ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 26—“Tingnan ang Inyong Dios!”
Sa kapahanunan ni Isaias ang espirituwal na pagkaunawa ng sangkatauhan ay malabo dahilan sa maling pagkakilala sa Dios. Matagal na inakay ni Satanas ang mga tao na tingnan ang kanilang Manlalalang na siyang may-akda ng kasalanan at paghihirap at kamatayan. Silang nadaya niya ay nag-isip na ang Dios ay malupit at mabagsik. Ang tingin nila sa Kanya ay laging nagmamasid upang humatol at magtakwil, na hindi handang tumanggap sa makasalanan hangga ',t may sapat na dahilan upang hindi siya tulungan. Ang kautusan ng pag-ibig na siyang patakaran ng langit ay binigyan ng maling larawan ng punong mandaraya bilang isang sagka sa kaligayahan ng mga tao, isang mabigat na pamatok na magagalak na matakasan ng tao. Inihayag niya na ang mga panuntunan ay di masusunod at ang mga parusa ng paglabag ay ibinibigay na walang katuwiran. PH 257.1
Sa pagkawala ng pananaw ng tunay na likas ng Jehova, ang mga Israelita ay di makapagdadahilan. Madalas na ang Dios ay naghayag ng Kanyang sarili sa kanila bilang “Dios na puspos ng kahabagan, at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang loob at katotohanan.” Awit 86:15. “Nang bata pa ang Israel,” nagpatotoo Siya, “Aking minahal siya, at tinawag Kong Aking anak mula sa Egipto.” Oseas 11:1. PH 257.2
Malumanay na ang Panginoon ay nakitungo sa Israel sa kanilang pag-kaligtas mula sa pagkaalipin sa Egipto at sa kanilang paglalakbay tungo sa Lupang Pangako. “Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati Siya, at iniligtas sila ng anghel na nasa Kanyang harapan: sa Kanyang pag-ibig at sa Kanyang pagkaawa ay tinubos Niya sila; at Kanyang kinilik sila, at kinalong silang lahat noong araw.” Isaias 63:9. PH 257.3
“Ako’y sasa iyo,” ang pangakong ibinigay sa kanila sa kanilang paglalakbay sa ilang. Exodo 33:14. Ang kasiguruhang ito ay sinamahan ng kahanga-hangang pag-papahayag ni Jehova ng Kanyang likas, na dahil dito’y naihayag ni Moises sa buong Israel ang kabutihan ng Dios, at naturuan silang lubusan tungkol sa mga katangian ng kanilang Haring di nakikita. “Ang Panginoo’y nagdaan sa harap niya, at itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan, na gumagamit ng kaawaan sa libu-libo, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang at ng kasalanan, at sa anumang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin.” Exodo 34:6 7. PH 257.4
Dahilan na rin sa kanyang pagkaalam tungkol sa pagpapahinuhod ni Jehova at ng kanyang katapusang pag-ibig at kahabagan, na pinagbatayan ni Moises ng kanyang kahanga-hangang pakiusap para sa buhay ng Israel, nang sa hangganan ng Lupang Pangako, ay tumanggi silang magpatuloy ayon sa utos ng Dios. Sa kasukdulan ng kanilang pagrerebelde ay nagpahayag ang Panginoon, “Along sasaktan sila ng salot, at hindi Ko sila pamamanahan;” at nagsabing, ang mga saling lahi ni Moises ay gagawin Niyang, “isang bansang malaki at matibay kaysa kanila.” Bilang 14:12. Subalit ang propeta ay humiling ng kahanga-hangang mga kaloob at pangako ng Dios sa kapakanan ng piniling bansa. At pagkatapos, ang pinakamatindi sa lahat ng mga kahilingan, hiniling niya ang pag-ibig ng Dios para sa bumagsak na sangkatauhan. Tingnan ang talatang 17-19. PH 258.1
Mabiyayang tumugon ang Panginoon, “Aking pinatawad ayon sa iyong salita.” At pagkatapos, Kanyang ipinaalam kay Moises, sa paraan ng propesiya, ang kaalaman ng kanyang panukala tungkol sa ganap na tagumpay ng Israel. “Tunay, na kung paanong Ako’y buhay,” Pahayag Niya, “mapupuspos ng kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa.” Talatang 20, 21. Ang kaluwalhatian ng Dios, ang Kanyang likas, ang Kanyang kahabagan at mabanayad na pag-ibig— ang mga ito ay hiniling ni Moises para sa Israel—ay mahahayag sa sangkatauhan. At ang pangakong ito ni Jehova ay tiniyak pa; at sinamahan ng panata. Buhay at naghahari ang Dios, ang Kanyang kaluwalhatian ay dapat ilathala “sa mga bansa, ang kagila-gilalas Niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan.” Awit 96:3. PH 258.2
