ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 30—Kaligtasan Mula sa Asyria
Sa panahong nasa malaking panganib ang bansa, nang ang mga hukbo ng Asyria ay lumulusob sa lupain ng juda at tila baga’y wala nang makapagliligtas pa sa Jerusalem sa tiyak na pagkawasak, tinipon ni Ezechias ang mga puwersa ng kanyang kaharian upang haraping may buong tapang ang kanilang mga mapang-aping pagano at magtiwala sa kapangyarihan ni Jehova upang magligtas. “Kayo’y mangagpakalakas at mangagpakatapang na mabuti, huwag ninyong katakutan o panglupaypayan man ang hari sa Asyria, o ang buong karamihan man na kasama niya,” ang bilin ni Ezechias sa mga lalaki ng Juda; “sapagkat may lalong dakila sa atin kaysa kanya: sumasakanya ay isang kamay na laman; ngunit sumasaatin ay ang Panginoon nating Dios upang tulungan tayo, at ipakipaglaban ang ating mga pagbabaka.” 2 Cronica 32:7, 8. PH 289.1
Hindi sa walang dahilan na si Ezechias ay makapagsalitang may katiyakan ng kahihinatnan. Ang mayabang na taga Asyria, nang ginamit ng Dios sa isang panahon bilang pamalo ng Kanyang galit para sa kaparusahan ng mga bansa, ay hindi malimit na namamayani. Tingnan ang Isaias 10:5. “Huwag kang matakot sa taga Asyria,” ang mensahe ng Panginoon kay Isaias ng mga nakaraang taon para sa kanilang nanahan sa Sion; “sapagkat sandali pa,...at ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo ang kasakunaan laban sa kanya na gaya ng pagpatay sa Madian sa bato ng Oreb: at ang Kanyang panghampas ay malalagay sa dagat, at Kanyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto. At mangyayari sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kanyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa pinahiran.” Talatang 24-27. PH 289.2
Sa isa pang pabalita ng propesiya, na ibinigay “nang taong mamatay ang Haring Ahaz,” inihayag ng propeta: “Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang inisip Ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang Aking pinanukala, gayon mananayo: na Aking lalansagin ang taga Asyria sa Aking lupain, at sa Aking mga bundok ay yayapakan Ko siya sa ilalim ng paa: kung magkagayo’y mahihiwalay ang kanyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat. Ito ang panukala na Aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na inunat sa lahat ng mga bansa. Sapagkat pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang Kanyang kamay na nakaunat, at sinong mag-uurong?” Isaias 14:28, 24-27. PH 289.3
Ang kapangyarihan ng mapang-api ay mawawala. Gayunman si Ezechias, sa mga unang taon ng kanyang paghahan, ay kinailangang magpatuloy ng pagbabayad ng buwis sa Asyria, ayon sa kasunduang pinasukan ni Ahaz. Samantala ang hari ay “nakipagsanggunian siya sa kanyang mga prinsipe at sa kanyang mga makapangyarihang lalaki,” at ginawa ang lahat ng posibleng bagay para maipagtanggol ang kanyang kaharian. Tiniyak niyang may saganang sustento ng tubig sa nasasakupan ng mga pader ng Jerusalem, na samantalang wala ang siyudad ay magkaroon ng sapat na pangangailangan. “At siya’y nagdalang tapang, at itinayo niya ang lahat na kuta na nabagsak, at pinataas pa ang mga moog, at ang ibang kuta sa labas, at pinagtibay ang Millo sa bayan ni David, at gumawa ng mga sandata at mga kalasag na sagana. At siya’y naglagay ng mga punong kawal sa bayan na mandirigma.” 2 Cronica 32:3, 5, 6. Walang iniwanang hindi tapos na magagawa para sa paghahanda sa paglusob. PH 290.1
