ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

47/69

Kabanata 40—Ang Panaginip ni Nabucodonosor

Ang kabanatang ito ay batay sa Daniel 2.

Di nagtagal pagkapasok ni Daniel at ng kanyang mga kasama sa paglilingkod sa hari ng Babilonia, may mga naganap na pangyayaring naghayag sa bansang sumasamba sa mga diyos ng kapangyarihan at katapatan ng Dios ng Israel. Si Nabucodonosor ay nagkaroon ng katangi-tanging panaginip, “at ang kanyang espiritu ay nabagabag, at siya’y napukaw sa pagkakatulog.” Bagaman ang isip ng hari ay lubos na humanga, nang magising siya ay hindi niya iyon maalaala. PH 401.1

Sa kalituhan, ipinatawag ang kanyang mga pantas na lalaki—“mga mahiko, at ang mga enkantador, at ang mga manghuhula—at humingi ng tulong. “Ako’y nanaginip ng isang panaginip,” kanyang sinabi, “at ang aking espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip.” Sa kalituhan, hiniling niya sa kanilang ipahayag sa kanya ang makapagpapaginhawa sa kanyang kaisipan. PH 401.2

Sa ganito’y tumugon ang mga pantas na lalaki, “Oh hari, mabuhay ka magpakailanman: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan. PH 401.3

Hindi nasiyahan sa mga tugon, at naghinala dahil, kung anu-ano ang sinasabi nila, subalit hindi naman iyon nakatutulong, nag-utos ang hari sa mga pantas na lalaki, at pinangakuan sila ng kayamanan at karangalan, at kamatayan sa kabilang banda, na hindi lamang ang paliwanag kundi ang panaginip mismo ang sabihin. “Ang bagay ay nawala sa akin,” wika niya; “kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip, at ang kahulugan niyaon, kayo’y pagpuputul-putulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan. Ngunit kung inyong ipaliwanag ang panaginip, at ang kahulugan niyaon, kayo’y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan.” PH 401.4

“Ang mga pantas na lalaki ay nagsisagot na ikalawa, at nangagsabi, “Saysayin ng hari sa kanyang mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.” PH 401.5

Si Nabucodonosor, galit sa nakikitang pag-iwas at kawalang katiyakan ng mga taong kanyang pinagkakatiwalaan, ay nagbadya: “Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagkat inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay. Ngunit kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo: sapagkat kayo’y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya’t saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon.” PH 402.1

Puno ng takot dahilan sa magiging bunga ng kanilang pagkakamali, sinikap ipakita ng mga mahiko na ang kahilingan ng hari ay hindi makatuwiran at labas sa kakayahan ng sinumang tao. “Walang tao sa ibabaw ng lupa,” kanilang nireklamo, “na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari: palibhasa’y walang hari, panginoon, o pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o Caldeo. At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, liban ang mga diyos, na ang tahanan ay hindi kasama ng tao.” PH 402.2

Sa gayo',y, “ang hari ay nagalit at totoong nag-alab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa Babilonia.” PH 402.3

Kabilang sa mga pinaghahanap ng mga opisyales upang patayin ayon sa utos ng hari ay si Daniel at ang mga kaibigan niya. Nang sabihing ayon sa utos, sila ay kasamang mamamatay, “na may payo at karunungan” si Daniel ay nagtanong kay Arioch, na punong kawal ng bantay ng hari, “Bakit ang pasya ay totoong madalian mula sa hari?” Sinabi sa kanya ni Arioch ang kalituhan ng han sa kanyang panaginip, at pagkabigo sa hininging tulong sa mga pinagkatiwalaan niyang lubos. Sa pagkarinig nito, si Daniel, dala ang kanyang buhay, nagtungo siya sa harap ng hari at nakiusap na magbigay ng kaunting panahon, upang makatawag sa Dios upang ihayag sa kanya ang panaginip at paliwanag. PH 402.4

