ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 39—Sa Korte ng Babilonia
Ang kabanatang ito ay batay sa Daniel 1.
Kabilang sa mga anak ng Israel na nadalang bihag sa Babilonia sa pasimula ng pitumpung taon ng pagkabihag ay mga Kristianong tapat, mga lalaking tunay na bakal sa kanilang mga prinsipyo, na hindi mapapasama ng kasakiman kundi magpaparangal sa Dios maging katumbas man ng lahat ng bagay. Sa lupain ng pagkabihag ang mga lalaking ito ay magsasagawa ng adhikain ng Dios sa mga bansang pagano sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kanila ng pagkakilala kay Jehova. Sila ang magiging kinatawanan Niya. Kailanman ay hindi sila makikipagkompromiso sa mga sumasamba sa mga diyos; ang kanilang pananampalataya at pangalan bilang sumasamba sa buhay na Dios ay tataglayin nilang may mataas na karangalan. At ito ay kanilang ginawa. Sa kasaganaan at kahirapan ay pinarangalan nila ang Dios, at sila naman ay pinarangalan ng Dios. PH 392.1
Ang katunayang ang mga lalaking ito, na sumasamba kay Jehova, ay mga bihag sa Babilonia, na ang mga banal na kasangkapan sa bahay ng Dios ay nalagay sa mga templo ng diyus-diyusan sa Babilonia, ay mayabang at binanggit ng mga nagtagumpay sa katibayang ang kanilang relihiyon at mga gawi ay mas mataas sa relihiyon at gawi ng mga Hebreo. Gayunman sa kabila ng mga kahihiyang dumating sa Israel dahilan sa kanilang paglayo sa Kanya, ang Dios ay nagbigay sa Babilonia ng mga katibayan na Siya nga ang pinakamataas, at ang mga kahilingan Niya ay banal, gayon din ng tiyak na bunga ng pagsuway. At ang patotoong ito ay ibinigay ng Dios, sa pamamagitan nilang naging tapat sa Kanya. PH 392.2
Kabilang sa mga nanatili sa katapatan sa Dios ay sina Daniel at ang tatlong kasama niya—natatanging halimbawa ng mga lalaking kung makikiisa sa Dios ay magiging patotoo ng karunungan at kapangyarihan. Mula sa simpleng pamumuhay sa tahanang Judio, ang mga kabataang itong may dugong marangal ay dinala sa pinakamararangyang siyudad at sa korte ng pinakadakilang hari sa lupa. At si Nabucodonosor ay “nagsalita kay Aspenaz, na puno ng kanyang mga bating, na siya’y magdala ng ilan sa mga anak ni Israel, samakatuwid baga'y sa lahing hari, at sa mga mahal na tao; mga binatang walang kapintasan, kundi may mabubuting bikas, at matatalino sa lahat na karunungan, at bihasa sa kaalaman, at nakakaunawa ng dunong, at may ganyang kakayahan na makatayo sa palasyo ng hari.... PH 392.3
“Na sa mga ito nga, sa mga anak ni Juda, si Daniel, si Ananias, si Misael, at si Azarias.” Sa pagkakita ng hari sa mga kabataang ito at sa pangako ng kanilang natatanging kakayahan, ipinasiya ni Nabucodonosor na sila ay sanayin upang balang araw ay kumuha ng mahahalagang tungkulin sa kanyang kaharian. Upang maiangkop silang lubos sa panunungkulan, sila ay tuturuan ng wikang Caldeo at sa loob ng tatlong taon ay bibigyan ng di karaniwang edukasyong kaloob lamang sa mga prinsipe ng kaharian. PH 393.1
Ang pangalan m Daniel at mga kasama niya ay pinalitan ng mga pangalang kaugnay ng kanilang mga diyos na Caldeo. Malaking kahalagahan kaugnay ng pagbibigay pangalan ng mga magulang na Hebreo sa kanilang mga anak. Madalas na ito ay kaugnay ng likas na nais ng magulang na mabuo sa anak. At pinanganlan sila ng pangulo ng mga bating, “kay Daniel ang ipinangalan ay Beltsasar; at kay Ananias ay Sadrach; at kay Misael ay Mesach; at kay Azarias ay Abednego.” PH 393.2
