunod na daangtaon ng kasaysayan ng Israel bago ang unang pagparito, pangkalahatan ay nauunawaan na ang pagdating ng Mesias ay nasa propesiya, “Totoong magaan ang bagay na Ikaw ay naging Aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ni Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel: Ikaw ay Aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil, upang Ikaw ay maging Aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.” “At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag,” wika ng propeta, “at makikitang magkakasama ng lahat na tao.” Isaias 49:6; 40:5. Tungkol sa liwanag na ito sa tao na si Juan na Magbabautismo ay nagpatotoong may katapangan, “Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.” Juan 1:23. PH 555.3

Tungkol din kay Kristo na ang pangako sa propesiya ay nabigay: “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na Kanyang Banal, doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa,...ganito ang sabi ng Panginoon,...Aking iningatan Ka, at ibibigay Kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana; na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo’y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo.... Sila’y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; at hindi man sila mangapapaso ng init o ng araw man: sapagkat Siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, samakatuwid baga’y sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan Niya sila.” Isaias 49:7-10. PH 555.4

Ang mga matatag sa bansang Judio, mga anak ng linyang may kabanalan na ang pagkakilala sa Dios ay naingatan, ay nagpalakas ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pamamalagi sa mga sulat na ito at iba pang katulad. May kagalakang nabasa nila kung paanong ang Panginoon ay magpapahid sa Isang “upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo,” “upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag,” at upang magtanyag ng “kalugod-lugod na taon ng Panginoon.” Isaias 61:1, 2. Gayunman, ang kanilang mga puso ay puno ng kalumbayan nang inisip nila ang mga pagdurusang dadanasin Niya upang maganap ang banal na adhikain. May malalim na pagkaaba ng puso na tinalunton nila ang balumbon ng propesiya: PH 556.1

” Sinong namwala sa aming balita?
At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?

“Sapagkat Siya’y tumubo sa harap Niya na gaya ng sariwang pananim,
At gaya ng ugat sa tuyong lupa:
Walang anyo o kagandahan man;
At pagka ating minamasdan Siya,
Ay walang kagandahan na mananais tayo sa Kanya.

” Siya’y hinamak at itinakwil ng mga tao;
Isang Taong sa Kapanglawan, at bihasa sa karamdaman:
At gaya ng Isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao,
Na Siya’y hinamak, at hindi natin inalagaan Siya.

“Tunay na Kanyang dinala ang ating mga karamdaman,
At dinala ang ating mga kapanglawan:
PH 556.2

Gayon ma’y ating pinalagay Siya na hinampas,
Sinaktan ng Dios, at dinalamhati.

“Ngunit Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang,
Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan:
Ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kanya;
At sa pamamagitan ng Kanyang mga latay ay nagsigaling tayo.

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw;
Tayo ay tumungo bawat isa sa Kanyang sariling daan;
At ipinasan sa Kanya ng Panginoon
Ang kasamaan nating lahat.

“Siya’y napighati, gayon man nang Siya’y dinalamhati,
Ay hindi nagbuka ng Kanyang bibig;
Gaya ng kordero na dinadala sa patayan,
At gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kanya ay pipi,
Gayon ma’y hindi Niya binuka ang Kanyang bibig.

“Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya:
Sino sa kanila ang gumugunita?
Na siya’y nahiwalay sa lupain ng buhay:
Dahil sa pagsalangsang ng Aking bayan ay nasaktan Siya.

“At ginawa nila ang Kanyang libingan na kasama ng mga masama,
At kasama ng isang lalaking mayaman sa kanyang kamatayan;
Bagaman hindi Siya gumawa ng pangdadahas,
O wala mang anumang kadayaan sa Kanyang bibig.” Isaias 53:1-9.
PH 557.1

Sa mga paghihirap ng Tagapagligtas ang Panginoon ay Kanyang ipinahayag sa pamamagitan ni Zacarias, “Gumising ka, Oh tabak, laban sa Pastor Ko, at laban sa Lalaki na Aking Kasama.” Zacarias 13:7. Bilang kahalili at kasiguruhan ng tao, si Kristo ay kailangang magdusa sa ilalim ng banal na katarungan. Kanyang uunawain ang kahulugan ng katarungan. Mararanasan Niya kung paanong ang makasalanan ay tumayo sa harapan ng Dios na walang tagapamagitan. PH 557.2

