ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 31—Pag-asa sa mga Pagano
Sa buo niyang ministeryo si Isaias ay nagdala ng malinaw na patotoo tungkol sa adhikain ng Dios para sa mga pagano. Binanggit ng ibang mga propeta ang banal na mga panukala, ngunit ang kanilang mga pangungusap ay hindi laging naunawaan. Kay Isaias ay nabigay na gawing maliwanag sa Juda ang katotohanang marami sa Israel ng Dios ay mabibilang na hindi kalahi ni Abraham sa laman. Ang aral na ito ay hindi katugma ng teolohiya ng kapanahunan niya, gayunman ay walang takot na inihayag niya ang pabalitang ibinigay sa kanya ng Dios at nagdala ng pag-asa sa maraming pusong nagnanais na makaabot sa mga espirituwal na pagpapalang ipinangako sa binhi ni Abraham. PH 304.1
Ang apostol sa mga Gentil, sa kanyang sulat sa mga mananampalataya sa Roma, ay tinawagan ng pansin ang mga katangian ng turo ni Isaias. “Si Isaias ay buong tapang,” pahayag ni Pablo, “na nagsasabi, Ako’y nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap sa Akin; nahayag Ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa Akin.” Roma 10:20. PH 304.2
Madalas ang mga Israelita ay hindi makaunawa o hindi handang umunawa ng adhikain ng Dios sa mga pagano. Gayunman sa ganitong adhikain na nagawa silang bukod na bayan at natatag bilang malayang bansa sa mga bansa sa lupa. Si Abraham, na kanilang ama, na siyang unang binigyan ng pangako ng tipan, ay tinawagan mula sa kanyang mga kaanak, tungo sa kabilang mga rehiyon, upang siya ay maging tagapagdala ng liwanag sa mga pagano. Bagaman ang pangako sa kanya ay kasama ang binhing sindami ng buhangin sa dagat, ngunit hindi sa makasariling adhikain na siya ay maging tagapagtatag ng daldlang bansa sa lupain ng Canaan. Ang tipan ng Dios sa kanya ay kalakip ang lahat ng mga bansa sa lupa. “Ikaw ay AJdng pagpapalain,” pahayag ni Jehova, “at padadakilain Ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: at pagpapalain Ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain Ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.” Genesis 12:2, 3. PH 304.3
Sa pag-uulit ng tipan bago isilang si Isaac, ang adhikain ng Dios sa sangkatauhan ay muling nilinaw. “Pagpalain sa kanya ang lahat ng bansa sa lupa,” ang kasiguruhang ibinigay ng Panginoon ukol sa pinangakong binhi. Genesis 18:18. At pagkaraan noon ang panauhing mula sa langit ay muling nagpahayag, “Pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa.” Genesis 22:18. PH 305.1
Ang lahat na naglalakip na mga kasunduan ng tipan ay alam ng mga anak ni Abraham at ng anak ng mga anak niya. Ito ay upang ang mga Israelita ay maging pagpapala sa mga bansa, at upang ang pangalan ng Dios ay matanyag “sa buong lupa” (Exodo 9:16), na sila ay imligtas mula sa pagkaalipin sa Egipto. Kung magiging masunurin sa Kanyang mga kahilingan, sila ay makahihigit sa karunungan at pagkaunawa sa ibang mga bayan; datapuwat ang pangungunang ito ay makakamtan lamang at mapapanatili upang sa pamamagitan nila ang adhikain ng Dios para sa “lahat ng mga bansa” ay maisakatuparan. PH 305.2
Ang mga kahanga-hangang paglalaan na may kinalaman sa pagliligtas sa Israel mula sa pagkaalipin sa Egipto at ng kanilang pagaangkin ng Lupang Pangako ay umakay sa maraming pagano na kilalamn ang Dios ng Israel bilang Pinakamataas na Hari. “Malalaman ng mga taga Egipto,” ipinangako sa kanila, “na Ako ang Panginoon, pagka inunat Ko sa Egipto ang Aking kamay, at pagka inilabas Ko ang mga anak ni Israel sa gitna nila.” Exodo 7:5. Kahit pa ang hambog na si Faraon ay napilitang kilalanin ang kapangyarihan ni Jehova. “Kayo y yumaong maglingkod sa Panginoon,” inutusan Niya si Moises at Aaron, “at pagpalain din naman ninyo ako.” Exodo 12:31,32. PH 305.3
