ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

32/69

Kabanata 27—Si Ahaz

Ang pag-upo ni Ahaz sa trono ng Juda ay nagdala kay Isaias at sa mga kasama niya sa mga kundisyong higit na nakalulunos sa alin mang naganap sa kahanan ng Juda. Marami sa kanilang tumanggi sa mga gawang makadiyus-diyusan ngayon ay inaalok na makibahagi sa pagsamba sa mga diyos ng pagano. Ang mga prinsipe sa Israel ay napatutunayang di tapat sa kanilang tungkulin; ang mga bulaang propeta ay bumabangon taglay ang mga pabalitang nagpapaligaw; mayroon ding mga saserdote na nagtuturo na paupahan. Sa kabila noon ang mga namuno sa pagtalikod ay patuloy na ginagawa ang porma ng banal na pagsamba at nag-aangkin pa ring sila ay kabilang sa bayan ng Dios at patuloy pa sa porma ng pagsamba sa Dios. PH 267.1

Si propeta Mikas, na naghatid ng kanyang patotoo sa magulong panahong iyon, ay naghayag na ang mga makasalanan sa Sion ay, bagama ',t nagsasabing “sasandal sa Panginoon,” at may paglapastangan sa Dios na nagmamalaking, “Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang daradng sa atm,” ay patuloy na “itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.” Mikas 3:11, 10. Laban sa mga kasamaang ito ang propeta Isaias ay nagtaas ng tinig ng matigas na sansala: “Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga pinuno ng Sodoma; mangakimg kayo sa kautusan ng ating Dios, kayong bayan ng Gomorra. Sa anong kapararakan ang karamihan ng myong mga ham sa Akin? sabi ng Panginoon.... Nang kayo’y magsidating na pakita sa harap Ko, sinong humingi nito sa inyong kamay, upang myong yapakan ang Aking mga laban?” Isaias 1:10-12. PH 267.2

Inihahayag ng Kasulatan, “Ang hain ng masama ay karumal-dumal: gaano pa nga, pagka kanyang dinadala na may masamang isip?” Kawikaan 21:27. Ang Dios ng langit ay “may mga matang malinis,” at hindi “makatitingin sa kasamaan.” Habacuc 1:13. Hindi sa ayaw Niyang magpatawad kaya Siya’y tumatalikod sa lapastangan; kundi sila mismo ang ayaw gamitin ang saganang kaloob ng biyaya, kaya di magawa ng Dios na mailayo sila mula sa kasalanan. “Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang Kanyang pakinig, na di makarinig: kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng Kanyang mukha sa inyo, upang Siya’y huwag makinig.” Isaias 59:1, 2. PH 267.3

Sinulat ni Solomon, “Sa aba mo, Oh lupain, kung ang iyong hari ay isang bata!” Eclesiastes 10:16. At gayon nga sa lupain ng Juda. Sa patuloy na paglabag ang mga pinuno niya ay natulad sa mga bata. Tinawagan ni Isaias ng pansin ang bayan sa mahina nilang katayuan sa mga bansa sa lupa, at ipinakitang ito ay bunga ng kasamaan sa mga matataas na dako. “Narito,” sabi pa niya, “ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay nag-aalis sa Jerusalem at sa Juda ng alalay at tungkod, ng buong alalay na tinapay at ng buong alalay na tubig; ng makapangyarihang lalaki, at ng lalaking mandirigma, ng hukom, at ng propeta, at ng manghuhula, at ng matanda, ng kapitan ng lilimampum, at ng marangal na tao, at ng tagapayo, at ng bihasang manggagawa, at ng matalinong mang-eengkanto. At mga bata ang ilalagay Kong maging kanilang mga pangulo, at mga sanggol ang magpupuno sa kanila.” “Sapagkat ang Jerusalem ay giba, at ang Juda ay bagsak: sapagkat ang kanilang dila at ang kanilang mga gawa ay laban sa Panginoon.” Isaias 3:1-4, 8. PH 268.1