Sa panahon ng pag-upo ni Ezechias sa trono ngjuda, isang malaking bilang na ng mga anak ni Israel na taga hilaga ang nadalang bihag ng mga taga Asyria; at sa ilang taon pagkatapos na magpasimula siyang maghari, at habang pinalalakas niya ang mga depensa ng Jerusalem, kinubkob ng mga Asyria at nabihag ang Samaria at nangalat ang sampung tribu sa mga probinsya ng kaharian ng Asyria. Ang hangganan ng Juda ay ilang milya lamang ang layo, na kulang sa limampung milya ang layo sa Jerusalem, at ang kayamanang sisira na matatagpuan sa loob ng templo ay makakatukso sa kaaway upang bumalik. PH 290.2
Datapuwat ang hari ng Juda ay matatag sa pasyang gawin ang kanyang bahagi sa paghahanda upang labanan ang kaaway; at, nang maisakatuparan na ang lahat ng makakayanan at lakas na magagawa ng tao, timpon niya ang kanyang mga puwersa at sinabihan silang maging matapang. “Dakila ang Banal ng Israel sa gitna mo” ang mensahe ni propeta Isaias sa Juda; at ang hari na may matatag na pananampalataya ay nagpahayag na, “Sumasaatin ay ang Panginoon nating Dios upang tulungan tayo, at ipakipaglaban ang ating mga pagbabaka.” Isaias 12:6; 2 Cronica 32:8. PH 290.3
Wala nang hihigit pang magpapalakas ng pananampalataya kaysa sa pagsasanay ng pananampalataya. Ang hari ng Juda ay naghanda sa dumarating na bagyo; at ngayon, may buong pagtitiwalang ang propesiya laban sa mga Asyria ay matutupad, inilagak ang kanyang kaluluwa sa Dios. “At ang bayan ay sumandal sa mga salita ni Ezechias.” 2 Cronica 32:8. Ano kaya, kung ang mga hukbo ng Asyria, na sariwa pa sa pagsakop ng pinakadakilang bansa sa lupa, at nagtagumpay sa Samaria sa Israel, na ngayon ay ibaling ang kanilang puwersa laban sa Juda? Ano kung kanilang ipagyabang, “Kung paanong nakasumpong ang aking kamay ng mga kaharian ng mga diyus-diyusan, na ang in^a larawan nilang inanyuan ay mga higit ng dami kaysa Jerusalem at sa Samaria; hindi ko baga gagawing gayon sa Jerusalem at sa kanyang mga diyus-diyusan, ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kanyang mga diyus-diyusan?” Isaias 10:10, 11. Ang Juda ay walang dapat na ipangamba; sapagkat ang tiwala nila ay na kay jehova. PH 291.1
Ang inaasahang mangmatagalang krisis ay sa wakas ay dumating. Ang mga hukbo ng Asyria, sumusulong sa sunod-sunod na pagtatagumpay, ay lumitaw sa Juda. Nakatitiyak ng tagumpay, hinati ng mga pangulo ang kanilang mga puwersa sa dalawang pangkat, ang isa dito ay sasalubong sa mga Egipsyo sa timog, samantalang ang kalahati ay sasakop sa Jerusalem. PH 291.2
Ang tanging pag-asa ng Juda ngayon ay nasa Dios. Anumang posibleng tulong mula sa Egipto ay naputol, at walang ibang bansa na malapit upang hingan ng tulong. PH 291.3
Ang mga opisyal na Asyria, na nakatitiyak ng lakas ng kanilang mga disiplinadong puwersa, ay nagsaayos ng isang komperensya sa mga pangunahing lalaki ng Juda, upang hingin ang pagsuko nito ng siyudad. Ang kahilingang ito ay sinamahan pa ng pamumusong laban sa Dios ng mga Hebreo. Dahilan sa mga kahinaan at pagtalikod ng Israel at Juda, ang pangalan ng Dios ay hindi na kinatatakutan ng mga bansa, kundi naging suheto ng patuloy na paglibak. Tingnan ang Isaias 52:5. PH 291.4
“Sabihin ninyo ngayon kay Ezechias,” sinabi ni Rabsaces, isa sa mga punong kawal ni Sennacherib, “Ganito ang sabi ng dakilang hari, ng hari sa Asyria, Anong pag-asa ito sa iyong tinitiwalaan? Iyong sinasabi (ngunit mga salitang walang kabuluhan lamang,) may payo at kalakasan sa pakikipagdigma. Ngayon kanino ka tumitiwala, na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin?” 2 Hari 18:19, 20. PH 291.5