I ungkol sa katuparan sa hinaharap ng propesiyang ito na nadinig ni Isaias ang awit ng maningning na serapin sa harapan ng trono, “Ang buong lupa ay napuno ng Kanyang kaluwalhatian.” Isaias 6:3. Ang propeta, nakasisiguro sa katiyakan ng mga salitang ito, ay matapang na nagpahayag sa mga nagsisisamba sa mga diyus-diyusan na gawa sa kahoy at bato, “Kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ang karilagan ng ating Dios.” Isaias 35:2. PH 258.3
Ang propesiyang ito ay mabilis na natutupad ngayon. Ang mga gawaing misyonero ng iglesia ng Dios sa lupa ay nagbubungang mainam, at di magtatagal matatapos ang paghahayag ng ebanghelyo sa lahat ng bansa. “Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng Kanyang biyaya,” mga lalaki at babae mula sa lahat ng lipi, wika, at bayan, na sa atin ay “ipinagkaloob na masagana sa Minamahal,” “upang sa mga panahong darating ay maihayag Niya ang dakilang kayamanan ng Kanyang biyaya na kagandahang loob sa adn kay Kristo Jesus.” Efeso 1:6; 2:7; “Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel, na Siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay. At purihin ang Kanyang maluwalhating pangalan magpakailanman: at mapuno ang buong lupa ng Kanyang kaluwalhatian.” Awit 72:18, 19. PH 259.1
Sa pangitaing dumating kay Isaias sa korte ng templo, ipinakita sa kanyang maliwanag ang likas ng Dios ng Israel. “Ang Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal,” ay nagpakita sa kanya bilang dakilang kamahalan; subalit ang propeta ay pinaunawa ng mahabaging likas ng Panginoon. Siya na tumatahan sa “mataas at banal na dako” na “kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.” Isaias 57:15. At hinipo ng anghel ang bibig ni Isaias at nagsabi, “Ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis.” Isaias 6:7. PH 259.2
Sa pagmalas sa kanyang Dios, ang propeta, tulad din ni Saulo ng Tarsus sa pintuan ng Damasco, ay di lamang nakadama ng kanyang kawalang saysay; dumating din sa kanyang pusong napaamo ang katiyakan ng pagpapatawad, ganap at walang bayad; at siya ay tumayong isang nabagong tao. Naldta niya ang kanyang Panginoon. Namalas niya ang kagandahan ng banal na likas. Makapagpapatotoo siya ng pagbabagong naganap sa pagmalas sa Walang Katapusang Pag-ibig. Mula noon ay inspirado na siyang may marubdob na naising makita ang Israel na nagkakasala ay mapalaya sa pasan at kaparusahan ng kasalanan. “Bakit kayo’y hahampasin pa?” ang tanong ng propeta. “Magsiparito kayo ngayon, at tayo’y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng madngkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa.” “Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng Aking mga mata; mangalikat kayo ng paggawa ng kasamaan; mangatuto kayong magsigawa ng mabuti.” Isaias 1:5, 18, 16, 17. PH 259.3
Ang Dios na inaangkin nilang kanilang pinaglilingkuran, datapuwat ang likas ay hindi naman nila lubos na nauunawaan, ay iniharap sa kanila bilang dakilang Manggagamot ng karamdamang espirituwal. Paano kung ang ulo ay may sakit at ang puso ay nanghihina? paano kung mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan, kundi mga sugat, at mga pasa? Tingnan ang Isaias 1:6. Siya na sumulong sa paglakad sa landas ng kanyang puso ay maaring gumaling kapag nanumbalik sa Panginoon. “Aking nakita ang kanyang mga lakad,” pahayag ng Panginoon, “at pagagalingin Ko siya: Akin ding papatnubayan siya, at bibigyan Ko ng mga kaaliwan.... Kapayapaan, kapayapaan sa kanya na malayo, at sa kanya na malapit, sabi ng Panginoon; at Aking pagagalingin siya.” Isaias 57:18, 19. PH 260.1
