ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

28/69

Kabanata 24—“Nasira sa Kakulangan ng Kaalaman”

Ang pabor ng Dios para sa Israel ay lagi na lamang kundisyonal sa kanilang pagsunod. Sa paanan ng Sinai sila ay pumasok sa isang tipanan sa Kanya bilang Kanyang “tanging kayamanan...higit sa lahat ng bayan.” May kabanalang nangako silang susunod sa landas ng pagiging masunurin. “Lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin,” wika nilang lahat. Exodo 19:5, 8. At nang, ilang araw ang makaraan, ang kautusan ng Dios ay sinalita mula sa Sinai, at karagdagang tagubilin sa pamamagitan ng mga panuntunan at mga kahatulan ay ipinahayag sa pamamagitan ni Moises, ang mga Israelita bilang isang tinig ay muling nangako ng, “Lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin.” Sa pagpapadbay ng dpan, ang bayan ay muling nagkaisa sa paghahayag, “Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin.” Exodo 24:3, 7. Pinili ng Dios ang Israel bilang Kanyang bayan, at pinili naman nila Siya bilang kanilang Hari. PH 243.1

Sa pagtatapos ng paglilimayon sa ilang ang mga kundisyon ng dpan ay inulit. Sa Baal-peor, sa pagitan ng Lupang Pangako, na marami ay bumagsak sa padbong na mapandayang tukso, ang mga nanatiling tapat ay inulit ang kanilang pangako ng pagtatapat. Sa pamamagitan ni Moises ay nababalaan sila laban sa mga tuksong daradng sa hinaharap; at matamang pinayuhan silang manadling hiwalay sa mga nakapalibot na bansa at sumamba sa Dios lamang. PH 243.2

Tinuruan ni Moises ang Israel, “At ngayon, Oh Israel, dinggin mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan, na aking itinuturo sa inyo, upang sundin ninyo, at upang kayo’y mabuhay, at pumasok at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang. Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniutos sa inyo, upang myong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.... Ingatan nga ninyo at inyong isagawa; sapagkat ito ang inyong karunugan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan.” Deuteronomio 4:1 -6. PH 243.3

Ang Israel ay tanging tinagubilinang huwag iwawaksi ang mga utos ng Dios, at sa pagsunod dito ay makasusumpong sila ng kalakasan at pagpapala. “Mag-ingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap,” wika ng Panginoon sa kanila sa pamamagitan ni Moises, “baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay: kundi iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak.” Talatang 9. Ang mga marangyang tanawin na may kinalaman sa pagkakaloob ng kautusan sa Sinai ay dapat na di malilimutan. Malinaw at tiyak ang mga babalang ibinigay sa Israel laban sa mga kaugaliang pagano na nagaganap sa kalapit na mga bansa. “Ingatan nga ninyong...mabud ang inyong sarili,” ang payong ibinigay; “baka kayo’y mangagpakasama, at kayo’y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan, na kawangis ng alin mang larawan,” “at itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw, at ang buwan, at ang mga bituin, sampu ng buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit.” “Mangag-ingat nga kayo, baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na Kanyang pinagtibay sa inyo, at kayo’y gumawa ng larawang inanyuan, na kahawig ng anumang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Dios.” Talatang 15, 16, 19, 23. PH 244.1

Tinalunton ni Moises ang mga kasamaan na magbubunga ng paglayo sa mga panuntunan ni Jehova. Tinawagang maging saksi ang langit at lupa, inihayag niya na kung, matapos makapanahan sa Lupang Pangako, ang bayan ay magpapasok ng mga masamang anyo ng pagsamba at yuyukod sila sa mga imahen at tatangging sumamba sa tunay na Dios, ang galit ng Panginoon ay mapupukaw, at sila’y madadalang bihag at mangangalat sa lupain ng mga pagano. Siya ay nagbabala sa kanila, “Kayo’y malilipol na madali na walang pagsala sa lupain na inyong tinutungo ng pagdadaan sa Jordan, upang ariin: hindi ninyo mapatatagal doon ang inyong mga araw, kundi kayo’y lubos na malilipol. At pangangalatin kayo ng Panginoon sa mga bayan, at kayo’y malalabing kaunti sa bilang sa gitna ng mga bansa, na pagdadalhan sa inyo ng Panginoon. At doo’y maglilingkod kayo sa mga diyos, na yari ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, ni nangakakarinig, ni nangakakakain, ni nangakakaamoy.” Talatang 26-28. PH 244.2