Sumang-ayon ang hari sa kahilingang iyon. “Nang magkagayo’y naparoon si Daniel sa kanyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kanyang mga kasama.” Magkasama na sila ay humingi ng karunungan mula sa Bukal ng liwanag at kaalaman. Malakas ang kanilang pananampalataya sa pagkaalam na ang Dios ay naglagay sa kanila sa lugar na iyon, na kanilang ginagawa ang Kanyang gawain at ang kanilang ginagampanang mataman. Sa panahon ng kagulumihanan at panganib ay laging sa Kanya ang kanilang tungo, at Siya naman ay laging handang tumulong. At ngayon may pagsisisi sa pusong muli silang nagpasakop sa Hukom ng lupa, sumasamong sila ay iligtas sa oras na ito ng tanging pangangailangan. At ang pagsamo nila ay nagkabunga. Ang Dios na kanilang pinarangalan, ngayon ay handang magparangal sa kanila. Ang Espiritu ng Panginoon ay lumapag sa kanila, at “sa isang pangitain sa gabi” ay ipinakita kay Daniel ang panaginip ng hari at ang kahulugan nito. PH 402.5

Ang unang kilos ni Daniel ay pagpapasalamat sa Dios sa paghahayag na nabigay sa kanya. “Purihin ang pangalan ng Dios magpakailanman,” kanyang sinabi; “sapagkat ang karunungan at kapangyarihan ay Kanya: at Kanyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan: Siya’y nag-aalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari: Siya’y nagbibigay ng karunungan sa marunong, at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa: Siya’y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay: Kanyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay tumatahang kasama Niya. Pinasasalamatan Kita, at pinupuri Kita, Oh Ikaw na Dios ng aking mga magulang, na Siyang nagbigay sa akin ng karunugan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa Iyo: sapagkat Iyong pinaalam sa amin ang bagay ng hari.” PH 403.1

Agad ay nagtungo si Daniel kay Arioch, na naatasang patayin ang lahat ng mga marurunong na mga lalaki, at sinabi, “Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia: dalhin mo ako sa harap ng hari, at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.” Nang magkagayo’y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari, at nagsabing ganito sa kanya, “Ako’y nakasumpong ng isang lalaki sa mga anak ng nangabihag sa Juda, na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan.” PH 403.2

Narito ang Judiong bihag, palagay at alam ang ginagawa, sa harap ng haring may pinakamakapangyarihang kaharian sa mundo. Sa kanyang unang mga salita hindi niya inangkin ang karangalan kundi itinaas ang Dios na bukal ng lahat ng karunungan. Sa balisang tanong ng hari. “Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon?” Siya ay sumagot: “Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man; ngunit may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at Siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw.” PH 403.3

“Ang iyong panaginip,” pinahayag ni Daniel, “at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan, ay ang mga ito; Tungkol sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pag-iisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan, kung ano ang mangyayan sa panahong darating: at Siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari. Ngunit tungkol sa akin, ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anumang karunungan na tinamo kong higit kaysa sinumang may buhay, kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan, at upang iyong maalaman ang mga pag-iisip ng iyong puso. PH 404.1

“Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kanyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao’y kakilakilabot. Tungkol sa larawang ito, ang kanyang ulo ay dalisay na ginto, ang kanyang dibdib at ang kanyang mga bisig ay pilak, ang kanyang tiyan at ang kanyang mga hita ay tanso, ang kanyang mga binti ay bakal, ang kanyang mga paa’y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto. PH 404.2

“Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kanyang mga paang bakal at purik na luto, at mga yao’y binasag. Nang magkagayo’y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputulputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tag-araw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa. PH 404.3

“Ito ang panaginip,” pahayag ni Daniel; at ang hari, taimtim na nakikinig sa bawat binabanggit, ay alam na iyung-iyon ang panaginip na gumambala sa kanya. Sa ganito nahanda ang kanyang isip sa pagtanggap ng paliwanag. Ang Hari ng mga han ay ipababatid ang dakilang katotohanan sa hari ng Babilonia. Ihahayag ng Dios na may kapangyarihan Siya sa mga kaharian ng mundo, sa paglagay at pagtanggal ng mga hari sa luklukan. Kailangang mamulat ang isipan ni Nabucodonosor sa kanyang kapanagutan sa Langit. Ang mga mangyayari sa hinaharap, hanggang katapusan ng panahon, ay ihahayag sa kanya. PH 404.4

“Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari,” patuloy ni Daniel, “na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian. At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay Niya sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat. Ikaw ang ulo ng ginto. PH 405.1

