ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

41/69

Kabanata 35—Dumarating na Pagkapahamak

Ang mga unang taon ng paghahari ni Joacim ay puno ng mga babala sa dumarating na kapahamakan. Ang salita ng Panginoong inilahad ng mga propeta ay malapit nang matupad. Ang kapangyanhan ng Asyria sa hilaga, na matagal nang namamayani ay hindi na naghahari sa mga bansa. Ang Egipto sa timog, na sa kanyang lakas ang hari ng juda ay walang kabuluhang naglalagay ng kanyang pagasa, ay sa madaling panahon ay tatanggap ng tiyak na pagsawata. Lahat ay hindi umaasang ang isang pandaigdig na kapangyarihan, ang Imperyo ng Babilonia, ay sumisikat sa silangan at mabilis na sumasakop sa lahat ng ibang mga bansa. PH 349.1

Sa loob ng ilang maikling mga taon ang hari ng Babilonia ay gagamitin bilang instrumento ng galit ng Dios sa di nagsisising Juda. Muli at muli ang Jerusalem ay papasukin ng kumukubkob na mga hukbo ni Nabucodonosor. Maliliit na pulutong—sa pasimula datapuwat parami ng parami hanggang maging libo at sampung libo— ang madadalang bihag sa lupain ng Shinar, upang doon ay sapilitang matapon. Sila Joachim, Jehoiachin, Zedekias—lahat ng mga haring ito ng Juda ay mga basalyo ng hari ng Babilonia, at lahat pagkaraan ay maghihimagsik. Magiging mabigat at mas mabibigat na parusa ang tatanggapin ng mga nagrerebeldeng bansa, hanggang sa huli ang buong lupain ay magiging mapanglaw, ang Jerusalem ay mababasura at susunugin ng apoy, ang templong itinayo ni Solomon ay gigibain, at ang kaharian ng Juda ay babagsak, upang kailanman ay di na muling kunin ang kanyang lugar sa mga bansa sa lupa. PH 349.2

Ang mga panahong iyon ng pagbabago, na puno ng mga panganib para sa bansang Israel, ay panahon ng maraming pabalita mula sa Langit sa pamamagitan ni Jeremias. Sa ganito ay binigyan ng Panginoon ang mga anak ng Juda ng sapat na pagkakataong makalaya sa pakikipag-alyansa sa Egipto, at maiwasan ang pakikipag-alit sa mga pinuno ng Babilonia. Habang papalapit ang nakabantang panganib, tinuruan niya ang bayan sa pamamagitan ng mga talinghaga, sa pag-asang magigising sila sa pagkadama ng katungkulan sa Dios, at upang mapasigla sila sa pagpapanatili ng mapagkaibigang pakikitungo sa pamahalaan ng Babilonia. PH 349.3

Upang ilarawan ang kahalagahan ng pagkakaloob ng lubusang pagsunod sa mga kahilingan ng Dios, tinipon ni Jeremias ang ilang mga Rechabita sa isa sa mga silid ng templo, at naghanda ng alak sa harapan nila upang mainom. Tulad ng inaasahan, tumanggap siya ng pag-angal at ganap na pagtanggi. “Kami ay hindi magsisiinom ng alak,” ang pahayag ni Rechab, “sapagkat si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nag-utos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailanman.” PH 350.1

“Nang magkagayo’y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; Yumaon ka at sabihin mo sa mga taong Juda at sa mga nananahan sa Jerusalem, Hindi baga kayo magsisitanggap ng turo upang dinggin ang Aking mga salita? sabi ng Panginoon. Ang mga salita ni Jonadab na anak ni Rechab, na kanyang iniutos sa kanyang mga anak na huwag magsiinom ng alak, ay nangatupad; at hanggang sa araw na ito ay hindi sila nagsisiinom, sapagkat kanilang tinalima ang tinig ng kanilang magulang.” Jeremias 35:6, 12-14. PH 350.2

Sa ganito ay inilarawan ng Dios sa atin ang matalim na pagkakaiba ng pagsunod ng mga Rechabita sa pagsuway at rebelyon ng Kanyang bayan. Ang mga Rechabita ay masunurin sa kautusan ng kanilang mga magulang at ngayon ay tumatangging pagayuma sa pagsalangsang. Datapuwat ang mga kalalakihan ng Juda ay hindi nakinig sa mga salita ng Panginoon, at bilang bunga ay malapit nang magdanas ng Kanyang pinakamabigat na mga paghatol. PH 350.3

