ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

27/69

Kabanata 23—Pagkabihag sa Asyria

Ang mga nagtatapos na taon ng masamang kaharian ng Israel ay kinakitaan ng karahasan at pagdanak ng dugong di pa nakita kahit na sa pinakamasamang panahon ng kaguluhan at kawalang kapayapaan sa ilalim ng sambahayan ni Ahab. Sa loob ng mahigit sa dalawang daang taon ang mga pinuno ng sampung tribo ay naghasik ng hangin; at ngayon ay umaani sila ng ipu-ipo. Ang mga magkakasunod na hari ay pinapatay upang magbigay daan sa lalong ambisyosong paghahari. “Sila’y nangaglagay ng mga hari,” pahayag ng Panginoon sa mga walang diyos na mang-aagaw na ito, “ngunit hindi sa pamamagitan Ko: sila’y nangaglagay ng mga prinsipe, at hindi Ko nalaman.” Oseas 8:4. Bawat simulain ng hustisya ay sinaisantabi; silang humarap sa mga bansa na dapat sana’y daiuyan ng biyaya ng Dios, ay “nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon; at sa kapwa.” Oseas 5:7. PH 231.1

Sa pinakamatigas na sansala, sinikap ng Dios na gisingin ang walang pagsisising bansa sa pagkadama ng nakaambang panganib ng lubusang pagkawasak. Sa pamamagitan ni Oseas at Amos ay nagpahatid Siya ng pabalita sa sampung tribo, nagmumungkahi ng lubos at ganap na pagsisisi, at nagbabanta ng pagkawasak bunga ng patuloy na pagsalangsang. “Kayo’y nangaghasik ng kasamaan,” pahayag ni Oseas, “kayo’y nagsiani ng kasalanan; kayo’y nagsikain ng bunga ng kabulaanan: sapagkat ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalaki. Kaya’t babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba.... Sa pagbubukang liwayway ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay.” Oseas 10:13-15. PH 231.2

Tungkol sa Ephraim ay nagpatotoo ang propeta, “Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kanyang yaman, at hindi niya nalalaman: oo, mga uban ay nasasabog sa kanya, at hindi niya nalalaman.” [Ang propeta Oseas ay madalas tumukoy sa Ephraim, na pinuno ng pagtalikod ng mga tribo ng Israel, bilang halimbawa ng tumalikod na bayan.] “Itinakwil ng Israel ang mabuti.” “Siya’y nadikdik sa kahatulan,” hindi nalalaman ang nakawawasak na resulta ng kanilang kasamaan, ang sampling tribo ay magiging mga gala sa gitna ng mga bansa.” Oseas 7:9; 8:3; 5:11; 9:17. PH 231.3

Ang ilan sa mga pinuno ng Israel ay nadamang mariin ang pagkawala ng kanilang karangalan at ninais na ito ay maisauli. Datapuwat sa halip na talikuran ang mga gawaing naghatid ng kahinaan sa kaharian, nagpatuloy sila sa kasamaan, pinasasaya ang mga sarili na kapag bumangon ang pagkakataon, aangat sila sa kapangyarihang pulitikal na kanilang nais sa pakikipag-alyansa sa mga pagano. “Nang makita ng Ephraim ang kanyang sakit, at nang makita ni Juda ang kanyang sugat, naparoon ang Ephraim sa Asyria.” “Ang Ephraim ay parang isang mangmang na kalapati na walang unawa: sila’y nagsitawag sa Egipto, sila’y nagsiparoon sa Asyria.” “Sila’y nakipagtipan sa Asyria.” Oseas 5:13; 7:11; 12:1. PH 232.1

Sa pamamagitan ng lalaki ng Dios na nagpakita sa dambana sa Bethel, sa pamamagitan ni Elias at Eliseo, sa pamamagitan ni Amos at Oseas, ang Panginoon ay paulit-ulit na iniharap sa sampling tribo ang kasamaan ng pagsuway. Datapuwat sa kabila ng sansala at pagsamo, ang Israel ay patuloy sa palubog na pagtalikod. “Ang Israel ay nagpakatigas ng ulo,” sinabi ng Panginoon; “Ang Aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa Akin.” Oseas 4:16; 11:7. PH 232.2