Hindi pinilit ng hari ang mga kabataang Hebreong ito na iwaksi ang kanilang pananampalataya para sa idolatriya, ngunit inaasahan niyang ito ay darating na unti-unti. Sa pagbibigay sa kanila ng mga pangalang kaugnay ng pagsamba sa mga diyos, sa araw-araw na pakikisalamuha nila sa mga ugaling idolatriya, at sa ilalim ng mapanggayumang impluwensya ng mga ritos ng pagsambang pagano, may pag-asa siyang ang mga kabataang ito ay mararahuyo sa relihiyon ng bansa at makiisa sa pagsamba ng mga taga Babilonia. PH 393.3
Sa pasimula ng kanilang bagong buhay, dumating agad ang isang pagsubok ng likas. Ipinanukalang sila ay kakain din ng pagkain at iinom ng mga inumin ng hari. Sa ganitong paraan ay inisip ng hari na ipadama sa kanila ang kanyang kaluguran at malasakit sa kanilang kapakanan. Datapuwat palibhasa’y bahagi nito ay inihandog sa mga diyos, ang pagkain sa dulang ng hari ay bahagi pa rin ng idolatriya; at ang kumakain nito ay maituturing na ring sumasamba sa mga diyos ng Babilonia. Sa ganito, dahilan sa pagtatapat ni Daniel at ng mga kasama kay Jehova ay tumanggi sila. Kahit na ang pakunwaring pagkain at pag-inom ay pagtanggi na rin sa kanilang pananampalataya. Kung gagawin nila ito ay mahahanay na rin sila sa hedenismo at pagaalis ng karangalan sa batas ng Dios. PH 393.4
At hindi rin nila magagawang sumuong sa panganib ng kalayawan at paglalasing upang masira ang paglagong pisikal, mental, at espirituwal. Alam nila ang kasaysayan ni Nadab at Abihu, na ang tala ng kanilang kawalang pagtitimpi at ang bunga nito ay natala sa mga aklat (pentateuch); at alam nilang ang kanilang sariling pisikal at mental na kapangyarihan ay masisira ng alak. PH 394.1
Si Daniel at ang mga kasama niya ay nasanay ng kanilang mga magulang sa mga gawa ng mahigpit na pagtidmpi. Naturuan silang magsusulit sila sa Dios sa kanilang mga kakayahan, at huwag nilang pabansutin o pahinain ang kanilang kapangyarihan. Ang edukasyong ito ang naging paraan kay Daniel at mga kasama niya na manatiling tapat sa gitna ng mga nagpapahinang impluwensya ng Babilonia. Malakas ang mga pagsubok na nakapaligid sa kanila sa masama at marangyang korteng iyon, ngunit sila ay nanatiling hindi narumihan. Walang kapangyarihan, o impluwensya, ang makapagliligaw sa kanila mula sa mga simulaing natutuhan nila sa pagkabata sa pamamagitan ng pag-aaral ng salita at mga gawa ng Dios. PH 394.2
Kung ninais lamang ni Daniel, madali siyang makagagawa ng dahilan sa paglayo sa mahigpit na ugali ng pagtitimpi. Maidadahilan niyang, sapagkat siya ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng hari, na wala siyang ibang magagawa kundi kainin ang pagkain at inumin ang inumin ng hari; sapagkat kung magmamatigas siya ay paglaban ito sa hari at maaaring maging halaga ng kanyang tungkulin o buhay. Kung isasaisantabi niya ang utos ng Dios ay makukuha niya ang pabor ng hari at makukuha niya ang bentahe ng paglagong intelektuwal at mga magandang pangako ng sanlibutan. PH 394.3
Datapuwat si Daniel ay di man lamang nag-atubili. Ang pagsangayon ng Dios ay higit na mahalaga sa kanya kaysa sa pabor ng pinakamakapangyarihang hari sa lupa—higit na mahal kaysa buhay. Nagpasyang tumayong matatag sa katapatan, at maghintay ng anumang magiging bunga nito. “Pinasiyahan ni Daniel sa kanyang puso na siya',y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari, o sa alak man na kanyang iniinom.” Sa pagpasyang ito, ay sumuporta sa kanya ang tatlong kasama niya. PH 394.4