“Aking sinalita sa inyo, na bumangon Akong maaga, at Aking sinasalita,” pahayag ng Panginoon, “at hindi ninyo Ako dininig. Akin din namang sinugo sa inyo ang lahat Kong lingkod na mga propeta, na bumabangon Akong maaga at Akin silang sinusugo, na Aking sinasabi, Magsihiwalay kayo ngayon bawat isa sa kani-kanyang masamang lakad, at pagbutihin ninyo ang inyong mga gawain, at huwag kayong magsisunod sa mga ibang diyos na mangalingkod sa kanila, at kayo’y magsisitahan sa lupain na ibinigay Ko sa inyo, at sa inyong mga magulang: ngunit hindi ninyo ikiniling ang inyong pakinig, o dininig man ninyo Ako. Yamang tinupad ng mga anak ni Jonadab na anak ni Rechab ang utos ng kanilang magulang, na iniutos sa kanila; ngunit ang bayang ito ay hindi nakinig sa Alan: kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; Narito, Aking dadalhin sa Juda at sa lahat na nananahan sa Jerusalem ang buong kasamaan na Aking sinalita laban sa kanila: sapagkat Ako’y nagsalita sa kanila, ngunit hindi sila nangakinig; at Ako’y tumawag sa kanila, ngunit hindi sila nagsisagot.” Talatang 1417. PH 350.4

Kapag ang puso ng tao ay napalambot at nasupil ng pumipigil na impluwensya ng Banal na Espiritu, sila ay susunod sa payo; datapuwat kung tanggihan nila ang payo hanggang ang puso ay tumigas, pahihintulutan ng Panginoon na sila ay masilo ng ibang mga impluwensya. Sa pagtanggi sa katotohanan, tatanggapin nila ang kasinungalingan, na magiging bahagi ng patibong ng kanilang sariling pagkawasak. PH 351.1

Nagsumamo ang Dios sa Juda na huwag Siyang akayin sa galit, ngunit hindi sila nakinig. Sa wakas ay ibinigay ang hatol laban sa kanila. Sila ay dadalhing bihag sa Babilonia. Gagamitin ang mga Caldeo bilang instrumento ng Dios sa pagparusa sa Kanyang suwail na bayan. Ang pagdurusa ng mga lalaki ng Juda ay katumbas ng liwanag na tinanggap nila at ng mga babalang kanilang inismiran at tinanggihan. Matagal na pinigil ng Dios ang Kanyang mga kahatulan, datapuwat ngayon ay ibubuhos Niya ang Kanyang galit sa kanila bilang huling pagsisikap na pigilan ang kanilang masamang landas. PH 351.2

Sa sambahayan ng mga Rechabita ay ibinigay ang patuloy na pagpapala. Wika ng propeta, “Sapagkat inyong tinalima ang utos ni Jonadab na inyong magulang, at inyong iningatan ang lahat niyang palatuntunan, at inyong ginawa ang ayon sa lahat na kanyang iniutos sa inyo: kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; si Jonadab na anak ni Rechab ay hindi kukulangin ng lalaki na tatayo sa harap Ko magpakailanman.” Talatang 18, 19. Sa ganito ay tinuruan ng Dios ang Kanyang bayan na ang pagtatapat at pagsunod ay ibabalik sa Juda sa pagpapala, kung paanong ang mga Rechabita ay pinagpala sa pagsunod sa mga utos ng kanilang magulang. PH 351.3

Ang liksyon ay para sa atin. Kung ang mga patakaran ng isang mabuti at pantas na ama, na kinuha ang pinakamabuti at mabisang paraan upang maisanggalang ang mga anak sa mga kasamaan ng kawalang pagtitimpi, ay karapat-dapat sa mahigpit na pagsunod, tunay ngang ang otoridad ng Dios ay dapat pang higit na igalang sapagkat Siya ay higit na banal sa tao. Ang ating Manlalalang at ating Pinuno, walang katapusan sa kapangyarihan, kagulat-gulat sa paghuhukom, ay nagsisikap sa bawat paraan na dalhin ang mga taong makita at magsisi sa kanilang mga kasalanan. Sa pamamagitan ng mga lingkod Niya ay ipinopropesiya ang mga panganib ng pagsuway; ibimbigay ang babala at tapat na bumabatikos sa kasalanan. Ang Kanyang bayan ay sumasagana lamang sa Kanyang kahabagan, sa pamamagitan ng pagbabantay ng Kanyang mga piling instrumento. Hindi Niya maitataas at mababantayan ang isang bayang tumatanggi sa Kanyang payo at iniismiran ang Kanyang mga sansala. Maaaring sa isang panahon ay pigilan Niya ang nararapat na pamsa; gayunman ay di laging pipigilan ang Kanyang kamay. PH 351.4