“Silang nagsisipatnubay sa iyo,” patuloy ng propeta, “mangagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas.” Talatang 12. Sa paghahari ni Ahaz ito ay literal na totoo; sapagkat tungkol sa kanya ay nasulat: “Siya’y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, at iginawa rin naman ng mga larawang binubo ang mga Baal. Bukod dito’y nagsunog siya ng kamangyan sa libis ng anak ni Hinnom;” “oo, at kanyang pinaraan ang kanyang anak sa apoy, ayon sa mga karumal-dumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon mula sa harap ng mga anak ni Israel.” 2 Hari 16:3. PH 268.2

Ito ay tunay na panahon ng dakilang panganib para sa bayang pinili. Ilang taon lamang, at ang sampung tribo ng kaharian ng Israel ay mangangalat sa mga bansang pagano. At sa kaharian din ng Juda ay madilim din ang tanawin. Ang mga puwersa ng kabutihan ay mabilis na humihina, at lumalakas naman ang mga puwersa ng kasamaan. Sa pagtingin sa sitwasyon, ang propetang Mikas ay napilitang magsabi: “Ang mabudtig tao ay namatay sa lupa: at wala nang matuwid sa mga tao.” “Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag: ang pina-kamatuwid ay masama kaysa isang bakod na tinikan.” Mikas 7:2, 4. “Kung hindi nag-iwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo,” pahayag ni Isaias, “naging gaya sana tayo ng Sodoma, at...ng Gomorra.” Isaias 1:9. PH 268.3

Sa bawat panahon, sa kapakanan nilang nanatiling tapat, at dahilan na rin sa walang katapusang pag-ibig ng Dios sa nagkakasala, ang Dios ay nagtitiyaga sa mapanghimagsik, at sumasamong iwanan nila ang landas ng kasamaan at manumbalik sa Kanya. “Utos at utos; bilin at bilin, ...dito’y kaunti, at doo’y kaunri,” sa pamamagitan ng Kanyang mga hinalal, tinuruan Niya ang mga mananalangsang ng paraan ng katuwiran.” Isaias 28:10. PH 269.1

At ganito sa panahon ng paghahari ni Ahaz.. Magkakasunod na paanyaya ay ipinadala sa lumalabag na Israel na manumbalik sa pagtatapat kay Jehova. Malumanay ang mga pagsamo ng mga propeta; at sa pagtayo nila sa harap ng bayan, matamang nakikiusap ukol sa pagsisisi at repormasyon, ang mga salita nila ay nagbunga sa ikaluluwalhati ng Dios. PH 269.2

Sa pamamagitan ni Mikas ay dumating ang kahanga-hangang pagsamo, “Dinggin ninyo ngayon kung ano ang sinasabi ng Panginoon; Bumangon ka, makipagkaalit ka sa harap ng mga bundok, at dinggin ng mga burol ang iyong tinig. Dinggin ninyo, Oh ninyong mga bundok, ang usap ng Panginoon, at ninyo na mga matibay na patibayan ng lupa: sapagkat ang Panginoon ay may usap sa Kanyang bayan, at Kanyang ipakikipagtalo sa Israel. PH 269.3

“Oh, bayan Ko, anong ginawa Ko sa iyo? at sa ano kita pinagod? sumaksi ka laban sa Akin. Sapagkat ikaw ay Aking iniahon mula sa lupain ng Egipto, at tinubos kita sa bahay ng pagkaalipin; at Aking sinugo sa unahan mo si Moises, si Aaron, at si Miriam. PH 269.4

“Oh bayan Ko, alalahanin mo ngayon kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab, at kung ano ang isinagot sa kanya ni Balaam na anak ni Beor; alalahanin mo mula sa Sittem hanggang sa Gilgal; upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon.” Mikas 6:1-5. PH 269.5

Ang Dios na pinaglilingkuran natin ay mapagpahinuhod; “Ang Kanyang mga habag ay hindi nauubos.” Panaghoy 3:22. Sa buong panahong palugit ang Kanyang Espiritu ay nakikiusap na tanggapin ang kaloob ng buhay. “Buhay Ako, sabi ng Panginoong Dios, wala Akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kanyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagkat bakit kayo mangamamatay?” Ezekiel 33:11. Tanging paraan ni Satanas na dalhin ang tao sa kasalanan at iwanan siya doon, walang lakas at walang pag-asa, takot na hanapin ang kapatawaran. Subalit ang Dios ay nag-aanyaya, “O manghawak sana siya sa Aking lakas, upang siya’y makipagpayapaan sa Akin; oo, makipagpayapaan siya sa Akin.” Isaias 27:5. Kay Kristo lahat ng probisyon ay naisagawa, lahat ng pampasigla ay naialok na. PH 269.6

