ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

42/69

Kabanata 36—Ang Huling Hari ng Juda

Sa pasimula ng paghahari ni Sedechias, ay lubos na pinagkatiwalaan ng han ng Babilonia at naging kapalarang maging tagapayo si Jeremias. Sa marangal na pakikitungo sa mga taga Babilonia at sa pagsunod sa mga pabalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Jeremias, nakuha sana niya ang respeto ng mga nasa mataas na katungkulan at nagkaroon ng pagkakataong maiugnay sa kanila ang kaalaman tungkol sa tunay na Dios. Sa ganito, ang mga bihag na nasa Babilonia ay nalagay sa marangal na dako at nabigyan ng mga kalayaan; ang pangalan ng Dios sana ay naparangalan sa malayo at malawak na paraan; at silang naiwan sa Juda ay naligtas sana sa mga nakalulunos na kalamidad na sa wakas ay dumating sa kanila. PH 362.1

Sa pamamagitan ni Jeremias, si Sedechias at ang buong Juda, kasama ng mga nadalang bihag sa Babilonia, ay pinayuhang tahimik na pasakop sa pansamantalang pamumuno ng kanilang mga mananakop. Higit na mahalaga na silang bihag ay sikaping makasumpong ng kapayapaan sa lupaing pinagdalhan sa kanila. Ngunit, ito, ay laban sa lunggati ng pusong laman; at sinamantala ito ni Satanas upang magbangon ng mga bulaang propeta sa bayan, sa Jerusalem at sa Babilonia man, na naghayag na ang pamatok ng pagkabihag ay madali nang mawawasak at ang dating pangalan ng bansa ay muling maitatatag. PH 362.2

Ang pagsunod sa mga pabalitang ito ay nag-akay sana sa kamatayan, at sumira sa mahabaging panukala ng Dios sa kanila. Upang pigilan ang paghihimagsik at ang malupit na bunga nito, inutusan ng Panginoon si Jeremias na harapin agad ang krisis, sa pagbababala sa hari ng Juda ng tiyak na bunga ng rebelyon. Ang mga bihag man ay pinayuhan sa pamamagitan ng liham, na huwag padaya sa mga nagbabalitang ang kaligtasan ay malapit na. “Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo,” kanyang sinabi. Jeremias 29:8. Dito ay binanggit ang panukala ng Dios na pagsasauli sa Israel pagkatapos ng pitumpung taong pagkabihag tulad ng mga inihayag ng mga mensahero ng Dios. PH 362.3

Gaano ngang pagkahabag na inilahad ng Dios sa bayang bihag ang Kanyang panukala sa Israel! Alam Niya na kung sila ay maaamuki ng mga bulaang propeta na maghanap ng dagliang kalayaan ay lalong hihirap ang kalagayan nila sa Babilonia. Anumang rebelyon sa kanilang panig ay gigising ng kalupitan ng mga Caldeo at lalong aakay sa paghihigpit sa kanila. Pagdurusa at kahirapan ang kasunod nito. Ninais Niyang maamong pasakop sila sa kapalarang ito at sikaping maging tahimik ang kanilang paglilingkod; at ang payo sa kanila ay: “Kayo’y mangagtayo ng mga bahay, at inyong tahanan; at kayo’y maghalamanan, at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon;...at inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, at inyong idalangin sa Panginoon: sapagkat sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.” Talatang 5-7. PH 363.1

Kabilang sa mga bulaang guro sa Babilonia ay dalawang lalaking nagpapanggap na banal, datapuwat masama naman ang kabuhayan. Sinansala ni Jeremias ang dalawang lalaking ito at nagbabala sa panganib na susuungan nila. Nagalit sa batikos na ito, sinikap nilang labanan ang gawain ng propeta sa paninira sa kanya sa bayan at pagpapakilos sa tao laban sa payo ng Dios tungkol sa pagpapasakop sa hari ng Babilonia. Nagpatotoo ang Panginoon kay Jeremias na ang dalawang ito ay mahaharap kay Nabucodonosor at papatayin sa harapan niya. Di nagtagal, ang propesiyang ito ay natupad. PH 363.2

