Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

18/76

Kabanata 16—Si Jacob at si Esau

Ang kabanatang ito ay batay sa Genesis 25:19-34; 27.

Si Jacob at si Esau, ang kambal na mga anak ni Isaac, ay naghahayag ng malaking pagkakaiba, kapwa sa likas at sa buhay. Ang pagkakaibang ito ay inihayag ng anghel ng Dios bago pa sila isilang. Nang tugunin ang dalangin ni Rebecca sa kanyang kagulumihanan ay sinabi na dalawang anak na lalaki ang ibibigay sa kanya, inihayag sa kanya ang kanilang magiging kasaysayan sa hinaharap, na ang dalawa ay kapwa magiging ulo ng malaking bansa, subalit ang isa ay magiging mas makapangyarihan kaysa sa isa, at ang mas bata ang makahihigit. MPMP 208.1

Si Esau ay lumaki sa pagpapasiya sa sarili at itinuon ang lahat ng kanyang pag-iisip sa kasalukuyan. Nabubugnot sa mga ipinagbabawal, ang ikinasisiya niya ay ang mabangis na kalayaan ng mga hayop, at bata pa nang piliin ang buhay ng isang mangangaso. Gano'n pa man siya ang paborito ng ama. Ang matahimik na buhay ng isang pastol ay humahanga sa pagiging mapangahas at malakas ng panganay na anak na ito, na walang takot na lumilibot sa mga bundok at mga ilang, at umuuwi na may huli para sa kanyang ama at may mga kapana-panabik na salaysay tungkol sa kanyang mapag-sapalarang buhay. Si Jacob, maalalahanin, masipag, at mahilig sa pangangalaga, at laging pinag-uukulan ng pansin ang hinaharap ng higit na kasalukuyan ay nasisiyahang manatili sa tahanan, abala sa pag-aalaga ng kawan at pagbubungkal ng lupa. Ang kanyang matiising pagsusumikap, pagiging matipid, at mapagtanaw sa hinaharap ay pi- nahalagahan ng kanyang ina. Ang kanyang pag-ibig ay malalim at malakas, at ang kanyang maginoo, at di-sumusukong pagtingin ay nagdaragdag sa kanya ng kasiyahan na higit sa mapagmalaki at pamin- san-minsang kabaitan ni Esau. Para kay Rebecca, si Jacob ang higit na mahal niyang anak. MPMP 208.2

Ang mga pangako na ibinigay kay Abraham at pinagtibay kay Isaac ay pinanghawakan ni Isaac at ni Rebecca bilang sentro ng kanilang mga kagustuhan at inaasahan sa hinaharap. Talos ni Esau at ni Jacob ang mga pangakong ito. Sila ay tinuruan upang pahalagahan ang karapatan ng pagiging panganay, sapagkat kaugnay noon hindi lamang ang pagmamana ng makasanlibutang kayamanan kundi pati ang espirituwal na pamumuno. Siya na tatanggap noon ay magiging saserdote ng sambahayan, at sa hanay ng kanyang mga anak ang Tagatubos ng sanlibutan ay isisilang. Sa kabilang dako, may mga pananagutan ang may hawak ng karapatan ng pagiging panganay. Siya na magmamana ng biyaya noon ay kinakailangang italaga ang kanyang buhay sa pagliligkod sa Dios. Tulad ni Abraham, siya ay kinakailangang maging masunurin sa mga utos ng Dios. Sa kanyang pag-aasawa, sa mga pakikipag-ugnayan ng kanyang sambahayan, sa pakikitungo sa madla, kinakailangang sumangguni siya sa kalooban ng Dios. MPMP 208.3