Sa ginawang pagpapasyang ito, ang kabataang Hebreo ay hindi nagpauna sa Dios kundi lubusang nanalig sa Kanya. Hindi nila piniling maging kakaiba, ngunit sa kanilang ginawa ay naging gayon nga sila upang parangalan lamang ang Dios. Kung makikipagkompromiso sila sa kamalian sa pagsuko sa mga pangyayari, ang paglayo nila sa prinsipyo ay magpapahma ng kanilang pagkadama ng matuwid at pagkamuhi sa masama. Ang unang maling hakbang na ito ay aakay sa iba pang kamalian, hanggang sa, ang koneksyon nila sa Langit ay malagot na, at sila ay matatangay ng agos ng tukso. PH 395.1
“Si Daniel nga ay pinasumpong ng Dios ng lingap at habag sa paningin ng pangulo ng mga bating,” at ang kahilingan niyang hindi siya magpapakadungis ay tinanggap na may paggalang. Subalit ang pangulo ay nag-atubili. “Ako’y natatakot sa aking panginoong hari, na nagtakda ng inyong pagkain at ng inyong inumin,” paliwanag niya kay Daniel; “sapagkat bakit niya makikita na ang inyong mga mukha ay maputla kaysa mga binata na inyong mga kasing-gulang? isasapanganib nga ninyo ang aking ulo sa hari.” PH 395.2
Nagsumamo si Daniel sa katiwalang inihalal upang mangalaga sa mga kabataang Hebreo, hinihiling na huwag silang pakainin at painumin ng alak ng hari. Hiniling niyang subukan muna ng sampung araw, ang mga kabataang Hebreo ay pansamantalang binigyan ng simpleng pagkain, samantalang ang kanilang mga kasamahan ay kumain ng mga pagkain ng hari. PH 395.3
Si Melzar, bagaman takot na sa pagsagawa ng kahilingang ito ay hindi niya mapapalugod ang hari, gayun pa ma’y isinagawa niya; at alam ni Daniel na nanaig siya. Pagkatapos ng sampung araw ng pagsubok ang kinalabasan ay kabaliktaran ng pinangangamba ng pangulo. “Napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha at sila’y lalong mataba sa laman kaysa sa lahat na binata na nagsikain ng pagkain ng han.” Sa hitsura ang mga kabataang Hebreo ay nagpakita ng kakaibang kagalingan kaysa kanilang mga kasama. Bilang resulta, si Daniel at ang kanyang mga kasama ay pinahintulutang ipagpatuloy ang kanilang simpleng pagkain sa buong pagsasanay sa kanila. PH 395.4
Sa loob ng tatlong taon ang mga kabataang Hebreo ay tinuruan ng “turo at wika ng mga Caldeo.” Sa panahong ito ay nanindigan sila sa pagtatapat sa Dios at patuloy na nanalig sa Kanyang kapangyarihan. Sa kanilang mga ugali ng pagtanggi sa sarili ay isinama nila ang sigasig ng adhikain, sipag, at katatagan. Hindi pagmamataas o ambisyon ang naghatid sa kanila sa korte ng han, sa pakikisama sa mga taong walang pagkilala o takot sa Dios; na sila ay bihag sa ibang lupain, na Karunungan ng Dios ang siyang nagtakda. Nahiwalay sa impluwensya ng tahanan at banal na pagsasamahan, sinikap nilang magkaroon ng mabuting pangalan, sa ikararangal ng bayang naduhagi, at sa ikaluluwalhati ng Dios na kanilang pinaglilingkuran. PH 395.5
Sinang-ayunan ng Panginoon ang katatagan at pagtanggi sa sarili ng mga kabataang Hebreo, at ang kanilang dalisay na motibo; at ang pagpapala Niya ay suma kanila. “Pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan: at si Daniel ay may pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga panaginip.” Ang pangako ay naganap, “Yaong mga nagpaparangal sa Akin ay Aking pararangalan.” 1 Samuel 2:30. Sa paghawak ni Daniel sa Dios sa di nagbabagong pagtitiwala, ang kapangyarihan ng panghuhula ay dumaring sa kanya. Habang tumatanggap ng turo ng tao ukol sa mga tungkulin sa korte, siya naman ay tinuruan ng Dios upang mabasa ang mga hiwaga ng hinaharap at itala ang mga ito ukol sa mga darating na saling lahi, sa pamamagitan ng mga paglalarawan at simbulo, mga pangyayaring magaganap sa lupa hanggang sa katapusan ng panahon. PH 396.1