Hanggang sa wakas ng panahon, may mga lalaking babangon upang maghadd ng kaguluhan at paghihimagsik sa kanilang nagpapanggap na tunay na kinatawan ng tunay na Dios. Silang nagsasalita ng kasinungalingan ay magpapasigla sa bayan upang ang kasalanan ay maliitin. Kapag nahayag ang masasamang bunga ng kanilang mga gawa, sisikapin nila, kung maaari na bigyang sisi pa ang mga tapat na nagbabala sa kanila at sasabihing sila pa ang sanhi ng mga kahirapan, tulad ng paratang ng mga Judio kay Jeremias dahilan sa mga kasamaang dumating sa kanila. Datapuwat kung paanong tiyak na naitayo ang karangalan ni Jehova sa pamamagitan ng Kanyang propeta, gayon din ay matatatag ang Kanyang mga salita ngayon. PH 363.3

Sa pasimula pa, ay naging walang pagbabago ang mga payo m Jeremias sa pagpapasakop sa Babilonia. Ang payong ito ay hindi lamang nabigay sa Juda, kundi sa maraming nakapalibot na bansa rin naman. Sa mga naunang bahagi ng paghahan ni Sedechias, ang mga embahador ng Edom, Moab, Tiro, at ibang bansa pa ay dumalaw sa han ng Juda upang kung ang panahon ay angkop sa nagkakaisang rebelyon at kung sasama ito sa pag-aklas laban sa han ng Babiloma. Habang naghihintay ng tugon ang mga embahador na ito, ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias na nagsasabing, “Gumawa ka para sa iyo ng mga panali at mga pamatok, at ilagay mo sa iyong batok, at iyong mga ipadala sa hari sa Edom, at sa hari sa Moab, at sa hari ng mga anak m Ammon, at sa hari sa Tiro, at sa hari sa Sidon, sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo na nagsisiparoon sa Jerusalem kay Sedechias na han sa Juda.” Jeremias 27:2, 3. PH 363.4

Inutusan ni Jeremias na sabihan ang mga embahador na ipaalam sa kanilang mga han na sila ay ibinigay ng Dios sa kamay ni Nabucodonosor na han ng Babilonia, at sila “ay mangaglilingkod sa kanya, at sa kanyang anak, at sa anak ng kanyang anak, hanggang dumating ang panahon ng kanyang sariling lupain.” Talatang 7. PH 364.1

Ang mga embahador ay binigyan pang tagubilin na sabihin sa mga pinunong kung sila ay tatangging maglingkod sa hari ng Babilonia sila ay parurusahan ng “tabak, at ng kagutom, at ng salot” hanggang sa sila ay mangaubos. Tangi na sila ay dapat umiwas sa mga payo ng bulaang propeta. “Huwag ninyong dinggin ang inyong mga propeta,” pinahayag ng Panginoon, “o ang inyong mga manghuhula man, o ang inyong mga panaginip man, o ang inyong mga pamahiin man, o ang inyong mga manggagaway man, na nangagsasalita sa inyo, na nagsasabi, Kayo’y hindi mangaglilingkod sa han sa Babilonia: sapagkat sila’y nangahuhula ng kasinungalingan sa inyo, upang ilayo kayo sa inyong lupain; at Aking palalayasin kayo at kayo’y mangalilipol. Ngunit ang bansa na iyukod ang kanyang ulo sa pamatok ng Babilonia, at maglilingkod sa kanya, ang bansang yaon ay Aking ilalabi sa kanyang sariling lupain, sabi ng Panginoon; at kanilang bukirin, at tatahanan.” Talatang 8-11. Ang pinakamagaan na parusa na maibibigay ng Dios sa mapanghimagsik na bayan ay pagpapasakop sa Babilonia, at kung sila ay tatanggi dito ay madadama nila ang bigat ng buong parusa ng Dios. PH 364.2