Ang mga opisyal ay nakipagsanggunian sa labas ng mga pader ng mga siyudad, datapuwat nadidinig ng mga bantay sa pader; at habang sa malakas na tinig ang mga kinatawan ng hari ng Asyria ay sinasalita ang kanilang mga panukala sa mga pangulo ng Juda, sila ay pinakiusapang magsalita sa wikang Syria at hindi sa wikang Hebreo, upang hmdi maunawaan ng mga nasa pader ang mga nagaganap sa komperensya. Si Rabsaces, sa pagbabaliwala sa suhestiyong ito, itinaas ang kanyang mga tinig na mas mataas pa, at nagpatuloy na magsalita sa wikang Judio, ay nagsabi: PH 292.1
“Dinggin ninyo ang mga salita ng dakilang hari, ng han sa Asyria. Ganito ang sabi ng hari, Huwag kayong padaya kay Ezechias: sapagkat hindi niya maililigtas kayo. O patiwalain man kayo ni Ezechias sa Panginoon, na sabihin, Walang pagsalang ililigtas tayo ng Panginoon: ang bayang ito ay hindi mapapasa kamay ng hari sa Asyria. PH 292.2
“Huwag ninyong dinggin si Ezechias: sapagkat ganito ang sabi ng hari sa Asyria, Makipagpayapaan kayo sa akin, at labasin ninyo ako: at kumain ang bawat isa sa inyo sa kanyang puno ng ubas, at ang bawat isa sa kanyang puno ng igos, at inumin ng bawat isa sa inyo ang tubig ng kanyang sariling balon; hanggang sa ako’y dumatmg at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupam, na lupain ng trigo at ng alak, na lupain ng tinapay at ng mga ubasan. PH 292.3
“Huwag kayong pahikayat kay Ezechias na sabihin, Ililigtas tayo ng Panginoon. Nagligtas baga ang sinuman sa mga diyos ng mga bansa ng kanyang lupain sa kamay ng hari sa Asyria? Saan nandoon ang mga diyos ng I lamath at ng Arphad? saan nandoon ang mga diyos ng Sepharvaim? iniligtas baga nila ang Samana sa aking kamay? Sino sa kanila sa lahat na diyos ng mga lupamg ito, ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay, na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay?” Isaias 36:13-20. PH 292.4
Sa mga pagtuyang ito, ang mga anak ng Juda, ay “hindi nagsisagot sa kanya ng kahit isang salita.” Nagtatapos na ang komperensya. Ang mga kinatawan ng Judio ay nagbalik kay Ezechias “na ang kanilang suot ay hapak, at isinaysay sa kanya ang mga sarili ni Rabsaces.” Talatang 21, 22. Ang hari, pagkaalam ng mapamusok na hamon ay “hinapak ang kanyang damit, at nagbihis ng sako, at pumasok sa bahay ng Panginoon.” 2 Hari 19:1. PH 292.5
Isang mensahero ang isinugo kay Isaias upang ipaalam sa kanya ang kinalabasan ng komperensya. “Ang araw na ito ay araw ng kabagabagan, at ng pagsaway, at ng pagkutya,” ang salitang padala ng hari. Marahil ay didinggin ng Panginoon mong Dios ang lahat ng mga salita ni Rabsaces, na siyang sinugo ng kanyang panginoon na hari sa Asyria upang tungayawin ang buhay na Dios, at sasansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios: kaya’t idalangin mo ang labis na natitira.” Talatang 3, 4. PH 292.6
“At si Ezechias na hari, at si Isaias na propeta na anak ni Amos, ay nagsidalangin dahil dito, at nagsidaing sa Langit.” 2 Cronica 32:20. PH 293.1
Dininig ng Dios ang dalangin ng Kanyang mga lingkod. Kay Isaias ay ibinigay ang pabalita para kay Ezechias: “Ganito ang ang sabi ng Panginoon, Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig, na ipinanungayaw sa Akin ng mga lingkod ng hari sa Asyria. Narito, Ako’y maglalagay ng isang espiritu sa kanya, at siya’y makakarinig ng kaingay, at babalik sa kanyang sariling lupain; at Aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kanyang sariling lupain.” 2 Hari 19:6, 7. PH 293.2
Ang mga kinatawan ng Asyria, matapos iwanan ang mga pinuno ng Juda, ay tuwirang nag-ulat sa kanilang hari, na kasama sa dibisyon ng kanyang hukbo na nagbabantay sa lulusob na mula sa Egipto. Pagkarinig ng balita, si Senacherib ay “sumulat din ng mga sulat upang tungayawin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at upang magsalita laban sa kanya, na sinasabi, kung paanong hindi iniligtas ng mga diyos ng mga bansa ng mga lupain ang kanilang bayan sa aking kamay, gayon hindi iniligtas ng Dios ni Ezechias ang kanyang bayan sa aking kamay.” 2 Cronica 32:17. PH 293.3
