ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 29—Ang mga Embahador Mula sa Babilonia
Sa gitna ng kanyang masaganang paghahari si Haring Ezechias ay biglang dinapuan ng isang nakamamatay na sakit. “Nakamamatay na sakit,” ang kanyang kalagayan ay labas sa kapangyarihan ng tao para tumulong. Ang huling tanda ng pag-asa ay waring inalis nang humarap sa kanya si propeta Isaias taglay ang balitang, “Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong sambahayan: sapagkat ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.” Isaias 38:1. PH 281.1
Ang tanawin ay waring madilim; gayunman ang hari ay dumalangin pa rin sa Isa na hanggang sa panahong iyon ay naging kanyang “ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.” Awit 46:1. Nang magkagayo’y “kanyang ipinihit ang kanyang mukha sa panig ng bahay, at nanalangin sa Panginoon, na nagsasabi, Idinadalangin ko sa Iyo, Oh Panginoon, na Iyong alalahanin, kung paanong ako’y lumakad sa harap Mo sa katotohanan at may dalisay na puso, at gumawa ng mabuti sa Iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam.” 2 Hari 20:2, 3. PH 281.2
Mula sa panahon ni David wala pang haring naghan na nakagawa ng mga dakilang bagay sa pagtatayo ng kahanan ng Dios sa panahon ng pagtalikod at kawalang lakas tulad ni Ezechias. Ang hanng nagaagaw buhay ay naglingkod na tapat sa Dios, at napalakas ang tiwala ng bayan kay Jehova bilang kanilang Punong Hari. At, tulad ni David, ay maaari ngayon siyang sumamo: PH 281.3
“Masok ang aking dalangin sa Iyong harapan:
Ikiling Mo ang Iyong pakinig sa aking daing;
Sapagkat ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan:
At ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol.” Awit 88:2, 3.
PH 281.4
“Sapagkat Ikaw ay aking pag-asa, Oh Panginoong Dios:
Ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
Sa pamamagitan Mo ay naalalayan Mo ako mula sa bahay-bata.”
PH 281.5
“Huwag Mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanlulupaypay.”
“Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin:
Oh Dios ko, magmadali Kang tulungan Mo ako.”
“Oh Dios, huwag Mo akong pabayaan;
Hanggang sa aking maipahayag ang Iyong kalakasan sa sumusunod na lahi’
Ang Iyong kapangyarihan sa bawat isa na darating.” Awit 71:5, 6, 9, 12, 18.
PH 282.1
Siyang ang “habag ay hindi nauubos,” ay nadinig ang dalangin ng Kanyang lingkod. Panaghoy 3:22. “At nangyari, bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kanya, na nagsasabi, Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na pangulo ng Aking bayan, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong magulang, Aking narinig ang iyong panalangin, Aking nakita ang iyong mga luha: narito, Aking pagagalingin ka: sa ikadong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon. At Aking idadagdag sa iyong mga kaarawan ay labing limang taon; at Aking ililigtas ka at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asyria; at Aking ipagsasanggalang ang bayang ito dahil sa Akin, at dahil sa Aking lingkod na si David.” 2 Hari 20:4-6 PH 282.2
Magalak na nagbalik ang propeta taglay ang salita ng kasiguruhan at pag-asa. Nag-utos na isang bungkos ng igos ay itapal sa bahagi ng katawang may sakit, dinala ni Isaias sa hari ang pabalita ng kahabagan at pag-iingat ng Dios. PH 282.3
Tulad ni Moises sa lupain ng Madian, tulad ni Gideon sa harap ng mensahero ng langit, tulad ni Eliseo bago kunin sa itaas ang kanyang panginoon, nagsumamo si Ezechias na bigyan siya ng tanda upang malamang ang pabalita ay mula sa langit. “Ano ang magiging tanda,” tanong niya sa propeta, “na ako’y pagagalingin ng Panginoon, at ako’y sasampa sa bahay ng Panginoon sa ikadong araw?” PH 282.4
“Ito ang magiging tanda sa iyo na mula sa Panginoon,” sagot ng propeta, “na gagawin ng Panginoon ang bagay na Kanyang sinalita: magpapauna ba ang anino ng sampung grado, o magpapahuli ng sampung grado?” “Magaang bagay,” sagot ni Ezechias, “sa anino na kumiling ng sampung grado: hindi, kundi pahulihin ang anino ng sampung grado.” PH 282.5
Sa pamamagitan lamang ng tuwirang pakikialam ng Dios na ang anino ng orasan ay maipapahuli ng sampung grado; at ito ang magiging tanda para kay Ezechias na dininig ng Panginoon ang kanyang panalangin. Sang-ayon dito, “At si Isaias na propeta ay dumalangin sa Panginoon: at kanyang pinagpahuli ang anino ng sampung grado, na nakababa na sa orasan ni Ahaz.” Talatang 8-11. PH 282.6
Naisauli sa kanyang dating kalakasan, kinilala ng hari ng juda sa pamamagitan ng mga salita sa awit ang mga kahabagan ni Jehova, at sumumpang gugu-gulin ang nalalabing mga taon ng kanyang buhay sa kusang loob na paglilingkod sa Hari ng mga han. Ang mapagpasalamat na pagkilala niya sa mahabaging pakikitungo sa kanya ng Dios ay inspirasyon sa lahat ng magnanais gugulin ang kanilang mga taon sa ikaluluwalhati ng kanilang Manlalalang. PH 283.1
“Aking sinabi
Sa katanghalian ng aking mga kaarawan,
Ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol:
Ako’y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon.