Nang dumating ang panahong lahat ng mga kabataang nagsanay ay subukin, ang mga kabataang Hebreo ay sinubok, kasama ang iba pa, upang makapaglingkod sa kaharian. Subalit “sa kanilang lahat ay walang nasumpungang gaya ni Daniel, ni Ananias, ni Misael, at m Azanas.” Ang kanilang pag-intindi, malawak na kaalaman, ang pagpili at tumpak na wika, ay nagpatunay ng kanilang di mapaparisang kalakasan at katalinuhan. “Sa bawat bagay ng karunungan at unawa, na inusisa ng hari sa kanila, nasumpungan niya silang makasampung mainam kaysa lahat ng mahiko at mga enkantador na nangasa kanyang buong kaharian;” “kaya’t sila’y nanganatili sa harap ng hari.” PH 396.2
Sa korte ng Babilonia ay nagkatipon ang mga kinatawan ng mga lupain, mga lalaki ng pinakamataas na talento, mga lalaking may pinakamayamang katangian, at mataas na kulturang maaaring ipagkaloob ng mundo; datapuwat sa ibabaw ng lahat ng mga ito, ang mga kabataang Hebreo ay tumayong walang kapantay. Sa kalakasan at kagandahang pisikal, sa lakas ng isipan, at kakayahang literatura, sila ay walang katulad. Ang tuwid na katawan, ang riyak na hakbang, ang magandang mukha, ang malinaw na pakiramdam, ang mabangong hininga—lahat ay mga sertipiko ng mabuting pag-uugali, palatandaan ng marangal na likas ng kaloob ng kalikasan sa kanilang susunod sa mga batas niya. PH 396.3
Sa pagtanggap ng karunungan ng Babilonia, si Daniel at ang mga kasama niya ay higit na matagumpay kaysa ibang kasamahan; ngunit ito ay hindi nagkataon lamang. Napasa kanila ang karunungan sa matapat na paggamit ng kanilang mga kapangyarihan, sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espintu . Inilagak nila ang sariling nakaugnay sa Bukal ng lahat ng karunungan, at ginawang ang pagkakilala sa Dios ang pundasyon ng kanilang edukasyon. Sa pananampalataya ay dumalangin sila para sa karunungan, at isinakabuhayan nila ang kanilang panalangin. Inilagay nila ang mga sarili sa dakong maaari silang pagpalain ng Dios. Iniwasan nila ang mga bagay na magpapahina ng kanilang mga kalakasan, at pinasulong ang bawat pagkakataong sila ay maging matalino sa lahat ng linya ng kaalaman. Sinunod nila ang mga batas ng buhay na magdudulot ng lakas ng isipan. Sinikap nilang magtamong karunungan para sa iisang adhikain—upang maparangalan ang Dios. Naunawaan nilang upang makatayong kinatawan ng tunay na relihiyon sa gitna ng mga huwad na relihiyon ng hedenismo ay kailangan nila ang malinaw na isipan at sakdal na likas Kristiano. Ang Dios na rin ang naging guro nila. Laging nananalangin, masinop na nag-aaral, laging nakaugnay sa Hindi Nakikita, lumakad silang kasama ng Dios tulad ni Enoc. PH 397.1
Ang tunay na tagumpay sa anumang linya ng gawain ay hindi nagkakataon lamang o aksidente o kapalaran. Ito ay bunga ng paggawa ng Dios, ang pabuya ng pananampalataya at mabuting pagpapasya, ng mabuting katangian at pagtitiyaga. Ang mainam na kaisipan at mataas na moral ay hindi bunga ng aksidente. Ang Dios ay nagbibigay ng mga pagkakataon; ang tagumpay ay nakasalig sa paggamit ng mga ito. PH 397.2
