ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 41—Ang Nagniningas na Humo
Ang kabanatang ito ay batay sa Daniel 3.
Ang panaginip ng dakilang larawan, na nagbubukas kay Nabucodonosor ng mga pangyayaring umaabot sa pagtatapos ng panahon, ay ibinigay upang maunawaan niya ang papel na kanyang gagampanan sa kasaysayan ng lupa, at ang kaugnayan ng kanyang kaharian sa kaharian ng langit. Sa pagpapaliwanag ng panaginip, malinaw na ibinigay sa kanya ang pagtatatag ng walang hanggang kaharian ng Dios. “At sa mga kaarawan ng mga haring yaon,” pahayag ni Daniel, “ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kahanan, na hindi magigiba kailanman: at ang kapangyarihan man niyao’y iiwan sa ibang bayan, kundi pagpuputul-putulin at lilipulin Niya ang lahat na kahariang ito, at yao’y lalagi magpakailanman.... Ang panaginip ay tunay, at ang pagkapaaninaw niyao’y tapat.” Daniel 2:44, 45. PH 409.1
Kinilala ng hari ang kapangyarihan ng Dios, na nagsasabi kay Daniel, “Sa katotohanan, ang inyong Dios ay Dios ng mga diyos, ...at tagapaghayag ng mga lihim” Talatang 47. Sa isang panahon, si Nabucodonosor ay naimpluwensyahan ng takot sa Dios; datapuwat ang kanyang puso ay hindi pa nalinis ng mga ambisyong makalupa at pagnanais na itaas ang sarili. Ang mga kasaganaang dumating sa kanyang panunungkulan ang pumuno sa kanya na magmayabang. Di nagtagal ay iniwan niya ang pagpuri sa Dios, at ipinagpatuloy ang kanyang pagsamba sa mga diyos na may dagdag pang sigasig at di mababagong isipan. PH 409.2
Ang mga salitang, “Ikaw ang ulong ginto,” ay natanim na malalim sa kanyang isip. Talatang 38. Ang mga pantas na lalaki sa kanyang kaharian, na sinamantala ito at ang pagbalik niya sa mga diyusdiyusan, ay nagmungkahing gumawa siya ng larawang katulad ng nakita niya sa panaginip, at itanyag ito upang lahat ay makakita ng ulong ginto, na inilarawang kumakatawan sa kanyang kaharian. PH 409.3
Nasiyahan sa mungkahing ito, ipinasiya niyang isagawa ito, at dagdagan pa. Sa halip na kopyahin ang larawang nakita sa panaginip, lalagpasan pa niya ang orihinal. Ang larawang ito ay hindi bababa sa halaga mula ulo hanggang paa, sa halip ay magiging puro ginto— simbulo sa buong Babilonia bilang kahariang walang hanggan, hindi masisira at makapangyanhan sa lahat, at siyang dudurog sa iba pang mga kahanan at ito’y tatayo magpakailanman. PH 409.4
Ang isipang magtatag ng kaharian at lahi ng mga haring mamamalagi kailanman ay malakas ang panghikayat sa makapangyarihang haring ito na ang mga bansa sa lupa ay hindi makatayo sa harapan niya. May sigasig na bunga ng ambisyon at makasariling kataasan, humingi siya ng payo sa kanyang mga pantas kung paano isasagawa ang proyektong ito. Nakalimutan na ang mga paglalaan ng langit kaugnay ng paliwanag ng panaginip ng dakilang larawan; nakalimutan na ring ang Dios ng Israel sa pamamagitan ng lingkod Niyang si Daniel ay malinaw na inilahad sa kanya ang kahalagahan ng larawan, at kaugnay ng pagpapaliwanag na ang mga dakilang lalaki ng kaharian ay naligtas sa tiyak na kamatayan; nakalimutan na rin ang lahat maliban sa hangaring magkamit ng kapangyarihan at pamamayani, ang hari at ang kanyang mga tagapayo ng estado ay nagpasyang lahat ay gagawin upang itaas ang Babilonia sa lahat, upang maging tampulan ng pag-tatapat ng sansinukob. PH 410.1