Inihayag ni Isaac sa kanyang mga anak ang mga karapatan at pananagutang ito, at maliwanag na ipinahayag na si Esau, bilang panganay, ang may karapatan sa pagkapanganay. Subalit si Esau ay walang hilig sa pananalangin, walang hilig sa isang relihiyosong buhay. Ang mga pananagutan ng pagkapanganay ay hindi niya tinatanggap at ikinagagalit pa niya. Ang kautusan ng Dios, na naging kundisyon ng pakikipagtipan ng Dios kay Abraham, ay itinuring ni Esau bilang isang pamatok ng pagkaalipin. Nakahilig sa pagbibigay laya sa sarili, wala na siyang ninais pa ng lubos kundi ang kalayaang magawa ang ano mang kanyang naisin. Para sa kanya ang kapangyarihan at kayamanan, kainan at tawanan ay kasiyahan. Lumuluwalhati siya sa hindi napipigilang kalayaan ng kanyang mabangis, at palaboy na buhay. Naalaala ni Rebecca ang mga salita ng anghel, at nabasa niya ng may higit na malinaw na pananaw kay sa kanyang asawa ang likas ng kanilang mga anak. Siya ay nakatiyak na ang pagmamana ng banal na pangako ay para kay Jacob. Inulit niya kay Isaac ang mga salita ng anghel; subalit ang pagmamahal ng ama ay nakasentro sa kanyang panganay na anak, at siya ay hindi nanlulupaypay sa layuning iyon. MPMP 209.1

Natutunan ni Jacob mula sa kanyang ina na ang banal na pahiwatig na ang karapatan ng pagkapanganay ay mapapasa kanya, at siya ay napuno ng di mabigkas na pagnanasa sa mga karapatan na kaugnay noon. Hindi ang pagkamay-ari sa mga ari-arian ng kanyang ama ang kanyang ninais; ang espirituwal na pagkapanganay ang layunin ng kanyang pagnanasa. Ang makipag-ugnayan sa Dios gaya ni Abraham, ang maghandog ng hain para sa ikatutubos ng kanyang sambahayan, ang pagiging tagapagsilang ng piniling bayan at ng ipinangakong Mesiyas, at ang magmana ng mga walang hanggang pag-aari na kabilang sa mga biyaya ng tipan—narito ang mga karapatan at kara- ngalan na nagpapaapoy sa matindi niyang pagnanasa. Ang kanyang kaisipan ay patuloy na tumitingin sa hinaharap at nagsisikap makamtan ang mga di nakikitang pagpapala. MPMP 209.2

Taglay ang lihim na ninanasa ay pinakinggan niya ang lahat ng sinabi ng kanyang ama tungkol sa espirituwal na pagkapanganay; maingat niyang pinahalagahan ang nalaman niya buhat sa kanyang ina. Araw at gabi ang paksang iyon ang pumuno sa kanyang pag- iisip. Subalit samantalang gano'ng pinahahalagahan niya ang pangwalang hanggan ng higit sa mga lumilipas na pagpapala, si Jacob ay walang kaalamang batay sa karanasan tungkol sa Dios na kanyang pinagpipitaganan. Ang kanyang puso ay hindi pa nababago ng biyaya ng Dios. Iniisip niya na ang pangako tungkol sa kanya ay hindi matutupad hanggang hindi ipinauubaya ni Esau ang mga karapatan ng pagkapanganay, at hindi siya tumigil sa paggawa ng paraan upang makamtan ang pagpapala na hindi lubos na pinahahalagahan, subalit lubos na mahalaga para sa kanya. MPMP 210.1

Nang si Esau, sa pag-uwi isang araw ay nanlalambot at pagod na pagod mula sa kanyang pangangaso, ay humingi ng pagkain na ini- hahanda ni Jacob, yo'ng isa, na ang isang iniisip ay pinakamahalaga sa lahat, ay sinamantala ang pagkakataon, at nag-alok na pakakainin ang kanyang nagugutom na kapatid kapalit ng pagkapanganay. “Narito ako'y namamatay,” reklamo ng walang ingat, at mapagbigay lugod sa sariling mangangaso, “at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?” At para sa isang plato ng pulang lutuin ay binitiwan niya ang kanyang pagkapanganay, at pinagtibay ang usapan sa pamamagitan ng panunumpa. Madali lang sana siyang makakukuha ng makakain sa tolda ng kanyang ama, subalit upang mapagbigyan ang kagustu- han sa sandaling iyon ay walang pakundangan niyang ipinagpalit ang maluwalhating pamana na ang Dios mismo ang nangako sa kanyang mga ama. Ang buo niyang kaisipan ay nasa pangkasalukuyan. Handa niyang ipagpalit ang makalangit na bagay sa makalupa, upang ipag- palit biyaya sa hinaharap para sa pangkasalukuyang kagustuhan. MPMP 210.2

