ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

7/69

Kabanata 4—Mga Bunga ng Pagsalangsang

Tanyag sa mga pangunahing dahilang umakay kay Solomon sa karangyaan at pagmamalupit ay ang pagkukulang niyang mapanatili at pasulungin ang diwa ng pagsasakripisyo sa sanli. PH 54.1

Nang, sa paanan ng bundok ng Sinai, sinabi ni Moises sa bayan ang tungkol sa utos ng Dios na, “Igawa Ako ng isang santuwaryo; upang Ako’y makatahanan sa gitna nila,” ang tugon ng Israel ay kasama ng mga angkop na kaloob. “Sila ',y lumapit, lahat ng tao na napukaw ang kalooban, at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa,” at nagdala ng mga handog.” Exodo 25:8; 35:21. Para sa pagtatayo ng santuwaryo, dakila at malawakang paghahanda ang kailangan; maraming mamahalin at mahalagang materyales ang kinakailangan, datapuwat tinanggap lamang ng Dios ang mga handog na kusang loob na dinala. “Ang bawat tao na magaganyak ang puso sa kagandahangloob ay kukunan ninyo ng handog sa Akin,” ang utos na inulit ni Moises sa kapulungan. Exodo 25:2. Pagtatalaga sa Dios at pagsasakripisyo ang mga unang kahilingan sa paghahanda ng dakong tirahan ng Kataastaasan. PH 54.2

Isang katulad na panawagan ang ginawa nang isinalin ni David kay Solomon ang kapanagutan ng pagtatayo ng templo. Sa nagkatipong karamihan ay nagtanong si David, “Sino nga ang naghahandog na kusa upang magtalaga sa Panginoon sa araw na ito?” 1 Cronica 29:5. Ang panawagang ito ng pagtatalaga at paglilingkod na kusa ay dapat sanang nasa isip nilang kasangkot sa pagtatayo ng templo. PH 54.3

Sa pagtatayo ng tabemakulo sa ilang, mga piniling tao ay pinagkalooban ng Dios ng tanging kakayahan at karunungan. ” Sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel, Tingnan ninyo, tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel,...sa lipi ni Juda; at Kanyang pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, tungkol sa karunungan, sa pagkakilala, at sa kaalaman, at sa lahat ng sari-saring gawain.... At isinapuso niya ang katalinuhan, na siya’y makapagturo, siya at gayon din si Aholiab,...sa lipi ni Dan. Sila’y Kanyang pinuspos ng karunungan sa puso upang, gumawa ng lahat na sari-saring gawa, ng taga-ukit, at tagakatha, at ng mangbuburda,...at ng manghahabi, ng mga gumagawa ng anumang gawain.... At si Bezaleel at si Aholiab ay gagawa, at lahat ng matalino na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan at pagkakilala.” Exodo 35:30-35; 36:1. Mga katalinuhan ng langit ay nakiisa sa mga manggagawang pinili ng Dios mismo. PH 54.4

Ang mga anak ng mga manggagawang ito ay nagmana sa malaking bahagi ng mga talentong nabigay sa kanilang mga magulang. Sa ilang panahon ang mga lalaking ito ng Juda at Dan ay naging mababa at hindi makasarili; datapuwat unti-unti, at halos di namamalayang nawala sa kanila ang panghahawakan sa Dios at ang naising maglingkod sa Kanyang walang kasakiman. Humingi sila ng mas mataas na sahod para sa kanilang paggawa, dahilan sa kanilang higit na kakayahan sa mga mahihirap na gawain. Sa ilang pagkakataong hinihiling ang kanilang serbisyo ay tumanggap sila ng trabaho sa mga nakapalibot na bansa. Sa lugar ng banal na diwa ng pagsasakripisyo na pumuspos sa puso ng kanilang mga ninuno, sila ay naglumagi sa diwa ng kasakiman, sa paghahangad sa higit at higit pa. Upang masapatan ang makasariling hangaring ito, ginamit nila ang mga kakayahang kaloob ng Dios sa paglilingkod sa mga haring pagano, at pinahiram ang kanilang mga talento sa paggawa ng mga gawaing nag-aalis ng karangalan sa Manlalalang. PH 55.1