“Aking sinabi,
Hindi ko makikita ang Panginoon, ang Panginoon, sa lupain ng buhay:
Hindi ko na makikita pa ang tao na kasama ng mga nananahan sa
sanlibutan.
“Ang tirahan ko y inaalis,
At dinadala na gaya ng tolda ng pastor
“Aking pinupulon ang aking buhay, na gaya ng pagpupulon ng manghahabi:
Kanyang ihihiwalay ako sa habihan:
“Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin Mo ako.
Ako',y tumigil hanggang sa kinaumagahan,
Katulad ng leon, gayon Niya binabali ang lahat kong mga buto:
“Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin Mo ako.
Gaya ng langay-langayan o ng tagak, humihibik ako:
Ako ',y tumangis na parang kalapati:
Ang aking mga mata ay nangangalumata sa pagtingala:
Oh Panginoon, ako',y napipighati; Ikaw nawa’y maging tanggulan sa akin.
“Anong aking sasabihin?
Siya’y nagsalita sa akin.
At Kanya namang ginawa:
Ako’y yayaong marahan lahat kong taon, dahil sa paghihirap ng aking
kaluluwa.
PH 283.2
“Oh Panginoon, sa pamamagitan ng mga bagay na ito,
nabubuhay ang mga tao,
At buong nasa ilalim niyan ang buhay ng aking diwa:
Kaya’t pagalingin Mo ako, at ako’y Iyong buhayin.
“Narito, sa along ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap:
Ngunit Ikaw sa pag-ibig Mo sa aking kaluluwa ay Iyong iniligtas sa hukay
ng kabulukan:
“Sapagkat Iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan
sa Iyong likuran.
“Sapagkat hindi Ka maaring purihin ng Sheol,
Hindi Ka maaaring ipagdiwang ng kamatayan:
Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa Iyong katotohanan.
“Ang buhay, ang buhay, siya’y pupuri sa Iyo,
Gaya ng ginagawa ko sa araw na ito:
Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng Iyong katotohanan.
“Ang Panginoon ay handa upang iligtas ako:
Kaya’t aming aawitin ang aming mga awit sa mga panugtog na kawad
Lahat ng kaarawan ng aming buhay sa bahay ng Panginoon.” Isaias 38:10-20.
