ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 5—Pagsisisi ni Solomon
Dalawang ulit sa paghahari ni Solomon na ang Dios ay napakita sa kanya sa salita ng pagsang-ayon at payo—sa pangitain sa gabi sa Gibeon, nang ang pangako ng kanmungan, kayamanan, at karangalan ay sinamahan ng payong manatili sa kaamuan at pagkamasunurin; at pagkatapos ng pagtatalaga ng templo, nang minsan pa ay pinayuhan siya ng Panginoon sa pagtatapat. Maliwanag ang payo, kahangahanga ang mga pangakong, kaloob kay Solomon; gayunman siyang sa mga pangyayari, sa likas, at sa buhay ay tila angkop na angkop na sumunod sa tagubilin at makasapat sa mga inaasahan ng Langit, ay nasulat ang ganito: “Hindi niya sinunod ang utos ng Panginoon.” Ang kanyang puso ay humiwalay sa Panginoon, sa Dios ng Israel, na napakita sa kanyang makalawa, at siyang nag-utos sa kanya tungkol sa bagay na ito, na siya’y huwag sumunod sa ibang mga diyos.” 1 Hari 11:9, 10. At gayon kalubos ang kanyang pagtalikod, tumigas nang gayon ang puso sa pagsalangsang, na halos ang kaso niya ay walang pag-asa. PH 65.1
Mula sa kagalakan ng kaugnayan sa Dios, si Solomon ay bumaling sa kasiyahan ng mga kalayawan ng damdamin. Sa karanasang ito ang wika niya: PH 65.2
“Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa; nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan: Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan:... Ako’y bumili ng mga aliping lalald at babae:... Nagtipon din ako sa ganang akin ng pilak at ginto, at ng tanging kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan: Nagtatangkilik ako sa akin ng mga lalaking mang-aawit at mga babaeng mang-aawit, at ng mga kalayawan ng mga anak ng mga tao, mga sari-saring instrumento ng musika na totoong marami. Sa gayo’y naging dakila ako, at lumago ako ng higit kaysa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem.... PH 65.3
“At anumang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait, hindi ko pinigil ang aking puso sa anumang kagalakan; sapagkat nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain.... Nang magkagayo’y minasdan ko ang lahat ng mga gawa, na ginawa ng aking mga kamay, at ang gawain na aking pinagsikapang gawin: at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at walang pakinabang sa ilalim ng araw. PH 65.4
“At ako’y pumihit upang masdan ang karunungan, at ang kaululan, at ang kamangmangan: sapagkat ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? samakatuwid baga’y ang nagawa na laong panahon ng nakaraan.... Sa gayo’y ipinagtanim ko ang buhay.... At ipinagtanim ko ang lahat kong gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw.” Eclesiastes 2:4-18. PH 66.1
Sa kanyang sariling mapait na karanasan, natutuhan ni Solomon ang kawalang saysay ng buhay na naghahanap lamang ng mga pinakamabuti sa mga bagay sa lupa. Nagtayo siya ng mga altar para sa mga diyos ng pagano, upang masumpungan lamang na walang kabuluhan ang mga pangako nito na kapahingahan ng diwa. Mga madidilim at tumutuligsang isipan ang bumabagabag sa kanya gabi’taraw. Sa kanya ay wala nang kagalakan sa buhay at kapayapaan ng isip, at ang hinaharap ay madilim at mapanglaw. PH 66.2
Gayunman ay hindi siya pinabayaan ng Panginoon. Sa mga pabalita ng sansala at mga mabibigat na hatol, sinikap Niyang gisingin ang hari sa kasalanang tinatahak nito. Inalis Niya ang sanggalang sa kaharian at pinahintulutang ang mga kaaway ay bumagabag sa kanila at pahinain ang kaharian. “At ipinagbangon ng Panginoon si Solomon, ng isang kaaway na si Adad na Idumeo.... At ipinagbangon ng Dios si Solomon ng ibang kaaway, na si Rezon,...at naging puno sa isang hukbo,” “kanyang kinapootan ang Israel, at naghari sa Syria. At si Jeroboam,...na lingkod ni Solomon,” “ay makapangyanhang lalaki, na matapang,” ay nagtaas din ng kanyang kamay laban sa hari.” 1 Han 11:14-28. PH 66.3