Sa pamamagitan ng mang-aawit ay ibinigay ng Manunubos ang propesiya tungkol sa Kanya: PH 557.3

” Kaduwahagihan ay sumira ng Aking puso;
At ako’y lipos ng kabigatan ng loob:
At ako’y naghintay na may maawa sa Akin,
Ngunit wala;
PH 557.4

At mga mang-aaliw,
Ngunit wala Akong masumpungan.
Binigyan naman nila Ako ng pagkaing mapait;
At sa Aking kauhawan ay binigyan nila Ako ng suka na mainom.” Awit 69:20,21.
PH 558.1

Tungkol sa magiging turing sa Kanya ng tao, Siya ay nagpropesiya, “Sapagkat niligid Ako ng mga aso: kinulong Ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang Aking mga kamay at ang Aking mga paa. Aking maisasaysay ang lahat ng Aking mga buto: kanilang minamasdan, at pinapansin Ako. Hinapak nila ang Aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang Aking kasuutan.” Awit 22:16-18. PH 558.2

Ang mga paglalahad na ito ng mapait na paghihirap at malupit na kamatayan ng Isang Ipinangako, bagama',t malungkot, ay puspos ng pangako; “gayon may kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya” at mailagay sa pagdaramdam, upang Siya ay maging “kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan,” ipinahayag ni Jehova: PH 558.3

“Makikita Niya ang Kanyang lahi, pahahabain Niya ang Kanyang mga
kaarawan,
At ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa Kanyang kamay.
Siya’y makakakita ng pagdaramdam ng Kanyang kaluluwa at masisiyahan:

” Sa pamamagitan ng Kanyang kaalaman ay aariing ganap ng Aking matuwid
na lingkod ang marami;
At dadalhin Niya ang kanilang mga kasamaan.
Kaya’t hahatian ko Siya ng bahagi na kasama ng dakila,
At Kanyang hahatin ang samsam na kasama ng malakas;
Sapagkat Kanyang idinulot ang Kanyang kaluluwa sa kamatayan:
At ibinilang na kasama ng mga mananalangsang;
Gayon may dinala Niya ang kasalanan ng marami,
At namagitan sa mga mananalangsang.” Isaias 53:10-12.
PH 558.4

Pag-ibig sa makasalanan ang umakay kay Kristo upang bayaran ang halaga ng katubusan. At Kanyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan;” walang ibang pantubos na mga lalaki o mga babae mula sa kapangyarihan ng kaaway; “kaya’t ang Kanyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kanya; at ang Kanyang katuwiran ay umalalay sa kanya.” Isaias 59:16. PH 558.5

“Narito ang Aking Lingkod, na Aking inaalalayan; PH 558.6

Ang king hinirang, na kinalulugdan ng Aking kaluluwa;
Isinakanya Ko ang Aking Espiritu:
Siya’y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa.” Isaias 42:1.
PH 559.1

Sa Kanyang buhay ay walang sariling mababakas. Ang parangal na kaloob ng mundo sa posisyon, kayamanan, at talento, ay hindi nakilala ng Anak ng Dios. Walang anumang paraang ginagamit ng tao upang makuha ang pagtatapat o maipag-utos ang paggalang, ay hindi ginamit ng Mesias. Ang lubusang pagtatakwil ng sarili ay nahayag sa mga salitang ito: PH 559.2

“Siya’y hindi hihiyaw,
O maglalakas man ng tinig,
O ipanrinig man ang Kanyang tinig sa lansangan.
Ang gapok na tambo ay hindi Niya babaliin,
Ni ang timsim na umuusok ay hindi Niya papatayin.” Talatang 2, 3.
PH 559.3