Ang pagkagulat ng konsilyo sa payong ito ni Jeremias upang magpasakop ay gayon na lamang, na kahit na nasa ilalim nila, ay pinarating pa rin ang naisin ng Dios. PH 364.3

Laban sa tiyak na oposisyon si Jeremias ay tumayong matatag. Namumukod sa mga lumalaban sa payo ng Panginoon ay si Hananias, isa sa mga bulaang propetang laban sa bayang binabalaan. Sa paghahangad na makuha ang pabor ng hari at ng bayan at ng korte ng hari, naglakas siya ng tinig sa protesta, at nagpanggap na may salita ang Dios na nabigay sa kanya bilang pampalakas sa mga Judio. Wika niya: “Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Aking inalis ang pamatok ng hari sa Babilonia. Sa loob ng dalawang buong taon ay dadalhin ko uli sa dakong ito, ang lahat na sisidlan ng bahay ng Panginoon, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia mula sa dakong ito, at mga dinala sa Babilonia: at aking dadalhin uli sa dakong ito si Jechonias na anak ni Joacim, na hari sa Juda, sampu ng lahat na bihag sa Juda, na nangaparoon sa Babilonia, sabi ng Panginoon: sapagkat aking aalisin ang pamatok ng hari sa Babilonia.” Jeremias 28:2-4. PH 364.4

Sa harapan ng bayan at mga saserdote, si Jeremias ay nagsumamo upang pasakop sa hari ng Babilonia sa panahong itinakda ng Panginoon. Binabanggit niya ang mga propesiya sa Juda nina Oseas, Habacuc, Zefanias, at ibang mga pabalita ng sansala at babalang katulad ng sa kanya. Binanggit niya ang mga pangyayaring naganap na bilang katuparan ng mga propesiya ng ganti sa kasalanang di pinagsisisihan. Sa nakaraan ang mga kahatulan ng Dios ay dumating sa di nagsisi sa dyak na katuparan ng Kanyang adhikaing inihayag sa Kanyang mga mensahero. PH 365.1

“Ang propeta, na nagpropropesiya ng tungkol sa kapayapaan,” pahayag ni Jeremias sa pagsasara, “ay makikilala nga siyang propeta, na tunay na sinugo ng Panginoon siya, pagka ang salita ng propeta ay mangyayari.” Talatang 9. Kung pipiliin ng Israel na magsapalaran, ang mga magaganap na pangyayari ang hahatol kung sino ang tunay na propeta. PH 366.1

Ang mga salita ni Jeremias na nagpapayo ng pagsuko ay pumukaw kay Hananias na hamunin ang kaganapan ng mensahe. Kinuha ang makahulugang pamatok mula sa leeg ni Jeremias, binali iyon ni Hananias na nagsasabing, “Ganito ang sabi ng Panginoon; Gayon din ay Aking babaliin ang pamatok ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa loob ng dalawang taong ganap sa batok ng lahat na bansa. PH 366.2

“At ang propeta Jeremias ay yumaon ng kanyang lakad.” Talatang 11. Tila wala na siyang magagawa pa kundi magpahinga na lamang mula sa tagpo ng labanan. Ngunit si Jeremias ay binigyan pa ng isang pabalita. “Ikaw ay yumaon, at saysayin mo kay Hananias na iyong sabihin,” ang utos sa kanya, “Ganito ang sabi ng Panginoon: Iyong binali ang mga pamatok na kahoy, ngunit ginagawa mo na kahalili ng mga yaon ay mga pamatok na bakal. Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; Ako’y naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito, upang sila’y makapaglingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at sila’y mangaglilingkod sa kanya.... PH 366.3