May mga panahong ang mga paghatol ng Langit ay mabigat na lumapag sa mapanghimagsik na bayan. “Kaya’t Aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta,” wika ng Dios; “Aking pinatay sila ng mga salita ng Aking bibig: at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas. Sapagkat Ako’y nagnanasa ng kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kaysa mga handog na susunugin. Ngunit sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: doo’y nagsigawa silang may paglililo laban sa Akin.” Oseas 6:5-7. PH 232.3

“Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga anak ni Israel,” ang mensahe na dumating sa kanila: “Yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, Akin namang kalilimutan ang iyong mga anak. Kung paanong sila’y nagsidami, gayon sila nangagkasala laban sa Akin: Aking papalitan ng kahihiyan ang kanilang kaluwalhatian.... Akin silang parurusahan dahil sa kanilang mga lakad, at Aking gagantihin sa kanila ang kanilang mga gawa.” Oseas 4:1; 6-9. PH 232.4

Ang kasamaan sa Israel sa panahon ng huling limampung taon bago madalang bihag sa Asyria ay tulad ng mga araw ni Noe, at ng iba pang kapanahunang tinanggihan ng mga tao ang Dios at napadala sa lubusang paggawa ng kasamaan. Ang pagtataas sa kalikasan sa halip ng Dios ng kalikasan, ang pagsamba sa nilalang sa halip na sa Manlalalang, ay lagi na lamang nagbunga ng pinakamasama at pinakalaganap na kasamaan. Sa ganito ang bayan ng Israel, sa kanilang pagsamba kay Baal at Astoret, ay nagkaloob sila ng paggalang sa mga puwersa ng kalikasan, at nilagot nila ang ugnayan sa lahat ng nagpapataas at nagpaparangal, at naging madaling biktima ng mga tukso. Sa pagkagiba ng mga depensa ng kaluluwa, ang mga naligaw na mananamba ay nawalan ng sanggalang sa kasalanan at naging bukas sa mga pitang masasama ng pusong tao. PH 232.5

Laban sa lantad na pang-aapi, ng hayagang kawalang katarungan, sa maluhong pamumuhay, ang walang kahihiyang kainan at lasingan, ang malawakang pagsunod sa pita ng laman, sa kanilang kapanahunan, ang mga propeta ay nagtaas ng kanilang mga tinig; datapuwat walang kabuluhan ang kanilang mga protesta, at pagtuligsa sa kasalanan. “Siyang nagsansala sa pintuan,” pahayag ni Amos, “kanilang kinapopootan,...at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng matuwid.” “Silang nagsisidalamhati sa ganap, na kinukunan ng suhol, at inililigaw sa kanilang matuwid ang mapagkailangan sa pintuangbayan mula sa kanilang kanan.” Amos 5:10, 12. PH 233.1

Ang mga ito ay kabilang lamang sa mga bunga ng paggawa ni Jeroboam ng dalawang guyang ginto. Ang unang paglayo sa natatag na porma ng tunay na pagsamba ay nagdala sa pasimula ng lalong masamang porma ng pagsamba sa mga diyus-diyusan, hanggang sa huli lahat ng nana-nahan sa lupain ay naakay sa nakagagayumang pagsamba sa kalikasan. Sa pagkalimot sa Manlalalang, ang Israel ay “nangagpapahamak na mainam.” Oseas 9:9. PH 233.2

Nagpatuloy ang mga propeta na magprotesta sa mga kasamaang ito at nagsumamo sa paggawa ng kabutihan. “Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan,” isinumamo ni Oseas; “bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran: sapagkat panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa Siya’y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo.” “Magbalik-loob ka sa iyong Dios: mag-ingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.” “Oh Israel, manumbalik ka sa Panginoon mong Dios; sapagkat ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan:...sabihin mnyo sa Kanya, Alisin Mo ang buong kasamaan, at tanggapin Mo ang mabuti.” Oseas 10:12; 12:6; 14:1, 2. PH 233.3