Sa wakas sa pamamagitan ng isang propeta, ay ipinahadd ng Dios kay Solomon ang nakagigimbal na pabalita: “Yamang ito’y nagawa mo, at hindi mo iningatan ang Aking tipan at ang Aking mga palatuntunan, na Aking iniutos sa iyo, walang pagsalang Along aagawin ang kaharian sa iyo, at Aking ibibigay sa iyong lingkod. Gayon may sa iyong mga kaarawan ay hindi Ko gagawin alang-alang kay David na iyong ama: kundi sa kamay ng iyong anak Aking aagawin.” Talatang 11, 12. Nagising sa panaginip sa hatol na itong parusa sa kanya at sa kanyang sambahayan, nakita ni Solomon sa pamamagitan ng konsyensyang nabuhay ang kahangalan ng kanyang buhay. Nabagbag sa diwa, may mahinang katawan at isipan, bumaling siyang uhaw at pagod na mula sa mga basag na sisidlan ng mundo tungo sa bukal ng tubig ng buhay, upang doon ay makainom. Sa wakas ang disiplina ng pagdurusa ay gumawa sa kanya. Matagal nang bagabag siya ng takot ng pagkawasak sa kawalang kakayahan niyang lisanin ang kahibangan; ngunit ngayon ay nakita niya sa pabalita ang sinag ng pag-asa. Hindi lamang lubusang inihiwalay siya ng Dios, kundi nakaamba pang iligtas siya sa pagkaaliping higit na malupit kaysa libingan, na doon ay wala siyang lakas na makatakas pa. PH 66.4
Sa pagtanaw ng utang na loob kinilala ni Solomon ang kapangyarihan at kagandahang loob Niyang “mas mataas kaysa pinakamataas” (Eclesiastes 5:8); sa pagsisisi ay binalikan niya ang kanyang mga yapak tungo sa mataas na dako ng kadalisayan at kabanalang mula doon siya bumagsak. Wala siyang pag-asang matakasan ang bunga ng kanyang kasalanan, hindi siya makalalaya mula sa alaala ng mga hilig ng sarili na kanyang sinundan, gayunman ay magsisikap siyang taimtim na payuhan ang iba na huwag sundin ang kanyang kahibangan. May kababaang ikukumpisal niya ang pagkakamali at itataas ang tinig sa pagbibigay babala sa iba upang walang mawaglit bunga ng mga impluwensya ng kasamaang ipinunla niya. PH 67.1
Ang tunay na nagsisisi ay hindi basta iwawaksi ang alaala ng mga naging kasalanan. Hindi siya agad-agad, matapos tanggapin ang kapayapaan, na magwawalang bahala sa mga kamaliang nagawa niya. Iisipin niya yaong naakay niya sa kasamaan, at sisikaping sa anumang paraan ay maakay sila sa landas ng katotohanan. Hanggat lalong maliwanag ang landas na rinahak, ay gayon kalakas ang kanyang pagnanais na akayin ang paa ng iba sa tamang landas. Hindi siya matutuwa sa dating buhay, o gagawing biro ang mga pagkakamali, itataas ang babala ng panganib upang mabigyang hudyat ang iba. PH 67.2
Kinilala ni Solomon na ang “puso ng mga anak ng tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso.” Eclesiastes 9:3. At muli ay inihayag niya, “Sapagkat ang hatol laban sa masamang gawa ay hindi isinasagawa agad, kaya’t ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangagagalak sa paggawa ng kasamaan. Bagaman ang makasalanan ay gumawa ng kasamaan na makaisang daan, at humaba ang kanyang buhay, gayon ma’y tunay, na talastas ko, na ikabubuti nilang nangatatakot sa Dios, na nangatatakot sa harap Niya: ngunit hindi ikabubuti ng masama, ni hahaba man ang kanyang buhay na parang isang anino; sapagkat siya’y hindi natatakot sa harap ng Dios.” Eclesiastes 8:11-13. PH 67.3