Sa panahon ng pagtalikod sa Juda at Israel, marami ang nagtatanong: “Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap Niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang? kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libu-libong tupa, o ang mga sampu-sampung ibong ilog na langis?” Ang sagot ay positibo: “Kanyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hiruhingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios?” Mikas 6:6-8. PH 270.1

Sa pagmumungkahi ng kahalagahan ng praktikal na kabanalan, ang propeta ay inuulit lamang ang payong kaloob sa Israel maraming daang taon na ang lumipas. Sa pamamagitan ni Moises, sa kanilang pagpasok sa Lupang Pangako, ang salita ng Panginoon ay: “At ngayon, Israel, ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng Kanyang mga daan, at ibigin mo Siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo, na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang Kanyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito sa iyong ikabubuti?” Deuteronomio 10:12, 13. Sa paglakad ng mga panahon ang mga payong ito ay inuulit ng mga lingkod ni Jehova sa kanilang nasa bingit ng pagkahulog sa mga gawa ng pormalismo at nakalilimot magpakita ng kahabagan. Si Kristo sa Kanyang sarili, noong panahon ng Kanyang ministeryo sa lupa, Siya ',y nilapitan ng tagapagtanggol na may katanungan, “Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?” At sinabi ni Jesus sa kanya, “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo. Ito ang dakila at pang-unang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito’y nauuwi ang buong kautusan at ang mga propeta.” Mateo 22:36-40. PH 270.2

Ang mga malinaw na salitang ito ng mga propeta at ng Panginoon na rin, ay dapat nating dinggin bilang tinig ng Dios sa bawat kaluluwa. Hindi tayo dapat magsayang ng pagkakataon sa paggawa ng kahabagan, ng mabanayad na isipan at kagandahang loob Kristiano, para sa mga nabibigatan at pinag-uusig. Kung wala na tayong magagawa pa, maaari tayong magsalita ng may pampalakas-loob at pag-asa sa kanilang walang pagkakilala sa Dios, at madaling malalapitan sa pamamagitan ng pakikiramay at pag-ibig. PH 271.1

Masagana at mayaman ang mga pangakong kaloob sa kanilang laan sa bawat pagkakataong magkaloob ng kagalakan at pagpapala sa buhay ng iba. “At kung magmamagandang loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo’y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat: at papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto: at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.” Isaias 58:10, 11. PH 271.2

Ang landas ni Ahaz na pagsamba sa mga diyus-diyusan, sa harapan ng seryosong pakiusap ng mga propeta ay iisa lamang ang bunga. “Ang pag-init ng Panginoon ay dumating sa Juda at Jerusalem, at...ibinigay Niya sila upang hamakin, upang maging katigilan, at kasutsutan.” 2 Cronica 29:8. Ang kaharian ay nagdanas ng mabilis na pagbaba, at ang pananatili ng kaharian ay nalagay sa panganib ng paglusob ng mga hukbo. “Si Resin na hari sa Syria at si Peka na anak ni Remalias, na hari sa Israel ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma: at kanilang kinulong si Ahaz.” 2 Hari 16:5. PH 271.3

Kung si Ahaz at ang mga pinuno niya sa kanyang kaharian ay naging tapat sana na mga lingkod ng Kataastaasan, hindi sana sila dapat natakot sa alyansang nabuo sana laban sa kanila. Datapuwat ang paulit-ulit na paglabag ay nagpahina sa kanila. Laging bagabag sa hindi alam na mga paghatol na ibibigay sa kanila ng Dios na kanilang ginalit, ang puso ng hari “ay nakilos, at ang puso ng kanyang bayan, na gaya ng mga punong kahoy sa gubat na kinilos ng hangin.” Isaias 7:2. Sa krisis na ito ang salita ng Panginoon ay dumating kay Isaias, inutusan siyang harapin ang nanginginig na hari at sabihing: PH 271.4