Samantalang ang Dios ay gumagawa kay Daniel at sa mga kasama “sa pagnanasa at sa paggawa,” sila ay gumagawa sa kanilang sariling pagkaligtas. Filipos 2:13. Dito ay nahahayag ang panlabas na anyo ng banal na simulain ng pakildpagkaisa, na kung wala ito ay di matatamo ang tunay na tagumpay. Ang pagsisikap ng tao ay walang kabuluhan kung walang kapangyarihan ng langit; at kung walang pagsisikap ng tao ang gawain ng Dios para sa marami ay wala ring ibubunga. Upang mapasaatin ang biyaya ng Dios, kailangang gawin natin ang ating bahagi. Ang biyaya Niya ay ipinagkakaloob upang sa atin ay mahayag ang kalooban at paggawa ng Dios, ngunit kailanman ay hindi kapalit ng ating pagsisikap. PH 397.3
Habang ang Panginoon ay nakipagkaisa kay Daniel at sa kanyang mga kasama, gayon din makikipagkaisa Siya sa lahat ng magsisikap na ganapin ang Kanyang kalooban. At sa pagkakaloob ng Kanyang Espiritu ay palalakasin Niya ang bawat adhikain, bawat banal na resolusyon. Silang lumalakad sa daan ng pagsunod ay makasasagupa ng maraming hadlang. Malakas, matalinong impluwensya ay pipigil sa kanila sa sanlibutan; datapuwat ang Panginoon ay may kakayahang gahisin ang bawat ahensyang gumagawa upang talunin ang Kanyang mga pinili; sa Kanyang lakas ay maaari silang magtagumpay sa bawat tukso, manaig sa bawat kahirapan. PH 398.1
Dinala ng Dios si Daniel at ang kanyang mga kasama sa kaugnayan sa mga dakilang lalaki ng Babilonia, upang sa gitna ng bansang sumasamba sa mga diyos ay katawarun nila ang Kanyang likas. Paano sila naangkop sa gamtong dakilang pagtiriwala at karangalan? Ang katapatan sa maliit na bagay ang nagbigay kulay sa kanilang buong buhay. Pinarangalan nila ang Dios sa pinakamaliit na tungkulin, gayon din sa mga malalaking kapanagutan. PH 398.2
Kung paanong tinawagan ng Dios si Daniel na sumaksi para sa Kanya sa Babilonia, tumatawag Siya sa adn upang maging saksi Niya sa mundo ngayon. Sa pinakamaliit o pinakamalaking bagay ng buhay, hinahangad Niyang ating ihayag sa mga tao ang mga dakilang simulain ng Kanyang kaharian. Marami ang naghihintay ng dakilang bagay na gawin sa kanila, samantalang sa bawat araw ay pinalalagpas nila ang mga pagkakataong maihayag ang katapatan sa Dios. Sa bawat araw ay nagkukulang silang gampanan ang mga maliliit na tungkulin ng buhay. Habang naghihintay sa dakilang gawain na doon ay magagamit nila ang mga dakilang talento, at masasapatan ang mga ambisyong hangarin, ang kanilang mga araw ay lumilipas. PH 398.3
Sa buhay ng tunay na Kristiano walang bagay na hindi mahalaga; sa paningin ng Makapangyarihan sa lahat bawat tungkulin ay mahalaga. Sinusukat ng Panginoon ang bawat posibilidad ng paglilingkod sa hustong sukat. Ang mga kakayahang hindi ginamit ay sinusukat din kasabay ng mga nagamit. Tayo ay hahatulan sa bagay na dapat sana nating isinagawa, ngunit hindi ginawa sapagkat hindi natin ginamit ang mga kapangyarihang kaloob sa atin sa lkaluluwalhati ng Dios. PH 398.4
Ang marangal na likas ay di bunga ng aksidente; hindi ito tanging kaloob ng Dios bilang pabor at pabuya. Ito ay bunga ng disiplina sa sarili, ng pagpapasailalim ng mababang likas sa mataas na likas, ng pagsuko ng sanli sa paglilingkod sa Dios at sa tao. PH 399.1
Sa pamamagitan ng katapatan sa pagtitimping inihayag ng mga kabataang Hebreo ang Dios ay nangungusap sa mga kabataan ngayon. May pangangailangan ng mga lalaking tulad ni Daniel na gagawa at hahamon ukol sa katuwiran. Mga dalisay na puso, malilinis na kamay, walang takot na puso, ay kailangan; sapagkat ang digmaan ng bisyo at kabutihan ay nananawagan sa walang tigil na pagbabantay. Si Satanas ay lumalapit sa bawat kaluluwa taglay ang nakagagayumang tukso sa punto ng panlasa. PH 399.2