Ang mga anak ng Juda ay kabilang sa mga inihayag ng Dios na, “Kayo’y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa Akin, at isang banal na bansa.” Exodo 19:6. Kailanman sa paglilingkod ni Jeremias ay hindi niya kinalimutan ang kahalagahan ng kabanalan ng puso sa mga iba't ibang ugnayan sa buhay, at lalo na sa paglilingkod sa Dios ng Kataastaasan. Malinaw na nakita niya ang pagbagsak ng kahanan at pangangalat ng mga nananahan sa Juda sa mga bansa; ngunit sa mata ng pananampalataya ay tumingin siya sa kabila ng lahat na ito sa panahong pagsasauli. Nasa kanyang pandinig ang banal na pangako: “Aking pipisamn ang nalabi sa Aking kawan mula sa lahat na lupain na Aking pinagtabuyan sa kanila, at Aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan.... Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na Ako’y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at Siya’y maghahari na gaya ng Hari at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain. Sa Kanyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay: at ito ang Kanyang pangalan na itatawag sa Kanya, ANG PANGINOON AY ATING KATUWIRAN.” Jeremias 23:3-6. PH 352.1

Sa ganito ang mga propesiya sa dumarating na paghatol ay hinaluan ng mga pangako ng huli at maluwalhating pagliligtas. Silang magpapasyang makipagpayapa sa Dios at mabubuhay na banal sa gitna ng mga pagtalikod, ay tatanggap ng kalakasan sa bawat pagsubok at mabibigyang kapangyarihang sumaksi para sa Kanya. At sa mga panahong darating ang pagliligtas na ginawa para sa kanila ay hihigit sa katanyagan na magagawa para mga anak ng Israel sa panahon ng Exodo. Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang propeta, na “hindi na nila sasabihin, Buhay ang Panginoon, na nag-ahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto; kundi, Buhay ang Panginoon, na nag-ahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at muJa sa lahat ng lupain na Aking pinagtabuyan sa kanila; at sila’y magsisitahan sa kanilang sariling lupain.” Talatang 7, 8. Ito ang mga kahangahangang mga propesiyang ibinigay ni Jeremias sa mga nagtatapos na mga kasaysayan ng taon ng kaharian ng Juda, nang ang mga taga Babilonia ay pumapanhik sa pamamayani sa lupa, at lumalapit ang mga hukbo nila sa mga pader ng Sion. PH 352.2

Tulad ng pinakamatamis na musika ang mga pangako ng pagliligtas ay nadinig ng mga matatag sa pagsamba kay Jehova. Sa mga tahanan ng mga mataas at aba, na doon ang payo ng Dios na nag-iingat ng tipan ay iginagalang pa, ang mga pangungusap ng propeta ay paulitulit na narinig. Kahit na ang mga anak ay malakas na nakilos, at sa kanilang mga mura at bukas na isipan ay nadiin ang mga nagtatagal na impresyon. PH 353.1

Sa nasa isip na pagsunod na ito sa mga utos ng Banal na Kasulatan, na sa panahon ng paglilingkod ni Jeremias ay nagdala kay Daniel at mga kasama niya ng mga pagkakataon upang itaas ang tunay na Dios sa mga bansa sa lupa. Ang turong dnanggap ng mga batang Hebreong ito sa tahanan ng kanilang mga magulang, ay nagpalakas ng kanilang pananampalataya at nagpatuloy sa kanilang paglilingkod sa buhay na Dios, ang Manlalalang ng mga langit at lupa. Noong, mga unang panahon ng paghahari ni Joacimim, ang unang pagkakataong nilusob ni Nabucodonosor ang Jerusalem, at dinalang bihag si Daniel at mga kasama niya, ang pananampalataya ng mga bihag na Hebreong ito ay tunay na nasubok. Datapuwat silang natututong magtiwala sa mga pangako ng Dios ay nasumpungang sapat ito sa mga karanasang dadanasin nila sa pamamalagi sa ibang lupa. Ang mga Kasulatan ay naging patnubay at kalakasan nila. PH 353.2

