Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Kabanata 17—Ang Pagtakas at Pagiging Distiyero ni Jacob
Ang kabanatang ito ay batay sa Genesis 28 hanggang 31.
Sa takot mamatay sa galit ni Esau, si Jacob ay lumabas sa tahanan ng kanyang ama bilang isang takas; subalit dala niya ang basbas ng kanyang ama; muling sinariwa ni Isaac sa kanya ang tipang pangako, at binilinan siya, bilang tagapagmana noon, na humanap ng asawa mula sa angkan ng kanyang ina sa Mesopotamia. Gano'n pa man ay may isang lubhang nagugulumihanang puso si Jacob nang siya ay umalis tungo sa kanyang malungkot na paglalakbay. Dala lamang ang kanyang tungkod sa kanyang kamay siya ay kinakailangang mag- lakbay ng daan-daang milya sa isang bansang tinitirahan ng mga mabangis at mapaglibot na mga tribo. Sa kanyang mataos na pagsisisi at kahihiyan ay sinikap niyang umiwas sa mga tao, baka siya matunton ng kanyang galit na kapatid. Pinangangambahan niya na kanyang naiwala na magpasa walang hanggan ang pagpapalang ninais ipag- kaloob sa kanya ng Dios; at si Satanas ay handa upang maglapat ng mga tukso sa kanya. MPMP 215.1
Ang gabi ng ikalawang araw ay nasumpungan siyang malayo na sa tolda ng kanyang ama. Nadama niya na siya ay isang taong itinakwil, at alam niya na ang lahat ng kanyang naging suliranin ay hatid ng kanyang pagkakamali. Ang kadiliman ng pagkawala ng pag-asa ay dumadagan sa kanyang kaluluwa, at halos hindi siya makapangahas manalangin. Subalit siya ay lubos na nalulumbay kung kaya nadama niya ang pangangailangan ng pag-iingat ng Dios na kailanman ay di pa niya nadama. Lumuluha at may matinding pagpapakumbaba kanyang inamin ang kanyang pagkakasala, at humiling ng ilang patotoo na siya ay hindi lubos na pinabayaan. Hindi pa rin maka- sumpong ng kaginhawahan ang kanyang bagabag na puso. Wala na siyang ano pa mang tiwala sa kanyang sarili, at siya ay nangangamba na ang Dios ng kanyang mga ama ay itinapon na siya. MPMP 215.2
Subalit ang Dios ay hindi nagpabaya kay Jacob. Ang Kanyang habag ay pinaaabot pa rin sa Kanyang nagkasala, at di nagtitiwalang lingkod. May kahabagang ipinahayag ng Dios kay Jacob kung ano ang kanyang kailangan—isang Tagapagligtas. Siya ay nagkasala, subalit ang kanyang puso ay napuno ng pagpapasalamat samantalang nakikita niyang inihahayag ang isang daan na sa pamamagitan noon ay maaaring muling maibalik ang kaluguran ng Dios. MPMP 215.3
Napagod sa kanyang paglalakbay, ang gumagala ay nahiga sa lupa, na may bato na nagsilbing kanyang unan. Samantalang siya ay natutulog siya ay nakakita ng isang hagdan, maliwanag at nagniningning, ang puno niyaon ay nakatungtong sa lupa, samantalang ang dulo ay umaabot sa langit. Sa hagdang ito ang mga anghel ay nagmamanhik manaog; sa itaas noon ay ang Panginoon ng kaluwalhatian, at mula sa mga langit ang Kanyang tinig ay naririnig: “Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac.” Ang lupain na kanyang hinihigaan bilang isang takas at nagtatago ay ipi- nangako sa kanya at sa kanyang magiging mga anak at may pagpapa- totoong, “Sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng ang- kan sa lupa.” Ang pangakong ito ay naibigay kay Abraham at kay Isaac, at ngayon ito ay muling sinariwa kay Jacob. At sa isang nata- tanging pagharap sa kanyang pangkasalukuyan lungkot at pagkabalisa, ang mga pananalita ng pag-aliw at pagpapasigla ay binigkas: “Narito't Ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, at pababalikin kita sa lupaing ito sapagkat hindi kita iiwan hanggang hindi Ko magawa ng sinalita Ko sa iyo.” MPMP 216.1