Ang mayabang na banta ay sinamahan pa ng pabalitang ito: “Huwag kang dayain ng Dios na iyong tinitiwalaan na sabihin, ang Jerusalem ay hindi mabibigay sa kamay ng hari sa Asyria. Narito nabalitaan mo ang ginagawa ng mga hari sa Asyria sa lahat ng lupain, sa paglipol na lubos sa kanila: at maliligtas ka ba? Iniligtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa na nilipol ng aking mga magulang; gaya ng Gozan, at ng Haran, at ng Reseph, at ng mga anak ni Eden na nangasa Thalasar? Saan nandoon ang hari sa Hamath, at ang hari sa Arpad, at ang hari sa bayan ng Sepharvaim, ng Hena, at ng Hiva?” 2 Hari 19:10-13. PH 293.4
Nang matanggap ng hari ng Juda ang naghahamong sulat, dinala niya ito sa templo at “iniladlad sa harap ng Panginoon” at sa malakas na pananampalataya ay dumalangin sa tulong mula sa langit, upang makilala ng mga bansa sa lupa na ang Dios ng mga Hebreo ay buhay pa rin at Siyang naghahan. Talatang 14. Ang karangalan ni Jehova ay nakataya; Siya lamang ang makapagbibigay ng pagliligtas. PH 293.5
“Oh Panginoon, na Dios ng Israel, na nauupo sa mga querubin,” dalangin ni Ezechias, “Ikaw ang Dios, Ikaw lamang, sa lahat ng kaharian sa lupa; Ikaw ang lumikha ng langit at lupa. Ikiling Mo ang Iyong pakinig, Oh Panginoon, at Iyong dinggin: idilat Mo ang Iyong mga mata, Oh Panginoon, at tumingin Ka: at dinggin Mo ang mga salita ni Sennacherib, na kanyang ipinasugo upang ipanungayaw sa buhay na Dios. Sa katotohanan, Panginoon, sinira ng mga hari sa Asyria ang mga bansa, at ang kanilang mga lupain, at inihagis ang kanilang mga diyos sa apoy: sapagkat sila’y hindi mga diyos, kundi gawa ng mga kamay ng mga tao, na kahoy at bato: kaya’t kanilang nilipol ang mga yaon. Ngayon nga, Oh Panginoon naming Dios, iligtas Mo kami, isinasamo ko sa Iyo sa kanyang kamay, upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa na Ikaw ang Panginoong Dios, Ikaw lamang.’’ 2 Hari 19:15-19. PH 294.1
“Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay kay Jose na parang kawan;
Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang Ka.
Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa
ang kapangyarihan Mo, At parito Kang iligtas mo kami.
Papanumbalikin Mo kami, Oh Dios,
At pasilangin Mo ang Iyong mukha; at maliligtas kami.
“Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
Hanggang kailan magagalit Ka laban sa dalangin ng Iyong bayan?
Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha;
At binigyan Mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa:
At ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo,
At pasilangin Mo ang Iyong mukha; at kami ay maliligtas.
“Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto:
Iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim Mo yaon.
Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya,
At napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon,
At ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
Kanyang pinaabot ang kanyang mga sanga hanggang sa dagat,
At ang kanyang mga suwi hanggang sa ilog.
PH 294.2
“Bakit Mo ibinagsak ang kanyang mga bakod,
Na anupa ',t siya’y binubunot nilang lahat ng nangagdadaan?
Sinisira ng baboy-ramo,
At sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
Bumalik Ka uli, isinasamo ko sa Iyo, Oh Dios ng mga hukbo:
Tumungo Ka mula sa langit, at Iyong masdan, at dalawin Mo ang
puno ng ubas na ito;
At ang ubasan na itinanim ng Iyong kanan,
At ang suwi na Iyong pinalakas para sa Iyong sarili....
