ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 37—Nadalang Bihag sa Babilonia
Sa ikasiyam na taong paghahari ni Sedechias “si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay naparoon, siya, at ang buo niyang hukbo, laban sa Jerusalem,” upang palibutan ang siyudad. 2 Hari 25:1. Ang tanawin ng Juda ay walang pag-asa. “Narito, Ako’y laban sa iyo,” ang pahayag ng Panginoon sa pamamagitan m Ezekiel. “Akong Panginoon ay bumunot ng Aking tabak sa kaloban: hindi na isusuksok pa.... Ang bawat puso ay manglulumo, at ang lahat na kamay ay manghihina, at ang bawat espiritu ay manlulupaypay, at ang lahat na tuhod ay manlalambot na parang tubig.” “Aking ibubuhos ang Aking galit sa iyo, Aking hihipan ka sa pamamagitan ng apoy ng Aking poot, at Aking ibibigay ka sa kamay ng mga tampalasang tao na bihasang pumatay.” Ezekiel 21:3, 5-7, 31. PH 371.1
Sinikap ng mga Egipsyo na tumulong sa nakukubkob na siyudad; at ang mga Caldeo, upang pabalikin sila, pansamantalang pinabayaan ang kabisera na Judea. Ang pag-asa ay bumangon sa puso ni Sedechias, at nagpadala ng pabalita kay Jeremias, na humihiling na dumalangin sa Dios para sa bansang Hebreo. PH 371.2
Ang nakakatakot na tugon ng propeta ay babalik ang mga Caldeo upang wasakin ang siyudad. Lumabas na ang salitang hatol; hindi na mapipigil pa ang parusa ng Dios sa di nagsisising bayan. “Huwag ninyong dayain ang inyong sarili,” ang babala ng Panginoon sa Kanyang bayan. “Ang mga Caldeo...ay hindi magsisi-alis. Sapagkat bagaman inyong sasaktan ang buong hukbo ng mga Caldeo na lumalaban sa inyo, at ang naiwan lamang doon ay mga lalaking sugatan sa gitna nila, gayon ma’y babangon sila, ang bawat isa sa kanyang tolda, at susunugin ng apoy ang bayang ito.” Jeremias 37:9, 10. Ang nalabi ng Juda ay madadalang bihag, upang matutuhan sa kahirapan ang mga liksvong tinanggihan nilang matutuhan sa panahon ng kaginhawahan. Sa utos ng banal na Tagapagmasid ay walang magiging samo. PH 371.3
Kabilang sa mga matuwid na nalabi sa Jerusalem, na sa kanila ay malinaw na ipinahayag ang makalangit na panukala, ay yaong may kapasyahang hindi nila tutulutang ang kaban ng tipang kinatataguan ng Sampung Utos ay mahulog sa kamay ng mababagsik na kaaway. Kanilang ginawa ito. May pagluluksa at kalungkutang itinago nila ang kaban sa isang kuweba, na doon ito ay matatago sa bayan ng Israel at Juda dahilan na rin sa kanilang sala, at di na muling maibabalik sa kanila. Ang banal na kabang ito ay nakatago pa. Hindi pa ito nagagambala mula nang ito ay itago. PH 372.1
Sa maraming taon si Jeremias ay tumayong tapat na saksi ng Dios sa harap ng bayan; at ngayon, habang nalalapit ang pagkahulog ng siyudad sa kamay ng mga pagano, ang kanyang gawain ay tapos na at sinikap na umalis, datapuwat siya ay pinigilan ng isa sa mga anak ng mga bulaang propeta, na nag-ulat na si Jeremias ay sasama sa mga taga Babilonia, na sa kanya ay paulit-ulit na nagpupumilit sa mga lalaki ng Juda upang pasakop. Tinanggihan ng propeta ang kasinungalingang paratang na ito, gayunman, “ang mga prinsipe ay napoot kay Jeremias, at sinaktan nila siya, at isinilid sa bilangguan.” Talatang 15. PH 372.2
Ang pag-asang nabuhay sa puso ng mga prinsipe at bayan nang ang mga hukbo ni Nabucodonosor ay bumaling sa timog upang harapin ang mga Egipsyo, ay mabilis na nawala. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, “Narito, Ako’y lalaban sa iyo, Faraong hari ng Egipto.” Ang lakas ng Egipto’y pawang baling tambo. “Lahat ng nananahan sa Egipto,” pahayag ng Kasulatan, “ay makakaalam na Ako ang Panginoon, sapagkat sila’y naging tukod na tambo sa sambahayan ni Israel.” “Aking aalalayan ang mga bisig ng hari sa Babilonia, at ang mga bisig ni Faraon ay bababa; at kanilang malalaman na Ako ang Panginoon, pagka Aking ilalagay ang Aking tabak sa kamay ng hari sa Babilonia, at kanyang iuunat sa lupain ng Egipto.” Ezekiel 29:3, 6; 30:25, 26. PH 372.3