PH 284.1
Sa mga mabungang kapatagan ng Tigris at Eufrates ay may nakatahang isang matandang lahing, bagaman sa panahong iyon ay nasa ilalim pa ng Asyria, nakatalagang maghari sa sanlibutan. Kabilang sa bayang ito ay mga pantas na tao na lalong nagbibigay ng panahon sa pag-aaral ng astronomiya; at nang mapansin nilang ang kamay ng orasan ay umatras ng sampung antas, sila ay lubhang nagtaka. Ang kanilang hari, si Merodakbaladan, nang malamang ang tandang ito ay naganap bilang tanda sa hari ng Juda na ang Dios ng langit ay pinagkalooban siya ng panibagong buhay, ay nagpadala ng mga embahador kay Ezechias upang batiin siya sa kanyang paggaling at matutuhan, kung maaari, ang higit pa tungkol sa Dios na nakagagawa ng gayong dakilang himala. PH 284.2
Ang pagdalaw ng mga embahador na ito mula sa hari ng malayong lupain ay nagbigay ng pagkakataon kay Ezechias na papurihan ang Dios na buhay. Gaano nga kadali para sa kanya na magbalita sa kanila ng tungkol sa Dios, ang nagpapanatili ng lahat ng mga bagay na nilalang, na sa pamamagitan Niya ang kanyang buhay ay napanatili gayong wala nang pag-asa pa! Anong kamangha-manghang pagbabago ang nagawa sana sa mga naghahanap na ito ng katotohanan mula sa mga kapatagan ng Chaldeo kung sila ay nadala sa pagkakilala ng pinakamataas na pagiging hari ng Dios na buhay! PH 284.3
Datapuwat ang pagmamataas at pagpapawalang halaga ang namahay sa puso ni Ezechias at ang pagmamapuri sa sarili ang umakay sa kanya upang ilantad sa mga gahamang mata ang mga kayamanang kaloob ng Dios para sa Kanyang bayan. Ang hari ay “ipinakita sa kanila ang bahay ng kanyang mahalagang bagay, ang pilak, at ang ginto, at ang mga especia, at ang mahalagang langis, at ang buong bahay na kanyang sakbatan, at lahat na nandoon sa kanyang mga kayamanan: walang bagay sa kanyang bahay, o sa buong sakop man niya, na hindi ipinakita ni Ezechias sa kanila.” Isaias 39:2. Hindi upang mapapurihan ang Dios na ginawa niya ito, kundi upang itaas ang sarili sa paningin ng mga prinsipe ng ibang lupa. Hindi niya naisip na ang mga taong ito ay mga kinatawan ng isang makapangyanhang bansa na wala ang takot o ang pag-ibig sa Dios sa kanilang mga puso, at kawalang ingat na pagkatiwalaan sila tungkol sa mga pansamantalang kayamanan ng bansa. PH 285.1
Ang pagdalaw ng mga embahador kay Ezechias ay pagsubok sa kanyang pagpapasalamat at debosyon. Wika ng tala, “Gayon ma’y sa bagay ng mga sugo ng mga prinsipe sa Babilonia, na nangagsugo sa kanya upang mag-usisa ng kagila-gilalas na gawa sa lupain ay pinabayaan siya ng Dios upang dkman siya, upang Kanyang maalaman ang lahat na nasa kanyang puso.” 2 Cronica 32:31. Kung napasulong lamang ni Ezechias ang pagkakataong kaloob sa kanya upang magpatotoo sa kapangyarihan, sa kabutihan, sa kahabagan, ng Dios ng Israel, ang magiging ulat ng mga embahador ay matutulad sana sa liwanag na naglalagos sa kadiliman. Ngunit itinaas niya ang sarili kaysa Panginoon ng mga hukbo. “Ngunit si Ezechias ay hindi nagbayad uli ng ayon sa kabudhang ginawa sa kanya; sapagkat ang kanyang puso ay nagmataas.” Talatang 25. PH 285.2
Anong nakapipinsalang mga resulta ang sumunod na pangyayari! Kay Isaias ay naipahayag na ang mga bumabalik na mga sugo ay may dalang ulat tungkol sa kayamanan na kanilang nakita, at ang hari ng Babilonia at ang kanyang mga tagapayo ay nagpaplanong payamanin ang kanilang sariling bansa sa mga kayamanan ng Jerusalem. Nagkasala ng mabigat si Ezechias; “kayaapos;t nagkaroon ng kapootan sa kanya, at sa Juda, at sa Jerusalem.” Talatang 25. PH 285.3
“Nang magkagayo’y dumating si Isaias na propeta sa Haring Ezechias, at nagsabi sa kanya, Anong sinabi ng mga lalaking ito? at saan nanggaling na nagsipanto sila sa iyo? At sinabi ni Ezechias, Sila’y nagsiparito sa akin mula sa malayong lupain, sa Babilonia. Nang magkagayo’y sinabi niya, Anong kanilang nakita sa iyong bahay? At sumagot si Ezechias, Lahat ng nangasa aking bahay ay kanilang nakita: walang anumang bagay sa aking mga kayamanan na hindi ko ipinakita sa kanila. PH 285.4