Bilang tagapagbigay kahulugan sa mga hatol na dumarating sa Juda, si Jeremias ay tumayong marangal sa pagtatanggol sa kahatulan ng Dios at sa mahabaging panukala Niya kahit na sa mga mabibigat na pagsubok. Walang pagod na ang propeta ay gumawa. Sa paghahangad na maabot ang lahat ng uri ng tao, pinalawak niya ang impluwensya sa ibayo ng Jerusalem sa pamamagitan ng madalas na pagdalaw sa iba',t ibang bahagi ng kaharian. PH 353.3

Sa mga patotoo niya sa lglesia, patuloy na binanggit ni Jeremias ang aklat ng kautusan na dinakila at itinaas sa paghahari ni Josias. Idiniin niyang panibago ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ugnayang tipan sa makapangyanhan at mahabaging Dios na sa taluktok ng Sinai ay sinalita ang mga utos ng Dekalogo. Ang mga babala at pagsamo ni Jeremias ay umabot sa bawat bahagi ng kaharian, at lahat ay nagkaroon ng pagkakataong malaman ang kalooban ng Dios para sa bansa. PH 354.1

Nilinaw ng propeta ang katunayang ang ating Ama sa langit ay tinutulutang mabagsak ang Kanyang paghatol, “upang ipakilala sa mga bansa na sila’y mga tao lamang.” Awit 9:20. “Kung kayo’y sasalangsang sa Akin, at hindi ninyo Ako didinggin,” ang babala ng Panginoon sa Kanyang bayan, “Ako,...kayo’y Aking pangangalatin sa mga bansa, at pagbubunutan Ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo: at ang inyong mga bayan ay magiging sira.” Levitico 26:21, 28, 33. PH 354.2

Sa panahong ang mga pabalitang ito ng dumarating na kapahamakan ay ibinigay sa mga prinsipe at sa bayan, ang kanilang pangulo, si Joacim, na sana ay naging pantas na espirituwal na pinuno, sa pangunguna sa pagkukumpisal ng kasalanan at sa repormasyon at mabuting gawa, ay naggugol ng panahon sa mga makasariling kalayawan. “Ako’y magtatayo ng maluwang na bahay at maluwang na mga silid,” wika niya; at ang bahay na ito, “at nabubuksan ng nakikisamihan ng cedro, at nakukulayan ng pula” (Jeremias 22:14), ang bahay na ito ay naitayo sa salaping nakuha sa daya at panggigipit. PH 354.3

Ang galit ng propeta ay nagising, at inatasang magbigay ng hatol sa pinunong hindi tapat. “Sa aba niya na nagtatayo ng kanyang bahay sa pamamagitan ng kalikuan, at ng kanyang mga silid sa pamamagitan ng kalisyaan,” kanyang pahayag; “na pinapaglilingkod ng kanyang kapwa na walang upa, at hindi niya binibigyan ng kanyang kabayaran.... Ikaw baga’y maghahari, sapagkat ikaw ay mayroong lalong maraming cedro? Hindi ba ang iyong ama ay kumain at uminom, at naglapat ng kahatulan at kaganapan, nang magkagayo’y ikinabuti niya? Kanyang hinatulan ang usap ng dukha at mapagkailangan; nang magkagayo’y ikinabuti nga: hindi baga ito ang pagkilala sa Akin? sabi ng Panginoon. Ngunit ang iyong mga mata at ang iyong puso ay sa kasakiman lamang, at upang magbubo ng walang salang dugo, at sa kapighadan, at sa karahasan, upang gawin. PH 354.4

“Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Joacim na anak ni Josias na hari sa Juda; Hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, Ah kapadd kong lalaki! o, Ah kapatid na babae! hindi nila tataghuyan siya na sasabihin. Ah panginoon! o, Ah kanyang kaluwalhadan! Siya’y mailibing ng libing asno, na hihilahin at itatapon sa labas ng mga pintuang bayan ng Jerusalem.” Talatang 13-19. PH 355.1