Ang propesiyang ito, na ang bahagi ay natupad sa panahon ng mga hukom, ay nagkaroon ng lalong ganap na katuparan sa pagkakabihag ng Israel sa Asyria at ng Juda sa Babilonia. PH 245.1

Ang pagtalikod ng Israel ay dahan-dahan. Sa pagpapalit ng mga saling lahi, si Satanas ay paulit-ulit na nagtangka na ang bayan ay makalimutan “ang utos, ang palatuntunan, at ang mga kahatulan” na kanilang ipinangakong iingatan magpakailanman. Deuteronomio 6:1. Alam niya na kung maaakay niya ang Israel na makalimutan ang Dios, at kung sila “ay susunod sa ibang mga diyos, at paglilingkuran sila, at sasambahin sila,” sila ay “tunay na malilipol.” Deuteronomio 8:19. PH 245.2

Ang kaaway ng iglesia ng Dios ay hindi binigyang halaga ang mahabaging likas ng Dios at “nasa anumang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin,” subalit “puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan, na gumagamit ng kaawaan sa libu-libo, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang at ng kasalanan.” Exodo 34:6, 7. Sa kabila ng pagsisikap ni Satanas na hadlangan ang adhikain ng Dios para sa Israel, gayunman kahit sa pinakamadilim na mga panahon ng kasaysayan nila, na tila ang mga puwersa ng kadiliman ay magwawagi, ang Panginoon ay mabiyayang naghayag ng Kanyang sarili. Inilahad Niya sa Israel ang mga bagay na tungo sa ikapapanuto ng bansa. “Sinulat Ko para sa kanya ang sampung libong bagay ng Aking kautusan,” ipinahayag Niya sa pamamagitan ni Oseas, “ngunit kanilang inaring parang katuwang bagay.” “Gayon may Aking tinuruan ang Ephraim na lumakad; Aking kinalong sila sa Aking mga bisig; ngunit hindi nila kinilala na Aking pinagaling sila.” Oseas 8:12; 11:3. Mabanayad na ang Panginoon ay tumahang kasama nila, nagtuturo sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta bilin at bilin, utos at utos. PH 245.3

Kung dininig lamang ng Israel ang mga pabalita ng mga propeta, naligtas sana sila sa mga dumating na kahihiyan. Iyon ay dahil sa pilit nilang tinalikdan ang Kanyang mga utos kaya ang Dios ay napilitang ipadala sila sa pagkabihag. “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman,” ito ang Kanyang mensahe sa kanila sa pamamagitan m Oseas. “Sapagkat ikaw ay nagtakwil ng kaalaman, Akin namang itatakwil ka:...yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios.” Oseas 4:6. PH 245.4

Sa bawat panahon, ang paglabag sa kautusan ng Dios ay sinundan ng katulad na bunga. Sa mga kaarawan ni Noe, nang ang bawat simulain ng mabuting gawa ay nasalangsang, at ang kasamaan ay naging malalim at laganap anupa’t hindi na ito matagalan ng Dios, ang utos ay ipmalabas, “Lilipulin Ko ang tao na Aking nilalang sa ibabaw ng lupa.” Genesis 6:7. Sa mga kaarawan ni Abraham ang mga tao sa Sodoma ay hayagang lumaban sa Dios at sa Kanyang utos; at sumunod dito ang katulad na kasamaan, ang katulad na kabulukan, ang katulad na walang pigil na pagtatamasa, na naging tanda ng sanlibutan bago iyon gunawin sa baha. Ang mga naninirahan sa Sodoma ay lumagpas sa taning ng pagtitiis ng langit, at nagningas laban sa kanila ang apoy ng paghihiganti ng Dios. PH 246.1

Ang panahong bago nabihag ang sampung tribo ng Israel ay may katulad na paglabag at katulad na kasamaan. Ang kautusan ng Dios ay binale wala, at ito ang nagbukas ng pintuan ng nag-uumapaw na kasamaan ng Israel. “Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain,” pahayag ni Oseas, “sapagkat walang katotohanan, ni kaawaan man, ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain. Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat, at pagpatay, at pagnanakaw, at pangangalunya, sila’y nagsisidaluhong, at nagkakabubuan ng dugo.” Oseas 4:1, 2. PH 246.2