Alam ng Panginoon ang masasamang impluwensyang papalibot kay Jacob, at mga sakunang kalalantaran niya. Sa habag ay inihayag Niya ang hinaharap sa isang nagsising takas, upang kanyang maunawaan ang layunin ng Dios tungkol sa kanya, at mahanda upang labanan ang mga tuksong tiyak na darating sa kanya kapag nag-iisa sa kalagitnaan ng mga sumasamba sa mga diyus-diyusan at mapag- panukala. Sa harap niya ay palaging magkakaroon ng mataas na pamantayan na kinakailangan niyang mithiin; at ang kaalaman na sa pamamagitan niya ang mga layunin ng Dios ay isinasakatuparan, ay palaging mag-uudyok sa kanya upang maging tapat. MPMP 216.2
Sa pangitaing ito ang panukala ng pagtubos ay ipinahayag, hindi lubos, subalit ang mga bahaging nauukol sa kanya sa panahong iyon. Ang mahiwagang hagdan na ipinakita sa kanya sa panaginip ay siyang tinutukoy ni Kristo sa kanyang pakikipag-usap kay Nathaniel. Kanyang sinabi, “Makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog sa ulunan ng Anak ng tao.” Juan 1:51. Hanggang sa panahon ng panghihimagsik ng tao laban sa pamamahala ng Dios, ay may malayang ugnayan sa pagitan ng Dios at ng tao. Subalit ang kasalanan ni Adan at ni Eva ay nagpahiwalay sa lupa mula sa langit, kung kaya't ang tao ay hindi na maaaring makipag-ugnayan sa kanyang Manlalalang. Gano'n pa man ang sanlibutan ay di iniwan sa malungkot na kawalan ng pag-asa. Ang hagdan ay kumakatawan kay Jesus, ang itinalagang tagapamagitan sa ugnayan. Kung hindi niya ginawan ng tulay sa pamamagitan ng kanyang kabutihan ang malaking look na ginawa ng kasalanan, ang mga naglilingkod na mga anghel ay maaaring hindi nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga taong nagkasala. Ang tao sa kanyang kahinaan at kawalang kakayanan ay iniuugnay ni Kristo sa pinagmumu- lan ng walang hanggang kapangyarihan. MPMP 216.3
Ang lahat ng ito ay inihayag kay Jacob sa kanyang panaginip. Bagaman kaagad nahagip ng kanyang pag-iisip ang isang bahagi ng ipinahahayag, ang dakila at mahiwagang mga katotohanan noon ay naging aralin sa kanyang buong buhay, at higit at higit na nabuksan sa kanyang pang-unawa. MPMP 217.1
Si Jacob ay nagising sa kanyang pagkatulog sa malalim na kata- himikan ng gabi. Ang mga maningning na mga anyo sa kanyang pangitain ay wala na. Ang madilim na guhit ng malungkot na mga gulod at sa itaas nila ay ang mga nagniningning na mga bituin, ngayon ang kanyang nakikita. Subalit siya ay may banal na pagkadama na ang Dios ay kasama niya. Isang di nakikitang pakikiharap ang pumupuno sa katahimikan. “Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito,” ang wika niya, “at hindi ko nalalaman.... Ito'y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.” MPMP 217.2
“At si Jacob ay bumangong maaga ng kinaumagahan, at kinuha ang batong kanyang inilagay sa ulunan niya, at kanyang itinayo na pinakaalaala, at kanyang binuhusan ng langis sa ibabaw.” Sang-ayon sa kinaugaliang pag-alala sa mahahalagang pangyayari, si Jacob ay nagtayo ng isang alaala sa kaawaan ng Dios, upang sa tuwing siya ay mapapadaan doon siya ay maaaring tumigil sa banal na dakong ito upang sumamba sa Panginoon. At ang lugar na iyon ay tinawag niyang Betel, o “bahay ng Dios.” Taglay ang lubos na pagpapasalamat kanyang inulit ang pangako na ang