“Nang magkagayo’y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta, Dinggin mo ngayon, Hananias; hindi ka sinugo ng Panginoon; kundi iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan. Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon; Narito, ikaw ay Aking palalayasin mula sa ibabaw ng lupa: mamamatay ka sa taong ito sapagkat ikaw ay nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon. Sa gayo’y namatay si Hananias na propeta ng taon ding yaon sa ikapitong buwan.” Talatang 13-17. PH 366.4

Pinalakas ng bulaang propeta ang kawalang paniniwala ng mga tao kay Jeremias at ng kanyang pabalita. Kanyang ipinahayag ang sarili na mensahero ng Panginoon, at siya’y nagdusa ng kamatayan bilang kabayaran. Sa ikalimang buwan ipinopropesiya ni Jeremias ang kamatayan ni Hananias, at sa ikapitong buwan ang kanyang mga salita ay pinatotohanan ng katuparan nito. PH 366.5

Ang kaguluhan na dulot ng pagkatawan ng mga bulaang propeta ay nagdulot kay Sedechias na paghinalaan ng pagtataksil, at dahil lamang sa kanyang bilis at tiyak na kilos siya ay pinayagang manatiling basalyo. Ang pagkakataon para sa gayong kilos ay sinamantala panandali pagkaraang bumalik ang mga sugo mula Jerusalem tungo sa mga kalapit na bansa, nang ang han ng Juda ay sinamahan si Seraias na “punong bating,” sa isang mahalagang misyon sa Babilonia. Jeremias 51:59. Sa kanyang pagbisita sa korte ng Caldeo, si Sedechias ay muling nanumpa ng katapatan kay Nabucodonosor. PH 367.1

Sa pamamagitan ni Daniel at ibang bihag na Hebreo, nabatid ng emperador ng Babilonia ang kapangyarihan at ibayong otoridad ng tunay na Dios; at nang si Sedechias ay muling nangako na manatiling tapat, hiniling ni Nabucodonosor na siya’y manumpa sa pangakong ito sa pangalan ng Panginoong Dios ng Israel. Kung iginalang lamang ni Sedechias ang panibagong sumpang ito, ang kanyang katapatan ay magkakaroon ng malalim na impluwensya sa isipan ng marami na nagbabantay ng ugali nilang nag-aangkin na gumagalang at nagmamahal sa dangal ng Dios ng mga Hebreo. PH 367.2

Ngunit hindi nakita ng hari ng Juda ang karapatang magbigay dangal sa pangalan ng buhay na Dios. Kay Sedechias ay nakatala: “Siya’y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios, at siya’y hindi nagpakababa sa harap ni Jeremias na propeta na nagsasalita ng galing sa bibig ng Panginoon. At siya rin nama’y nanghimagsik laban sa Haring Nabucodonosor, na siyang nagpasumpa sa kanya sa pangalan ng Dios: ngunit pinapagmatigas niya ang kanyang ulo at pinapagmatigas niya ang kanyang puso sa panunumbalik sa Panginoon, sa Dios ng Israel.” 2 Cronica 36:12, 13. PH 367.3

Habang patuloy si Jeremias sa pagbibigay patotoo sa bayan ng Juda, si propeta Ezekiel naman ay ibinangon sa mga bihag sa Babiloma, upang magbabala at magpaginhawa sa kanilang bihag, at upang itatag ang salita ng Panginoong sinalita ni Jeremias. Sa mga natitirang taon ng paghahari ni Sedekias, malinaw na ibinigay ni Ezekiel ang kahangalan ng pagtitiwala sa mga bulaang propesiya ng mga nagsasabing ang pagkaalipin ay madali nang matatapos at sila ay makababalik na sa Jerusalem. Inatasan din siyang magpropesiya sa pamamagitan ng mga simbulo at banal na pabalita, ang pagkubkob at lubusang pagkawasak ng Jerusalem. PH 367.4