Ang simbulong kaloob ng Dios na inihayag sa hari at sa bayan ang Kanyang adhikain, ngayon ay magiging tagapaglingkod ng pagluluwalhati ng tao sa kanyang sariling kapangyarihan. Ang pagpapaliw anag ni Daniel ay tatanggihan at kalilimutan; ang katotohanan ay bibigyang maling kahulugan at paggamit. Ang simbulong ipinanukala ng Langit upang buksan sa tao ang mahahalagang pangyayari sa hinaharap, ay gagamitin upang hadlangan ang taong matanggap ang kaalamang ninais ng Dios na makamtan nila. Kung kaya’t sa pakana ng taong ambisyoso, sinisikap ni Satanas na hadlangan ang adhikain ng Dios para sa lahi ng tao. Alam ng kaaway na ang katotohanang walang halong kamalian ay kapangyarihan ng pagliligtas; datapuwat kapag ginamit sa pagtataas sa sarili at pasulungin ang mga proyekto ng tao, ay magiging kapangyarihan ng kasamaan. PH 410.2
Mula sa kabangyaman ng kaharian, ay nagpagawa si Nabucodonosor ng dakilang larawang ginto, katulad sa larawang nakita sa panaginip, maliban sa materyales na ginamit dito. Bihasa na sa mga magagandang rebulto ng mga diyos na sinasamba, ang mga Caldeo ay Kindi pa nakagawa ng ganito kaganda at karangyang estatwa, may sukat na animnapung siko ang taas at anim na siko ang lapad. At hindi rin nakapagtataka na sa lupaing sanay na sa pagsamba sa mga diyos, ang maganda at mamahaling larawan sa kapatagan ng Dura, simbulo ng kagandahan at kapangyarihan ng Babilonia ay italaga bilang obhcto ng pagsamba. Isang utos ang pinalabas na sa araw ng pagtatalaga nito lahat ay maghahayag ng lubusang pagtatapat sa kapangyarihan ng Babilonia sa pamamagitan ng pagyukod dito. PH 410.3
Dumating ang itinakdang araw, isang malaking kalupunan ng lahat ng “mga bayan, mga bansa, at mga wika,” ay natipon sa Dura. Ayon sa utos ng hari, sa saliw ng musika ay narinig, ang buong nagkatipon ay “nangagpatirapa at nagsisamba sa larawang ginto.” Ang kapangyarihan ng kadiliman ay waring nagtatagumpay ng araw na iyon; ang pagsamba sa larawang ginto ay may pangako ng permanenteng maiuugnay sa nakatatag nang mga porma ng pagsamba na siyang relihiyon ng estado. Sa ganito ay umaasa si Satanas na matatalo niya ang adhikain ng Dios na sa pamamagitan ng presensya ng bihag na Israel sa Babilonia bilang pagpapala sa mga bansang sumasamba sa mga diyus-diyusan. PH 411.1
Datapuwat hindi ito ang panukala ng Dios. Hindi lahat ay lumuhod sa simbulong ito ng pagsamba sa mga diyus-diyusan at kapangyarihan ng tao. Sa gitna ng karamihang iyon na sumasamba, tatlong lalaki ang may matatag na pasyang hindi nila lalagyang batik ang karangalan ng Dios ng kalangitan. Ang Dios nila ay ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon; hindi sila yuyukod sa kaninuman., PH 411.2
Dinala kay Nabucodonosor, na nagagalak sa tagumpay, na kabilang sa kanyang mga tauhan ay mayroong naglakas loob na sumuway sa utos. Ilan sa mga pantas na lalaking, may selos sa mga karangalang naibigay sa mga tapat na kasama ni Daniel, ay nag-ulat ng hayagang paglabag na ito sa kanyang kagustuhan. “Oh hari, mabuhay ka magpakailanman,” kanilang sinabi. “May ilang Judio na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach, si Mesach, at si Abednego; ang mga lalaking ito, Oh hari, ay hindi ka pinakundangan: sila'y hindi nangaglingkod sa iyong mga diyos, ni nagsisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.” PH 411.3