Habang ang mga prinsipe ng Juda ay walang saysay na nakatingin pa sa Egipto sa pag-asang kaligtasan, may pangambang naisip ni Hanng Sedechias ang propetang tinapon sa bilangguan. Matapos ang ilang araw nagsugo nga ang hari at ipinasundo siya at rinanong siyang lihim, “May anuman bagang salitang mula sa Panginoon?” At sumagot si Jeremias, “Mayroon: sinabi rin Niya, ikaw ay mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia. PH 372.4
“Bukod dito'y sinabi ni Jeremias sa Haring Sedechias, Sa ano ako nagkasala laban sa iyo, o laban sa iyong mga lingkod, o laban sa bayang ito, upang ilagay ninyo ako sa bilangguan? Saan nandoon ngayon ang inyong mga propeta na nanganghuhula sa inyo na nangagsasabi, Ang hari sa Babilonia ay hindi paririto laban sa inyo, o laban man sa lupaing ito? At ngayo’y dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, Oh panginoon ko na hari; isinasamo ko sa iyo na tanggapin ang aking pamanhik sa harap mo; na huwag mo akong pabalikin sa bahay ni Jonathan na kalihim, baka mamatay ako roon.” Jeremias 37:17-20. PH 373.1
Nang magkagayo’y nag-utos si Sedechias, at “kanilang ibinilanggo si Jeremias sa looban ng bantay, at kanilang binigyan siya araw-araw ng isang putol na tinapay na mula sa lansangan ng mga magtitinapay, hanggang sa maubos ang lahat na tinapay sa bayan. Ganito nabilanggo si Jeremias sa looban ng bantay.” Talatang 21. PH 373.2
Walang lakas na ang hari ay maghayag ng pagtitiwala kay Jeremias. Bagaman inakay siya ng takot upang magtanong dito, gayunman ay duwag siyang harapin ang di pagsang-ayon ng mga prinsipe at ng bayan sa pagsunod sa kalooban ng Dios na inihayag ng propeta. PH 373.3
Mula sa piitan ay patuloy na nagbigay ng payo si Jeremias tungkol sa pagpapasakop sa Babilonia. Ang lumaban ay kamatayan. Ang mensahe ng Panginoon sa Juda ay: “Ang tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng salot: ngunit ang lumalabas sa mga Caldeo ay mabubuhay; at ang kanyang buhay ay magiging sa kanya’y pinakasamsam, at siya’y mabubuhay.” Malinaw at posidbo ang mga sinalita. Sa pangalan ng Panginoon ang propeta ay matapang na nagpahayag, “Tunay na ang bayang ito ay mabibigay sa kamay ng hukbo ng han sa Babilonia, at sasakupin niya.” Jeremias 38:2, 3. PH 373.4
Sa wakas, ang mga prinsipe ay nagalit na sa patuloy na payo ni Jeremias, na labag sa kanilang patakaran ng paglaban, at nagprotesta sa hari, at nagparatang na si Jeremias ay kaaway ng bansa, at ang kanyang mga salita ay nagpahina sa kamay ng bayan at nagdala ng mga kahirapan sa kanila; kung kaya’t dapat siyang mamatay. PH 373.5
Alam ng duwag na hari na ang mga paratang ay mali; datapuwat upang paglubagm ang loob ng mga taong may impluwensya sa bansa, nagpanggap siyang kaayon ng kanilang iniisip, at ipinagkaloob sa kanila si Jeremias upang gawin ang ikalulugod nila. Inihagis ang propeta “sa hukay ni Malchias na anak ni Hammelech, na nasa looban ng bantay: at kanilang inihulog si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. At sa hukay ay walang tubig, kundi burak: at lumubog si Jeremias sa burak.” Talatang 6. Ngunit ang Dios ay nagtindig ng mga kaibigan para sa kanya, at nakipamagitan sa han para sa kanya, at siya’y muling inalis sa piitan. PH 373.6
Muli ay palihim na pinatawag ng hari ang propeta upang tapat na ihayag sa kanya ang adhikain ng Dios para sa Jerusalem. Patanong na sumagot si Jeremias, “Kung saysayin ko sa iyo, hindi mo baga tunay na ipapapatay ako? at kung bigyan kita ng payo, hindi ka ba makikinig sa akin?” Sa gayo’y ang han ay sumumpang lihim sa propeta. “Buhay ang Panginoon, na lumalang ng ating kaluluwa,” ang ipinangako ni Sedechias, “hindi kita ipapapatay, o ibibigay man kita sa kamay ng mga lalaking ito na nagsisi-usig ng iyong buhay.” Talatang 15, 16. PH 374.1