Sa pamamagitan ng espiritu ng inspirasyon ay itinala ni Solomon para sa darating na henerasyon ang mga taong nasayang sa kanya taglay ang mga liksyon ng babala. Kung kaya, bagama 't ang ipinunlang kasamaan ay inani ng kanyang bayan, ang buhay niya ay hindi lubusang nawaglit. May kababaan at kaamuang sa mga huling taon ng kanyang buhay si Solomon ay “nagturo ng karunungan; oo, nakinig siyang mainam at sinikap na isaayos ang marammg kawikaan.” “Humahanap ng mga nakalulugod na salita: at ng nasusulat na matuwid na mga salita ng katotohanan.” “Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis, at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ng mga pangulo ng mga kapulungan na nabigay mula sa isang pastor. At bukod dito, anak ko, maaaralan ka.” Eclesiastes 12:9-12. PH 68.1
“Ito ang wakas ng bagay, lahat ay narinig,” kanyang sinulat: “Matakot sa Dios, at sundin mo ang Kanyang mga utos; sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Sapagkat dadalhin ng Dios ang bawat gawa sa kahatulan, pad ng bawat kubling bagay, maging ito’y mabuti, o maging ito’y masama.” Talatang 13, 14. PH 69.1
Ang mga huling sulat ni Solomon ay naghayag na hanggat nadama niya ang kasamaan ng kanyang gawi, ay tanging pansin naman ang ibinigay niya upang ang mga kabataan ay mababalaan laban sa pagkahulog sa mga kamaliang umakay sa kanya upang lustaying walang kabuluhan ang mga piling kaloob ng Langit May kalungkutan at kahihiyang ikinumpisal niyang sa kasibulan ng kabataan, sa halip na masumpungan niya ang Dios bilang kaginhawahan, tangkilik, at buhay, ay tumalikod siya sa liwanag ng Langit at karunungan ng Dios, at inilagay ang pagsamba sa mga diyus-diyusan sa halip ng pagsamba kay Jehova. At ngayon, matapos matutuhan ang kahangalan ng gayong buhay, ang marubdob na naisin niya ay masagip ang iba sa pagpasok sa mapait na karanasang nadaanan niya. PH 69.2
Sa makabagbag damdamin kanyang sinulat ang tungkol sa mga karapatan at mga responsibilidad sa mga kabataan sa paglilingkod sa Dios: PH 69.3
“Tunay na ang liwanag ay mainam, at masayang bagay sa mga mata na magsitingin sa araw: oo, kung ang tao ay mabuhay ng maraming taon, magalak siya sa lahat ng yaon; ngunit alalahanin niya ang mga kaarawan ng kadiliman; sapagkat magiging marami. Lahat ng dumarating ay walang kabuluhan. Ikaw ay magalak, Oh binata, sa iyong kabataan; at pasayahin ka ng iyong puso sa mga kaarawan ng iyong kabataan, at lumakad ka ng mga lakad ng iyong kalooban, at sa paningin ng iyong mga mata: ngunit talastasin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin ka ng Dios sa kahatulan. Kaya’t ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagkat ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan.” Eclesiastes 11:7-10. PH 69.4
“Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan,
Bago dumating ang mga masamang araw,
At ang mga taon ay lumapit,
PH 69.5
Pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon; PH 70.1
“Bago ang araw,
At ang liwanag,
At ang buwan,
At ang mga bituin
Ay magdilim,
PH 70.2
At ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan: PH 70.3
“Sa kaarawan na ang mga tagapag-ingat ng bahay ay manganginginig,
At ang mga malakas na lalaki ay mapapayukod,
At ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagkat sila’y kaunti,
At yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw,
At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan,
“Pagka ang tunog ng gilmg ay humina,
At ang isa’y babangon sa dnig ng ibon,
At lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa;
“Oo, sila’y mangatatakot sa mataas,
At ang mga kalalabutan ay mapapasa daan,
“At ang puno ng almendro ay mamumulaklak,
At ang balang ay magiging pasan,
At ang pita ay manglulupaypay:
“Sapagkat ang tao ay pumapanaw sa kanyang malaong tahanan,
At ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan:
“Bago ang panaling pilak ay mapatid,
O ang mangkok na ginto ay mabasag,
O ang banga ay mabasag sa bukal,
O ang gulong ay masira sa balon.
“At ang alabok ay mauuwi sa lupa
Gaya ng una:
At ang diwa ay mababalik sa Dios
Na nagbigay sa kanya.” Eclesiastes 12:1-7.