“Gayon winalang halaga ni Esau ang kanyang pagkapanganay.” Sa pagbibitiw noon siya ay nakadama ng kaginhawahan. Ngayon ang kanyang landas ay hindi na nahahadlangan; magagawa niya ano man ang kanyang naisin. Para sa ligaw na kasiyahang ito, na napapag- kamaliang kalayaan, ilan ang nagbibili ng kanilang pagkapanganay sa isang mamanahing dalisay at hindi narurumihan, at walang hanggan sa mga langit! MPMP 210.3

Mahilig sa pawang panlabas at makalupang pang-alat, si Esau ay kumuha ng dalawang asawa mula sa mga anak ni Heth. Sila ay sumasamba sa mga diyus-diyusan, at ang kanilang pagsamba sa mga diyus-diyusan ay isang mapait na kalungkutan para kay Isaac at kay Rebecca. Sinuway ni Esau ang isa sa mga batayan ng tipan, na nag- babawal sa pakikipag-asawahan ng piniling bayan ng Dios sa mga hindi naniniwala sa Dios; gano'n pa man si Isaac ay hindi pa rin nagkakaroon ng ibang kapasyahan tungkol sa pagbibigay sa kanya ng mga karapatan ng pagkapanganay. Ang pananaw ni Rebecca, at ang matinding pagnanasa ni Jacob para sa pagpapala, at pagwawalang bahala ni Esau sa mga pananagutan noon ay hindi makapagbabago sa kapasyahan ng ama. MPMP 211.1

Ang mga taon ay lumipas, hanggang sa si Isaac, matanda na at bulag, ay magpasyang hindi na ipagpaliban ang pagbibigay ng pagpapala sa kanyang panganay na anak. Subalit sa pagkabatid ng pagtu- tutol ni Rebecca at ni Jacob, ipinasiya niyang isagawa ng lihim ang banal na seremonya. Sang-ayon sa kaugalian ng paghahanda para sa gano'ng okasyon, ay sinugo ng patriarka si Esau, “Lumabas ka sa parang, at ihuli mo ako ng usa; at igawa mo ako ng masarap na pagkain,... upang ikaw ay basbasan ko bago ako mamatay.” MPMP 211.2

Narinig ni Rebecca ang kanyang layunin. Siya ay nakatitiyak na iyon ay hindi ayon sa inihayag na kalooban ng Dios. Si Isaac ay nasa mapanganib na hindi pagkalugod ng Dios sa pagkakait sa mas naka- babata niyang anak sa kalagayang itinawag sa kanya ng Dios. Nabigo na siya nang subukan niyang ihayag ang kanyang pananaw kay Isaac, at nagpasiya siyang gumamit ng kaparaanan. MPMP 211.3

Di pa natatagalan pagka-alis ni Esau ay gumayak si Rebecca upang isakatuparan ang kanyang panukala. Sinabi niya kay Jacob ang nangyari, at pinilit siyang gumawa ng paraan upang huwag mapabigay ang pagpapala, na ganap at hindi na mababago kay Esau. At tiniyak niya sa kanyang anak na kung susundin niya ang kanyang sasabihin, ay maaaring makamtan niya iyon ayon sa ipinangako ng Dios. Hindi kaagad sumang-ayon si Jacob sa panukala na kanyang iminungkahi. Ang kaisipang kanyang dadayain ang kanyang ama ay lubos na nag- pagulo sa kanya. Kanyang nadama na ang gano'ng kasalanan ay maaaring maghatid ng-sumpa sa halip na pagpapala. Subalit ang kanyang mga pagdadahilan ay nadaig, at siya ay humakbang upang isakatuparan ang mga mungkahi ng kanyang ina. Hindi niya layunin ang bumigkas ng kasinungalingan, subalit nang siya ay nasa harapan na ng kanyang ama ay tila lubhang malayo na ang kanyang nararating upang magbalik pa, at tinamo niya sa pamamagitan ng pagsisinu- ngaling ang ninanasa niyang pagpapala. MPMP 211.4