Lantad na kabaligtaran ng mga gawi ng mga guro sa panahon Niya ang ginawa ng Tagapagligtas sa mga tao. Walang maingay na pakikipagtalo, walang magarbong pagsamba, walang kilos upang mapalakpakan ang namalas. Ang Mesias ay natago sa Dios, at ang Dios ay nahayag sa likas ng Anak ng Dios. Kung wala ang pagkakilala sa Dios, ang tao’y waglit sa walang hanggan. Kung wala ang banal na tulong, ang mga lalaki at babae ay lulubog pababa nang pababa. Ang buhay at kapangyarihan ay dapat lamang na ipagkaloob Niyang lumikha ng sanlibutang ito. Ang pangangailangan ng tao ay di masasapatan sa ibang paraan. PH 559.4

Dagdag ng propesiya tungkol sa Mesias: “Siya’y hindi manlulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag Niya ang kahatulan sa lupa: at ang mga pulo ay maghihintay sa Kanyang kautusan.” Ang Anak ng Dios ay kanyang “dakilain ang kautusan, at gawing marangal.” Talatang 4, 21. Hindi Niya babawasan ang kahalagahan at tibay ng pag-aangkin nito; kundi Kanyang pararangalin pa. Kasabay nito ay palalayain Niya ang utos ng banal mula sa mga pabigat na inilagay ng tao dito, na marami ang nadala sa panlulupaypay sa pagsisikap na makuha ang pagsang-ayon ng Dios. PH 559.5

Tungkol sa misyon ng Tagapagligtas ang salita ni Jehova ay: “Ako ang Panginoon ay tumawag sa Iyo sa katuwiran, at hahawak ng Iyong kamay, at mag-iingat sa Iyo, at ibibigay Kita na pinakadpan sa bayan, na pinakaliwanag sa mga Gentil; upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang nanga-uupo sa kadiliman mula sa bilangguan. Ako ang Panginoon: na siyang Aking pangalan: at ang Aking kaluwalhatian ay hindi Ko ibibigay sa iba, o ang Akin mang kapurihan sa mga larawang manyuan. Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag Ko: bago mangalitaw ay sinasaysay Ko sa inyo.” Talatang 6-9. PH 559.6

Sa pamamagitan ng pangakong Binhi, ang Dios ng Israel ay maghahatid ng kaligtasan sa Sion. “At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang Sanga mula sa kanyang mga ugat ay magbubunga.” “Narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng Isang Lalaki, at tatawagin ang Kanyang pangalan na Emmanuel. Siya',y kakain ng mantekilla at pulot, pagka Siya’y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.” Isaias 11:1; 7:14, 15. PH 560.1

“At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa Kanya, ang Diwa ng payo at ng katibayan, ang Diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon: at ang Kanyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon; at hindi Siya hahatol ng ayon sa paningin ng Kanyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng Kanyang mga tainga: kundi hahatol Siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan Niya ang lupa ng pamalo ng Kanyang bibig, at ng hinga ng Kanyang mga labi ay Kanyang papatayin ang masama. At katuwiran ang magiging bigkis ng Kanyang baywang, at pagtatapat ang pamigkis ng Kanyang mga balakang.” “At mangyayari sa araw na yaon na ang Angkan ni Isai, na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan; hahanapin ng mga bansa; at ang Kanyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati.” Isaias 11:2-5, 10. PH 561.1

“Narito, ang Lalaki na ang pangala’y Sanga;...at itatayo Niya ang templo ng Panginoon; at Siya’y magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa Kanyang luklukan; at Siya’y magiging saserdote sa Kanyang luklukan.” Zacarias 6:12, 13. PH 561.2

Isang bukal ang bubuksan “ukol sa kasalanan at karumihan” (Zacarias 13:1); ang mga anak ng tao ay maririnig ang mapalad na paanyaya: PH 561.3

Oh lahat na nanga-uuhaw, magsiparito kayo sa tubig,
At siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo’y magsibili, at magsikain;
Oo. kayo’y magsipanto, kayo’y magsibili ng alak at gatas
Ng walang salapi at walang bayad.

“Ano’t kayo’y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain?
At ng inyong gawa sa hindi nakabubusog?
Inyong pakinggan Ako, at magsikain kayo ng mabuti,
At mangalugod kayo sa katabaan.