“Buhayin Mo kami, at tatawagan namin ang Iyong pangalan.
Papanumbalikin Mo kami, Oh Pangmoong Dios ng mga hukbo’
Pasilangin Mo ang Iyong mukha at maliligtas kami.” Awit 80.
PH 297.1
Ang mga pagsamo ni Ezechias sa kapakanan ng Juda at sa karangalan ng kanilang Pinakamataas na Hari ay kaayon ng isipan ng Dios. Si Solomon, sa kanyang dalangin sa pagtatalaga ng templo, ay dumalangin sa Panginoon na panatilihin “ang usap ng Kanyang bayang Israel, ayon sa kailangan sa araw-araw; upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa, na ang Panginoon ay Siyang Dios, walang iba.” 1 Hari 8:59, 60. Higit pa na ang Dios ay maghahayag ng pabor, kung sa panahon ng digmaan at pang-aapi ng hukbo, ang mga pangulo ng Israel ay papasok sa bahay ng panalangin at sasamo para sa kaligtasan. Talatang 33, 34. PH 297.2
Si Ezechias ay hindi iniwang walang pag-asa. Nagsugo si Isaias sa kanya, na nagsasabi, “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang ikaw ay dumalangin sa Akin laban kay Sennacherib na hari sa Asyria, dininig kita. Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa kanya: PH 297.3
“Niwalang kabuluhan ka ng anak na dalaga ng Sion, at tinatawanan ka; ang anak na babae ng Jerusalem ay iginalaw ang kanyang ulo sa iyo. PH 297.4
“Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas? samakatuwid baga’y laban sa Isang Banal ng Israel. Sa pamamagitan ng iyong mga sugo ay iyong pinulaan ang Panginoon, at sinabi mo, Sa karamihan ng aking mga karo ako’y nakaahon sa kataasan ng mga bundok, sa mga kaloob-loobang bahagi ng Libano, at aking ibubuwal ang mga matayog na sedro niyaon, at ang mga piling puno ng abeto niyaon: at ako'y papasok sa kanyang pinakamalayong tuluyan, sa gubat ng kanyang mabungang bukid sa Carmel. Ako’y humukay at uminom ng tubig ng iba, at aking tutuyuin ang lahat ng ilog ng Egipto ng talampakan ng aking mga paa. PH 297.5
“Hindi mo ba nabalitaan kung paanong Aking ginawa na malaon na, at Aking iniakma ng una? ngayo’y Aking pinapangyari, upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guho na bunton. Kaya’t ang kanilang mga mananahan ay may munting kapangyarihan, sila’y nanganglupaypay at nangatulig; sila’y gaya ng damo sa bukid, at ng sariwang gugulayin, na gaya ng damo sa mga bubungan, at gaya ng trigo na lanta bago nakalaki. PH 298.1
“Ngunit talastas Ko ang iyong pag-upo, at ang Iyong paglabas, at ang iyong pagpasok, at ang iyong pag-iinit laban sa Akin. Dahil sa iyong galit laban sa Akin at dahil sa iyong kagilasan ay dumating sa Aking mga pakinig, kaya’t Aking ikakawit ang Aking taga sa iyong ilong, at ang Aking paningkaw sa iyong mga labi, at ibabalik kita sa daan na iyong pinanggalingan.” 2 Hari 19:20-28. PH 298.2
Ang lupain ng Juda ay nawasak sa paglusob ng mga hukbo, datapuwat ang Dios ay nangako ng mahimalang paglalaan para sa mga pangangailangan ng bayan. Dumating kay Ezechias ang pabalita: “Ito ang magiging tanda sa iyo, Ikaw ay kakain sa taong ito ng tumutubo sa sarili, at sa ikalawang taon ay ang tumubo roon; at sa ikatlong taon ay maghasik kayo, at umani, at mag-ubasan, at kanin ninyo ang mga bunga niyaon. At ang nalabi na nakatanan sa mga anak ni Juda ay mag-uugat uli sa ilalim, at magbubunga sa itaas, sapagkat sa Jerusalem ay lalabas ang isang nalabi, at sa Bundok ng Sion ay silang magtatanan: gaganapin ito ng sikap ng Panginoon. PH 298.3
“Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari sa Asyria, Siya’y hindi paririto sa bayang ito, o magpapahilagpos man ng pana riyan, ni haharap man siya riyan na may kalasag, o maghahagis man ng bunton laban doon. Sa daang kanyang pinanggalingan, doon din siya babalik, at hindi siya darating sa bayang ito, sabi ng Panginoon. Sapagkat Aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, dahil sa Akin at dahil sa Aking lingkod na si David.” Talatang 29-34. PH 298.4
Sa gabing iyon dumating ang pagliligtas. “Ang anghel ng Panginoon ay lumabas, at nanakit sa kampamento ng mga taga Asyria ng isang daan at walumpu’t limang libo.” Talatang 35. “Lahat na makapangyarihang lalaking may tapang, at ng mga pangulo at mga pinunong kawal sa kampamento ng hari sa Asyria,” ay pinatay. 2 Cronica 32:21. PH 298.5
Ang balitang ito ng nakalulunos na hatol na dumating sa hukbong ipinadala upang lupigin ang Jerusalem, ay nakarating kay Sennacherib, na nagbabantay pa rin ng pasukan ng Judea mula sa Egipto. Nagimbal sa takot, ang hari ng Asyria ay nagmadaling umalis at “bumalik siya na nahihiya sa kanyang sariling lupain.” Talatang 21. At hindi nagtagal ang kanyang paghahari. Kaayon ng propesiyang nabigay tungkol sa biglang pagwawakas, siya ay pinaslang ng sariling kasambahay, “at si Esarhadon na kanyang anak ay naghari na kahalili niya.” Isaias 37:38. PH 299.1
Ang Dios ng mga Hebreo ay namayani sa mga mayayabang na taga Asyria. Ang karangalan ni Jehova ay naitaas sa paningin ng mga nakapalibot na mga bansa. Sa Jerusalem ang puso ng bayan ay napuspos ng banal na kagalakan. Ang kanilang taimtim na dalangin para sa kaligtasan ay may kasamang pagkukumpisal ng kasalanan at maraming luha. Sa kanilang dakilang pangangailangan ay lubusan silang nagtiwala sa kapangyarihan ng Dios na magligtas, at hindi Niya sila binigo. Ngayon ang mga korte ng templo ay umalingawngaw sa mga awit ng banal na papuri. PH 299.2
“Sa Juda ay klala ang Dios:
Ang Kanyang pangalan ay dakila sa Israel.
Nasa Salem naman ang Kanyang tabernakulo,
At ang Kanyang dakong tahanan ay sa Sion.
Doo’y binali Niya ang mga pana ng busog,
At kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka.
“Maluwalhati Ka at marilag
Mula sa mga bundok na hulihan.
Ang mga puso na matapang ay nasamsaman, sila’y nangatulog
ng kanilang pagtulog:
At wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng
kanilang mga kamay.
Sa Iyong saway, Oh Dios ni Jacob,
Ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na
pagkakatulog.
“Ikaw, Ikaw ay katatakutan:
At sinong makatatayo sa Iyong paningin sa minsang Ikaw ay magalit?
Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit;
Ang lupa ay natakot, at tumahimik,
Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol,
Upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa.
PH 299.3
“Tunay na pupurihin Ka ng poot ng tao:
Ang nalabi sa poot ay ibibigkis Mo sa iyo.
Manata ka, at tuparin mo sa Panginoon mong Dios:
Magdala ng mga kaloob sa Kanya na marapat katakutan, yaong lahat
na nangasa buong palibot Niya.
Kanyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo:
Siya’y kakila-kilabot sa mga han sa lupa.” Awit 76.