“At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo, at ang ibang ikatlong kaharian na tanso, na magpupuno sa buong lupa. PH 405.2

“At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal: palibhasa’y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay: at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya’y magkakaputul-putol at madidikdik. PH 405.3

“At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalayok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; ngunit magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto. At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi, at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok. At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila’y magkakahalo ng lahi ng mga tao: ngunit hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik.',” PH 405.4

“At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailanman, o ang kapangyarihan man niyao’y iiwan sa ibang bayan, kundi pagpuputulputulin at lilipulin Niya ang lahat na kahariang ito, at yao’y lalagi magpakailanman. Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay, at ang pagkapaaninaw niyao’y tapat.” PH 405.5

Tinanggap ng hari ang katotohanan ng interpretasyong ito, at sa pagpapakababa at paghanga ay “nagpatirapa, at sumamba” at nagsabi, “Sa katotohanan, ang inyong Dios ay Dios ng mga diyos, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito.” PH 405.6

Binago ni Nabucodonodor ang utos ukol sa pagpatay ng mga pantas na lalaki. Ang mga buhay nila ay nailigtas dahilan sa kaugnayan ni Daniel sa Tagapagpahayag ng lihim. At “pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia, at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia. At si Daniel ay humiling sa hari, at kanyang inihalal si Sadrach, si Mesach, at si Abednego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia: ngunit si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari.” PH 406.1

Sa kasaysayan ng tao, ang paglago ng mga bansa, pagbangon at pagbagsak ng mga kaharian, ay parang nakasalig sa nasa at kakayahan ng tao; ang paghubog ng mga pangyayari ay parang, ayon sa malaking antas, ay mapapagpasyahan sa kanyang kapangyarihan at ambisyon o kapritso. Datapuwat sa salita ng Dios ang tabing ay nahahawi, at nakikita natin sa itaas, likuran, at sa lahat ng mga pangyayari ang kaugnayan ng interes ng tao at kapangyarihan at damdamin, sa mga ahensya ng Mahabagin sa lahat, na tahimik, matiising nagsasagawa ng mga payo ng Kanyang kalooban. PH 406.2

Sa mga pangungusap ng di mapapantayang kagandahan at pagmamahal, inilahad ni apostol Pablo ang banal na adhikain sa paglalang at pagbabahagi ng mga lipi at bansa. “Ang Dios na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto,” pahayag ng apostol, “ginawa Niya sa isa ang bawat bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan, at ang mga hangganan ng kanilang tahanan; upang kanilang hanapin ang Panginoon, baka sakaling maapuhap nila Siya, at Siya ',y masumpungan.” Gawa 17:24-27. PH 406.3

Niliwanag ng Dios na kung sinong magnanais ay, dadalhin “sa pakikipagkasundo ng tipan.” Ezekiel 20:37. Sa paglalang ay adhikain na Niyang ang daigdig ay tahanan ng mga nilalang na magiging pagpapala sa kanilang sarili at sa isa ',t isa, at magbigay karangalan sa kanilang Manlalalang. Lahat ay maaaring ibilang ang kanilang sarili sa adhikaing ito. At tungkol sa kanila ay sinabi, “Ang bayan na Aking inanyuan para sa Aking sarili; upang kanilang maihayag ang Aking kapurihan.” Isaias 43:21. PH 406.4

Sa Kanyang kautusan ay ipinakilala ng Dios ang mga simulain sa ilalim ng tunay na kasaganahan, maging mga isahang tao o ng mga bansa. Inihayag ni Moises sa Israel ang kautusang ito: “Ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman.” “Ito’y hindi hamak na bagay sa inyo; sapagkat inyong kabuhayan,” Deuteronomio 4:6; 32:47. Sa ganito ay natiyak ang mga pagpapala sa Israel, sa parehong kondisyon at parehong antas, sinigurado sa lahat ng mga bansa at gayon din sa bawat taong nasa ilalim ng malawak na kalangitan. PH 406.5