Nag-utos ang haring dalhin sa kanya ang mga lalaki. “Sinadya nga ba ninyo,” tanong niya, “na kayo'y hindi mangaglilingkod sa aking diyos, ni magsisisamba man sa larawng ginto na aking itinayo?” Sinikap niya sa pagbabantang sila ay makiisa sa karamihan. Tumuturo sa nagniningas na humo, pinaalalahanan niya sila sa kapamsahang ipapataw sa kanila kung hindi sila susunod sa kanyang nais. Subalit matatag na nagpatotoo ang mga Hebreo ng kanilang panata sa Dios ng langit, at pananampalataya sa Kanyang kapangyarihang magligtas. Ang pagyukod sa larawan ay alam ng lahat na ito ay gawa ng pagsamba. Ang gayong paggalang ay nauukol lamang sa Dios. PH 411.4
Ang tatlong Hebreo ay nagsitayo sa harap ng hari, naniniwala siyang sila ay mayroong mga bagay na wala sa ibang mga pantas na lalaki sa kaharian. Sila ay naging tapat sa paggawa ng bawat tungkulin. Bibigyan pa niya sila ng isa pang pagsubok. Kung makikiisa lamang sila sa karamihan sa pagsamba sa larawan, lahat sana ay maayos na; “ngunit kung kayo',y hindi magsisamba,” dagdag pa niya, “kayo',y ihahagis sa oras ding yaon sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas.” At kanyang inunat ang kanyang kamay pataas sa kanilang pagsuway, at nagsabing, “Sinong Dios ang magliligtas sa inyo sa aking kamay?” PH 412.1
Walang kabuluhan ang mga banta ng hari. Hindi niya matinag ang pagtatapat ng mga lalaking ito sa Pinuno ng sansinukob. Mula sa kasaysayan ng kanilang mga magulang ay natutuhan nila na ang pagsuway sa Dios ay nagbubunga ng kawalang karangalan, pagkawasak, at kamatayan; at ang pagkatakot sa Panginoon ang pasimula ng karunungan, ang pundasyon ng tunay na kasaganahan. Panatag na hinarap ang nagniningas na humo, sila ay nagsabi, “Oh Nabucodonosor, kami ay walang kailangan na magsisagot sa iyo sa bagay na ito. Narito [kung ito ang iyong pasya], ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas, at ililigtas Niya kami sa iyong kamay, Oh hari.” Ang kanilang pananampalataya ay napalakas sa pagpapahayag na maluluwalhati ang Dios sa pagligtas sa kanila, at may matagumpay na kasiguruhang nagpapahiwatig ng tiwala sa Dios, idinagdag nila, “Ngunit kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga diyos, ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.” PH 412.2
Gayon na lamang ang galit ng hari. “Napuspos ng kapusukan,” “ang anyo ng kanyang mukha ay nagbago laban kay Sadrach, kay Mesach, at kay Abednego,” mga kinatawan ng lahing inapi at binihag. Nag-uutos na painidn ng makapitong ulit, inutusan pa niya ang malalakas na lalaki ng kanyang hukbo na itali ang mga Israelitang sumasamba sa Dios, bago itapon sa nagniningas na hurno. PH 412.3
“Nang magkagayo’y ang mga lalaking itoy tinalian na may mga suot, may tunika, at may balabal, at kanilang ibang mga kasuutan, at sila’y inihagis sa gitna ng mabangis na humong nagniningas. Sapagkat ang utos ng hari ay madalian, at ang humo ay totoong mainit, napatay ng liyab ng apoy ang mga lalaking yaon na nagsibuhat kay Sadrach, kay Mesach, at kay Abednego.” PH 413.1
Subalit hindi kinalimutan ng Panginoon ang sa Kanya. Sa pagtapon ng Kanyang mga saksi sa humo, hinayag ng Tagapagligtas ang Kanyang sarili sa kanila ng harapan, at sama-sama silang naglakadlakad sa apoy. Sa presensya ng Panginoon ng init at lamig, ang apoy ay nawalan ng kapangyarihang tumupok. PH 413.2