Itinaas ng propeta ang Dios bilang Manlalalang ng lahat. Ang pabalita Niya sa mga siyudad ng Juda ay, “Tingnan ang inyong Dios!” Isaias 40:9. “Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; Siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito;” “Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat ng bagay;” “Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha Ko ang kadiliman;” “Aking ginawa ang lupa, at nilalang Ko ang tao rito: Ako, samakatuwid baga’y ang Aking mga kamay, nagladlad ng langit, at sa lahat ng natatanaw roon ay nag-utos Ako.” Isaias 42:5; 44:24; 45:7, 12. “Kanino nga mnyo itutulad Ako, upang makaparis Ako niya? sabi ng Banal. Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas, at tingnan ninyo kung sinong lumikha ng mga ito, na tinutuos ang kanilang hukbo ayon sa bilang: tinatawag Niya sila sa pangalan sa pamamagitan ng kadakilaan ng Kanyang kapangyarihan, at dahil sa Siya’y malakas sa kapangyarihan, ay walang nagkukulang.” Isaias 40:25, 26. PH 260.2
Sa kanilang may pangambang baka sila ay di tatanggapin ng Dios sa kanilang panunumbalik, inihayag ng propeta: PH 260.3
“Bakit sinasabi mo, Oh Jacob, at sinasalita mo, Oh Israel, Ang daan ko ay lingid sa Panginoon, at nilagpasan ng aking Dios ang kahatulan ko? Hindi mo baga naalaman? hindi mo baga narinig? ang walang hanggang Dios, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanlalata, o napapagod man? walang makatarok ng Kanyang unawa. Siya’y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana Niya sa kalakasan. Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal: ngunit silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila’y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga agila; sila’y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila’y magsisilakad, at hindi manganghihina.” Talatang 27-31. PH 260.4
Ang puso ng Walang Hanggang Pag-ibig ay nanabik sa kanilang nakadaramang walang kapangyarihang makawala sa mga patibong ni Satanas; at mabiyayang iniaalok Niya sa kanila ang pampalakas-loob upang mabuhay sa Kanya. “Huwag kang matakot,” iniutos Niya sa kanila; sapagkat Ako’y sumasaiyo: huwag kang manlupaypay; sapagkat Ako’y iyong Dios: Aking palalakasin ka; oo, Aking tutulungan ka; oo, Aking aalalayan ka ng kanang kamay ng Aking katuwiran.” “Akong Panginoon mong Dios ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; Aking tutulungan ka. Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; Aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.” Isaias 41:10, 13, 14. PH 261.1
Ang lahat ng nananahan sa Juda ay di karapat-dapat, gayunman ay ayaw silang bitiwan ng Dios. Sa pamamagitan nila ay matataas ang pangalan Niya sa mga pagano. Marami sa hindi pa kilala ang Kanyang mga katangian ang dapat pang makamalas ng Kanyang luwalhati at banal na likas. Para sa layunin Niyang gawing malinaw ang Kanyang mahabaging pakay na patuloy pa rin Siya sa pagsusugo ng Kanyang mga lingkod na propeta na taglay ang pabalita ng, “Magsihiwalay bawat isa sa inyo sa kani-kanyang masamang lakad.” Jeremias 25:5. “Dahil sa Aking pangalan” ipinahayag Niya kay Isaias, “ay Aking iuurong ang Aking galit, at dahil sa kapurihan Ko ay Aking ititigil, upang huwag Kitang ihiwalay.” “Dahil din sa Akin, dahil din sa Akin, Aking gagawin yaon: sapagkat bakit lalapastanganin ang Aking pangalan? at ang kaluwalhatian Ko ay hindi Ko ibinigay sa iba.” Isaias 48:9, 11. PH 261.2
Ang panawagan sa pagsisisi ay ibinigay ng may siguradong liwanag, at lahat ay inanyayahang manumbalik. “Inyong hanapin ang Panginoon samantalang Siya’y masusumpungan,” ang samo ng propeta; “magsitawag kayo sa Kanya samantalang Siya’y malapit lisanin ng masama ang kanyang lakad, at ng liko ang kanyang mga pag-iisip: at manumbalik siya sa Panginoon, at kaawaan Niya siya; at sa aming Dios, sapagkat Siya’y magpapatawad ng sagana.” Isaias 55:6,7. PH 261.3