Sa loob ng ilang taon ang hatol na ito ay dumating kay Joacim; datapuwat ang Panginoon sa kahabagan ay ipinaalam muna sa bayang ayaw magsisi ang adhikaing ito. Sa ikaapat na taon ng paghahari ni Joacim, “sinalita ni Jeremias na propeta sa buong bayan ngjuda, at sa lahat ng nananahan sa Jerusalem,” na sinasabi, “mula nang lkalabing tadong taon ni Josias,...hanggang sa araw na ito,” naging saksi siya sa kagustuhan ng Dios na magligtas, ngunit ang kanyang mga payo ay hinamak. Jeremias 25:2, 3. At ang salita ng Panginoon para sa kanila ay: PH 355.2

“Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo; Sapagkat hindi ninyo dininig ang Aking mga salita, narito, Ako’y magsusugo at kukunin Ko ang lahat na angkan sa hilagaan, sabi ng Panginoon, at Ako’y magsusugo kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na Aking lingkod, at Aking dadalhin sila laban sa lupaing ito, at laban sa mga nananahan dito, at laban sa lahat ng bansang ito sa palibot, at Along lubos na lilipulin sila, at gagawin Ko silang katigilan, at kasutsutan at mga walang hanggang kagibaan. Bukod dito’y aalisin Ko sa kanila ang tinig ng kalayawan, at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalaki, at ang dnig ng kasintahang babae, ang tunog ng mga batong gilingan, at ang liwanang ng ilawan. At ang buong lupamg ito ay magiging sira, at kadgilan; at ang mga bansang ito ay maglilingkod sa hari sa Babilonia na pitumpung taon.” Talatang 8-11. PH 355.3

Bagaman malinaw na inihayag ang parusa ng kapahamakan, ang kalunus-lunos na halaga nito ay halos di maunawaan ng karamihang nakarinig. Upang madiin pa, sinikap ng Panginoong ilarawan ang kahulugan ng mga salitang binanggit. Inatasan si Jeremias na itulad ang kapalaran ng bansa sa pagkatuyo ng sarong puno ng alak ng galit ng Dios. Unang titikim ng sarong ito ng pagkaaba ay “ang Jerusalem, at ang mga bayan ng Juda, at ang mga hari niyaon.” Ang iba pang makababahagi ng saro—“Si Faraong hari sa Egipto, at ang kanyang mga lingkod, at ang kanyang mga prinsipe, at ang buong bayan niya,” at marami pang ibang mga bansa ng lupa—hanggang ang pakay ng Dios ay maganap. Tingnan ang Jeremias 25. PH 355.4

Sa karagdagang paglalarawan pa ng likas ng mabilis na mga hatol na darating, inatasan ang propeta ng “magsama ng mga matanda sa bayan, at ng mga matanda sa mga saserdote; at lumabas sa libis ng anak ni Hinnom,” at doon, pagkatapos repasuhin ang pagtalikod ng Juda, dapat siyang magbasag ng “sisidlang lupa ng magpapalayok,” at ipahayag para kay Jehova, na kanyang pinaglilingkuran, “Ganito Ko babasagin ang mga taong ito at ang bayang ito, gaya ng pagbasag ng isang sisidlan ng magpapalayok na hindi mabubuo uli.” PH 356.1

Ginawa ng propeta kung anong inutos sa kanya. Pagkatapos, pagbalik sa siyudad, tumayo siya sa korte ng templo at nagpahayag sa pakinig ng buong bayan, “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; Narito, Ako’y magdadala sa bayang ito at sa kanyang lahat na bayan ng lahat na kasamaan na Aking sinalita laban doon, sapagkat kanilang pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang mannig ang Aking salita.” Tingnan ang Jeremias 19. PH 356.2

Ang mga salita ng propeta, sa halip na umakay sa pagkukumpisal at pagsisisi, ay nagpaalab ng galit ng mga nasa mataas na otoridad, at bilang bunga ay inalisan ng kalayaan si Jeremias. Nabilanggo, at nilagyan ng tanikala, gayunman ay nagpatuloy ang propeta sa pagbibigay ng pabalita ng Langit sa kanilang tumatayong malapit sa kanya. Ang kanyang tinig ay di mapatatahimik ng pag-uusig. Ang salita ng katotohan ay kanyang ipinahayag, “mayroon nga sa aking puso na wan nag-aalab na apoy na nakukulong sa aldng mga buto, at ako’y pagod ng pagpipigil, at hindi makapagpigil.” Jeremias 20:9. PH 356.3