“Inyong ikiling ang inyong tainga, at magsipanto kayo sa Akin:
Kayo’y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay;
At Ako’y malalapagupan sa inyo ng walang hanggan,
Sa makatuwid baga’y ng tunay na mga kaawaan ni David.” Isaias 55:1-3.
PH 561.4

Sa Israel ay nabigay ang pangako: “Narito, ibinigay Ko Siya na pinakasaksi sa mga bayan, na patnubay at tagapag-utos sa mga bayan. Narito, ikaw ay tatawag ng bansa na hindi mo nakikilala, at mga bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; sapagkat kanyang niluwalhati ka.” Talatang 4, 5. PH 562.1

“Aking inilalapit ang Aking katuwiran; hindi maglalaon, at ang Aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at Aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na Aking kaluwalhatian.” Isaias 46:13. PH 562.2

Sa salita at gawa, ay inihayag ng Mesias sa Kanyang ministri dito sa lupa ang kaluwalhatian ng Ama. Bawat kilos ng buhay, bawat salitang sinambit, bawat kababalaghang ginawa, ay upang ipaalam sa lahing nagkasala ang walang katapusang pag-ibig ng Dios. PH 562.3

“Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion,
Sumampa ka sa mataas na bundok;
Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem,
Ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan;
Ilakas mo, huwag kang matakot;
Sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang iyong Dios!

“Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan,
At ang Kanyang kamay ay magpupuno sa ganang Kanya;
Narito, ang Kanyang gantimpala ay dala Niya,
At ang Kanyang gand ay nasa harap Niya.
Kanyang papastulin ang Kanyang kawan na gaya ng pastor:
Kanyang pipisanin ang mga kordero sa Kanyang kamay,
At dadalhin sila sa Kanyang sinapupunan,
At papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.” Isaias 40:9-11.

PH 562.4

“At sa araw na yaon ay makikinig ang pipi ng mga salita ng Aklat,
At ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa kalabuan,
at sa kadiliman
At mananagana naman sa kanilang kagalakan sa Panginoon,
Ang maamo, at ang dukha sa gitna ng mga tao ay magagalak sa Banal ng
Israel.”

“Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa,
At silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral.” Isaias 29:18, 19, 24.
PH 562.5

Kung kaya’t, sa pamamagitan ng mga patriarka at propeta, gayon din sa mga uri at simbulo, ang Dios ay nagsalita sa sanlibutan tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas mula sa kasalanan. Isang mahabang linya ng mga propesiya ang nagturo sa pagdating ng “Ninanais ng mga bansa.” Hagai 2:7. Kahit na ang lugar at panahon ng Kanyang kapanganakan at pagpapakita ay tinukoy sa pinakamaliit na detalye nito. PH 562.6

Ang Anak ni David ay dapat na ipanganak sa siyudad ni David. Mula sa Bethlehem, sabi ng propeta, “ay lalabas sa akin ang Isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan Niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.” Mikas 5:2. PH 563.1

“At ikaw Bethlehem, na lupa ng Juda,
Sa anumang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga pangulong bayan
ng Juda:
Sapagkat mula sa iyo’y lalabas ang isang Gobernador,
Na siyang magiging Pastor ng Aking bayang Israel.” Mateo 2:6.
PH 563.2