pakikiharap ng Dios ay sasa kanya; at siya ay nagsagawa ng isang banal na panata, “Kung sasa akin ang Dios, at ako'y iingatan sa daang ito na aking nilalakaran, at ako'y bibigyan ng tinapay na makakain, at damit na maisusuot, na ano pa't ako'y makabalik na payapa sa bahay ng aking ama; ay ang Panginoon nga ang magiging aking Dios, at ang batong ito na aking itinayo na pinakaalaala ay magiging bahay ng Dios; at sa lahat ng ibigay Mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasampung bahagi ay ibibigay ko sa Iyo.” MPMP 217.3
Si Jacob ay hindi dito nakikipagkasundo sa Dios. Ang Panginoon ay nangako na sa kanya ng kasaganahan, at ang panatang ito ay bunga ng isang pusong punong-puno ng pagpapasalamat sa katiyakan ng pag-ibig at kaawaan ng Dios. Nadama ni Jacob na mayroon siyang pananagutan sa Dios na kinakailangan niyang kilalanin, at ang mga natatanging kaloob ng kabutihan ng Dios sa kanya ay kinakailangang matugunan. Gano'n din ang bawat pagpapala na ipinag- kakaloob sa atin ay nangangailangan ng isang tugon para sa May- akda ng lahat ng ating biyaya. Kinakailangang madalas balikan ng isang Kristiano ang nakalipas niyang buhay at alalahaning may pagpapasalamat ang mahalagang pagliligtas na ginawa ng Dios para sa kanya, pagtulong sa kanya sa panahon ng pagsubok, pagbubukas para sa kanya ng mga daan sa panahong ang lahat ay tila madilim at hindi nagpapahintulot, nagpapasigla sa kanya sa panahong siya ay malapit ng manlupaypay. Kinakailangang kilalanin niya ang lahat ng mga iyon bilang katibayan ng pag-iingat ng makalangit na mga anghel. Sa harap ng lahat ng mga biyayang ito ay kinakailangang itanong niyang malimit, na may masupil at nagpapasalamat na puso, “Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?” Awit 116:12. MPMP 218.1
Ang ating mga panahon, talento, ari-arian, ay kinakailangang banal na maitalaga sa Kanya na nagbigay sa atin ng mga biyayang ito bilang mga katiwala. Sa tuwing ang isang natatanging pagliligtas ay ginawa para sa atin, o may bago o di inaasahang mga kabutihan na ipi-nagkaloob sa atin, kinakailangang kilalanin natin ang kabutihan ng Dios, hindi lamang sa pamamagitan ng mga salita, kundi, tulad ni Jacob, sa pamamagitan ng mga kaloob at handog para sa Kanyang gawain. Samantalang patuloy nating tinatanggap ang mga pagpapala ng Dios, gano'n din naman kinakailangang tayo ay patuloy na nagbibigay. MPMP 218.2
“Sa lahat ng ibibigay Mo sa akin,” sabi ni Jacob, “ay walang pagsalang ang ika-sampung bahagi ay ibibigay ko sa Iyo.” Tayo ba na nagagalak sa ganap na liwanag at mga karapatan ng ebanghelyo ay masisiyahang magkakaloob ng mas kaunti sa Dios kaysa sa ibinigay noong namuhay noong una, at hindi higit na nabiyayaang panahon? Hindi, samantalang ang ating mga pagpapala ay higit, hindi ba gano'n ding nakahihigit ang ating pananagutan? Subalit gaano kaliit ang pag-titiyaga; gaano kawalang kabuluhan ang pagsisikap na masukat sa pamamagitan ng mga batas ng matematika, panahon, salapi, at pag-ibig, ang isang pag-ibig na di nasusukat at isang kaloob na ang halaga ay hindi malirip. Mga ikapu para kay Kristo! O anong napakaliit na sustento, at nakakahiyang pangpalit sa bagay na napaka halaga! Mula sa krus ng kalbaryo, si Kristo ay nananawagan para sa ganap na pagtatalaga. Lahat ng sa atin, lahat ng kung ano tayo, ay kinakailangang maitalaga sa Dios. MPMP 218.3