Sa mga kalalakihang ito humanap si Solomon ng isang magiging kapatas ng pagtatayo ng templo sa bundok ng Mona. Maliliit na detalye ng bawat bahagi ng itatayong banal na gusali, ay isinulat at ipinagkatiwala sa hari; at dapat sanang umasa siya sa Dios para sa mga natatalagang lalaki na magiging katulong, na ipagkakaloob sana sa kanila ang mga tanging kakayahang kailangan sa gawain. Datapuwat hindi nakita ni Solomon ang pagkakataong ito na magtiwala sa Dios. Nagpasugo siya sa hari ng Tiro para sa isang lalaking “bihasang manggagawa sa ginto, at pilak, at sa tanso, at sa bakal, at sa kulay ube, at matingkad na pula, at bughaw, at ng makaukit ng sarisaring ukit, upang makasama ng mga matalinong lalaki...sa Juda at sa Jerusalem.” 2 Cronica 2:7. PH 55.2

Tumugon ang hari ng Phoenicia sa pagpapadala kay Huram, “anak ng isang babae sa mga anak ni Dan, at ang kanyang ama ay taga Tiro.” Talatang 14. Si Huram ay anak, sa panig ng ina ni Aholiab, na daan-daang taon ang nakalipas, ay pinagkalooban ng Dios ng tanging karunungan para sa pagtatayo ng tabernakulo. PH 55.3

Sa gayon sa pangungulo sa mga manggagawa ni Solomon ay naroon ang isang lalaki na kinilos hindi ng makasariling naising maglingkod sa Dios. Siya ay naglingkod sa diyos ng sanlibutang ito, mammon. Ang mga hibla ng kanyang pagkatao ay dinadaluyan ng mga prinsipyo ng kasakiman. PH 56.1

Dahilan sa natatanging kakayahan, humiling si Huram ng malaking sahod. Unti-unti ang mga maling prinsipyong taglay niya ay tinanggap ng kanyang mga kasamahan. Kasama sa paggawa sa bawat araw, naakay sila sa hilig na sila man ay humingi ng malalaking sahod, at nawala sa kanila ang pananaw sa kabanalan ng gawain. Ang diwa ng pagtanggi sa sarili ay tumakas sa kanila, at sa lugar nito ay diwa ng kasakiman. Ang naging bunga ay humingi ng malaking sahod, na ibinigay naman. PH 56.2

Ang masamang impluwensyang ito na natanim ay kumalat sa lahat ng sangay ng paglilingkod sa Panginoon, at kumalat din sa buong kahanan. Ang mataas na sahod na hiningi at ibinigay ay naging pagkakataon upang mabuhay sa karangyaan at luho. Ang dukha ay pinagmalupitan ng mayaman; ang diwa ng pagsasaknpisyo sa sarili ay nawala. Sa mga bunga nitong malayo ang naabot ay makilata ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang lalaking ito na dati ay nabilang sa mga pinakapantas sa lupa ay dumadng sa kalunuslunos na pagtalikod. PH 56.3

Ang malinaw na pagkakaiba ng diwa at motibo noong nagtayo ng tabemakulo at silang nagtatayo ng templo ni Solomon, ay may malalim na liksyon at kahalagahan. Ang paghahangad ng mga nagtayo ng templo ay may katumbas na kalagayan ngayon sa pagkamakasariling naghahari sa lupa. Ang diwa ng kasakiman, ng paghahangad sa mataas na posisyon at malaking sahod ay laganap. Ang kusang paglilingkod at magalak na pagtanggi sa sarili ng mga gumagawa sa templo ay bihirang makita. Ngunit ito ang tanging diwa na dapat makita sa mga alagad ni Jesus. Nagbigay ang Panginoon ng halimbawa kung paanong ang mga alagad Niya ay dapat gumawa. Sa kanilang tinawagan Niyang, “Magsisunod kayo sa hulihan Ko, at gagawin Ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao” (Mateo 4:19), wala Siyang inalok na kaukulang halaga bilang pabuya sa paglilingkod. Sila ay kasalo Niya sa pagtanggi sa sarili at pagsasakripisyo. PH 56.4