Giliw na mambabasa, napili mo na ba ang iyong landas? Ikaw ba ',y napalayong gayon sa Dios? Ninais mo bang magtamasa ng bunga ng pagsalangsang, upang masumpungang ang mga ito ay abo sa iyong mga labi? At ngayong, ang iyong mga panukala sa buhay ay nahadlangan at ang pag-asa ay namatay, ikaw ba ay nakaupong nag-iisa at malungkot? Ang tinig na yaon na mata gal nang nagsasalita sa iyong puso, subalit hindi mo pinakinggan, ay nadirinig mo ngayong malinaw, “Kayo’y magsibangon, at magsiyaon; sapagkat hindi ito ang inyong kapahingahan: dahil sa karumihan, na lumilipol, samakatuwid baga’y sa mahigpit na paggiba.” Mikas 2:10. Bumalik ka sa bahay ng iyong Ama. Inaanyayahan ka Niya, at nagsasabing, “Manumbalik ka sa Akin; sapagkat tinubos kita.” “Magsiparito kayo sa Akin: kayo’y magsipakinig; at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay; at Ako’y makildpagtipan sa inyo ng walang hanggan, samakatuwid baga’y ng tunay na mga kaawaan ni David.” Isaias 44:22; 55:3. PH 262.1
Huwag mong pakmggan ang mungkahi ng kaaway na lumayo ka muna kay Kristo hanggang mapabud mo ang iyong sarili, hanggang sa ikaw ay karapat-dapat na para makalapit sa Dios. Kung maghihintay ka pa noon ay hindi ka na makalalapit pa. Kapag itinuturo ni Satanas ang marumi mong damit, ulitin mo ang pangako ng Tagapagligtas, “Ang lumalapit sa Akin sa anumang paraan ay hindi Ko itataboy.” Juan 6:37. Sabihin sa kaaway na ang dugo ni Jesu-Kristo ay lumilinis sa lahat ng kasalanan. Gawing iyo ang panalangin ni David: “Linisin Mo ako ng hisopo, at ako’y magiging malinis: hugasan Mo ako, at ako’y magiging lalong mapud kaysa nieve.” Awit 51:7. PH 262.2
Ang mga pagsamo ng propeta sa Juda upang masdan ang buhay na Dios, at tanggapin ang Kanyang mabiyayang alok, ay di nawalan ng kabuluhan. Mayroong ilan na taimtim na tumugon, at bumalikwas mula sa kanilang mga diyos na sinasamba tungo sa pagsamba kay Jehova. Nakita nila sa kanilang Manlalalang ang pag-ibig at kahabagan at malumanay na malasakit. At sa mga madidilim na araw na sumunod para sa kasaysayan ng Juda, na ang mga nalabi lamang ang maiiwan sa lupain, ang mga pangungusap ng propeta ay nagpatuioy na nagbunga para sa ilan na nagpasyang magbago. “Sa araw na yaon,” wika ni Isaias, “ay titingin ang mga tao sa Maylalang sa kanila, ang kanilang mga mata ay magkakaroon ng pitagan sa Banal ng Israel. At sila’y hindi titingin sa mga dambana na gawa ng kanilang mga kamay, o magkakaroon man sila ng pitagan sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa mga Asera, o sa mga larawang araw.” Isaias 17:7, 8. PH 262.3
Marami ang nakamalas sa Isa na kabuuan ng kagandahan, ang pangunahin sa sampung libo. “Makikita ng iyong mga mata ang Hari sa Kanyang kagandahan,” ang mabiyayang pangako sa kanila. Isaias 33:17. Ang kanilang mga kasalanan ay patatawarin, at sa Dios lamang sila magtataas. Sa malugod na araw na yaon ng pagtubos mula sa idolatriya, sila ay mangagsasabing, “Sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at bads.... Ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, ang Panginoon ay ating hari; Kanyang ililigtas tayo.” Talatang 21, 22. PH 265.1
Ang mga pabalitang taglay ni Isaias sa kanilang bumalikwas mula sa kanilang masasamang gawi ay puno ng kaginhawahan at pampasigla. Palanggan ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang propeta: PH 265.2
“Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob at Israel;
Sapagkat ikaw ay Aking lingkod:
Aking inanyuan ka; ikaw ay Aking lingkod:
Oh Israel, ikaw ay hindi Ko malilimutan.
Aking pinawi, na parang masinsing ulap, ang iyong mga pagsalangsang,
At, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan:
Manumbalik ka sa Akin; sapagkat tinubos lata.” Isaias 44:21, 22.
PH 265.3
“At sa araw na yaon ay iyong sasabihin,
Ako’y pasasalamat sa Iyo, Oh Panginoon:
Sapagkat bagaman Ikaw ay nagalit sa akin,
Ang Iyong galit ay napawi, at Iyong inaaliw ako.
“Nanto, Dios ay aking kaligtasan;
Ako’y titiwala, at hindi ako matatakot
Sapagkat ang Panginoong si Jehova ay aking kalakasan at awit;
At Siya’y naging aking kaligtasan....
PH 265.4
“Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagkat Siya',y
gumawa ng mga marilag na bagay;
Ipaalam ito sa buong lupa.
Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion:
Sapagkat dakila ang Banal ng Israel sa gitna mo.” Isaias 12.
PH 266.1