Ang mga tagasalangsang ay binigyan ng maraming pagkakataon upang magsisi. Sa oras ng pinakamalalim na pagtalikod at higit na pangangailangan, ang pabalita ng Dios sa kanila ay pagpapatawad at pag-asa. “Siyang iyong kapahamakan Oh Israel,” pahayag Niya, “na ikaw ay laban sa Akin, laban sa iyong katulong. Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan?” Oseas 13:9,10. PH 234.1

“Magsipanto kayo, at tayo’y manumbalik sa Panginoon” ang panawagan ng propeta; “sapagkat Siya’y lumapa, at pagagalingin Niya tayo; Siya’y nanakit, at Kanyang tatapalan tayo. Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin Niya tayo: sa ikadong araw ay ibabangon Niya tayo, at tayo’y mangabubuhay sa harap Niya. At ating kilalanin, tayo’y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang Kanyang paglabas ay tunay na parang umaga; at Siya’y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa.” Oseas 6:1-3. PH 234.2

Sa kanilang nawalan ng pananaw sa panukala ng mga panahon ng pagliligtas sa mga makasalanang nahuli ng patibong ng kapangyarihan ni Satanas, ang Panginoon ay nag-alok ng pagsasauli at kapayapaan. “Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, Akin silang iibiging may kalayaan,” Kanyang ipinahayag: “sapagkat ang Aking galit ay humiwalay sa kanya. Ako’y magiging parang hamog sa Israel: siya’y bubukang parang lila, at kakalat ang kanyang ugat na parang Libano. Ang kanyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kanyang kagandahan ay magiging parang puno ng olivo, at ang kanyang bango ay parang Libano. Silang nagsisitahan sa Kanyang lilim ay manunumbalik; sila’y mangabubuhay muli gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano. Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga diyus-diyusan? Ako’y sasagot, at Aking hahalatain siya: Ako’y parang sariwang abeto. Mula sa Akin ay nasusumpungan ang iyong bunga. PH 234.3

“Sino ang pantas, at siya’y makakaunawa ng mga bagay na ito?
At mabait, at kanyang mangalalaman?
Sapagkat ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid,
At lalakaran ng mga ganap:
PH 234.4

Ngunit kabubuwalan ng mga mananalangsang.” PH 235.1

Oseas 14:4-9. PH 235.2

Ang mga pakinabang ng paghahanap sa Dios ay binigyang diin. “Hanapin ninyo Ako,” paanyaya ng Panginoon, “at kayo’y mangabubuhay: ngunit huwag ninyong hanapin ang Bethel, ni magsipasok man sa Gilgal, at huwag kayong magsidaan sa Beer-seba: sapagkat walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag, at ang Bethel ay mauuwi sa wala.” PH 235.3

“Magsihanap kayo ng kabutihan, at huwag kasamaan, upang kayo’y mangabuhay: at sa gayo’y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay sasainyo, gaya ng inyong sinasabi. Inyong kapootan ang masama, at ibigin ang mabuti, at kayo’y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan: marahil ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa nalabi sa Jose.” Amos 5:4, 5, 14, 15. PH 235.4

Ang kalakhang bahagi ng nakarinig ng mga paanyayang ito ay tumangging makinabang. Napakataliwas sa mga masamang nasa ng hindi nagsisisi ay ang mga salita ng mga mensahero ng Dios, na ang mga saserdoteng mananamba sa mga diyus-diyusan sa Bethel ay nagpadala ng pabalita sa nangungulo sa Israel, na nagsasabing, “Si Amos ay nagbanta laban sa iyo sa gitna ng sambahayan ni Israel: hindi mababata ng lupain ang lahat niyang mga salita.” Amos 7:10. PH 235.5

Sa pamamagitan ni Oseas ay inihayag ng Panginoon, “Nang Aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria.” “Ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kanyang mukha: gayon ma’y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man Siya nila, dahil sa lahat na ito.” Oseas 7:1, 10. PH 235.6

Sa mga salin ng lahi ang Panginoon ay nagpahinuhod sa mga alibughang anak Niya, at kahit na ngayon, sa harap ng hayagang rebelyon, nananabik pa rin Siyang maghayag ng sarili na laging handang magligtas.” “Oh Ephraim,” Kanyang sinalita, “ano ang gagawin Ko sa iyo? Oh Juda, ano ang gagawin Ko sa iyo? sapagkat ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, at parang hamog na lumalabas na maaga.” Oseas 6:4. PH 235.7