Sa panahong ito ay inatasan ng Dios si Jeremias na isulat ang mga pabalitang nais niyang dalhin sa mga pusong hinahangad niyang maligtas. “Kumuha ka ng isang balumbon,” ang utos ng Dios sa Kanyang lingkod, “at iyong isulat doon ang lahat na salita na Aking sinalita sa iyo laban sa Israel, at laban sa Juda, at laban sa lahat ng mga bansa, mula nang araw na magsalita Ako sa iyo, mula nang kaarawan ni Josias, hanggang sa araw na ito. Marahil ay manrinig ng sambahayan ni Juda ang lahat ng kasamaan na Aking pinanukalang gawin sa kanila; upang humiwalay bawat isa sa kanila sa kanyang masamang lakad; upang Aking maipatawad ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan.” Jeremias 36:2, 3. PH 356.4

Bilang pagsunod sa utos na ito, tinawagan ni Jeremias bilang kanyang katulong ang tapat na kaibigan, si Baruch na eskriba, at idinikta sa kanya “ang lahat ng salita ng Panginoon, na Kanyang sinalita sa kanya.” Talatang 4. Ang mga ito ay maingat na isinulat sa isang balumbon at nagtaglay ng banal na sansala sa kasalanan, babala ng tiyak na bunga ng patuloy na pagtalikod, at taimtim na panawagan sa pagwawaksi ng lahat ng kasamaan. PH 357.1

Nang matapos ang pagsulat, si Jeremias, na bilanggo pa rin, ay isinugo si Baruch upang basahin sa mga karamihang nagkakatipon sa templo sa pagdiriwang na pambansang pag-aayuno, “nang ikalimang taon ni Joacim na anak ni Josias na hari sa Juda, nang ikasiyam na buwan.” “Marahil,” wika ng propeta, “ay maghaharap sila ng kanilang daing sa harap ng Panginoon, at hihiwalay bawat isa sa kanyang masamang lakad: sapagkat malaki ang galit at ang kapusukan na sinalita ng Panginoon laban sa bayang ito.” Talatang 9, 7. PH 357.2

Sumunod si Baruch, at binasa ang pabalita sa lahat ng tao ng Juda. Matapos ito ay tinawagan ang escriba ng mga prinsipe upang sa kanila naman basahin ang pabalita. Nakinig silang may malaking interes at nangakong ipapaalam sa hari ang tungkol sa mga bagay na narinig, datapuwat nagpayo sa eskribang magtago, sapagkat may pangamba silang tatanggihan ng hari ang patotoo at hahangaring patayin ang naghanda at naghatid ng pabalita. PH 357.3

Nang sabihan si Haring Joacim tungkol sa binasa ni Baruch, nagutos siyang agad kunin ang balumbon at basahin din sa harapan niya. Si Jehudi na isang kawaksi ng hari ang bumasa ng mga sansala at babalang nakasulat. Noon ay panahon ng tagginaw, at ang hari at kanyang kasamahan sa estado, mga prinsipe ng Juda, ay nakapalibot sa isang bukas na apoy. Bahagi pa lamang ng pabalita ang nabasa, nang ang hari, ay nanginginig na inagaw ang balumbon at sa matinding galit ay “pinutol ng hari ng lanseta at inihagis sa apoy hanggang sa matupok ang buong balumbon.” Talatang 23. PH 357.4

Ang hari at ang kanyang mga prinsipe ay hindi nangatakot ni “hinapak man nila ang kanilang mga suot.” Gayunma’y, may ilang mga prinsipeng “namanhik sa hari na huwag niyang sunugin ang balumbon: ngunit hindi niya dininig sila.” Pagkawasak ng sinulat, galit na galit ang masamang haring nagsugong dakpin sina Jeremias at Baruch; “ngunit ikinubli sila ng Panginoon.” Talatang 24-26. Sa pagdadala sa pansin ng mga-sumasamba sa templo, at sa mga prinsipe at sa hari, ang mga nasulat na payong nilalaman ng balumbon, ang Dios ay mabiyayang nagsisikap na bigyang babala ang Juda para na rin sa kanilang kabutihan. “Marahil,” sabi Niya, “ay maririnig ng sambahayan ni Juda ang lahat na kasamaan na Aking pinanukalang gawin sa kanila; upang humiwalay bawat isa sa kanila sa kanyang masamang lakad; upang Aking maipatawad ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan.” Talatang 3. Ang Dios ay may habag sa mga taong nakikipagpunyagi sa kasamaan; hangad Niyang bigyang liwanag ang nadidilimang pang-unawa sa pagpapadala ng sansala at babalang ipinanukalang makadama ng kawalang kaalaman ang mga pinakamataas at batikusin ang kanilang mga pagkakamali. Sinisikap Niyang tulungan ang mga magiginhawa na mawalang kasiyahan sa mga walang kabuluhang gawain at upang hanapin nila ang espirituwal na pagpapala ng malapit na kaugnayan sa langit. PH 357.5