“Nang magkagayo’y sinabi ni Isaias kay Ezechias, Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon ng mga hukbo: Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, na ang lahat na nangasa iyong bahay, at ang mga tinangkilik ng iyong mga magulang hanggang sa kaarawang ito, dadalhin sa Babilonia: walang maiiwan, sabi ng Panginoon. At sa iyong mga anak na magmumula sa iyo, na ipanganganak sa iyo, ay kanilang dadalhin; at sila’y magiging mga bating sa bahay ng hari sa Babilonia. PH 286.1
“Nang magkagayo',y sinabi ni Ezechias kay Isaias, Mabuti ang salita ng Panginoon na iyong sinalita.” Isaias 39:3-8. PH 287.1
Puspos ng pagsisisi, “nagpakababa si Ezechias dahil sa kapalaluan ng kanyang puso, siya at gayon din ang mga taga Jerusalem, na anupa’t ang poot ng Panginoon ay hindi dumating sa kanila sa mga kaarawan ni Ezechias.” 2 Cronica 32:26. Datapuwat ang masamang binhi ay naipunla na at sa tamang panahon ay sisibol at mag-aani ng pagkawasak at pagkaaba. Sa nalalabing mga taon niya ang hari ng Juda ay sasagana pa dahilan sa kanyang kapasyahang tubusin ang nakaraan at magdala ng karangalan sa pangalan ng Dios na kanyang pinaglilingkuran; gayunman ang pananampalataya niya ay lubos na nasubok, at kanpng dapat matututuhan na sa pagtitiwala lamang kay Jehova na sip ay makakaasa sa tagumpay laban sa puwersa ng kadiliman na nagbabanta laban sa kanyang pagbagsak at sa lubusang pagkawasak ng kanyang bayan. PH 287.2
Ang kasaysayan ng pagkabigo ni Ezechias na maging tapat sa kanpng gawain sa panahon ng pagdalaw ng mga embahador ay puno ng mga aral para sa lahat. Higit pa sa ating ginagawa, kailangan nating ibalita ang mga mahahalagang kabanata na ating naranasan, ng kahabagan at kagandahang loob ng Dios, at walang kasing lalim na pag-ibig ng Tagapagligtas. Kapag ang isipan at puso ay puspos ng pag-ibig ng Dios, hindi magiging mahirap na ihayag yaong pumapasok sa kabuhayang espirituwal. Ang mga dakilang isipan, mga banal na adhikain, malilinaw na pagkaunawa ng katotohanan, mga hindi makasariling adhikain, mga pagnanais ng pagtatapat sa Dios at sa kabanalan, ay makasu-sumpong ng pagpapahayag sa salita na naghahayag ng likas ng kayamanan ng puso. PH 287.3
Silang kasalamuha natin sa bawat araw ay nangangailangan ng ating tulong, ng ating patnubay. Maaaring ang nasabi natin sa tamang panahon ay mapako sa kanilang isipan. Bukas ilan sa mga kaluluwang ito ay hindi na natin muling maaabot pa. Ano ang impluwensya natin sa ating mga kapwa manlalakbay? PH 287.4
Bawat araw ng buhay ay puno ng mga responsibilidad na dapat nating dalhin. Bawat araw, ang ating mga salita at mga kilos ay nagbibigay ng impresyon sa ating nakakasalamuha. Gaano nga ang daldlang pangangailangan na ating ingatan ang ating mga labi at bantayang mabuti ang ating mga hakbang! Isang walang ingat na kilos, isang maling hakbang, at malalakas na alon ng tukso ay aagos sa kaluluwa tungo sa pabulusok na landas. Hindi natin matitipon pang muli ang mga isipang naipunla natin sa isipan ng mga tao. Kung ang mga ito ay masama, nasimulan natin ang sunud-sunod na pagkakataon ng kasamaan, na wala na tayong kapang-yarihang pigilan pa. PH 287.5
Sa kabilang dako, kung sa ating halimbawa ay matulungan natin ang iba sa pagpapalago ng mabuting simulain, nabibigyan natin sila ng kapangyarihang gumawa ng kabutihan. At sila naman ay magsasabog din ng gayong kabutihan sa iba. Sa ganito daan-daan at libu-libo ang natutulungan ng ating impluwensya. Ang tunay na alagad ni Kristo ay nagpapalakas ng mabubuting adhikain ng lahat ng kanyang nakakatagpo. Sa harapan ng sanlibutang walang pananampalataya, nagmamahal sa kasalanan, inihahayag niya ang kapangyarihan ng biyaya ng Dios at ang kasakdalan ng Kanyang likas. PH 288.1