Taglay ang isang bago at nananahang pananampalataya sa banal na mga pangako, at nakatitiyak sa pakikiharap at pag-iingat ng mga anghel na makalangit, si Jacob ay nagpatuloy sa kanyang paglalakbay tungo sa “lupain ng mga anak ng Silanganan.” Genesis 29:1. Subalit anong laking kaibahan ng kanyang pagdating sa pagdating ng sugo ni Abraham halos isang daang taon na ang nakalilipas! Ang sugo ay dumating kasama ng mga tauhang sakay sa mga kamelyo, at maraming mga kaloob na ginto at pilak; ang anak ay nag-iisa, namamaga ang paang manlalakbay, walang ano mang ari-arian liban sa kanyang tungkod. Tulad sa lingkod ni Abraham, si Jacob ay tumigil sa tabi ng isang balon, at dito niya nakatagpo si Raquel, ang nakababatang anak na babae ni Laban. Si Jacob ngayon ang nagkaloob ng paglilingkod, inalis ang bato mula sa balon at pinainom ang mga kawan. Sa pagpapakilala ng kanyang angkan, siya ay pinatuloy sa tahanan ni Laban. Bagaman siya ay dumating na walang ano mang dala at kasama, ang ilang linggo ng pananatili ay nagpahayag ng kahalagahan ng kanyang kasipagan at kaalaman, at siya ay pinakiusapang manatili. Nagkaroon ng kasunduang siya ay maglilingkod para kay Laban sa loob ng pitong taon para sa kamay ni Raquel. MPMP 221.1
Noong mga panahong una ang kakasaling lalaki ay kinakailangang, bago mapagtibay ang kasal, ay magbayad ng isang halaga ng salapi o katumbas noon na ari-arian, batay sa kalagayan, sa ama ng kanyang asawa. Ito ay itinuturing bilang paggalang sa relasyon ng nag-aasawa. Hindi iniisip ng mga ama ang ipagkatiwala ang kaligayahan ng kanilang anak sa mga lalaking walang maipagkakaloob upang tumustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Kung sila ay walang sapat na pagtitipid at lakas upang mangasiwa ng hanap-buhay at magkaroon ng mga hayop o lupain, pinangangambahan na ang kanilang buhay ay walang kabuluhan. Subalit mayroon ding paraang nakalaan para doon sa mga walang maibayad para sa asawa. Sila ay pinahihin- tulutang maglingkod sa ama ng anak na babae na kanilang minama- hal, ang haba ng panahon ay itinatakda batay sa halaga ng kinakailangang kabayarang dote. Kapag ang manliligaw ay napatunayang tapat sa kanyang paglilingkod, kinakamtan niya ang anak na babae bilang kanyang asawa; at kalimitan ang doteng tinanggap ng ama ay ibinibigay sa anak na babae sa araw ng kanyang kasal. Sa kasaysayan ni Raquel at ni Lea, gayon man, ay hindi ibinigay ni Laban ang dote na sana'y ibinigay sa kanila; kanilang binanggit nang kanilang sabihin, bago sila umalis sa Mesopotamia, “Ipinagbili niya kami at kanyang lubos nang kinain ang aming halaga.” MPMP 221.2
Ang kaugaliang iyon noong una, bagaman minsan ay inaabuso, gaya ng ginawa ni Laban, ay nagbunga ng mabuti. Kapag ang manliligaw ay kinakailangang maglingkod upang makamtam ang kanyang magiging asawa, ang madaliang pag-aasawa ay naiiwasan, at nagkakaroon ng pagkakataon upang masubok ang lalim ng kanyang pagmamahal, gano'n din ang kanyang kakayanan upang tumustos ng pamilya. Sa ating kapanahunan maraming kasamaan ang ibinubunga ng paglihis sa gano'ng paraan. Malimit nangyayari na iyong ikakasal ay hindi nagkaroon ng pagkakataon upang lubos na malaman ang likas at hilig ng isa't isa, at, tungkol sa pang-araw-araw na kabuhayan, sila ay pawang kakaiba sa isa't isa sa kanilang pag-iisang dibdib sa harap ng altar. Marami ang nasusumpungang, huli na ang lahat, na sila ay hindi bagay sa isa't isa, at ang resulta ng kanilang pag-iisang dibdib ay panghabangbuhay na kapighatian. Malimit ang asawang babae at mga anak ay nagdudusa sa katamaran at kakulangan o bisyo ng asawang lalaki at ama. Kung ang pagkatao ng manliligaw ay nasubok bago nakasal, ayon sa kinaugalian noong una, malaking kalungkutan ang sana'y naiwasan. MPMP 222.1