Hindi para sa sahod na tinatanggap dapat tayong maglingkod. Ang motibong nagpapakilos sa atin upang gumawa para sa Dios ay dapat na maalisan ng anumang bagay na kawangis ng paglilingkod sa sarili. Hindi makasariling debosyon at diwa ng sakripisyo ang lagi na lamang at laging magiging unang kahilingan ng katanggap-tanggap na paglilingkod. Idinisenyo ng Panginoon na walang isang hibla mang kasakiman ang maihahabi sa Kanyang gawain. Sa ating mga paggawa ay dadalhin natin ang talino at kakayahan, at karunungan na hinihiling ng Dios ng kasakdalan sa mga nagtatayo ng makalupang tabernakulo; gayunman sa ating mga paggawa ay dapat nating tandaan ang pinakadakilang talento o ang pinakamagaling na trabaho ay tinatanggap lamang kapag ang sarili ay naihandusay sa altar, bilang buhay at buong paglilingkod. PH 56.5

Isa pang simulaing nakita na siyang umakay sa pagbagsak ng hari ng Israel ay ang pagsuko niya sa tukso na tanggapin sa sarili ang kaluwalhatiang ukol lamang sa Dios. PH 57.1

Mula sa araw na si Solomon ay pinagkatiwalaang magtayo ng templo hanggang sa pagtatapos nito, ang inihayag na adhikain niya ay “ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel.” 2 Cronica 6:7. Ang layuning ito ay lubusang kinilala ng nagkakatipong karamihan ng Israel sa panahon ng pagtatalaga ng templo. Sa panalangin ng hari ay tinanggap niyang sinabi ni Jehova, “Ang Aking pangalan ay doroon.” 1 Hari 8:29. PH 57.2

Isa sa nagpapakilos na bahagi ng dalangin ni Solomon ay ang kahilingan sa Dios na ang lahat ng mga taga-ibang lupa na buhat sa malalayong bansa ay makakilala sa Kanya na ang katanyagan ay kumalat sa mga bansa. “Kanilang mababalitaan,” wika ng hari “ang Iyong dakilang pangalan, at ang Iyong makapangyarihang kamay, at ang Iyong unat na bisig.” Alang-alang sa bawat isa sa mga kakatuwang mananamba ay nakiusap si Solomon: “Dinggin Mo,...at gawin Mo ang ayon sa lahat na idalangin sa Iyo ng taga ibang lupa: upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang Iyong pangalan, upang matakot sa Iyo, gaya ng Iyong bayang Israel; at upang kanilang makilala na ang bahay na ito, na aking itinayo, ay tinatawag sa pamamagitan ng Iyong pangalan.” Talatang 42,43. PH 57.3

Sa pagtatapos ng serbisyo, nakiusap si Solomon sa bayan na magtapat at maging totohanan sa Dios, upang malaman “ng lahat na bayan sa lupa,” kanyang sinabi, “na ang Panginoon ay siyang Dios, at walang iba.” Talatang 60. PH 57.4

Isang higit na Dakila kay Solomon ang nagdisenyo ng templo; ang karunungan at kaluwalhatian ng Dios ay nahayag doon. Silang nalaman ang katotohanang ito ay humanga at pumuri kay Solomon bilang arkitekto at tagapagtayo; ngunit tinanggihan ng hari ang karangalan sa pagdisenyo at pagtatayo nito. PH 58.1