Ang nagpapatuloy na mga hukbo ng Israel ay nasumpungang ang pagkaalam ng makapangyarihang mga gawa ng Dios ng mga Hebreo ay nauna na sa kanila, at ang ilan sa mga pagano ay natututuhang Siya lamang ang tunay na Dios. Sa masamang Jerico ang patotoo ng isang babaeng pagano ay, “Ang Panginoon ninyong Dios, ay Siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.” Josue 2:11. At ang pagkakilala kay Jehovang dumating sa kanya, ay naging kaligtasan niya. Sa pananampalataya ',y “hindi napahamak si Rahab na kasama ng mga manunuway.” Hebreo 11:31. At ang pagkahikayat niya ay hindi nag-iisang pangyayan ng biyaya ng Dios sa mga mananamba sa diyus-diyusan na kumilala ng Kanyang banal na otoridad. Sa gitna ng mataong lupain— ang mga Gibeon—iniwaksi ang kanilang pagiging pagano at makipag-isa sa Israel, ay nakabahagi sa mga pagpapala ng tipan. PH 305.4
Walang pagkakabukod dahilan sa bansa, lipi, lahi, o uri ang kinikilala ng Dios. Siya ang Lumikha ng sangkatauhan. Ang lahat na tao ay isang pamilya ayon sa paglalang, at lahat ay isa sa pamamagitan ng pagtubos. Naparito si Kristo upang buwagin ang lahat ng pader na nagbubukod, upang buksan ang bawat silid ng mga korte ng templo, upang ang bawat kaluluwa ay malayang makalapit sa Dios. Ang pagibig Niya ay napakalawak, napakalalim, punong-puno, na ito ay lumalagos kahit saan. Nag-aahon sa impluwensya ni Satanas sa mga nalunod ng kanyang mga pandaraya, at inilalagay sila sa dakong abot ng trono ng Dios, ang tronong napapaligiran ng bahaghari ng pangako. Kay Kristo ay walang Judio o Griego, alipin o laya. PH 306.1
Sa mga taong kasunod ng pagpasok sa Lupang Pangako, ang mga masaganang kaloob ni Jehova sa ikaliligtas ng mga pagano ay halos lubusang nawala, at naging kailangan sa Kanya na muling ihanda ang Kanyang piano. “Lahat ng mga wakas ng lupa,” inspiradong inawit ng mang-aawit, “ay makakaalaala at magsisipanumbalik sa Panginoon: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap Mo.” “Mga pangulo ay magsisilabas sa Egipto; magmamadali ang Etiopia na igawad ang kanyang mga kamay sa Dios.” “Sa gayo’y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon, at ng lahat ng hari sa lupa ang Iyong kaluwalhatian.” “Ito’y isusulat na ukol sa lahing susunod: at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon. Sapagkat Siya’y tumungo mula sa kaitaasan ng Kanyang santuwaryo; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit; upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo; upang kalagan yaong nangaitakdang patayin; upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion, at ang Kanyang kapurihan sa Jerusalem; nang ang mga bayan ay mapisan, at ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.” Awit 22:27; 68:31; 102:15, 18-22. PH 306.2
Kung ang Israel ay naging tapat sa kanyang kapanagutan, lahat ng mga bansa sa lupa ay nakabahagi sana sa kanyang mga pagpapala. Datapuwat ang mga puso nilang pinagkatiwalaan ng kaalaman ng nagliligtas na katotohanan, ay hindi nakilos ng mga pangangailangan ng nakapalibot sa kanila. Nang ang layunin ng Dios ay nawala, ang mga pagano ay itinuring na malayong maaabot pa ng Kanyang biyaya. Ang liwanag ng katotohanan ay ipinagkait, at ang kadiliman ay namayani. Ang mga bansa ay nakalatan ng tabing ng kawalang kaalaman; ang pag-ibig ng Dios ay bahagya nang makilala; ang kamalian at pamahiin ay lumaganap. PH 306.3