Pitong taon ng matapat na paglilingkod ang ipinagkaloob ni Jacob para kay Raquel, at ang mga taon na kanyang ipinaglingkod “sa kanya'y naging parang ilang araw, dahil sa pag-ibig na taglay niya sa kanya.” Subalit ang makasarili at mapagsamantalang si Laban, sa pagnanasang papanatiliin ang isang napakahalagang katulong, ay nag- sagawa ng isang malupit na pandaraya sa pagpapalit kay Lea at kay Raquel. Ang katotohanang si Lea ay kabahagi ng pandaraya, ay naging sanhi upang madama niya na siya ay hindi niya maiibig. Ang kanyang galit na sumbat kay Laban ay sinalubong ng pag-aalok ng paglilingkod ng isa pang pitong taon para kay Raquel. Subalit ipinilit ng ama na si Lea ay di dapat isauli sapagkat iyon ay maghahatid ng kahihiyan sa sambahayan. Sa gano'ng paraan si Jacob ay nalagay sa isang napakasakit at sinusubok na kalagayan; sa huli ay ipinasya niyang panatilihin si Lea at pakasalan si Raquel. Si Raquel ang sa simula pa man ay pinakamamahal; subalit ang kanyang higit na pagmamahal sa kanya ay pumukaw ng inggit at paninibugho, at ang kanyang buhay ay pinapait ng alitan ng magkapatid na pawang asawa niya. MPMP 222.2
Sa loob ng dalawampung taon si Jacob ay nanatili sa Mesopotamia, sa paglilingkod kay Laban, na, sa pagwawalang halaga sa kanilang pagiging magkamag-anak, ay nakahilig sa pagkamit ng lahat ng pakinabang sa kanilang pagsasama. Labing apat na taon ang kanyang hiniling para sa dalawa niyang anak; at sa loob ng mga nahuhuling mga taon, ang upa ni Jacob ay sampung beses binago. Gano'n pa man ang paglilingkod ni Jacob ay masikap at tapat. Ang kanyang mga salita kay Laban sa huli nilang pagtatagpo ay malinaw na nagha- hayag ng kanyang walang kapagurang kasipagan na kanyang ipinagkaloob sa kapakanan ng kanyang malupit na pinaglilingkuran: “Ako'y natira sa iyo nitong dalawampung taon; ang iyong mga babaing tupa, at ang iyong mga babaing kambing ay hindi nawalan ng kanilang mga anak, at ang mga tupang lalaki ng iyong kawan ay hindi ko kinain. Ang nilapa ng mga ganid ay hindi ko dinala sa iyo; ako ang nagbata ng kawalan; sa aking kamay mo hiningi, maging nanakaw sa araw, o nanakaw sa gabi. Ganito nakaraan ako; sa araw ay pinupugnaw ako ng init, at ng lamig sa gabi; at ang pag-aantok ay tumatakas sa aking mga mata.” MPMP 223.1
Kinailangan noong bantayan ng mga pastol ang kanilang kawan sa araw at sa gabi. Sila ay nasa panganib ng mga magnanakaw, at sa mababangis na mga hayop, na marami at mapangahas, at ma-limit ay gumagambala sa mga kawan na hindi lubos na nababanta-yan. Si Jacob ay maraming katulong sa pag-aalaga sa maraming kawan ni Laban, subalit siya mismo ang nananagot sa lahat ng iyon. Sa ilang panahon siya ang kinakailangang sumama sa mga kawan, upang ingatan sila sa panahon ng tagtuyo sa pagkamatay sa uhaw. MPMP 223.2
Kung ang alin man sa mga tupa ay nawawala, ang punong pastol ang nanagot sa pagkawala; - at kanyang tinatawagan ng pinagkatiwalaan ng pag-aalaga sa kawan upang magkaroon ng masusing pagbibilang kung iyon ay masumpungang hindi lumalago. MPMP 224.1