Ang mga kasamaang lumaganap sa lupain ay naging walang lunas; at sa Israel ay ibinigay ang malagim na sentensya: “Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diyus-diyusan: pabayaan siya.” “Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating, malalaman ng Israel.” Oseas 4:17; 9:7. PH 235.8

Ang sampung tribo ng Israel ay mag-aani na ngayon ng bunga ng pagtalikod sa anyo ng mga kakaibang dambanang naitayo sa Bethel at Dan. Ang pabalita ng Dios sa kanila ay: “Kanyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang Aking galit ay nag-aalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos? Sapagkat mula sa Israel nanggaling ito: ito’y ginawa ng manggagawa; at ito’y hindi Dios: oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputul-putol.” “Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa mga guya ng Beth-aven: sapagkat ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon.... Dadalhin din naman sa Asyria na pinakakaloob sa haring Jareb” (Sennacherib). Oseas 8:5, 6; 10:5, 6. PH 236.1

“Narito, ang mga mata ng Panginoong Dios ay nasa makasalanang kaharian, at Aking ipapahamak mula sa ibabaw ng lupa; liban na hindi Ko lubos na ipapahamak ang sambahayan ni Jacob, sabi ng Panginoon. Sapagkat, narito, Ako’y mag-uutos, at Aking sasalain ang sambahayan ni Israel sa gitna ng lahat na bansa, gaya ng trigo na nabithay sa isang bithay, gayon ma’y hindi malalaglag sa lupa ang pinakamaliit na butil. Lahat na makasalanan sa Aking bayan ay mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, na nangagsasabi, Ang kasamaan ay hindi aabot sa atin o mauuna man sa a tin.” PH 236.2

“At ang mga bahay na garing ay mangawawala, at ang mga malaking bahay ay magkakawakas, sabi ng Panginoon.” “Sapagkat ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay Siyang humihipo ng lupain at natutunaw, at lahat na nagsisitahan doon ay magsisitangis.” “Ang iyong mga anak na lalaki at babae ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong lupain ay mababahagi sa pamamagitan ng pising panukat; at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi: at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kanyang lupain.” “Yamang Aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.” Amos 9:8-10; 3:15; 9:5; 7:17; 4:12. PH 236.3

Sa isang panahon ang ipinopropesiyang hatol na ito ay napigilan, at sa mahabang paghahari ni Jeroboam II ang mga hukbo ng Israel ay nagkaroon ng mga pagtatagumpay; datapuwat ang kasaganaang ito ay hindi nagpabago ng puso ng mga walang pagsisisi; hanggang sa wakas ay inihayag, “si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kanyang lupain.” Amos 7:11. PH 236.4

Ang bigat ng pahayag na ito ay hindi nagkabisa sa hari at bayan, kung kaya hindi sila nagsipagsisi. Si Amasias, isang lider sa mga mapagsamba sa mga diyos na mga saserdote sa Bethel, kinilos ng tiyak na salitang ito ng propeta laban sa bansa at sa kanilang hari, ay nagsabi kay Amos, “Oh ikaw na tagakita, yumaon ka, at tumakas ka sa lupain ng Juda, at doo’y kumain ka ng tinapay, at magpropesiya ka roon: ngunit huwag ka nang magpropesiya pa sa Bethel: sapagkat siyang santuwaryo ng hari, at siyang bahay-hari.” Talatang 12, 13. PH 237.1

Dito ay matatag na tumugon ang propeta: “Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon,...ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag.” Talatang 17. PH 237.2