Ganoon ang tanawing sumalubong kay Isaias nang siya ay tawagan sa gawain ng pagiging propeta; gayunman ay hindi siya nasiraan ng loob, sapagkat ang umuugong sa kanyang mga tainga ay ang matagumpay na awit ng mga anghel na nakapalibot sa trono ng Dios, “.Ang buong lupa ay napuno ng Kanyang kaluwalhatian.” Isaias 6:3. At ang pananampalataya niya ay pinalakas pa ng mga pangitain ng mga maluwalhating pagtatagumpay ng iglesia ng Dios, kapag “ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.” Isaias 11:9. “Ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at ang lambong na naladlad sa lahat na bansa,” ay sa wakas ay wawasakin. Isaias 25:7. Ang Espiritu ng Dios ay ibubuhos sa lahat ng laman. Silang nauuhaw at nagugutom sa katuwiran ay mabibilang sa Israel ng Dios. “At sila’y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga bads,” wika ng propeta. “Sasabihin ng isa, ako’y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kanyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat ng pangalan ng Israel.” Isaias 44:4, 5. PH 307.1
Sa propeta ay ibinigay ang mabiyayang paghahayag ng panukala ng Dios sa pangangalat ng ayaw magsisi na Juda sa mga bansa ng lupa. “Kaya’t makikilala ng Aking bayan ang Aking pangalan,” ipinahayag ng Panginoon; “kaya’t matatalastas nila sa araw na yaon, na Ako yaong nagsasalita.” Isaias 52:6. At hindi lamang nila matututuhan ang mga liksyon ng pagsunod at pagtitiwala; sa mga dakong pagtatapunan sa kanila ay magbabahagi rin sila sa iba ng pagkakilala sa Dios na buhay. Marami sa mga anak ng taga-ibang lupa ay matututuhan Siyang mahalin bilang kanilang Manlalalang at kanilang Manunubos; pasisimulan nilang ipangilin ang Kanyang banal na araw ng Sabbath bilang alaala ng Kanyang kapangyarihang lumalang; at kapag “hinubdan ng Panginoon ang Kanyang banal na bisig sa harap ng mga mata ng lahat na bansa,” upang palayain mula sa pagkabihag ang Kanyang bayan, “lahat na wakas ng lupa” ay makikita ang pagliligtas ng ating Dios.” Talatang 10. Marami sa mga nahikayat na ito mula sa pagiging pagano ay magnanais na makiisa ng lubusan sa mga Israelita sa pagbabalik nila sa Judea. Walang sinuman sa mga ito ang magsasabing, “Tunay na ihihiwalay ako ng Panginoon sa Kanyang bayan” (Isaias 56:3), sapagkat ang salita ng Dios sa Kanyang propeta doon sa mga nagsusuko ng kanilang sanli sa Kanya at mag-imgat ng Kanyang kautusan ay dapat na ngayong mabilang na kasama ng espirituwal na Israel—ang Kanyang iglesya sa lupa. PH 307.2
“Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa Kanya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kanyang mga lingkod, bawat nangingilin ng Sabbath upang huwag lapastanganin, at nag-imgat ng Aking tipan; sila ay dadalhin Ko sa Aking banal na bundok, at papagkakatuwain Ko sila sa Aking bahay na dalangman: ang kanilang mga handog na susunugm at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa Aking dambana; sapagkat ang Aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan. Ang Panginoong Dios na pumipisan ng mga itinapon sa Israel ay nagsasabi, Magpipisan pa Ako ng mga iba sa Kanya, bukod sa Kanyang sarili na nangapisan.” Talatang 6-8. PH 308.1
Ang propeta ay pinahintulutang tumingin sa nakaraang daan taon hanggang sa panahon ng pagdating ng ipinangakong Mesias. Sa una ay nakita lamang niya ang “kahirapan at kadiliman, ulap ng kahapisan, at salimuot na kadiliman.” Isaias 8:22. Marami sa mga naghahangad ng liwanag ng katotohanan ay inililigaw ng mga bulaang guro sa mga nakagugulong pilosopiya at espiritismo; ang iba ay inilalagay ang tiwala sa mga porma ng kabanalan, ngunit hindi naman nagdadala ng tunay na kabanalan sa kanilang pamumuhay. Ang tanawin ay parang walang pag-asa; ngunit di nagtagal ay nagbago ang tanawin, at sa paningin ng propeta ay inilahad ang kahanga-hangang pangitain. Nakita niya ang Araw ng Katuwirang bumangong taglay ang pagpapagaling sa Kanyang pakpak; at, nawala sa paghanga, ay nasambit niya: “Gayon man ay hindi magkakaroon ng pag-uulap sa kanya na nasa kahapisan, nang unang panahon ay dinala Niya sa pagkawalang kabuluhan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, ngunit sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa. Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.” Isaias 9:1, 2. PH 308.2