Ang buhay ng pastol sa kanyang pagiging masikap at mapag-alaga at ang kanyang mapagmahal na pagkahabag sa mga walang kakayanang mga nilikha na ipinagkatiwala sa kanila, ay ginamit ng mga kinasihang mga manunulat upang ilarawan ang ilan sa pinakamahalagang katotohanan ng ebanghelyo. Si Kristo, sa Kanyang kaugnayan sa Kanyang bayan, ay inihalintulad sa isang pastol. Makalipas maganap ang Pagkahulog nakita niyang ang Kanyang tupa ay mangamamatay sa madilim na mga daan ng kasalanan. Upang mailigtas ang naglalagalag na mga ito ay Kanyang iniwan ang mga karangalan at kaluwalhatian ng tahanan ng Kanyang Ama. Wika Niya, “Aking hahanapin ang nawala, at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang nabalian, at palalakasin ang may sakit.” Aking “ililigtas ang Aking kawan, at hindi na sila magiging samsam.” “O lalamunin man sila ng hayop sa lupa.” Ezekiel 34:16, 22, 28. Ang Kanyang tinig ay maririnig na tumatawag sa kanila sa Kanyang kawan, “lilim sa kaarawan laban sa init, at upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan” Isaias 4:6. Ang Kanyang pangangalaga sa Kanyang kawan ay walang kapaguran. Kanyang pinalalakas ang mahina, pinagiginhawa ang naghihirap, tinitipon ang mga tupa sa Kanyang bisig, at binubuhat sila sa Kanyang sinapupunan. Mahal Siya ng Kanyang mga tupa. “At sa iba'y hindi sila magsisisunod, kundi magsisitakas sa kanya: sapagkat hindi nila nakikilala ang tinig ng mga iba.” Juan 10:5. MPMP 224.2
Ang sabi ni Kristo, “Ibinigay ng mabuting pastor ang kanyang buhay dahil sa mga tupa. Ang nagpapaupa, at hindi ang pastor, na hindi may-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo, at pinababayaan ang mga tupa, at tumatakas, at inaagaw sila ng lobo, at pinapangangalat: siya'y tumatakas sapagkat siya'y upahan, at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa. Ako ang Mabuting Pastor; at nakikilala Ko ang sariling Akin, at ang sariling Akin ay nakikilala Ako.” Talatang 11-14. MPMP 224.3
Si Kristo, ang Punong Pastor, ay ipinagkatiwala ang pangangalaga ng Kanyang kawan sa Kanyang mga katulong na pastor; at inuutsan Niya silang magkaroon din ng ganoong pangangalaga tulad ng pangangalaga Niya, at madama ang banal na pananagutang ipinagkati- wala sa kanila. May kabanalan Niyang inuutusan sila upang maging tapat, upang pakanin ang kawan, palakasin ang mahina, pasiglahin ang nanghihina, at kublihan sila mula sa mga naninilang mga lobo. MPMP 224.4
Upang mailigtas ang Kanyang mga tupa, ay inialay ni Kristo ang sarili Niyang buhay; at itinuturo Niya ang Kanyang mga pastor sa gano'ng pag-ibig na naihayag, bilang kanilang halimbawa. Subalit “ang nagpapaupa,... na hindi may-ari ng mga tupa,” ay walang tunay na pagmamalasakit sa kawan. Siya ay gumagawa upang kumita lamang, at siya ay nangangalaga lamang sa kanyang sarili. Pinag-aaralan niya ang sarili niyang kikitain sa halip na ang pinagmamalasakitang ipinagkatiwala sa kanya; at sa panahon ng panganib o sakuna siya ay tumatakas at iniiwan ang kawan. MPMP 225.1
Pinagsabihan ni apostol Pedro ang mga katulong na pastor: “Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pag-iisip; ni hindi naman gaya ng kayo'y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo'y maging mga uliran ng kawan.” 1 Pedro 5:2, 3. Ang sabi ni Pablo, “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng Kanyang sariling dugo. Aking talastas na pag-alis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan.” Gawa 20:28, 29. MPMP 225.2