Kung kaya’t nang ang reyna ng Seba ay dumalaw kay Solomon, sa pagkarinig tungkol sa karunungan at kahanga-hangang templo na itinayo niya, ipinasiyang “subukin niya siya ng mahihirap na katanungan” at tingnan sa sarili ang kahanga-hangang gawa niya. Kasama ang mga alipin, at mga kamelyo “na may pasang mga espesia, at totoong maraming ginto, at mga mahalagang bato,” ang reyna ay naglakbay ng malayo tungong Jerusalem. “At nang siya’y dumating kay Solomon ay kanyang inihinga sa kanya ang lahat na laman ng kanyang dibdib.” Nakipag-usap siya sa kanya tungkol sa mga misteryo ng kalikasan; at tmuruan siya ni Solomon tungkol sa Dios ng kalikasan, ang dakilang Manlalalang, na naninirahan sa pinakamataas na langit at naghahari sa lahat. “At isinaysay ni Solomon sa kanya ang lahat ng kanyang mga tanong: walang bagay na lihim sa han na hindi niya isinaysay sa kanya.” 1 Hari 10:1-3; 2 Cronica 9:1, 2. PH 58.2

“At nang makita ng Reyna sa Seba ang buong karunungan ni Solomon, at ang bahay na kanyang itinayo,...ay nawalan siya ng diwa.” At sinabi niya sa hari, “tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa, at sa iyong karunungan: gayon ma ',y hindi ko pinaniwalaan ang mga salita hanggang sa ako’y dumating, at nakita ng aking mga mata.” “at, narito, ang kalahati ay hindi nasaysay sa akin: ang iyong karunungan at pagkaginhawa ay higit kaysa kabantugan na aking narinig. Maginhawa ang iyong mga lalaki, maginhawa ang iyong mga lingkod na ito, na nagsisitayong palagi sa harap mo, at nakakarinig ng iyong karunungan.” 1 Hari 10:4-8; 2 Cronica 9:3-6. PH 58.3

Sa katapusan ng pagdalaw na ito ang reyna ay lubusang naturuan ni Solomon tungkol sa pinanggagalingan ng kanyang karunungan at kayamanan anupa’t nasambitla ng reyna, “Purihin ang Panginoon mong Dios, na nalulugod sa iyo, upang ilagay ka sa luklukan ng Israel: sapagkat minamahal ng Panginoon ang Israel magpakailanman, kaya’t ginawa ka Niyang hari, upang gumawa ng kahatulan at ng katuwiran.” 1 Hari 10:9. Ito ang impresyong nais ng Dios na maibigay sa lahat ng tao. At nang “hinanap ng lahat na hari sa lupa ang harapan ni Solomon, upang magsipakinig ng Kanyang karunungan, na inilagay ng Dios sa kanyang puso” (2 Cronica 9:23), sa ilang panahon ay pinarangalan ni Solomon ang Dios na may paggalang sa pagtuturo sa mga tao sa Manlalalang ng mga langit at lupa, ang Han ng sansinukob, ang Matalino sa Lahat. PH 58.4

Kung nagpatuloy lamang si Solomon sa kababaan ng isipan sa pagtuturo sa tao, sa Dios na nagkaloob sa kanya ng karunungan at kayamanan at karangalan, anong kasaysayan sana ang natala tungkol sa kanya! Ngunit kung paanong ang panulat ng inspirasyon ay nagtatala ng mga kabudhan niya, may tapat din itong patotoo ng kanyang pagkabagsak. Itinaas sa taluktok ng kadakilaan at napalibutan ng mga regalong kayamanan, si Solomon ay nalula, nawalan ng panimbang, at nahulog. Patuloy na pinapurihan ng tao, hindi niya natagalan ang mga papuring ito. Ang karunungang ipinagkatiwala sa kanya upang maluwalhati ang Tagapagkaloob, ay pumuno sa puso ng pagmamataas. Sa wakas ay pinahintulutan niya ang mga taong magsalita sa kanya bilang siyang karapat-dapat sa papuri dahilan sa di mapapantayang kagandahan ng mga gusaling pinanukala at itinayo sa karangalan ng “pangalan ng Panginoong Dios ng Israel.” PH 59.1