Ang maluwalhating Liwanag na ito ng sanlibutan ay magdadala ng kaligtasan sa bawat bansa, lahi, wika, at bayan. Tungkol sa gawaing nasa harapan Niya, narinig ng propeta ang pahayag ng walang hanggang Ama: “Totoong magaan ang bagay na Ikaw ay naging Aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel: Ikaw ay Aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil, upang Ikaw ay maging Aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.” “Sa kalugud-lugod na panahon ay sinagot Kita, at sa araw ng pagliligtas ay dnutulungan Kita: at Aking iningatan Ka, at ibibigay Kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana; na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo’y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Paldta kayo.” “Narito, ang mga ito’y manggagaling sa malayo: at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan at mula sa kanluran; at ang mga ito ay mula sa lupam ng Sinim.” Isaias 49:6, 8, 9, 12. PH 308.3
Patuloy pa sa pagtanaw sa hinaharap, nakita ng propeta ang literal na katuparan ng mga maluwalhating pangakong ito. Nakita niya ang mga tagapagdala ng mga mabuting balita ng kaligtasan na humahayo hanggang sa mga hangganan ng lupa, sa bawat lipi at bayan. Narinig niya ang Panginoon na nangungusap sa iglesia ng ebanghelyo, “Narito, Ako’y maggagawad ng kapayapaan sa kanya na parang isang ilog, at ang kaluwalhatian ng mga Gentil ay parang malaking baha;” at narinig niya ang ipinagagawa, “Iyong palakhin ang dako ng iyong tolda, at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan: huwag kang mag-urong, habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos; sapagkat ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa; at ang iyong lahi ay mag-aari ng mga bansa.” Isaias 66:12; 54:2, 3. PH 309.1
Inihayag ng Jehova sa propeta na isusugo Niya ang Kanyang mga saksi “sa mga bansa, sa Tarsis, Pul, at Lud,...sa Tubal, at Javan, at sa mga pulong malayo.” Isaias 66:19. PH 309.2
“Anong pagkaganda sa mga bundok
Ng mga paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita,
Na naghahayag ng kapayapaan;
Na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti,
Na nagtatanyag ng kaligtasan;
Na nagsasabi sa Sion, Ang iyong Dios ay naghahan!” Isaias 52:7.
PH 309.3
Narinig ng propeta ang tinig ng Dios na tumatawag sa Kanyang iglesia sa kanyang itinalagang gawain, upang ang daan ay maihanda para sa pagtanggap sa Kanyang walang hanggang kaharian. Ang pabalita ay maliwanag: PH 309.4
“Ikaw ay bumangon, sumilang ka; sapagkat ang iyong liwanag ay dumating,
At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.
“Sapagkat, narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa,
At ng salimuot na dilim ang mga bayan:
Ngunit ang Panginoon ay sisikat sa iyo,
At ang Kanyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.
At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag,
At ang mga hari sa ningning ng iyong sikat.
“Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin:
Silang lahat ay nangagpipisan, sila’y nagsiparoon sa iyo:
Ang iyong mga anak na lalaki ay mangagmumula sa malayo,
At ang iyong mga anak na babae ay kakalungin.”
“At itatayo ng mga taga ibang lupa ang iyong mga kuta,
At ang kanilang mga hari ay magsisipangasiwa sa iyo:
Sapagkat sa Aking poot ay sinaktan kita,
Ngunit sa Aking biyaya at naawa Ako sa iyo,
Ang iyo namang mga pintuang bayan ay mabubukas na lagi;
Hindi masasara sa araw o sa gabi man;
Upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa,
Ang kanilang mga han ay makakasama nila.”
“Kayo’y magsitingin sa Akin, at kayo’y mangaligtas, lahat na taga
wakas ng lupa:
Sapagkat Ako’y Dios, at walang iba liban sa Akin.” Isaias 60:1-4, 10, 11; 45:22.