Ang panukala ng Dios ay Kindi ang pagpapadala ng mga mensaherong magpapasaya at papuri sa makasalanan; hindi pabalita ng kapayapaan ang inihahatid Niya upang maghele ng mga walang kabanalan sa kapanatagang karnal. Sa halip, inilalagak Niya ang mabigat na pasanin sa konsensya ng gumagawa ng kasamaan at tinatarak ang kaluiuwa ng matalim na palaso ng kumbiksyon. Ang mga naglilingkod na anghel ay inihaharap sa kanya ang mga nakakatakot na kahatulan ng Dios, upang palalimin ang pagkadama ng pangangailangan at gumising ng panaghoy na, “Ano ang ldnakailangan kong gawin upang maligtas?” Gawa 16:30. Datapuwat ang Kamay na nagpapahandusay sa alabok, sumasansala sa kasalanan, at nagbibigay kahihiyan sa pagmamataas at ambisyon, ay siya ring Kamay na nagtataas sa nagsisisi at naldlos. May pinakamalalim na malasakit Siyang nagpapahintulot na ang parusa ay dumating, ay magtatanong, “Ano ang nais mong gawin Ko para sa iyo?” PH 359.1

Kapag ang tao ay nagkasala sa banal at mahabaging Dios, walang higit na marangal na bagay na magagawa niya liban sa magsising mataos at magkumpisal ng mga kamalian sa pagluha at kapaitan ng kaluiuwa. Ito ang hinihiling ng Dios sa kanya; dnatanggap Niya ang bagbag na puso at nagsisising diwa. Datapuwat si Haring Joacim at mga mararangal niya, sa kanilang kayabangan at pagmamataas, ay tumanggi sa paanyaya ng Dios. Hindi nila pinansin ang babala at magsipagsisi. Ang mabiyayang pagkakataong inialok sa kanila sa panahon ng pagsusunog ng balumbon, ay pinakahuli para sa kanila. Lnihayag ng Dios na kung tatanggi silang maldnig sa Kanyang tinig, ay ibibigay sa kanila ang nakakatakot na parusa. Tumanggi silang maldnig, at Kanyang ipinahayag ang Kanyang huling parusa ay ibibigay na sa Juda, at Kanyang dadalawin na may tanging kagalitang ibibigay sa taong nagmataas laban sa Makapangyarihan sa lahat. PH 359.2

“Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Joacim na hari sa Juda; Siya’y mawawalan ng uupo sa luklukan ni David: at ang kanyang bangkay sa araw ay mahahagis sa init, at sa gabi ay sa hamog. At Aking parurusahan siya at ang kanyang binhi at ang kanyang mga lingkod dahil sa kanilang kasamaan; at Aking dadalhin sa kanila, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa mga tao ng Juda, ang buong kasamaan na Aking sinalita laban sa kanila.” Jeremias 36:30,31. PH 359.3

Ang pagsunog sa balumbon ay hindi katapusan ng bagay na ito. Ang mga nasulat na salita ay madaling nawala datapuwat ang mga babala at sansalang taglay nito ukol sa parusang nakalaan sa rebeldeng Israel ay hindi maaalis. Kahit na ang balumbon ay pinalitan. “Kumuha ka uli ng ibang balumbon, at sulatan mo ng lahat ng dating salita na nasa unang balumbon na sinunog ni Joacim na hari sa Juda.” Ang tala ng mga propesiya ukol sa Juda at Jerusalem ay naging abo; gayunma’y buhay pa rin sa puso ni Jeremias ang mga salita niyon, “gaya ng naglalagablab na apoy,” at ang propeta ay sumulat muli ng winasak sa galit ng tao. PH 359.4