Sa ganito ang templo ni Jehova ay nakilala ng mga bansa bilang “templo ni Solomon.” Ang ahensyang tao ay kinuha sa sarili ang kaluwalhantiang dapat sa Isang “lalong mataas kaysa mataas.” Eclesiastes 5:8. Kahit hanggang ngayon ang templong ipinahayag ni Solomon, “Ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng Iyong pangalan” (2 Cronica 6:33), ay madalas na tinatawag hindi bilang templo ni Jehova, kundi “templo ni Solomon.” PH 59.2

Wala nang dadakilang kahinaan para sa tao na angkinin ang karangalan para sa mga kaloob na ukol sa Langit. Ang tunay na Kristiano ay uunahin ang Dios at Siya ring huli at pinakamabuti sa lahat ng bagay. Walang ambisyosong motibo na magpapalamig ng kanyang pag-ibig sa Dios; patuloy, may pagsisikap na ang karangalan ay ituturo sa Ama sa langit. Samantalang tayo ay tapat sa pagtataas sa pangalan ng Dios na ang ating mga kilos ay nasa pangangasiwa ng langit, at tayo ay nagkakaroon ng kakayahang magpalago ng kapangyarihang espintuwal at intelektuwal. PH 59.3

Si Jesus, ang makalangit na Panginoon, ay lagi na lamang idnaas ang pangalan ng Ama sa langit. Tinuruan Niya ang mga alagad na manalangin, “Ama namin na nasa langit Ka, sambahin nawa ang ngalan Mo.” Mateo 6:9. At dapat alalahaning, “sa Iyo...ang kaluwalhatian.” Talatang 13. Napakaingat ng dakilang Manggagamot sa pagbibigay-pansin sa Bukal ng Kanyang kapangyarihan at hindi sa sarili Niya, nang ang nagtatakang karamihan, “nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag,” ay di Siya niluwalhad, kundi “mluwalhati ang Dios ng Israel.” Mateo 15:31. Sa kahanga-hangang panalangin ni Kristo bago Siya ipako sa Krus, nagpahayag Siyang, “Niluwalhati Kita sa lupa.” “Luwalhatiin Mo ang Iyong Anak, upang Ikaw ay luwalhatiin ng Anak.” MOh Amang banal, hindi Ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala Kita; at nakikilala ng mga ito na Ikaw ang nagsugo sa Akin. At ipinakilala Ko sa kanila ang Iyong pangalan, at ipakikilala Ko; upang ang pag-ibig na sa Akin ay iniibig Mo ay mapasakanila, at Ako’y sa kanila.” Juan 17:1,4,25,26. PH 59.4

“Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag magmapuri ang pantas sa kanyang karunungan, o magmapuri ang makapangyarihan sa kanyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kanyang kayamanan: kundi magmapuri sa ganito ang lumuluwalhati, na kanyang nauunawa, at kanyang nakikilala Ako, na Ako ang Panginoon na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang-loob, kahatulan at katuwiran sapagkat sa mga bagay na ito ay nalulugod Ako, sabi ng Panginoon.” Jeremias 9:23, 24. PH 60.1

“Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios,....
At dadakilain ko Siya ng pasalamat.”

“Marapat Ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng
kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan.”

“Pupurihin Kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso:
At luluwalhatiin ko ang Iyong pangalan magpakailanman.”

“Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo’y mangagbunyi na magkakasama ng Kanyang pangalan.” Awit 69:30; Apocalipsis 4:11; Awit 86:12; 34:3.
PH 60.2

Ang pagpapakilala ng mga simulaing nalalayo mula sa diwa ng sakripisyo tungo sa pagmamapuri sa sarili, ay sinabayan pa ng isang malawakang pagpapasama sa panukala ng Dios sa Israel. Pinanukala ng Dios na ang Israel ay magiging tanglaw sa sanlibutan. Mula sa kanila ay masisinag ang liwanag ng kaluwalhatian ng Kanyang utos sa pamamagitan ng kanilang kabuhayan. Upang maisakatuparan ang misyong ito ay inilagay Niya ang Israel sa isang lugar na mararating sila ng mga bansa sa lupa. PH 60.3