May pagkakataon pa para sa hari na maghayag ng kaloobang dinggin ang mga babala ni Jehova, at sa ganito ay mabigyang kahabagan ang kahatulang ngayon pa ay unti-unti nang dumarating sa siyudad at sa bayan. “Kung iyong lalabasin ang mga prinsipe ng han sa Babilonia,” ang mensahe ng hari, “mabubuhay ka nga, at ang bayang ito ay hindi masusunog ng apoy; at ikaw ay mabubuhay, at ang iyong sambahayan: ngunit kung hindi mo lalabasin ang mga prinsipe ng hari sa Babilonia, mabibigay mga ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo,” at kanilang susunugin ng apoy, at ikaw ay hindi makatatanan sa kanilang kamay.” PH 374.2
“Ako’y natatakot sa mga Judio na kumampi sa mga Caldeo,” sumagot ang hari, “baka ako’y ibigay nila sa kanilang kamay, at kanilang libakin ako.” Ngunit nangako ang propeta, “Hindi ka nila ibibigay. Isinasamo ko sa iyo.” At idinagdag niya ang pakiusap, “Talimahin mo ang tinig ng Panginoon, tungkol sa aking sinalita sa iyo: sa gayo’y ikabubuti mo, at ikaw ay mabubuhay.” Talatang 1720. PH 374.3
Hanggang sa mga huling oras ay ipinakita ng Dios na handa Siyang magpakitang habag sa kanilang magpapasyang sundin ang Kanyang mga kahilingan. Kung sumunod lamang ang hari, ang buhay ng bayan ay naligtas sana at ang siyudad mula sa sunog; ngunit sa sariling isip ay lubhang malayo na siya upang makabalik pa. Natatakot siya sa mga Judio, takot na libakin, takot patayin. Sa maraming taon ng pagrerebelde sa Dios, naisip ni Sedechias na lubhang kahihiyang sabihin sa bayan na ngayon ay tinatanggap niya ang salita ng Panginoon, sa pamamagitan ni propeta Jeremias; hindi ko mahaharap na labanan ang kaaway sa harap ng mga babalang ito. PH 374.4
May luhang nakiusap si Jeremias kay Sedechias na iligtas ang sarili gayon din ang bayan. May kalumbayang sinabi ng propeta na malibang dinggin ang payo ng Dios, ay hindi niya maililigtas ang buhay, at ang lahat ng tinatangkilik niya ay mahuhulog sa kamay ng Babilonia. Datapuwat ang hari ay nagsimula sa maling landas, at ayaw nang baguhin pa ito. Nagpasya siyang sundin ang payo ng mga bulaang propeta, at ng mga taong sa totoo ay kinamumuhian niya, at lumibak sa kanyang kahinaan sa pagpayag agad sa kanilang mga naisin. Isinakripisyo niya ang marangal niyang pagkatao at naging aliping takot sa opinyon ng publiko. Walang tiyak na layuning gumawa ng kasamaan, wala naman siyang katiyakang tumayong matatag sa katuwiran. Naniniwala man siya sa payo ni Jeremias, wala namang lakas ng moral upang sundin ito; at bilang bunga ay patuloy na lumakad sa maling direksyon. PH 375.1
Ang hari ay gayon kahina na ayaw niyang malaman sa korte na siya ay nakipagsanggunian kay Jeremias, gayon natakot siya sa isipan ng tao. Kung si Sedechias ay tumayong may tapang at inihayag na naniniwala siya sa salita ng propeta, na natutupad na ang bahagi nito, anong pagkawasak nga sana ang naiwasan! Dapat sana ay sinabi niya, Susundin ko ang Panginoon, at ililigtas ang siyudad sa pagkawasak. Hindi ko maatim na labagin ang salita ng Dios para sa takot o pabor ng tao. Mahal ko ang katotohanan, kinamumuhian ko ang kasalanan, at susundin ko ang payo ng Makapangyarihan sa Israel. PH 375.2
Sa gayon ay iginalang sana ng bayan ang kanyang matapang na diwa, at silang nagdadalawang isip sa pananampalataya at alinlangan ay nakatayo sanang maribay sa matuwid. Ang kawalang takot at katarungan ng ganitong kilos ay nagpasigla sana sa mga nasasakupan niya sa paghanga at pagtatapat. Nagkaroon sana siya ng sapat na suporta, at ang Juda sana ay naligtas sa di masusukat na kamatayan, kagutom at pagkasunog. PH 375.3