Lahat ng umaagaw sa pangangalaga at pasanin ng pagiging isang matapat na pastor, ay sinusumbatan ng apostol: “Hindi sapilitan, kundi may kasiyahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pag-iisip.” 1 Pedro 5:2. Ang lahat ng gano'ng di tapat na mga lingkod ay malugod na paaalisin ng punong pastor. Ang iglesia ni Kristo ay binili ng Kanyang dugo, at kinakailangang mabatid ng lahat ng pastor na ang mga tupang kanilang inaalagaan ay nagkakahalaga ng walang hanggang sakripisyo. Kinakailangang ituring niya ang bawat isa na walang katumbas ang halaga, at kinakailangang di nanlulupaypay sa kanilang pagsisikap upang sila'y maingatang malulusog, at nasa kala- gayang lumalago. Ang pastor na puspos ng espiritu ni Kristo ay tutulad sa kanyang halimbawa ng pagiging mapagtanggi sa sarili, samantalang patuloy na gumagawa para sa kapakanan ng kanyang inaalagaan; at ang kawan ay lalago sa ilalim ng kanyang pangangala- ga. MPMP 225.3
Ang lahat ay haharap upang magbigay ng masusing pag-uulat tungkol sa kanilang paglilingkod. Ang bawat pastor ay tatanungin ng Panginoon, “Saan nandoon ang kawan na ibinigay sa iyo, ang iyong magandang kawan?” Jeremias 13:20. Ang masumpungang nagtatapat, ay tatanggap ng isang mahalagang gantimpala. “At pagkahayag ng Pangulong Pastor,” ang sabi ng apostol, “ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian.” 1 Pedro 5:4. MPMP 226.1
Noong si Jacob, sa kapaguran sa paglilingkod kay Laban, ay nagpapaalam upang makauwi sa Canaan, ang sabi niya sa kanyang biyanang lalaki, “Papagpaalamin mo ako upang ako'y makaparoon sa aking dakong tinubuan at sa aking lupain. Ibigay mo sa akin ang aking mga asawa at ang aking mga anak, na siyang kadahilanan ng ipinaglingkod ko sa iyo, at papagpaalamin mo ako: sapagkat talastas mo ang paglilingkod na ipinaglingkod ko sa iyo.” Subalit si Laban ay nakiusap sa kanyang manatili, na nagsasabi, “aking napagkilala, na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo.” Kanyang nakita na ang kanyang ari-arian ay lumalago sa ilalim ng pangangalaga ng kanyang manugang. MPMP 226.2
Sabi ni Jacob, “Kakaunti ang tinatangkilik mo bago ako dumating, at naging isang karamihan.” “Subalit sa paglipas ng panahon, si Laban ay nagkaroon ng inggit sa higit na pag-unlad ni Jacob, na lumagong mainam; at nagkaroon ng malalaking kawan at ng mga aliping babae at lalaki, at ng mga kamelyo at ng mga asno.” Ang mga anak ni Laban ay nagkaroon din ng ganoong inggit na gaya ng sa kanilang ama, at ang kanilang mahalay na pananalita ay nakarating kay Jacob: Kanyang “kinuha ang lahat ng sa ating ama, at doon sa mga sa ating ama ay tinamo niya ang buong karangalang ito. At minasdan ni Jacob ang mukha ni Laban, at narito't hindi sumasa kanyang gaya ng dati.” MPMP 226.3
Matagal na sanang iniwan ni Jacob ang mga mandaraya niyang mga kamag-anak kung hindi lang dahil sa takot niya kay Esau. Ngayon ay kanyang nadama na siya ay nanganganib sa mga anak ni Laban, na, tumitingin sa kanyang kayamanan bilang kanila, ay maaaring gumawa ng paraan upang makuha iyon sa pamamagitan ng dahas. Siya'y nasa malaking kaguluhan at pagkalito, hindi malaman kung saan siya tutungo. Subalit sa paggunita sa mahabaging pangako sa Betel, kanyang dinala ang kanyang kalagayan sa Dios, at humingi ng patnubay mula sa Kanya. Sa isang panaginip ang kanyang dalangin ay tinugon: “Magbalik ka sa lupain ng iyong mga magulang, at sa iyong kamag-anakan; at Ako'y sasaiyo.” MPMP 226.4