Ang mga propesiya ng hatol na dala ni Amos at Oseas ay may kasamang propesiya ng darating na kaluwalhatian. Sa sampung tribo, na matagal nang naghihimagsik at di nagsisisi, ay walang ibinigay na pangako na ganap na pananauli sa kanilang dating kapangyarihan sa Palestina. Hanggang sa katapusan ng lupa, sila ay mananatiling “mga gala sa gitna ng mga bansa.” Datapuwat sa pamamagitan ni Oseas ay ibinigay sa kanila ang propesiya ng pagkakaroon ng bahagi sa pananauli ng bayan ng Dios sa katapusan ng kasaysayan ng lupa, kapag si Kristo ay magpapakita na bilang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. “Maraming araw,” ang pahayag ng propeta, ang sampung tribo ay magsisitahang “walang hari, at walang prinsipe, at walang ham, at walang haligi, at walang efod, o mga teraf.” “Pagkatapos,” ipinagpatuloy ng propeta, “ay manunumbalik ang mga anak ni Israel, at hahanapin ang Panginoon nilang Dios, at si David na kanilang hari; at magsisipantong may takot sa Panginoon at sa Kanyang kabudhan sa mga huling araw.” Oseas 3:4, 5. PH 246.3

Sa mga makahulugang pangungusap, inilahad ni Oseas sa sampling tribo ang panukala ng Dios sa pagsasauli sa bawat kaluluwang nagsisisi na sasanib sa Kanyang iglesia sa lupa, ang pagpapalang naibigay sa Israel sa mga panahon ng kanilang katapatan sa Kanya sa Lupang Pangako. Sa pagbanggit sa Israel na Kanyang pinananabikang mabigyang kahabagan, inihayag ng Panginoon, “Akin siyang hihikayatin, at dadalhin siya sa ilang, at pagsasalitaan Ko siyang may pag-aliw. At ibibigay Ko sa kanya ang kanyang mga ubasan mula roon, at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pag-asa: at siya’y sasagot doon, gaya ng mga kaarawan ng kanyang kabataan, at gaya ng araw na siya’y sumampa mula sa lupain ng Egipto. At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo Akong Ishi [“.Aking asawa,“]; at hindi mo na Ako tatawaging Baali [“Aking panginoon”]. Sapagkat Aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kanyang bibig, at hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan.” Oseas 2:14-17. PH 247.1

Sa mga huling araw nitong kasaysayan ng lupa, ang pakikipagtipan ng Dios sa Kanyang bayang nag-iingat ng kautusan ay babaguhin. “At sa araw na yaon ay ipakildpagtipan Ko sila sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa: at Aking babaliin ang busog at ang tabak at paddgilin Ko ang pagbabaka sa lupain, at Akin silang pahihigaing riwasay. At Ako’y magiging asawa mo magpakailanman; oo, magiging asawa mo Ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang loob, at sa mga kaawaan. Magiging asawa mo rin Ako sa pagtatapat: at iyong makikilala ang Panginoon. PH 247.2

“At mangyayari sa araw na yaon, na Ako’y sasagot, sabi ng Panginoon, Ako’y sasagot sa langit, at sila’y magsisisagot sa lupa; at ang lupa’y sasagot sa trigo, at sa alak, at sa langis; at sila’y magsisisagot sa Jezreel. At Aking itatatag siya para sa Akin sa lupa; at Ako’y magdadalang habag sa kanya na hindi nagtamo ng kahabagan; at Aking sasabihin sa kanila na hindi Ko bayan, Ikaw ay Aking bayan; at siya’y magsasabi, Ikaw ay aking Dios.” Talatang 18-23. PH 247.3

“At mangyari sa araw na yaon” “na ang nalabi sa Israel, at ang nangakatanan sa sambahayan ni Jacob,...ddwala sa Panginoon, sa Banal ng Israel, sa katotohanan.” Isaias 10:20. “Sa bawat bansa at angkan, at wika, at bayan” ay mayroon malugod na tutugon sa pabalitang, “Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa Kanya; sapagkat dumating ang panahon ng Kanyang paghatol.” At sila ',y magsisamba sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.” Sila ay lalaya at tatayong monumento ng kahabagan ng Dios sa sanlibutan. Masununn sa kahilingan ng langit, sila’y kikilalanin ng mga anghel at mga taong nagsisitupad ng “mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.” Apocalipsis 14:6,7, 12. PH 247.4

“Narito, ang mga kaarawan ay dumaradng, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mang-aararo ang mang-aani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw. At Akin uling ibabalik ang nangabihag sa Aking bayang Israel, at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan, at tatahanan nila; at sila’y mangag-uubasan, at magsisiinom ng alak niyaon; magsisigawa rin sila ng mga halamanan, at magsisikain ng bunga ng mga yaon. At Aking itatatag sila sa kanilang lupain, at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na Aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios.” Amos 9:13-15. PH 248.1