Sa mga kaarawan ni Solomon ang kaharian ng Israel ay mula sa Hamath sa hilaga hanggang sa Egipto sa timog, mula sa dagat ng Mediteranea hanggang sa ilog ng Eufrates. Sa teritoryong ito ay dumadaan ang maraming lansangang nilalakbayan ng mga komersyo, ang mga karaban mula sa malalayong lugar ay laging nagdaraan. Sa ganito ay nabigay kay Solomon at sa kanyang bayan ang pagkakataong maihayag sa mga tao ng lahat ng bansa ang likas ng Hari ng mga hari, at maturuan silang may paggalang na sumunod sa Kanya. Sa buong lupa ang kaalamang ito ay ipagkakaloob. Sa pagtuturo ng mga handog na sakripisyo, si Kristo ay matataas sa mga bansa, upang ang lahat na makamalas ay mabuhay. PH 61.1

Inilagay sa bansang gagawing liwanag sa nakapalibot na bansa, si Solomon bilang hari ay dapat sanang ginamit ang kaloob ng Dios na karunungan at kapangyarihan ng impluwensya sa pagtatatag at pangunguna sa isang dakilang kilusan upang mabigyang liwanag silang walang pagkaalam sa Dios at Kanyang katotohanan. Sana ay malaking karamihan ang naakit sa pagtatapat sa mga banal na utos, at ang Israel ay naisanggalang sana sa mga masamang gawi ng mga pagano, at ang Panginoon ng kaluwalhatian ay dinakila sana at naparangalan. Datapuwat nawala kay Solomon ang mataas na layuning ito. Nagkulang siya na linangin ang mga pagkakataon upang maliwanagan ang mga patuloy na dumadaan sa teritoryo o yaong namamalagi sa mga lungsod. PH 61.2

Ang diwang misyonero na itinanim ng Dios sa puso ni Solomon at ng mga tunay na Israelita ay napalitan ng diwa ng pangangalakal. Ang mga pagkakataong kaloob ng personal na ugnayan ay ginamit sa pagpapayaman sa sarili. Sinikap ni Solomon na palakasin ang posisyong pulitikal sa pagtatayo ng mga nakukutaang siyudad sa pasukan ng komersyo. Muling itinayo ang Geser, na malapit sa Joppe, sa daang pagitan ng Egipto at Syria; ang Bet-horon sa kanluran ng Jerusalem na nagtatanggol sa daanang mula sa puso ng Judea patungong Geser at ang punong lansangang tungo sa dagat; ang Megiddo, na nasa lansangan ng mga karabang mula sa Damasco tungo sa Egipto, at mula sa Jerusalem tungo sa hilaga; at ang “Tadmor sa ilang” (2 Cronica 8:4), sa daanan ng mga karaban mula sa silangan. Lahat ng mga siyudad na ito ay nilagyan ng kuta. Ang bentahe sa komersyo sa pamamagitan ng lagusang tungo sa dagat ay pinalago sa paggawa ng “isang armada ng mga barko sa Ezion-geber,...sa baybayin ng Dagat na Pula, sa lupain ng Edom.” Mga sinanay na marino mula sa Tiro, “kasama ng mga bataan ni Solomon,” ang nag-tao ng mga sasakyang pandagat na naglakbay “tungo sa Ophir, na doon ay kumuha ng ginto,” at “saganang kahoy ng almug, at mga mahahalagang bato.” Talatang 18; 1 Hari 9:26, 28; 10:11. PH 61.3

Ang buwis ng hari at marami sa kanyang tauhan ay lumaki, datapuwat sa anong halaga! Sa kahangalan nilang pinagkatiwalaan ng mga orakulo ng Dios, ang di mabilang na karamihang naglakbay sa mga lansangan nito ay napabayaang walang pagkakilala kay Jehova. PH 62.1