Sa ikaanim na taon ng paghahari ni Sedechias, inihayag ng Panginoon kay Ezekiel sa pangitain ang mga nakakarimarim na kasamaang nagaganap sa Jerusalem, at sa loob ng bahay ng Panginoon, at kahit na sa panloob na korte. Ang mga silid ng mga imahen, at mga sinalarawang mga diyus-diyusan, “ang bawat anyo ng nagsisiusad na mga bagay, at kasuklam-suklam na mga hayop, at lahat ng mga diyus-diyusan ng sambahayan ni Israel”—lahat ng ito sa mabilis na pagkasunud-sunod ay nakapagpataka sa tingin ng propeta. Ezekiel 8:10. PH 368.1

Silang dapat naging mga espirituwal na pinuno ng bayan, “mga matanda ng sambahayan ni Israel,” na pitumpung kalalakihan, ay nakitang naghahandog ng kamangyan sa mga diyus-diyusang ipinakilala sa tagong mga silid sa banal na bakuran ng korte ng templo. “Hindi tayo nakikita ng Panginoon,” sinabi ng mga taga Juda sa kanilang sarili sa paggawa nila ng mga ginagawa ng mga pagano; “pinabayaan ng Panginoon ang lupa,” may paglapastangan pa nilang pahayag. Talatang 11, 12. PH 368.2

Mayroon pang “mga ibang malaking kasuklam-suklam” na pinakita sa propeta. Sa pintuan ng pintuang-daan tungo sa loob ng korte, nakita pa niyang “doo’y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz,” at sa “pinakaloob-looban ng bahay ng Panginoon,...at sa pintuan ng templo ng Panginoon, sa pagitan ng malaking pintuan at ng dam-bana, ay may dalawampu’t limang lalaki, na sila’y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan.” Talatang 1316. PH 368.3

At ngayon ang maluwalhating Personalidad na sumama kay Ezekiel sa kanyang pangitain ng kasamaan sa matataas na lugar sa Juda, ay tinanong ng propeta: “Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? Magaan bagang bagay sa sambahayan ni Juda na sila’y nagsisigawa ng mga kasuklam-suklam na kanilang ginagawa dito? sapagkat kanilang pinuno ng karahasan ang lupa, at sila’y nangagbalik uli upang mungkahiin Ako sa galit: at, narito, kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong. Kaya’t Akin namang gagawin sa kapusukan: ang Aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man Ako: at bagaman sila’y nagsisidaing sa Aking pakinig ng malakas na drug, gayon ma’y hindi Ko sila didinggin.” Talatang 17, 18. PH 368.4

Sa pamamagitan ni Jeremias ay inihayag ng Panginoon ang mga masasamang lalaki na naglakas-loob na tumayo sa bayan at ginarrut pa ang Kanyang pangalan: “Sapagkat ang propeta at gayon din ang saserdote ay marumi; oo, sa Along bahay ay nasumpungan Ko ang kanilang kasamaan.” Jeremias 23:11. Sa matinding paglitis ng Juda gaya ng huling bahagi ng paghahari ni Sedechias na itinala ng mananalaysay, ang paghatol sa kanilang pagsira ng kabanalan ng templo ay naulit. “Bukod dito’y,” nagpahayag ang banal na manunulat, “lahat ng mga pinuno ng mga saserdote, at ang bayan, ay nagsisalangsang na mainam ayon sa lahat na karumal-dumal ng mga bansa; at kanilang dinumihan ang bahay ng Panginoon na Kanyang itinalaga sa Jerusalem.” 2 Cronica 36:14. PH 369.1

Ang araw ng lagim para sa Juda ay mabilis na nalalapit. Hindi na maihaharap pa ng Panginoon sa kanila ang pag-asa ng pagpigil sa pinakamabibigat Niyang mga hatol. “Kayo baga’y lubos na hindi mapaparusahan?” tanong Niya. “Kayo’y walang pagsalang parurusahan.” Jeremias 25:29. PH 369.2