Si Jacob at si Rebecca ay nagtagumpay sa kanilang panukala, subalit sila ay nagkamit lamang ng gulo at kalungkutan sa pamamagitan ng kanilang panlilinlang. Itinakda ng Dios na si Jacob ang tatanggap ng karapatan ng pagkapanganay, at ang Kanyang salita ay maaaring natupad sa sarili niyang kapanahunan kung sila lamang ay naghintay ng may pananampalataya upang gumawa para sa kanila. Subalit tulad sa maraming nagpapanggap na mga anak ng Dios ngayon, sila ay hindi handa upang ipaubaya ang bagay na iyon sa Kanyang mga kamay. Mapait na pinagsisihan ni Rebecca ang maling payo na ibinigay niya sa kanyang anak; iyon ang naging daan upang sila ay mag- kahiwalay, at di na niya kailanman nakita pa ang kanyang mukha. Mula noong oras na kanyang tanggapin ang karapatan ng pagkapanganay, si Jacob ay napuno na ng paghamak sa sarili. Siya ay nag- kasala sa kanyang ama, kapatid, sariling kaluluwa, at sa Dios. Sa isang maikling oras siya ay nakagawa ng isang bagay na kanyang pagsisisi- han habang buhay. Ang tagpong ito ay naging maliwanag pa sa kanya makalipas ang maraming taon, noong ang masamang landas ng sarili niyang mga anak ay magpalungkot sa kanyang kaluluwa. MPMP 212.1

Kaaalis pa lamang ni Jacob sa tolda ng kanyang ama nang si Esau ay pumasok. Bagaman kanyang ipinagbili ang kanyang karapatan sa pagiging panganay, at iyon ay pinagtibay sa pamamagitan ng isang banal na panunumpa, siya ngayon ay nagnanasang tanggapin ang mga pagpapala noon, di iniisip ang pag-aangkin ng kanyang kapatid. Kaugnay ng espirituwal ay ang temporal na pagkapanganay, na mag- bibigay sa kanya ng pagiging puno ng sambahayan at dalawang ba- hagi ng kayamanan ng ama. Ito ay mga pagpapalang kanyang pinahahalagahan. “Bumangon ang ama ko,” ang wika niya, “at kumain ng usa ng kanyang anak, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa.” MPMP 212.2

Nanginginig sa pagkamangha at pagkabalisa, nabatid ng bulag at matandang ama ang panlilinlang na ginawa sa kanya. Ang kanyang matagal nang kinagigiliwang mga pag-asa ay nasira, at lubos niyang nadama ang kabiguang sasapit sa kanyang panganay na anak. Gano'n pa man ang kaisipan ay dumating sa kanya na kalooban ng Dios ang dumaig sa kanyang layunin at nagpapangyari ng bagay na sinisikap niyang iwasan. Kanyang naalaala ang pananalita ng anghel kay Rebecca, at sa kabila ng kasalanang ginawa ni Jacob, nakita niya sa kanya ang pagiging angkop upang magsakatuparan ng mga layunin ng Dios. Samantalang kanyang binibigkas ang pagpapala, kanyang nadama ang inspirasyon ng Espiritu na sumasa kanya; at ngayon, sa pagkabatid ng buong pangyayari, kanyang pinagtibay ang basbas na di niya sinasadyang nabigkas kay Jacob: “Aking binasbasan siya, oo, at siya'y magiging mapalad.” MPMP 212.3