Kabalintunaan ng landas na tinahak ni Solomon ang naging buhay naman ni Kristo nang Siya ay narito sa lupa. Ang Tagapagligtas, gayong taglay ang “lahat ng kapangyarihan,” ay di ginamit ang kapangyarihang yaon para sa sariling kapakanan. Walang pangarap ng makalupang paghahari, ng kadakilaang panlupa, ang sumira ng kasakdalan ng Kanyang paglilingkod sa tao. At sinabi sa kanya ni Jesus, “May mga lungga ang mga zorra, at may mga pugad ang mga ibon sa langit; datapuwat ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kanyang ulo.” Mateo 8:20. Silang, bilang tugon sa panawagan ng kapanahunan ay pumasok sa paglilingkod sa Panginoon, ay marapat mapag-aralan ang Kanyang pamamaraan. Kinuha Niya ang mga pagkakataong nasumpungan sa mga lansangang nilalakbay. PH 62.2

Sa pagitan ng Kanyang pagpaparoo’t panto, si Jesus ay nanirahan sa Capernaum, na nakilala bilang “Kanyang sariling bayan.” Mateo 9:1. Matatagpuan sa daang mula sa Damasco tungong Jerusalem at Egipto at sa Dagat ng Mediteranea, ito ay angkop na angkop sa gawain ng Tagapagligtas. Mga tao buhat sa maraming lupain ay dumaan dito at nagpahinga. Dito ay nakatagpo ni Jesus ang lahat ng tao anumang bansa o ranggo, kung kaya’t ang mga liksyong kaloob Niya ay nadala sa maraming bansa at sambahayan. Sa ganitong paraan ay nagising ang interes sa mga propesiyang nagtuturo sa Mesias, ang pansin ay naturo sa Tagapagligtas, at ang Kanyang misyon ay nadala sa sanlibutan. PH 63.1

Sa ating kapanahunan ngayon ay lalong marami ang pagkakataong nasa atin upang makatagpo ang lahat ng uri ng mga lalaki at babae at ang mga mamamayan ay higit pa sa panahon ng Israel. Ang mga lansangang nilalakbay ay libong ulit na dumami. PH 63.2

Tulad ni Kristo, ang mga mensahero ng Kataastaasan ay dapat tumayo sa mga dakilang lansangang ito, na doon ay makakatagpo nila ang mga manlalakbay mula sa lahat ng bahagi na mundo. Tulad Niya, na ang pagkatao ay natatago sa Dios, sila ay dapat maghasik ng binhi ng ebanghelyo, na inihaharap sa iba ang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan na mag-uugat nang malalim sa puso at isipan at tutubo sa walang hanggang buhay. PH 63.3

Maselan ang mga liksyong natutuhan sa pagkabigo ng Israel nang ang hari at bayan ay bumalikwas sa mataas na layuning sila ay tinawagang gampanan. Kung saan naging mahina ang Israel, hanggang sa punto ng pagkabigo, ang bayang Israel ng Dios ngayon, ang kinatawan ng langit na siyang tunay na iglesia ni Kristo, ay dapat maging malakas; sapagkat sa kanila nakababaw ang tungkulin ng pagtatapos ng gawaing ipinagkatiwala sa mga tao, at magbukas ng araw ng mga huling gantimpala. Gayunman ang katulad na mga impluwensyang namayani sa Israel sa panahon ni Solomon ay dapat ding harapin ngayon. Ang puwersa ng kaaway ng lahat ng katuwiran ay makapangyarihang nakaugat; tanging sa kapangyarihan ng Dios matatamo ang tagumpay. Ang tunggaliang nasa harapan natin ay tumatawag sa diwa ng pagtanggi sa sarili, pag-aalis ng tiwala sa sarili at pag-asa sa Dios lamang, upang magamit ang mga pagkakataong nasa atin sa pagliligtas ng mga kaluluwa. Ang pagpapala ng Panginoon na nasa iglesia kung sila ay hahayong nagkakaisa, naghahayag sa sanlibutang nasa kadiliman ng kamalian, ng kagandahan ng kabanalan sa diwang tulad ng kay Kristo na mapagsakripisyo sa sarili, nagtataas ng banal sa halip na makalupa, at sa mapagmahal at walang kapagurang paglilingkod sa kanilang nangangailangan ng pagpapala ng ebanghelyo. PH 63.4