Ang mga salita laban sa tumalikod na mga tribo ay natupad na literal; gayunman ang pagkawasak ng kaharian ay dahan-dahan. Sa paghatol ay naalaala pa rin ng Panginoon ang kahabagan, at nang, sa simula ay, “naparoon laban sa lupain si Phul na hari sa Asyria,” si Manahem, na hari noon ng Israel, ay hindi nabihag, pinayagan siyang manadli sa kanyang luklukan bilang basalyong hari sa kaharian ng Asyria. “At binigyan ni Manahem si Phul ng isang libong talentong pilak, upang ang kamay niya’y sumakanya upang pagtibayin ang kaharian sa kanyang kamay. At siningil ni Manahem ng salapi ang Israel, ang lahat na makapangyarihang lalaki na mayaman, na bawat lalaki ay limampung siklo na pilak, upang ibigay sa hari sa Asyria.” 2 Hari 15:19, 20. Matapos hiyain ang sampung tribo ng Israel, ang hukbo ng Asyria ay nagbalik sa sariling lupain ng isang panahon. PH 237.3

Si Manahem, na hindi pa rin nagsisi sa kasamaang naghatid ng pagkawasak sa kanyang kaharian, ay nagpatuloy sa “mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kanyang ipinapagkasala sa Israel.” Sina Pekaia at Peka, na humalili sa kanya, gayon rin ay “gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon.” Talatang 18, 24, 28. “Nang mga kaarawan ni Peka,” na naghari ng dalawampung taon, si Tiglathpileser, hari ng Asyria, ay nilusob ang Israel at maraming dinalang bihag mula sa mga tribong naninirahan sa Galilea at silangan ng Jordan. “Ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases,” kasama ang mga naninirahan sa “Galaad, at Galilea, buong lupain ng Nepthali” (1 Cronica 5:26; 2 Han 15:29), ay nagkalat sa mga pagano sa mga lupaing malayo sa Palestina. PH 237.4

Sa kakila-kilabot na dagok na ito ay hindi na nakabangon pa ang kaharian sa hilaga. Ang mahinang nalabi ay nagpatuloy pa rin sa isang porma ng pamahalaan datapuwat wala nang kapangyarihan. Tanging isang pinuno na lamang, si Oseas, ang susunod kay Peka. Di nagtagal ang kaharian ay lubusang napawi. Gayunman sa panahon ng kapanglawan at bagabag naalaala pa rin ng Dios ang kahabagan, at binigyan pa ang bayan ng pagkakataong manumbalik mula sa idolatriya. Sa ikadong taon ng paghahari ni Oseas, ang mabuting haring Ezechias naman ay nagsimulang maghari sa Juda at agadagad nagpasok ng mga reporma sa mga serbisyo sa templo sa Jerusalem. Isang pagdiriwang ng Paskua ay isinaayos, at inanyayahan hindi lamang ang mga tribo ng Juda at Benjamin, na sa kanila ay inilagay na hari si Ezechias, kundi pati na rin ang mga tribo sa kaharian sa hilaga. Isang pahayag ang ipinalabas, “sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na sila’y magsisiparoon na ipangilin ang Paskua ng Panginoon, sa Dios ng Israel sa Jerusalem; sapagkat hindi nila ipinagdiwang sa malaking bilang sa gayong paraan na gaya ng nakasulat PH 238.1

“Sa gayo’y ang mga magdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa han at sa kanyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda,” na may paanyaya, “Kayong mga anak ni Israel manumbalik kayo sa Panginoon, sa Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, upang Siya’y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng mga han sa Asyna.... Huwag kayong maging mapagmatigas ng ulo, na gaya ng inyong mga magulang, kundi magsitalaga kayo sa Panginoon, at magsipasok sa Kanyang santuwaryo, na Kanyang itinalaga magpakailanman; at kayo’y mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios, upang ang Kanyang malaking galit ay maalis sa inyo. Sapagkat kung kayo’y manumbalik sa Panginoon, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay mangakasusumpong ng habag sa harap nilang nagsibihag, at magsisibalik sa lupaing ito: sapagkat ang Panginoon ninyong Dios ay mapagbiyaya at maawain, at hindi itatalikod ang Kanyang mukha sa inyo, kung kayo’y manumbalik sa Kanya.” 2 Cronica 30:5-9. PH 238.2