Ang panahon ng unang pagparito at ang ilan sa mga pangunahing pangyayari tungkol sa gawain ng Tagapagligtas ay ipinaalam ng anghel Gabriel kay Daniel. “Pitumpung sanlinggo,” sabi ng anghel, “ang ipinasya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang pagpopropesiya, at upang pahiran ang kabanal-banalan.” Daniel 9:24. Isang araw sa propesiya ay isang taon. Tingnan ang Bilang 14:34; Ezekiel 4:6. Ang pitumpung sanlinggo, o apat na raan at siyamnapung araw ay kumakatawan sa apat na raan at siyam napung taon. Ang pasimula ng panahong ito ay ibinigay: “Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa Pinahiran na Prinsipe, magiging pitong sanlinggo, at animnapu’t dalawang sanlinggo” (Daniel 9:25), animnapu',t siyam na linggo, o apat na raan at walumpu',t tatlong taon. Ang utos upang muling itayo ang Jerusalem, ay ibinigay ni Artaxerxes Longimanus, at nagsimula ng taglagas ng 457 B.C. Tingnan ang Ezra 6:14; 7:1, 9. Mula dito ang apat na raan at walumpu ',t tadong taon ay aabot sa taglagas ng A.D. 27. Ayon sa propesiya, ang panahong ito ay aabot hanggang sa Mesias, ang Pinahiran. Noong A.D. 27, ay tinanggap ni Jesus ang pagpapahid ng Banal na Espiritu sa Kanyang bautismo at di nagtagal ay nagsimula ang Kanyang ministri. At ang pabalita ay nahayag, “Ang panahon ay naganap.” Marcos 1:15. PH 563.3

At, sinabi ng anghel, “At pagtitibayin Niya ang tipan sa marami sa isang sanlinggo [pitong taon].” Sa loob ng pitong taon matapos ang Tagapagligtas ay pumasok sa Kanyang gawain, ang ebanghelyo ay ipangangaral tangi na sa mga Judio; sa tado at kalahating taon ni Kristo mismo, at pagkatapos ay ng mga alagad. “At sa kalahati ng sanlinggo ay Kanyang ipatitigil ang hain at ang alay.” Daniel 9:27. Sa tagsibol ng A.D. 31, si Kristo, ang tunay na Sakripisyo, ay inihandog sa Kalbaryo. At ang tabing ng templo ay nahapak, nagpapakitang ang kabanalan at kahalagahan ng serbisyo ng pagsasakripisyo ay nawala na. Dumating na ang panahong ang sakrispisyong makalupa at ang mga paghahandog ay nawakasan na. PH 564.1

Ang isang linggo—pitong taon—ay nagwakas ng A.D. 34. Sa pagbato kay Esteban ay tinatakan ng mga Judio ang kanilang pagtanggi sa ebanghelyo; ang mga alagad ay pinangalat ng pag-uusig at “nangangaral sa bawat dako ng salita” (Gawa 8:4); at di nagtagal si Saul na tagapag-usig ay nahikayat at naging Pablo na apostol sa mga Gentil. PH 564.2

Ang maraming propesiya tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas ay nagbigay ng palagiang pananabik sa mga Hebreo. Marami ang nangamatay sa pananampalataya na hindi natanggap ang katuparan ng mga pangako. Ngunit marami ang nakakita nito sa malayo, nanampalataya at nagkumpisal na sila ay taga-ibang lupa at manlalakbay lamang dito. Mula sa mga kaarawan ni Enoc ang mga pangako ay naulit sa pamamagitan ng mga patriarka at propeta na nagbigay ng buhay na pag-asa sa Kanyang pagpapakita. PH 564.3

Noon ay di muna ibinigay ng Dios ang tiyak na petsa ng unang pagdating; at nang ang propesiya naman ni Daniel ay nabigay, hindi lahat ay nagkaroon ng tumpak na interpretasyon ng pabalita. PH 565.1

Mga daangtaon ay lumipas; sa wakas ay natahimik ang tinig ng mga propeta. Ang kamay ng mang-aapi ay mabigat sa Israel. At sa paglayo ng mga Judio sa Dios, ang pananampalataya ay lumabo, at ang pag-asa ay halos nawala upang magbigay tanglaw sa hinaharap. Ang mga salita ng propeta ay di naunawaan ng marami; at silang ang pananampalataya ay dapat sanang naging malakas ay nagwika pa, “Ang mga kaarawan ay tumatagal, at ang bawat pangitain ay nabubulaanan.” Ezekiel 12:22. Datapuwat sa konsilyo sa langit ang pagdating ni Kristo ay naitakda na; “datapuwat nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kanyang Anak,...upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.” Galacia 4:4, 5. PH 565.2