Mula sa Kanyang luklukan, tumingin ang han, umaasang ang mga sumuway sa kanya ay nangatupok ng husto. Subalit ang pakiramdam niyang siya ay nagtagumpay ay biglang nabago. Ang mga tauhan niya ay nakitang siya ay namutla habang tumitingin siya sa naglalagablab na apoy. Sa pagkagitla, ang hari ay nagtanong sa kanyang mga pinuno, “Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalaki sa gitna ng apoy?... Narito, aking nakikita ay apat na lalaki na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila ',y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng Anak ng Dios.” PH 413.3
Paano nalaman ng hari ang hitsura ng Anak ng Dios? Ang mga Hebreong bihag na humahawak ng mga posisyon sa Babilonia ay ipinaalam sa kanya ang katotohanan sa buhay at likas. Kapag tinanong sila kung anong dahilan ng kanilang pananampalataya, walang atubiling sinasabi iyon. Malinaw at simpleng ipinakilala nila ang mga prinsipyo ng katuwiran, sa gayon ay itinuturo nila sa palibot nila ang Dios na kanilang sinasamba. Ipinapangaral nila ang tungkol kay Kristo, ang darating na Manunubos; at sa anyo ng ika-apat sa humo na nakilala ng hari bilang Anak ng Dios. PH 413.4
At ngayon, ang sarili niyang kadakilaan at karangalan ay nalimutan, si Nabucodonosor ay bumaba mula sa kanyang luklukan at nagtungo sa bunganga ng hurno, at sumigaw, “Kayong mga lingkod ng kataastaasang Dios, kayo'y magsilabas at magsiparito.” PH 413.5
Nang magkagayo’y si Sadrach, si Mesach, at si Abednego, ay nagsilabas sa malaking karamihan, na pinakitang sila ',y hindi nasaktan. Ang presensya ng kanilang Tagapagligtas ay binantayan sila upang di masaktan, at ang mga tali lamang nila ang nangasunog. “At ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, at ang mga kasangguni ng hari na nangagkakapisan ay nakakita sa mga lalaking ito, na ang apoy ay hindi tumalab sa kanilang mga katawan, ni ang mga buhok man ng kanilang mga ulo ay nasunog, ni ang kanila mang mga suot ay nabago, ni nag-amoy apoy man sila.” PH 413.6
Nakalimutan na ang larawang ginto, na itinayong may dakilang karangyaan. Sa harap ng Dios na buhay, ang mga tao ay natakot at nanginig. “Purihin ang Dios ni Sadrach, ni Mesach, at ni Abednego,” ang nagpakumbabang hari ay napilitang sabihin, na nagsugo ng Kanyang anghel, at nagligtas sa Kanyang mga lingkod na nagsitiwala sa Kanya, at binago ang salita ng hari, at ibinigay ang kanilang mga katawan, upang sila’y hindi maglingkod ni sumamba sa kanino mang diyos, liban sa kanilang sariling Dios.” PH 414.1
Sa karanasan nang araw na iyon, si Nabucodonosor ay nag-utos, “na bawat bayan, bansa, at wika, na magsalita ng anumang kapulaan laban sa Dios ni Sadrach, ni Mesach, at ni Abednego, ay pagpuputulputulin, at ang kanilang mga bahay ay gagawing dumihan.” “Sapagkat walang ibang diyos,” kanyang pinahayag bilang dahilan ng kanyang utos, “na makapagliligtas ng ganitong paraan.” PH 414.2
Sa mga pangungusap na ito at iba pa ay sinikap ng han ng Babilonia na ilaganap sa lahat ng tao sa ibabaw ng lupa ang kanyang pagkilala sa kapang-yarihan at otoridad ng Dios ng mga Hebreo na siyang dapat na papurihan. At ang Dios ay nalugod sa pagsisikap ng haring magpakita ng paggalang sa Kanya, at magkumpisal bilang hari sa katapatan sa Dios sa kalaparan ng Babilonia. PH 414.3