Mga daang taon bago nalagay ang mga bansa sa entablado ng buhay, ang Nakakaalam ng Lahat ay tumanaw sa mga kapanahunan at nakita Niya ang mga pagbangon at pagbagsak ng mga kahariang pambuong lupa. Inihayag ng Dios kay Nabucodonosor na ang kaharian ng Babilonia ay babagsak, at babangon ang isang ikalawang kaharian, na ito man ay dadanas ng pagsubok Sa hindi pagpaparangal sa tunay na Dios, ang kaluwalhatian nito ay kukupas, at ang ikadong kaharian ay kukuha ng kanyang lugar. Ito man ay lilipas din; at ang ikaapat, sindgas ng bakal, ang mamamayani sa mga bansa ng lupa. PH 407.1

Kung ang mga pinuno ng Babilonia—ang pinakamavaman sa lahat ng kaharian sa lupa—ay laging iningatan ang pagkatakot kay Jehova, naipagkaloob sana sa kanila ang karunungan at kapangyarihang dahil dito ay natali sila sa Kanya at sila’y naingatang malakas. Datapuwat ginawa nila na ang Dios ang kanilang tanggulan lamang sa panahon ng ligalig at pagkalito. Sa mga panahong iyon, ang hindi makasumpong ng tulong sa kanilang mga dakilang lalaki, hinanap nila ito sa mga lalaking gaya ni Daniel—mga lalaking alam nilang nagpaparangal sa Dios na buhay at pinararangalan din naman Niya. Sa mga lalaking tulad nito ay bumaling sila upang linawin ang mga misteryo ng Dios; sapagkat bagaman ang mga pinuno ng mayabang na Babilonia ay may mga dakilang katalinuhan, sila naman ay napahiwalay sa Dios sa kanilang paglabag upang hindi nila maunawaan ang mga paghahayag at babala tungkol sa hinaharap. PH 407.2

Sa kasaysayan ng mga bansa ang mag-aaral ng salita ng Dios ay makikita ang literal na pagkatupad ng propesiyang ito ng langit. Ang Babilonia, nawasak at giba, ay lumipas sapagkat sa kanilang kasaganaan ang mga pinuno nito ay nag-isip nang hiwalay sa Dios, at iniukol ang kaluwalhadan ng kaharian sa pagsisikap ng tao. Ang kaharian ng Medo-Persia ay dinalaw ng galit ng Langit dahilan sa pagyurak nito sa kautusan ng Dios. Ang pagkatakot sa Panginoon ay hindi nasumpungan sa mga puso ng napakaraming bilang ng mga tao. Kasamaan, pamumusong, at kadwalian ay namayani. Ang mga sumunod na kaharian ay lalo pang masama; at ang mga ito ay lumubog na malalim sa pagsukat ng moralidad. PH 407.3

Ang kapangyarihan ng sinumang pinuno sa lupa ay kaloob ng Langit; at sa paggamit ng pahiram na kapangyarihang ito nasasalig ang tagumpay. Sa bawat isa sa kanila ay may salita ang banal na Tagapagmasid, “Aking pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala Ako.” Isaias 45:5. At sa bawat isa, ang mga sinabi kay Nabucodonosor noon ay mga liksyon sa buhay: “Lansagin mo ng katuwiran ang iyong mga kasalanan, at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong katampalasanan; baka sakaling ikatibay ng iyong katiwasayan.” Daniel 4:27. PH 408.1

Upang maunawaan ang mgsa bagay na ito,—upang maunawaang “ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa;” upang “ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran,” at “inaalalayan ng kagandahang loob;” upang malaman ang pagsasagawa ng mga simulaing ito sa pagpapahayag ng kapangyarihan Niyang “nag-aalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari,“—ito ang pag-unawa ng pilosopiyang kasaysayan. Kawikaan 14:34; 16:12; 20:28; Daniel 2:21. PH 408.2

Tanging sa salita ng Dios nakalahad na maliwanag ang mga bagay na ito. Dito ay ipinakikitang ang lakas ng mga bansa, at ng isahang tao, ay hindi matatagpuan sa mga pagkakataon o pasilidad na sa tingin ay larawan ng kanilang kapangyarihan; hindi rin sa kanilang ipinagmamalaking kadakilaan. Ito ay nasusukat sa katapatang dito ay ginaganap nila ang adhikain ng Dios. PH 408.3