PH 70.4
Hindi lamang sa mga kabataan kundi sa mga katandaan din naman, at silang papalubog na ang buhay, na ang buhay ni Solomon ay puspos ng babala. Nakikita natin at nadidinig ang mabuway na lagay ng mga kabataan, ang mga kabataan ay alanganin sa matuwid at mali, at ang agos ng masamang damdamin ay malakas para sa kanila. Sa mga may edad na, hindi ang mabuway at kawalang katapatan ang hinahanap natin; inaasahan nating ang likas ay matatag, at ang mga prinsipyo ay nakaugat na. Datapuwat hindi laging ganito. Nang si Solomon ay dapat sanang kasing tatag ng molabe, nahulog siya mula sa katatagan sa kapangyarihan ng tukso. Nang ang kalakasan niya ay dapat sanang pinakamalakas, nasumpungang siya ang pinakamahina. PH 70.5
Sa mga halimbawang ito ay makikita nating tanging sa pagbabantay at pananalangin naroroon ang kapanatagan ng kabataan at katandaan. Ang kasiguruhan ay wala sa mataas na posisyon o mga dakilang karapatan. Maaaring may maraming taon na ang tao ay nasa tunay na karanasang Kristiano, gayunman ay lantad pa rin siya sa mga pagsalakay ni Satanas. Sa pakikibaka sa kasalanang panloob at panlabas na tukso, kahit na ang pantas at makapangyarihang si Solomon ay nagapi. Ang pagkabigo niya ay nagtuturo sa atin na, anuman ang kakayahang intelektuwal ng isang tao, at gaano man katapat siyang naglilingkod sa Dios, hindi siya panatag na makaaasa sa sariling karunungan at integridad. PH 71.1
Sa bawat salin ng lahi at sa bawat dako ang tunay na pundasyon at huwaran ng pagbubuo ng likas ay pareho. Ang banal na utos, “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo,... at iyong kapwa na gaya ng sa iyong sarili,” ang dakilang simulaing nahayag sa likas at buhay ng Tagapagligtas, ang tanging tiyak na pundasyon, ang tanging patnubay. Lucas 10:27. “Karunungan at kaalaman ang magiging katatagan ng iyong kapanahunan, at kalakasan ng kaligtasan,” ang karunungan at kaalamang ang Dios lamang ang makakapagkaloob. Isaias 33:6. PH 71.2
Kung paano noong sinalita sa Israel ang tungkol sa pagsunod sa Kanyang kautusan ang katotohanan din ngayon: “Ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga bansa.” Deuteronomio 4:6. Narito ang tanging sanggalang sa integridad ng tao, sa kadalisayan ng tahanan, kapanutuhan ng lipunan, o katatagan ng bansa. Sa gitna ng mga kagulumihanan ng buhay at panganib at naglalabang mga pag-aangkin, ang tanging panatag at tiyak na patakaran ay sundin ang tagubilin ng Dios. “Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid,” at “siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos.” Awit 19:8; 15:5. PH 71.3
Silang didinig sa babala ng pagtalikod ni Solomon ay iiwas na sa unang paglapit pa lamang ng mga kasalanang nagpagupo sa kanya. Tanging ang pagsunod sa mga kahilingan ng langit ang mag-iingat sa tao sa pagtalikod. Ipinagkaloob ng Dios sa tao ang dakilang liwanag at maraming pagpapala; datapuwat malibang ang liwanag at pagpapalang ito ay tanggapin, hindi ito magiging kasiguruhan laban sa pagsuway at pagtalikod. Kapag silang pinagkatiwalaan ng Dios ng matataas na posisyon ay tatalikod sa Kanya tungo sa karunungan ng tao, ang liwanag nila ay magiging kadiliman. Ang mga ipinagkatiwalang tungkulin ay magiging bitag. PH 71.4
Hanggang sa magwakas ang tunggalian, mayroong tatalikod sa Dios. Isasaayos ni Satanas ang mga pangyayari anupa’t malibang tayo ay ingatan ng kapangyarihan ng Dios, ang mga ito’y hindi mamamalayang magpapahina ng kaluluwa. Kailangang sa bawat hakbang ay magtanong tayo, “Ito ba ang daan ng Panginoon?” Hanggat ang buhay ay magtatagal pa, may pangangailangang magbantay ng mga damdamin at pagmamahal na may matatag na layunin. Isa mang sandali ay di tayo ligtas malibang umasang lagi sa Dios, ang buhay ay nakatago kay Kristo. Pagbabantay at panalangin ang kasiguruhan ng kadalisayan. PH 72.1