Hindi ni Esau lubos na pinahalagahan ang pagpapala samantalang iyon ay maaari niyang makamtan, subalit kanyang ninanasang makamtan iyon ngayong iyon ay wala na sa kanya magpakailan pa man. Ang lahat ng lakas ng kanyang mapusok, at magagaliting likas ay napukaw, at ang kanyang pagkalungkot at galit ay kakila-kilabot. Siya ay humiyaw ng di kawasang kapanglawan, “Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko!” “Hindi mo ba ako ipinaglaan ng basbas?” Subalit ang pangakong ibinigay ay hindi na muli pang mababawi. Ang karapatan ng pagkapanganay na walang pag-iingat niyang ipi- nagpalit ay hindi na niya makukuha pang muli. “Sa isang pinggang pagkain,” para sa isang panandaliang pagbibigay-kasiyahan sa panlasa na kailan man ay di na papipigil, ay ipinagbili ni Esau ang kanyang mana; subalit nang makita niya ang kanyang pagkakamali, ay huli na ang lahat upang makuha pang muli ang basbas. “Wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kanyang ama, bagamat pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha.” Hebreo 12:16, 17. Si Esau ay hindi nawalan ng pagkakataon upang hanapin ang kaluguran ng Dios sa pamamagitan ng pagsisisi, subalit wala nang ano pa mang paraan upang mabalik sa kanya ang karapatan ng pagkapanganay. Ang kanyang pagkalungkot ay di nagmula sa tunay na pagkilala sa kasalanan; hindi niya ninais ang pakikipagkasundo sa Dios. Siya ay nalungkot dahilan sa ibinunga ng kanyang kasalanan, subalit hindi dahil sa kasalanan. MPMP 213.1

Dahilan sa kanyang kawalang-bahala sa mga banal na pagpapala at iniuutos, si Esau ay tinawag sa kasulatang “mapaglapastangan.” Talatang 16. Siya ay kumakatawan sa di lubos na pinahahalagahan ang pagkatubos na isinagawa ni Kristo para sa kanila, at handang isakri- pisyo ang kanilang mana sa langit kapalit ng mga bagay na kumuku- pas sa lupa. Marami ang nabubuhay para sa kasalukuyan, na walang ano mang pag-iisip o pag-iingat para sa hinaharap. Tulad ni Esau sila ay umiyak, humihiyaw, “Magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mamamatay.” 1 Corinto 15:32. Sila ay hawak ng kinahi- hiligan; at sa halip na kasanayan ang pagtanggi sa sarili, ay ipinagpa- palit ang pinakamahalaga sa lahat. Kung may isang dapat iwanan, ang pagbibigay lugod sa isang napakasamang panlasa o ang makalangit na mga pagpapala na ipinangako doon sa mga mapagtanggi sa sarili at may pagkatakot sa Dios, ang kagustuhan ng panglasa ang nananaig, at ang Dios at ang langit ay tunay na hinahamak. Ilan, maging sa mga nag-aangking mga Kristiano, ang nananatili sa mga layaw na nakasisira ng kalusugan at nakamamanhid ng pakiramdam ng kaluluwa. Ang tungkulin sa paglilinis ng kanilang mga sarili mula sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, at pagpapasakdal ng kabanalan sa pagkatakot sa Dios, ay nasasaktan. Kanilang nakikita na hindi nila maaaring panatilihin ang mga nakasisirang pagpapalugod sa sarili at magkamit pa rin ng langit, at kanilang ipinapasyang sapagkat ang daan patungo sa buhay na walang hanggan ay gano'n na lamang katuwid, hindi na sila lalakad pa doon. MPMP 213.2

Marami ang ipinagbibili ng kanilang karapatan sa pagkapanganay sa pagpapalaya sa katawan. Ang kalusugan ay naisasakripisyo, ang kaisipan ay pinahihina, at ang langit ay nababaliwala; at ang lahat para lamang sa isang pawang panandaliang kaligayahan—isang pagbibigay laya na minsanang nakapagpapahina at nakapagpapababa ng pag- katao. Samantalang si Esau ay nagigising sa pagkabatid ng kahanga- lan ng kanyang padalos-dalos na pakikipagpalit nang huli na ang lahat upang maibalik pa ang kanyang naiwala, magiging gano'n din sa araw ng Panginoon doon sa mga ipinagpalit ang kanilang pagmamana ng langit para lamang sa pagbibigay lugod sa sarili. MPMP 214.1