Matuwid lamang para sa hari na gumawa ng ganitong pampublikong pag-amin, at magsikap na parangalan ang Dios ng langit higit sa alinmang diyos; datapuwat sa pagsisikap na pilitin ang mga nasasakupan niyang gumawa ng katulad na pagpapanggap ng pananampalataya at pagpipitagan, lumagpas si Nabucodonosor sa kanyang mga karapatan bilang pansamantalang hari. Wala na siyang karapatan, maging sibil man o moral, na magbanta ng kamatayan sa mga taong hindi sasamba sa Dios, tulad din ng kawalang karapatan niya sa utos na itapon sa apoy ang sinumang tatangging sumamba sa larawang ginto. Kailanman ay hindi namimilit ang Dios sa pagsunod ng tao. Lahat ay malayang pumili ng kanilang paglilingkuran. PH 414.4
Sa pagliligtas sa mga tapat na lingkod Niya, inihayag ng Panginoon na Siya ay kikilos sa panig ng inaapi, at sasansalain ang lahat ng kapangyarihan sa lupa na magrerebelde laban sa otoridad ng Langit. Inihayag ng tatlong Hebreo sa buong Babilonia ang kanilang pananampalataya sa Kanya na kanilang pinaglilingkuran. Nagtiwala sila sa Dios. Sa oras ng pagsubok ay naalaala nila ang pangako, “Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, Ako’y sasaiyo; at sa mga ilog, ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.” Isaias 43:2. At sa kahanga-hangang paraan ang pananampalataya nila sa buhay na Salita ay pinarangalan sa paningin ng lahat. Ang balita ng kanilang kahangahangang pagliligtas ay kumalat sa mga maraming bansang nagkaroon ng kinatawan sa pagtatalagang ipinag-anyaya ni Nabucodonosor. Sa pagtatapat ng Kanyang mga anak, ang Dios ay naparangalan sa buong lupa. PH 414.5
Mahalaga ang mga liksyong matututuhan sa karanasan ng mga kabataang Hebreo sa kapatagan ng Dura. Sa panahon natin ngayon, marami sa mga lingkod ng Dios, na wala namang kasalanan, ang magdaranas ng kahihiyan at abuso sa kamay na ginagamit ni Satanas, ay puno ng inggit at pagkapanatikong relihiyoso. Higit sa lahat ay matutuon ang kanilang galit sa mga nangingilin ng Sabbath na ikaapat na utos; at sa bandang huli ay magpapalabas ng utos sa buong lupa ukol sa pagpatay sa kanila. PH 415.1
Ang panahon ng bagabag para sa bayan ng Dios ay nananawagan sa uri ng pananampalatayang hindi matitinag. Ang Kanyang mga anak ay dapat magpakita na tanging Siya ang obheto ng kanilang pagsamba, at walang ibang bagay kahit na katumbas ng buhay nila ang aakay sa pinakamaliit na anyo ng huwad na pagsamba. Sa mga tapat na puso ang utos ng makasalanang tao ay walang bisa sa tabi ng Salita ng Dios na walang hanggan. Ang katotohanan ay susundin maging bunga nito ay pagkabilanggo o pagkatapon o kamatayan. PH 416.1
Sa mga kaarawan ni Sadrach, Mesach, at Abednego, gayon din sa nagtatapos na kasaysayan ng lupa ang Panginoon ay gagawang makapangyarihan sa kapakanan nilang tatayong matatag para sa matuwid. Siya na lumakad na kasama ng mga Hebreong tapat sa nagniningas na humo ay sasama sa mga alagad Niya saan man sila matungo. Ang nananatiling pakikisama Niya ay magpapaginhawa at magpapanaoli. Sa gitna ng panahon ng bagabag—kabagabagang kailanman ay di pa nakikita mula nang magkabansa—ang Kanyang mga pinili ay di makikilos. Si Satanas kasama ang buong hukbo ng kasamaan ay hmdi makapagwawasak ng kahit na pinakamahinang banal ng Dios. Mga anghel na makapangyanhan ay magsasanggalang sa kanila, at sa kanilang ikapapanuto si Jehova ay maghahayag ng sarili bilang “Dios ng mga diyos,” na may kakayahang magligtas na sukdulan sa kanilang maglalagak ng pagtitiwala sa Kanya. PH 416.2