PH 300.1
Ang pagbangon at pagbagsak ng Kaharian ng Asyria ay mayaman sa mga aral na angkop para sa mga bansa ngayon. Inihalintulad ng kasulatan ang kaluwalhatian ng Asyria na nasa tugatog ng kanyang kasaganaan sa isang marangal na puno sa hardin ng Dios, na matayog sa lahat ng nakapalibot na puno. PH 300.2
“Narito ang taga Asyria ay isang cedro sa Libano na may magandang mga sanga, at may mayabong na lilim, at may mataas na kataasan; at ang kanyang dulo ay nasa gitna ng mga mayabong na sanga.... Sa kanyang lilim ay nagsitahan ang lahat na malaking bansa. Ganito siya gumanda sa kanyang kalakhan, sa kahabaan ng kanyang mga sanga: sapagkat ang kanyang ugat ay nasa siping ng maraming tubig. Ang mga cedro sa halamanan ng Dios ay hindi makapantay sa kanya: ang mga puno ng kastanyas ay hindi gaya ng kanyang mga sanga; o may anumang punong kahoy sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kanyang kagandaham... Lahat ng punong kahoy sa Eden, na nangasa halamanan ng Dios, nanaghili sa kanya.” Ezekiel 31:3-9. PH 300.3
Datapuwat ang mga pinuno ng Asyria, sa halip na gamitin ang di kararniwang pagpapala para sa kapakinabangan ng sangkatauhan, ay naging sumpa ng maraming lupain. Walang habag, hindi na naisip ang Dios o ang kapwa tao, matatag sila sa patakarang ang lahat na mga bansa ay dapat kumilala sa kataasan ng mga diyos ng Ninive, na kanilang pinarangalan higit sa Kataastaasan. Isinugo ng Dios si Jonas sa kanila na taglay ang pabalita ng babala, at sa isang panahon ay nagpakababa sila sa Panginoon ng mga hukbo at humingi ng patawad. Datapuwat di nagtagal ay nagbalik muli sila sa pagsamba sa mga idolo at sa pagkubkob sa sanlibutan. PH 300.4
Si propeta Nahum, sa kanyang paglilitis sa mga gumagawa ng mga kasamaan sa Ninive, ay nagwika: PH 300.5
“Sa aba ng mabagsik na bayan!
Siya’y puspos na lubos ng kabulaanan at mga agaw;
Ang panghuhuli ay hindi tumitigil;
PH 300.6
“Ang higing ng panghagupit, at ang hugong ng pihit ng mga gulong,
At ng mga madambang kabayo, at ng lukso ng mga karo.
Ang sakay ng mga mangangabayo at ang kinang ng tabak,
at ang kislap ng sibat:
At isang karamihan na patay....
“Narito, Ako’y laban sa iyo,
Sabi ng Panginoon ng mga hukbo.” Nahum 3:1-5.
PH 301.1
May katiyakan na ang Isang Walang Hanggan ay patuloy na nagbabantay sa mga bansa. Samantalang ang Kanyang awa ay iginagawad, na may pagtawag na magsisi, ang talang ito ay nananatiling bukas; subalit kapag ang dami ay umabot sa palugit na itinakda ng Dios, ang gawain ng Kanyang galit ay nagsisimula. Ang tala ay sarado na. Ang banal na pasensiya ay naglalaho. Ang habag ay di na sasamo sa kapakanan nila. PH 301.2
“Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anumang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin: ang daan ng Panginoon ay sa ipu-ipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng Kanyang mga paa. Kanyang sinasaway ang dagat, at tinutuyo, at tinutuyo ang lahat na ilog: ang Basan ay nanlalata, at ang Carmel, at ang bulaklak ng Libano ay nalalanta. Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa Kanya, at ang mga burol ay nangatutunaw, at ang lupa’y lumilindol sa Kanyang harapan, oo, ang sanlibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito. Sino ang makatatayo sa harap ng Kanyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng Kanyang galit? Ang Kanyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy, at ang mga malaking bato ay nangatitibag Niya.” Nahum 1:3-6. PH 301.3
Sa gayon ang Ninive ay “masayang bayan na tumahang walang bahala, na nagsasabi sa sarili, Ako nga, at walang iba liban sa akin,” ano’t siya’y naging sira, “tuyo, at walang laman, at wasak,” “nandoon ang yungib ng mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon, at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila.” Zefanias 2:15; Nahum 2:10, 11. PH 301.4