Kahit na ang mga salitang ito ay tinanggap na may paglibak. “Ang mga kaarawan ay tumatagal, at ang bawat pangitain ay nabubulaanan,” wika ng mga di nagsisisi. Subalit kay Ezekiel ang pagtangging ito sa propesiya ay ipinasabi. “Saysayin mo nga sa kanila,” ganito ang sabi ng Panginoon, “Aking papaglilikatin ang kawikaang ito, at hindi na sasambitin pang parang kawikaan sa Israel; kundi sabihin mo nga sa kanila, Ang mga kaarawan ay malapit na, at ang pagtupad ng lahat na pangitain. Sapagkat hindi na magkakaroon pa ng walang kabuluhang pangitain o ng di tunay na pagpopropesiya sa loob ng sambahayan ni Israel. Sapagkat Ako ang Panginoon: Ako’y magsasalita at ang salita na Aking sasalitain ay matutupad; hindi na magluluwat pa: sapagkat sa inyong mga kaarawan, Oh mapanghimagsik na sambahayan, Aking sasalitain ang salita, at Aking tutuparin, sabi ng Panginoong Dios. PH 369.3

“Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin,” patotoo ni Ezekiel, na nagsasabi, “Anak ng tao, narito, silang nasa sambahayan ni Israel ay nagsasabi, Ang pangitain na kanyang nakikita ay sa malaong mga araw na daradng, at nagpropropesiya ng mga panahong malayo. Kaya’t sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Wala nang magluluwat pa sa Aking mga salita, kundi ang salita na Aking sasalitain ay matutupad, sabi ng Panginoong Dios.’’ Ezekiel 12:22-28. PH 369.4

Pangunahin sa kanilang umaakay sa mabilis na kapahamakan ng bansa ay ang kanilang haring Sedechias na rin. Sa lubos na pagyurak sa payo ng Panginoon sa mga propeta, sa pagkalimot sa utang na loob kay Nabucodonosor, sa pagsira sa banal na sumpang ibimgay niya dito sa pangalan ng Dios ng Israel, ang hari ng Juda ay nagrebelde laban sa mga propeta, laban sa kanyang hari, at laban sa Dios. Sa kahangalan ng sariling karunungan naghanap siya ng tulong sa matagal nang kaaway ng kaginhawahan ng Israel, “sa kanya sa pagpapadala ng kanyang mga sugo sa Egipto, upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at maraming tao.” PH 370.1

“Giginhawa baga siya?” ang tanong ng Panginoon tungkol sa isa na nagtaksil sa bawat banal na ipinagkatiwala, “makakatanan baga siya na gumagawa ng ganyang mga bagay? o makakatanan kaya siya na sumira ng dpan, at maligtas? Buhay Ako, sabi ng Panginoong Dios, tunay na sa dakong tinatahanan ng han na pinagagawaan sa kanyang hari, na ang sumpa ay hinamak niya, at ang tipan ay sinira niya, siya nga’y mamamatay sa gitna ng Babiloma na kasama niya. Kahit si Faraon man sampu ng kanyang makapangyarihang hukbo at malaking pulutong sa pakikidigma:...kanyang hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan, at narito, naiabot na niya ang kanyang kamay, at gayon ma’y ginawa ang lahat na bagay na ito, siya’y hindi makakatanan.” Ezekiel 17:15-18. PH 370.2

Sa “masamang prinsipe” ay dumadng na ang araw ng pagtutuos. “Ilapag mo ang tiara,” ang utos ng Panginoon, “at alisin mo ang putong.” Maliban na lamang na si Kristo ay magtatag ng Kanyang kaharian sa Juda na pahihintulutang magkaharing muli. “Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik,” ang banal na salitang patukoy sa luklukan ng bahay ni David; “ito rin nama’y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na Kanya; at Aking ibibigay sa Kanya.” Ezekiel 21:25-27. PH 370.3