“Ikaw ay mag-ingat, at tumahimik ka; huwag kang matakot, o manlupaypay man ang iyong puso.... Dahil sa ang Syria, Ephraim, at ng anak ni Remalias, ay pumayo ng masama laban sa iyo, na nagsasabi, Magsiahon tayo laban sa Juda, at ating bagabagin, at ating papasukin sila, at tayo’y maglagay ng hari sa gitna niyaon:...ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Hindi matatayo o mangyayari man.” Inihayag ng propeta na ang kaharian ng Israel, gayon din ang Syria, ay hahantong sa kanilang katapusan. At sinabi niya, “Kung kayo’y hindi maniniwala, tunay na hindi ako mangatatatag.” Talatang 4-7, 9. PH 272.1

Mainam sana sa kaharian ng Juda kung tinanggap ni Ahaz ang pabalitang ito na mula sa langit. Datapuwat sa pagpili niyang umasa sa kamay na laman, hinanap niya ang tulong mula sa pagano. Sa kabiguan nagsugo si Ahaz ng mga sugo kay Tiglath-pileser na hari sa Asyria, na ipinasabi, “Ako ang iyong lingkod at ang iyong anak: ikaw ay umahon, at iligtas mo ako sa kamay ng han sa Syria at sa kamay ng han sa Israel, na bumabangon laban sa akin.” 2 Hari 16:7. Ang kahilingang ito ay sinamahan ng malaking kayamanang handog mula sa kayamanan ng hari at gayon din sa imbakan ng templo. PH 272.2

Ang tulong na hiniling ay ipinadala, at si Haring Ahaz ay nakadama ng pansamantalang ginhawa, ngunit ano nga ang naging halaga nito para sa Juda! Ang kaloob na kayamanan ay nagbukas ng isipan ng Asyria, at ang tusong bansang ito ay nagbantang lukubin at dambungin ang Juda. Si Ahaz at ang mga malulungkot niyang tauhan ay natatakot ngayon na sila ay lubusang mahulog sa mga kamay ng malulupit na taga Asyria. PH 273.1

“Ibinaba ng Panginoon ang Juda dahilan sa patuloy na pagsalangsang. Sa panahon ng kagipitan si Ahaz, sa halip na magsisi, ay lalo pa manding sumalangsang laban sa Panginoon:...sapagkat siya’y naghain sa mga diyos ng Damasco.” At sinabi niya, “Sapagkat dnulungan sila ng mga diyos ng mga hari sa Syria, kaya’t ako’y maghahain sa kanila, upang tulungan nila ako.” 2 Cronica 28:19, 22, 23. PH 273.2

Sa pagtatapos ng paghahari ng haring tumalikod, ipinasara niya ang pintuan ng templo. Ang mga banal na serbisyo ay nabulabog. Ang kandelero ay tumigil sa pagniningas sa dambana. Wala nang paghahandog para sa kasalanan ng bayan. Wala nang mabangong insensong pumapaitaas sa umaga at sa gabi ng sakripisyo. Nang pabayaan ang mga korte ng bahay ng Dios at sinara ang pintuan nito, ang mga nananahan sa siyudad na ayaw kumilala sa Dios ay hayagang nagtayo ng mga dambana para sa pagsamba sa mga diyusdiyusan sa mga panulukang lansangan sa buong Jerusalem. Ang hedenismo ay waring nagtagumpay; ang mga puwersa ng kadiliman ay namayani. PH 273.3

Datapuwat sa Juda ay mayroong naninirahang ilan na nagpatuloy ng kanilang katapatan kay Jehova, at matatag na tumangging paakay sa idolatriya. Sa kanila ay tumingin si Isaias at Mikas at mga kasama nila para sa pag-asa habang minamalas nila ang pagkawasak na bunga ng mga huling taon ni Ahaz. Ang kanilang santuwaryo ay isinara, datapuwat ang mga tapat ay binigyan ng katiyakan: “Ang Dios ay sumasaamin.” “Ang Panginoon ng mga hukbo, Siya ang inyong aaning banal; at suma-Kanya ang inyong takot, at suma-Kanya ang inyong pangingilabot. At siya’y magiging pinakasantuwaryo.” Isaias 8:10, 13, 14. PH 273.4