Nagkaroon ng pagkakataong makaalis samantalang si Laban ay wala. Ang mga tupa at baka ay mabilis na tinipon, pinalakad at pinasulong, at kasama ang kanyang mga asawa, mga anak, at mga katulong, si Jacob ay tumawid sa ilog Eufrates, at nagmamadaling nagtungo sa bundok ng Gilead, na nasa mga hangganan ng Canaan. Makalipas ang tatlong araw ay nalaman ni Laban ang kanilang pag- takas, sila ay hinabol, at sila'y inabutan sa ikapitong araw ng kanilang paglalakbay. Nag-aapoy ang kanyang galit, at nakahanda upang sila ay piliting bumalik, na nakatitiyak na iyon ay kanyang magagawa, sapagkat ang kanyang grupo ay higit na malakas. Tunay na ang mga tumatakas ay nasa isang malaking panganib. MPMP 227.1
Ang hindi niya pagsasakatuparan ng binabalak niyang gawin ay dahil sa ang Dios mismo ay namamagitan para sa ikaliligtas ng Kanyang lingkod. “Nasa kapangyarihan ng aking kamay ang gawan ko kayo ng masama,” ang sabi ni Laban, “ngunit ang Dios ng inyong ama ay kinausap ako kagabi, na sinasabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man;” ibig sabihin, na hindi niya dapat piliting siya ay bumalik, ni hindi niya siya dapat pakiusapan sa pamamagitan ng anumang iaalok na pang-akit. MPMP 227.2
Hindi ibinigay ni Laban ang dote ng kanyang mga anak na babae at mula noon ay pinakitunguhan si Jacob ng kalupitan at pandaraya; subalit sa anyong may hinanakit kanya ngayong sinusumbatan siya sa kanyang lihim na pag-aalis, ano pa't ang ama ay hindi na nagkaroon ng pagkakataon upang makapaghanda o makapagpaalam man lamang sa kanyang mga anak na babae at kanilang mga anak. MPMP 227.3
Bilang tugon malinaw na inihayag ni Jacob ang patakaran ni Laban na makasarili at mapag-angkin, at nakiusap sa kanya bilang saksi sa sarili niyang katapatan at pagtatapat. “Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama, ang Dios ni Abraham, at ang katakutan ni Isaac,” ang sabi ni Jacob “ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala. Nakita ng Dios ang aking kapighatian, ang kapaguran ng aking mga kamay, at sinaway ka niya kagabi.” MPMP 227.4
Hindi matanggihan ni Laban ang mga katotohanang inihayag, at siya ngayon ay nagmungkahing sila-sila ay magkaroon ng tipanan ukol sa kapayapaan. Si Jacob ay sumang-ayon sa mungkahi, at isang bunton ng mga bato ang itinayo bilang tanda ng kasunduan. Sa bunton ng mga batong ito ay ibinigay ni Laban ang pangalang Mizpa, “bantayan,” na nagsasabing, “Bantayan ng Panginoon ako at ikaw, pag nagkakahiwalay tayo.” MPMP 227.5
“At sinabi ni Laban kay Jacob, Narito, ang buntong ito at ang batong pinakaala-alang ito, na aking inilagay sa gitna natin. Maging saksi ang buntong ito, at saksi ang batong ito, na hindi ko lalagpasan ang buntong ito sa dako man, at hindi mo lalagpasan ang buntong ito at ang batong pinakaala-alang ito sa pagpapahamak sa amin. Ang Dios ni Abraham at ang Dios ni Nahor, ang Dios ng ama nila ay siyang humatol sa atin. At si Jacob ay sumumpa ng ayon sa katakutan ng kanyang amang si Isaac.” Upang mapagtibay ang kasunduan, ang dalawang panig ay nagsagawa ng isang piging. Ang gabing iyon ay ginugol sa isang magiliw na pag-uugnayan; at sa pagbubukang liwayway, si Laban at ang kanyang mga kasamahan ay umalis. Sa paghihiwalay na ito ay natigil ang lahat ng bakas ng relasyon sa pagitan ng mga anak ni Abraham at ng mga naninirahan sa Mesopotamia. MPMP 228.1