Kumuhang muli ng balumbon si Jeremias, at ibinigay kay Baruch, “na sumulat doon ng mula sa bibig ni Jeremias ng lahat ng mga salita ng aklat na sinunog sa apoy ni Joacim na hari ngjuda: at nagdagdag pa sa mga yaon ng maraming gayong salita.” Talatang 28, 32. Ang galit ng tao ay nagsikap hadlangan ang gawain ng propeta ng Dios; datapuwat sa paraang ginamit ni Joacim upang sikilin ang impluwensya ng lingkod ni Jehova, ay nagbigay ng higit pang pagkakataon upang gawing maliwanag ang mga kahilingan ng Dios. PH 360.1

Ang diwa ng oposisyon sa sansala na umakay sa pag-uusig at pagkabilanggo kay Jeremias, ay nakikita ngayon. Marami ang tumatangging dinggin ang mga paulit-ulit na babala, na nais pang makinig sa mga bulaang guro na naghihimas ng kanilang pagmamataas at pinipikitan ang kanilang masasamang gawa. Sa panahong bagabag sila ay mawawalan ng tanggulan, walang tulong mula sa langit. Ang mga lingkod na pinili ng Dios ay dapat humarap na may tapang at pagtitiis sa mga pagsubok at pagdurusang daradng sa kanila sa pamamagitan ng parunisi, pagpapabaya, at maling paglalarawan. Dapat nilang patuloy na gampanang tapat ang mga gawaing ibinigay ng Dios para kanilang gawin, na laging inaalaala ang mga unang mga propeta at ang Tagapagligtas ng sangkatauhan at mga apostol Niya ay dumanas dm ng mga abuso at pag-uusig para sa Salita ng Dios. PH 360.2

Adhikain ng Dios na si Joacim ay makinig sa mga payo ni Jeremias at magtamong pabor sa paningin ni Nabucodonosor at iligtas ang sarili mula sa kapanglawan. Ang kabataang hari ay nagbigay ng panata ng katapatan sa hari ng Babilonia, at kung siya lamang ay naging tapat sa pangako ay nakuha sana niya ang paggalang ng mga pagano, at umakay sana ito sa mga mahahalagang pagkakataon upang makahikayat ng mga kaluluwa. PH 360.3

Sa paglibak sa mga natatanging karapatang kaloob sa kanya, ang han ng Juda ay kusang pumili ng sariling landas. Sinira niya ang usapan sa hari ng Babilonia, at nagrebelde. Ito ang naghatid sa kanya at ang kanyang kaharian ng mga mahihirap na karanasan. “Laban sa kanya ay isinugo ang mga pulutong ng mga Caldeo, at ng mga pulutong ng mga taga Syria, at ng mga pulutong ng mga Moabita, at ng mga pulutong ng mga anak ni Ammon,” at wala siyang sapat na kapangyarihan upang maiwasang pamahalaan ng mga mandarambong na ito. 2 Hari 24:2. Sa loob ng ilang taon ay nagwakas ang kanyang paghaharing may kahihiyan, itinakwil ng Langit, hindi minahal ng bayan, at kinamuhian ng mga pinuno ng Babiloma na nagtiwala sa kanya—at lahat ay bunga ng nakamamatay na pagkakamaling pagtalikod sa adhikain ng Dios na nahayag sa pamamagitan ng itinalagang mensahero. PH 360.4

Si Joachin [kilala ding Jeconias, at Conias], na anak ni Joacim, ay tadong buwan at sampling araw pa lamang na nakaupo sa trono, nang sumuko sa mga hukbong Caldeo, dahilan sa pagrerebelde ng kanyang amang hari, ay kumukubkob na muli sa siyudad. Dito si Nabucodonosor, “ay dinala si Joachin sa Babiloma, at ang ina ng han, at ang mga asawa ng hari, at ang kanyang mga pinuno, at ang mga pinakamahal sa lupain,” ang mga manggagawa at ang mga “magbabakal na isang libo.” At kinuha ng haring Babiloma “ang lahat na kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari.” 2 Hari 24:15, 16, 13. PH 361.1

Ang kahanan ng Juda, nawasak sa kapangyarihan at inalisan ng kalakasan sa tao at kayamanan, gayunman ay pinahintulutan pa ring manatili bilang isang bukod na pamahalaan. Bilang pangulo ay inilagay ni Nabucodonosor si Mattanias, nakababatang anak ni Josias, at pinalitan ang pangalan niya ng Sedechias. PH 361.2