Ang mga liksyon ay dapat mabigay sa tao sa wika ng mga tao. Ang Mensahero ng tipan ay dapat mangusap. Ang Kanyang tinig ay dapat madinig sa Kanyang sariling templo. Siya, na may-akda ng katotohanan, ang dapat maghiwalay ng butil sa ipa ng katotohanan sa kamalian. Ang mga simulain ng pamahalaan ng Dios at ang panukala ng pagliligtas ay dapat na malinaw na mailahad. Ang mga liksyon ng Lumang Tipan ay dapat na lubusang mailahad sa tao. PH 565.3

Nang ang Tagapagligtas ay napakita na sa “anyo ng tao” (Filipos 2:7), at nagsimula sa Kanyang ministri ng biyaya, si Satanas ay hanggang pagsugat lamang ng sakong nito, samantalang bawat gawa ng kahihiyan at pagdurusa ni Kristo ay pagsugat naman sa ulo ng Kanyang katunggali. Ang pagdurusang dulot ng kasalanan ay nabuhos sa dibdib ng Walang Kasalanan; gayunman samantalang si Kristo ay nagbata ng parusa ng makasalanan laban sa Kanya, Siya naman ay nagbayad ng pagkakautang ng taong makasalanan at nilalagot ang pagkabihag ng sangkatauhan. Bawat kirot na naranasan, bawat insultong tinanggap, ay gumagawa sa ikaliligtas ng tao. PH 565.4

Kung nahimok ni Satanas si Kristo na magbigay-daan sa isang panunukso, kung napangunahan niya Siya sa isang kilos o isipan na dumihan ang Kanyang sakdal na kadalisayan, ang prinsipe ng kadiliman ay maaring nagtagumpay laban sa Kasiguruhan ng tao at makamit ang buong lahi ng sangkatauhan sa kanyang sarili. Ngunit kung si Satanas ay makapamighati, hindi siya makahahawa. Maaari siyang magpasakit, ngunit hindi ang magpadungis. Kanyang ginawa ang buhay ni Kristo na isang mahabang panoorin ng tunggalian at pagsubok, ngunit sa bawat pagsalakay ay nawawala ang kanyang panghawak sa sangkatauhan. PH 565.5

Sa ilang ng tukso, sa Hardin ng Getsemane, at doon sa krus, ang Tagapagligtas ay sinagupa ang mga armas ng prinsipe ng kadiliman. Ang mga sugat Niya ay naging mga tropeo ng Kanyang tagumpay para sa sangkatauhan. Habang si Kristo ay nakabayubay sa krus, samantalang ang mga masasamang espiritu ay nagdiriwang at mga masamang tao ay nanunuya, tunay nga na ang Kanyang sakong ay nasugatan ni Satanas. Datapuwat ang gawain ding iyon ang dumudurog ng ulo ng ahas. Sa kamatayan ay winasak Niya “siya na nagkaroon ng kapangyarihan sa kamatayan, ang diablo.” Hebreo 2:14. Ang gawaing ito ang nagtakda ng hantungan ng punong kaaway, at sa walang hanggan ay natiyak ang panukalang pagliligtas. Sa kamatayan ay natamo Niya ang tagumpay sa kapangyarihan nito; sa muling pagbangon, ay binuksan Niya ang pintuan ng libingan sa lahat ng Kanyang mga tagasunod. Sa huling dakilang tunggaliang iyon ay nakita natin ang katuparan ng propesiya, “Ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong.” Genesis 3:15. PH 566.1

“Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo: ngunit nalalaman natin, na kung Siya’y mahayag, tayo’y magiging katulad Niya; sapagkat Siya’y ating makikitang gaya ng Kanyang sarili.” 1 Juan 3:2. Ang Manunubos ay nagbukas ng landas, upang kahit na ang pinakamasamang makasalanan, ang pinakanangangailangan, ang pinakaapi at aba, ay makasumpong ng pagpasok sa kaharian ng Ama. PH 566.2

” Oh Panginoon, Ikaw ay along Dios;
Aking ibubunyi Ka,
Aking pupurihin ang Iyong pangalan;
Sapagkat Ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay;
Samakatuwid baga’y ang iyong binalak noong una, sa pagtatapat at
katotohanan.” Isaias 25: 1.
PH 566.3