Sa pagtingin sa hinaharap sa panahon na ang kayabangan ng Asyria ay masasadlak sa lupa, ipinopropesiya ni Zefanias tungkol sa Ninive: “At mga bakaha’y hihiga sa gitna niyaon, lahat ng hayop ng mga bansa: ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan; kasiraa’y sasapit sa mga pasukan: sapagkat Kanyang sinira ang mga yaring kahoy na cedro.” Zefanias 2:14. PH 301.5
Dakila ang kaluwalhadan ng kaharian ng Asyria; dakila rin naman ang kanyang pagkabagsak. Ang propeta Ezekiel, sa pagkukumpara sa hitsura ng marangyang puno ng cedar, ay malinaw na ipinopropesiya ang pagbagsak ng Asyria dahilan sa kanyang pagmamataas at kalupitan. Kanyang inihayag: PH 302.1
“Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoong Dios;.... Inilagay niya ang kanyang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, at ang kanyang puso ay nagmataas sa kanyang pagkataas; Aking ibibigay nga siya sa kamay ng makapangyarihan sa mga bansa; walang pagsalang siya’y susugpuin: Aking pinalayas siya dahil sa kanyang kasamaan. At inihiwalay siya at iniwan siya, ng mga taga ibang lupa, ng kakilakilabot sa mga bansa, sa ibabaw ng mga bundok at sa lahat ng mga libis ay nangalaglag ang kanyang mga sanga, at ang kanyang mga sanga ay nangabali sa siping ng lahat ng mga ilog ng lupain; at bumaba ang lahat ng tao sa lupa mula sa kanyang lilim, at iniwan siya. Sa kanyang guho ay magsisitahan ang lahat ng mga ibon sa himpapawid, at lahat ng mga hayop sa parang ay mangapapa sa kanyang mga sanga: upang walang magmataas sa kamlang kataasan sa lahat na punong kahoy sa siping ng tubig.... PH 302.2
“Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Nang araw na siya’y bumaba sa Sheol ay nagpatangis Ako:...at ang lahat na punong kahoy sa parang ay nanlupaypay dahil sa kanya. Aking niyanig ang mga bansa sa hugong na kanyang pagkabuwal.” Ezekiel 31:10-16. PH 302.3
Ang pagmamataas ng Asyria at pagbagsak nito ay magsisilbing aral para sa katapusan ng panahon. Sa mga bansa sa lupa ngayon na sa pagpapahalaga sa sarili at pagmamayabang sila ay humanay laban sa Kanya, ay nagtatanong ang Dios, “Sino ang gaya mong ganito sa kaluwalhadan at sa kalakhan sa gitna ng mga punong kahoy sa Eden? gayon ma y mabababa ka na kasama ng mga punong kahoy sa Eden, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa.” Talatang 18. PH 302.4
“Ang Panginoo’y mabuti, katibayan sa kaarawan ng kabagabagan; at nakikilala Niya yaong nangaglalagak ng kanilang tiwala sa Kanya. Ngunit sa pamamagitan ng manggugunaw na baha ay Kanyang lubos na wawakasan” ang lahat ng nagsisikap ng maging mas mataas kaysa sa Kataastaasan. Nahum 1:7, 8. PH 302.5
“Ang kapalaluan ng Asyria ay mababagsak, at ang setro ng Egipto ay mawawala.” Zacarias 10:11. Ito ay totoo hindi lamang sa mga bansang humanay laban sa Dios noong mga unang panahon, kundi sa mga bansa rin ngayon na nabigong tuparin ang banal na adhikain. Sa araw ng katapusan ng mga gantimpala, ang matuwid na Hukom ng buong lupa ay “igigin ang mga bansa” (Isaias 30:28), at silang iniingatan ang katotohanan ay pahihintulutang pumasok sa Siyudad ng Dios, ang mga pangunahin ng langit ay magpapatunog na may awit ng tagumpay ng natubos. “Kayo’y mangagkakaroon ng awit,” wika ng propeta, “na gaya ng sa gabi pagka ang banal na kapistahan ay ipinagdidiwang; at kasayahan ng puso, na gaya ng yumayaon na may plauta upang masok sa bundok ng Panginoon, sa Malaking Bato ng Israel. At ipanrinig ng Panginoon ang Kanyang maluwalhatmg tinig.... Sa pamamagitan ng nnig ng Panginoon ay mangagkakawatak-watak ang taga Asyria na nananakit ng pamalo. At bawat hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kanya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa.” Talatang 29-32. PH 302.6