“Sa bayan at bayan sa lupain ng Ephraim at Manases hanggang sa Zabulon,” ang mga sugo ni Ezechias ay dinala ang mensahe. Dapat sana’y pinaunlakan ng Israel ang paanyayang ito na pagsusumamong magsisi at manumbalik sa Dios. Subalit ang nalabi ng sampung tribo na nananahan pa rin sa teritoryo na minsan ay naging masaganang kahanan sa hilaga ay pinakitunguhan ang mga mensahero ng hari mula sa Juda na hindi mabuti at mayroon pang paglait. “Sila’y tinatawanang mainam, at tinutuya sila.” Gayon pa man ay may ilan? tumugon ng malugod. “Ang iba sa Aser at sa Manases at sa Zabulon ay nangagpakumbaba, at nagsiparoon sa Jerusalem,...upang ipagdiwang ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura.” Talatang 10-13. PH 238.3

Dalawang taon matapos ito, ang Samaria ay nilusob ng mga hukbo ng Asyria sa pangunguna ni Shalmaneser; at sa pagkubkob na sumunod, marami ang namatay na kaawa-awa sa gutom at sakit at gayundin sa tabak. Ang siyudad at bansa ay bumagsak, at ang watakwatak na nalabi ng sampung tribo ay nadalang bihag at nangalat sa mga probinsya ng kaharian ng Asyria. PH 241.1

Ang pagkawasak na dumating sa hilagang kaharian ay tuwirang hatol mula sa Langit. Ang Asyria ay siya lamang instrumentong ginamit ng Dios upang maisakatuparan ang Kanyang adhikain. Sa pamamagitan ni Isaias, na nagpasimulang magpropesiya bago bumagsak ang Samaria, tinawag ang mga hukbo ng Asyria na “pamalo ng Aking galit.” “Siyang tungkod na kasangkapan ng Aking paginit.” Isaias 10:5. PH 241.2

“Ang pinakamasakit ang mga anak ni Israel ay “nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios,...at nagsigawa ng masamang bagay.” “Hindi nila dininig, kundi kanilang...itinakwil ang Kanyang mga palatuntunan, at ang Kanyang tiipan na Kanyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang Kanyang mga patotoo na Kanyang ipinatotoo sa kanila.” Dahil “kanilang iniwan ang lahat ng utos ng Panginoon nilang Dios, at nagsigawa ng mga larawang binubo, samakatuwid baga’y ng dalawang guya, at nagsigawa ng isang Asera, at sinamba ang buong natatanaw sa langit, at nagsipaglingkod kay Baal,” at tumangging magsisi, na ang Panginoon ay, “pinighati sila, at ibinigay sila sa kamay ng mga mananamsam hanggang sa Kanyang pinalayas sila sa Kanyang paningin,” gaya ng Kanyang sinalita sa “pamamagitan ng lahat Niyang lingkod na mga propeta.” PH 241.3

“Gayon dinala ang Israel sa Asyria na mula sa kanilang sariling lupain,” “sapagkat hindi nila sinunod ang tinig ng Panginoon nilang Dios, kundi kanilang sinalangsang ang Kanyang tipan, ang lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon.” 2 Hari 17:7, 11, 14, 16, 20,23; 18:12. PH 241.4

Sa nakalulunos na hatol na dumating sa sampung tribo ang Panginoon ay may pantas at mahabaging layunin. Ang hindi na Niya magawa sa pamamagitan nila sa lupain ng kanilang mga magulang ay sisikaping Niyang isagawa sa pangangalat sa kanila sa lupain ng mga pagano. Ang Kanyang panukala sa pagliligtas ng lahat na magpapasyang piliin ang pagpapatawad sa pamamagitan ng Tagapagligtas ng lahi ng tao ay dapat pa ring maisagawa; at sa mga kahirapang dumating sa Israel, inihahanda Niya ang daan upang ang Kanyang kaluwalhatian ay mahayag sa mga bansa ng lupa. Hindi lahat ng nadalang bihag ay walang pagsisisi. Mayroon sa kanilang nanatiling tapat sa Dios, at mga iba na nagpakababa sa harapan Niya. Sa pamamagitan ng mga ito, “mga anak ng Dios na buhay” (Oseas 1:10), dadalhin Niya ang karamihan sa kaharian ng Asyria sa pagkakilala ng mga sangkap ng Kanyang likas at ang mga pagpapala ng Kanyang kautusan. PH 242.1