PH 310.1
Ang mga propesiyang ito ng dakilang paggising espirituwal sa panahon ng lubos na kadiliman ay natutupad ngayon sa pagpapasulong ng mga misyong nakakaabot sa mga liblib na dako ng lupa. Ang mga pulutong ng misyonero sa lupaing pagano ay inihalintulad ng propeta sa mga bandilang itinaas para sa patnubay noong mga naghahanap ng liwanag ng katotohanan. PH 310.2
“Sa araw na yaon,” sabi ni Isaias, “na ang angkan ni Isai, na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga bansa; at ang kanyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati. At mangyayari sa araw na yaon, na ilalapag ng Panginoon uli ang Kanyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa Kanyang bayan.... At Siya’y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa.” Isaias 11:10-12. PH 310.3
Ang araw ng pagliligtas ay narito na. “Ang mga mata ng Panginoon ay nagsisiyasat sa palibot ng buong lupa, upang pakilala na matibay sa ikagagaling ng mga yaon na ang puso ay sakdal sa Kanya.” 2 Cronica 16:9. Sa mga bansa, mga lipi, at mga wika, nakikita Niya ang mga lalaki at mga babae na nananalangin para sa liwanag at kaalaman. Ang mga kaluluwa nila ay di nasisiyahan: matagal nang sila ay kumakain ng abo. Tingnan ang Isaias 44:20. Ang kaaway ng lahat ng katuwiran ay isinaisantabi sila, at inalalayan silang parang bulag. Ngunit sila ay may taimtim na puso at nais matuto sa mabuting paraan. Bagaman na sa balon ng hedenismo, na walang pagkaalam sa nasusulat na utos ng Dios o ng tungkol sa Kanyang Anak na si Jesus, naipamalas nila sa maraming pamamaraan ang paggawa ng banal na kapangyanhan sa isipan at likas. PH 311.1
Kung minsan silang walang pagkakilala sa Dios bukod sa mula doon ay tumanggap sa ilalim ng mga paggawa ng banal na biyaya ay naging mabuti sa Kanyang mga lingkod, na ipinagsasanggalang sila kahit na katumbas ng kanilang sariling mga buhay. Itinatanim ng Banal na Espiritu ang biyaya ni Kristo sa puso ng maraming kagalanggalang na naghahanap ng katotohanan, ginigising sa kanyang simpatiya na kaiba sa kanyang likas, kaiba sa kanyang nalalaman. Ang “Ilaw na lumiliwanag sa bawat tao, na pumaparito sa sanlibutan” (Juan 1:9), ay sumisinag sa kanyang kaluiuwa; at ang Ilaw na ito, kapag inunawa, ay papatnubay sa kanyang landas tungo sa kaharian ng Dios. Ang propeta Mlikas ay nagwika: “Pagka ako’y naupo sa kadiliman, ang Panginoo’y magiging ilaw sa akin.... Kanyang ilalabas ako sa liwanag, at aking mamasdan ang Kanyang katuwiran.” Mikas 7:8, 9. PH 312.1
Ang panukala ng Langit sa kaligtasan ay sapat na malawak upang yapusin ang buong mundo. Nananabik ang Dios na hingahan ng hininga ng buhay ang sangkatauhang nakayupapa. At hindi Niya pahihintulutang mabigo ang kahit na sinong tapat na kaluiuwa na nagnanasa ng bagay na mas mataas at kagalang-galang na higit sa anumang maiaalok ng sanlibutan. Patuloy na isinusugo Niya ang Kanyang mga anghel sa kanilang, samantalang napapalibutan ng mga pangyayaring nakapanlulupaypay, gayunman ay nananalangin sa pananampalataya para sa kapangyanhang higit sa kanilang mga sarili na mag-aangkin sa kanila at magdadala ng kaligtasan at kapayapaan. Sa iba't ibang mga paraan ang Dios ay maghahayag ng Kanyang sarili sa kanila at maglalagay sa kanila sa mga pagpapala na magpapatatag ng kanilang pagtitiwala sa Isa na nagkaloob ng Kanyang sarili bilang pantubos para sa lahat, “upang kanilang mailagak ang kanilang pag-asa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, kundi ingatan ang Kanyang mga utos.” Awit 78:7. PH 312.2
“Makukuha baga ang huli sa makapangyarihan, o maliligtas ang mga talagang nabihag?” “Ngunit ganito ang sabi ng Panginoon, Pad ng mga bihag ng makapangyanhan ay kukunin, at ang huli ng kakilakilabot ay maliligtas.” Isaias 49:24, 25. “Sila’y mangapapahiyang mainam, na nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan, na nangagsasabi sa mga larawang binubo, Kayo’y aming mga diyos.” Awit 42:17. PH 312.3
“Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios!” Awit 146:5. “Mangagbalik kayo sa katibayan, kayong mga bilanggo na may pag-asa!” Zacarias 9:12. Sa lahat ng nasa lupaing pagano na tapat ang puso—“sa matuwid” sa paningin ng Langit—“ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman.” Awit 112:4. Sinabi ng Dios: “At Aking dadalhin ang bulag sa daan na hindi nila nalalaman; sa mga landas na hindi nila nalalaman ay papatnubayan Ko sila; Aking gagawing kadiliman ang liwanag sa harap nila, at mga likong daan ang matuwid. Ang mga bagay na ito ay Aking gagawin, at hindi Ko kalilimutan sila.” Isaias 42:16. PH 312.4