Ang kahinaan ni Sedechias ay kasalanang pinagbayaran niya ng nakakatakot na parusa. Ang kaaway ay dumaluhong sa siyudad at winasak ito. Ang hukbong Hebreo ay nagupo at nagkagulo. Ang bansa ay nagapi. Si Sedechias ay nakuhang bihag, at ang mga anak na lalaki niya ay pinaslang sa kanyang harapan. Mula sa Jerusalem ay kinuhang bihag ang hari, dinukit ang kanyang mga mata at pagdating sa Babilonia ay kahabag-habag na namatay. Ang magandang templong sa loob ng apat na raang taon na naging korona sa bundok ng Sion ay hindi pinaligtas ng mga Caldeo. “Sinunog nila ang bahay ng Dios, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem, at sinunog sa apoy ang lahat na bahay-han niya, at giniba ang lahat na mainam na sisidlan niyaon.” 2 Cronica 36:19. PH 375.4
Sa panahon ng huling pagkabihag ni Nabucodonosor sa Jerusalem, marami ang nakatakas sa mga kahirapan ng mahabang pagkubkob, upang mamatay lamang sa tabak. Sa mga nakaligtas sa kamatayan, lalo na ang mga punong saserdote at mga pinuno at prinsipe ng kaharian, ay dinala sa Babilonia at doon ay pinaslang bilang mga traidor. Ang iba naman ay dinalang bihag upang maging alipin kay Nabucodonosor at mga anak niya “hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia: upang ganapin ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ru Jeremias.” talatang 20, 21. PH 376.1
Tungkol na rin kay Jeremias ay natala: “Si Nabucodonosor nga na hari sa Babilonia ay nagbilin kay Nabuzaradan na kapitan ng bantay ng tungkol kay Jeremias, na sinasabi, Kunin mo siya, at ingatan mo siyang mabuti, at huwag mo siyang saktan; kundi gawin mo sa kanya ang kanyang sasabihin sa iyo.” Jeremias 39:11, 12. PH 376.2
Pinalaya mula sa bilangguan ang mga pinuno ng Babilonia, pinili ng mga propeta na ipagsapalaran ang kanyang kaparalan, kasama ng mga nalabi, “sa mga dukha sa lupain” na iniwan ng mga Caldeo upang “maging mag-uubas at magbubukid.” Ang ginawang taga pamahala ng Babilonia sa kanila ay si Gedalia. Ilang buwan pa lamang ay pinaslang na ang bayang tagapamahala. Ang mahihirap na tao, pagkaranas ng maraming pagsubok, ay napilit ng kanilang mga pinuno na sa Egipto manirahan. Laban dito, nagprotesta si Jeremias sa malakas na tinig. “Huwag kayong pumasok sa Egipto,” nagsumamo siya. Subalit ang payo ay binaliwala, at “ang buong nalabi sa Juda,... ang mga lalald, at ang mga babae, at ang mga bata,” ay nagtungo ng Egipto. “Hindi nila tinalima ang tinig ng Panginoon: at sila’y nagsiparoon hanggang sa Taphnes.” Jeremias 43:5-7. PH 377.1
Ang nga propesiya ng kapahamakang inihayag ni Jeremias sa nalabing nagrebelde laban kay Nabucodonosor sa pagtakas sa Egipto ay sinamahan ng mga pangako ng patawad kung sila ay magsisisi at manunumbalik. Kung paanong ang Dios ay hindi magpapatawad sa mga lumabag sa Kanyang payo at bumaling sa mga nakagagayumang impluwensya sa pagsamba sa mga diyos ng Egipto, gayunman ay naghayag Siya ng habag sa kanilang nasumpungang tapat at totoo. Pinahayag niya, “Ang mga makatatanan sa tabak ay mangagbabalik sa lupain ng Juda na mula sa lupain ng Egipto, na kaunti sa bilang; at ang buong nalabi sa Juda, na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makakaalam kung kaninong salita ang mananayo, kung Akin, o kanila.” Jeremias 44:28. PH 377.2
Ang kalungkutan ng propeta para sa kanilang dapat sana ay naging tanglaw na espirituwal sa sanlibutan, nadala sa lubos na kasamaan, ang kapanglawan niya sa naging hantungan ng Sion, ay nahayag sa mga panaghoy niyang natala bilang alaala ng kahangalan ng paglayo sa mga payo ni Jehova tungo sa karunungan ng tao. Sa gitna ng kapahamakan, nasabi pa rin ni Jeremias, “Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol;” at ang palagi niyang panalangin ay, “Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.” Panaghoy 3:22, 40. Nang ang Juda ay kaharian pa sa mga bansa, nagtanong siya sa kanyang Dios, “Iyo bagang lubos na itinakwil ang Juda? kinapootan baga ng Iyong kaluluwa ang Sion?” at nagsumamo pang “Huwag Mo kaming kayamutan, alang-alang sa Iyong pangalan.” Jeremias 14:19, 21. Ang lubos na pananampalataya ng propeta sa walang katapusang adhikain ng Dios sa pag-aalis ng kaguluhan, at ihayag sa mga bansa sa lupa at sa buong sansinukob ang mga likas ng Kanyang katarungan at pag-ibig, ang umakay sa kanya upang magsumamong may katatagan sa kanilang maaari pang manumbalik sa katuwiran. PH 377.3