Lahat ng papasok sa Lunsod ng Dios ay dadaan sa maliit na pintuan—sa malaking hirap; sapagkat “hindi papasok doon sa anumang paraan ang anumang bagay na karumaldumal.” Apocalipsis 21:27. Datapuwat walang sinumang nahulog na dapat malumbay. Mga katandaang, dati ay nagparangal sa Dios, datapuwat maaaring nagparumi ng kaluluwa at nagsakripisyo ng kabutihan sa mga altar ng masamang pita; ngunit kung sila ay magsisisi, mag-iwan ng kasalanan, at manumbalik sa Dios, ay mayroon pang pag-asa para sa kanila. Siyang nagsabi, “Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay,” ay nagbibigay din ng paanyaya, “Lisanin ng masama ang kanyang lakad, at ng liko ang kanyang mga pag-iisip: at manumbalik siya sa Panginoon, at kaawaan Niya siya; at sa aming Dios ng habag sa kanya; at sa ating Dios, sapagkat Siya ay magpapatawad na sagana.” Apocalipsis 2:10; Isaias 55:7. Namumuhi ang Dios sa kasalanan, datapuwat minamahal Niya ang makasalanan. “Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod,” Kanyang ipinahayag; “Akin silang iibiging may kalayaan.” Oseas 14:4. PH 72.2
Ang pagsisisi ni Solomon ay taimtim; datapuwat ang samang ibinunga ng kanyang masamang gawa ay hindi mapapawalang bisa. Sa panahon ng kanyang pagtalikod, mayroong mga lalaki sa kaharian na nanatiling tapat sa pagkakatiwala, nanatili sa kadalisayan at katapatan. Ngunit maraming naakay sa pagkalungi; ang puwersa ng kasamaang napasimulan sa pagpapasok ng pagsamba sa mga diyos at makalupang gawain ay hindi madaling maaalis ng nagsisising hari. Ang kanyang impluwensya sa kabutihan ay totoong napahina. Maraming nag-atubiling magtiwala sa kanyang paghahari. Nagkumpisal man ang hari ng mga kasalanan at isinulat pa ito sa kapakanan ng mga susunod na lahi, hindi siya makaaasang lubusang masira ang masamang impluwensya ng kanyang masasamang gawa. Pinalakas ng pagtalikod na ito, marami ang nagpatuloy sa kasamaan, at kasamaan lamang. At sa pabulusok na landas ng marami pang pinunong sumunod sa kanya ay mababakas ang malungkot na impluwensya ng prostitusyon ng kanyang mga kalakasang kaloob ng Dios. PH 72.3
Sa hinagpis ng mapait na pagbubulay-bulay ng mga kasamaan ng naging buhay niya, si Solomon ay naghayag: “Karunungan ay maigi kaysa mga sandata sa pakikipagdigma: ngunit ang isang makasalanan ay sumisira ng maraming mabuti.” “May isang kasamaan na nakita ko sa ilalim ng araw, na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno: ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan.” PH 73.1
“Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan.” Eclesiastes 9:18; 10:5, 6, 1. PH 73.2
Sa maraming liksyong itinuro ng buhay ni Solomon, wala nang higit pang idiniin kaysa kapangyarihan ng impluwensya para sa mabuti o masama. Gaano man kaliit ang abot ng ating buhay, may impluwensya tayong ibinibigay sa kagalakan o kahabagan. Labas sa ating kaalaman o kontrol, may bunga ito sa iba sa pagpapala o sumpa. Maaaring mabigat ito sa ulap ng kawalang kasiyahan at kasakiman, o may lasong nakamamatay ng kasalanang minamahal at inaalagaan; o kaya ay may lakas ng pananampalatayang nagbibigay buhay, tapang, pag-asa, at matamis na halimuyak ng pag-ibig. Datapuwat may kapangyarihan sa kabutihan o kasamaan ang ating impluwensya. PH 73.3
Na ang ating impluwensya ay maging tungo sa ikamamatay ay isang nakakatakot na isipan, ngunit posible. Isang kaluluwang nailigaw, na nawalan ng kaligayahang walang hanggan—sino nga ang makakasukat ng kawalang yaon! Datapuwat ang isang biglaang kilos, isang walang ingat na salita sa ating bahagi ay maaaring magbigay ng malalim na impluwensya sa buhay ng iba na magwawasak ng kanyang kaluluwa. Isang mantsa sa likas ay maaaring magtaboy ng marami palayo kay Kristo. PH 73.4
Kung paanong ang binhing itinanim ay nagbubunga, at muling itinatanim, ang ani ay dumarami. Sa ating ugnayan sa iba, ang batas na ito ay totoo. Bawat kilos, bawat salita, ay isang binhing itinanim upang magbunga. Bawat gawa ng kagandahang loob, ng pagsunod, ng pagtanggi sa sarili, ay magbubunga sa iba. at sa pamamagitan nila ay sa iba pa. Kung kaya 't bawat gawa ng inggit, masamang nasa, o pag-aalit ay isang binhing “mag-uugat ng kapaitan” na sa pamamagitan nito ay maraming sasama at marurumihan. Hebreo 12:15. At gaano pang higit na “karami” ang malalason! Sa ganito ang paghahasik ng mabuti at masama ay nagpapatuloy sa buong panahon at pang walang hanggan. PH 74.1