Ang katawan ang pinakamahalagang sangkap na dito ang isip at kaluluwa ay napapalago para sa pagtatatag ng likas. Kung kaya ang puntirya ng kaaway ay sa pagpapahina at pagpapababa ng kapangyarihang pisikal sa pamamagitan ng mga tukso. Ang tagumpay niya rito ay madalas na pagsuko ng buong pagkatao sa kasamaan. Ang mga hilig ng katawan, malibang mapasailalim ng mataas na kapangyarihan, ay tunay na gagawa sa kapahamakan at kamatayan. Ang katawan ay dapat masupil ng nakatataas na kapangyarihan ng pagkatao. Ang mga damdamin ay dapat makontrol ng nasa, na dapat namang nasa kontrol ng Dios. Ang makaharing kapangyarihan ng rason, pinabanal ng biyaya ng Dios, ay dapat makapangyari sa buhay. Ang kapangyarihan ng isipan, lakas ng katawan, at haba ng buhay ay nakasalig sa mga batas na di nagbabago. Sa pagsunod sa mga batas na ito, ang tao ay makatatayong bayani ng sarili, nagtagumpay sa mga sariling hilig, mananagumpay sa mga kapangyarihan at pamahalaan, “sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanlibutan,” at “sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.” Efeso 6:12. PH 399.3
Sa sinaunang serbisyo na simbulo ng ebanghelyo, walang handog na may kapintasang maaanng dalhin sa dambana ng Dios. Ang handog na simbulo ni Kristo ay dapat na walang batik. Ang salita ng Dios ay nagtuturo na ang bagay na ito ay pagpapakita na dapat maging likas ng Kanyang mga anak—“isang haing buhay,” “banal at walang kapintasan.” Roma 12:1; Efeso 5:27. PH 399.4
Ang mga kabataang Hebreo ay tulad din nating may mga damdamin; gayunman, sa harap ng mga tukso ng korte ng Babilonia, ay nakatayo silang matatag, sapagkat nanghawakan sila sa kapangyarihang walang katapusan. Sa kanila ay nakita ng bansang pagano ang halimbawa ng kabutihan at kagandahang loob ng Dios, at ang pag-ibig ni Kristo. At sa kanilang karanasan ay makikita natin ang tagumpay ng prinsipyo sa tukso, ng kadalisayan sa karumihan, ng pagtatalaga at katapatan sa ateismo at idolatriya. PH 399.5
Ang diwang na kay Daniel, ay maaari ding mapasa mga kabataan ngayon; maaari silang sumalok sa gayon ding bukal ng kalakasan, magkaroon ng katulad na lakas ng pagpipigil sa sarili, at kahit sa mga kalagayan nila sa buhay, at pagkakataong mahirap. Napapalibutan man ng mga tukso ng pagbibigay hilig sa sarili, lalo na sa mga malalaking siyudad, na ang bawat kalayawang sensuwal ay laganap at nag-aanyaya, gayunman sa biyaya ng Dios ang adhikaing parangalan ang Dios ay maaaring maging matatag. Sa malakas na kapasyahan at gising na pagbabantay maaari nilang malabanan ang mga tuksong lalapit sa kaluluwa. Datapuwat tanging sa kanya na may kapasyahang gumawa ng matuwid sapagkat ito ang matuwid, na ang tagumpay ay makakamtan. PH 400.1
Ano ngang gawain ng buhay ang isinagawa ng mga kabataang Hebreong ito! Nang magpaalam sila sa kanilang kinalakhang tahanan, wala sa kanilang panaginip ang mataas na kapalarang mapapasa kanila. Tapat at matatag, sila’y napasakop sa patnubay ng langit, upang sa pamamagitan nila ay magampanan ng Dios ang Kanyang adhikain. PH 400.2
Ang mga makapangyarihang katotohanang nahayag, sa mga lalaking ito ay nais din ng Dios na ihayag ng mga kabataan at mga anak ngayon. Ang buhay ni Daniel at mga kasama ay pagpapakita ng kung ano ang magagawa ng Dios sa pamamagitan nilang magpapasakop sa Kanya at buong pusong sisikaping gampanan ang Kanyang adhikain. PH 400.3