Ngunit ngayon ang Sion ay lubusang wasak; ang bayan ng Dios ay bihag. Sakbibi ng kalungkutang, nawika ng propeta: “Ano’t nakaupong mag-isa ang bayan na puno ng mga tao! siya’y naging parang isang balo! Siya na naging dakila sa gitna ng mga bansa at naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis! Siya’y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kanyang mga pisngi: sa lahat ng mangingibig sa kanya ay walang umaliw sa kanya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kanyang mga kaibigan, sila’y naging kanyang mga kaaway. PH 378.1
“Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod: Siya’y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya’y walang masumpungang kapahingahan: inabot siya ng lahat na manghahabol sa kanya sa mga gipit. Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagkat walang pumaparoon sa takdang kapulungan: lahat niyang pintuang bayan ay giba: ang mga saserdote niya’y nangagbubuntong hininga, ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya’y nasa kahapisan. Ang kanyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kanyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagkat pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kanyang mga pagsalangsang: ang kanyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.” PH 378.2
“Ano’t tinakpan ng Panginoon ang anak na babae ng Sion ng alapaap sa Kanyang galit, at Kanyang inihagis mula sa langit hanggang sa lupa ang kagandahan ng Israel, at hindi inalaala ang Kanyang tungtungan ng paa sa kaarawan ng Kanyang galit! Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at Siya’y hindi naawa: Kanyang ibinagsak sa Kanyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng juda; Kanyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: Kanyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon. Kanyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong sungay ng Israel: Kanyang iniurong ang Kanyang kanang kamay sa harap ng kaaway, at Kanyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy, na namumugnaw sa palibot. Kanyang inilakma ang Kanyang busog na parang kaaway: Kanyang iniyamba ang Kanyang kanan na parang kalaban, at pinatay ang lahat na maligaya sa mata sa tolda ng anak na babae ng Sion: Kanyang ibinuhos ang Kanyang kapusukan na parang apoy.” PH 378.3
“Ano ang Aking patototohanan sa iyo? sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem? ano ang ihahalintulad Ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion? sapagkat ang iyong sira ay malaking parang dagat: sinong makapagapagaling sa iyo?” PH 379.1
“Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta. Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan. Kami ay mga ulila at walang ama, ang aming mga ma ay parang mga balo.... Ang aming mga magulang ay nagkasala, at wala na; at aming pinasan ang kanilang mga kasamaan. Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.... Dahil dito ang aming puso ay nanlulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata.” PH 379.2
“Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man; ang Iyong luklukan ay sa sali’t saling lahi. Bakit Mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan Mo kaming totoong malaon? Manunumbalik Ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik; baguhin Mo ang aming mga araw na gaya nang una.” Panaghoy 1:1-5; 2:1-4, 13; 5:1-3, 7, 8, 17, 19-21. PH 379.3