PAGLAPIT KAY KRISTO
Iniibig din tayong ama
Datapuwa’t hindi ginawa ang dakilang haing ito upang lumikha sa puso ng Ama ng isang pag-ibig sa tao, hindi upang papagnasain Siyang magligtas. Hinding-hindi! “Gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak.” Juan 3:16. Iniibig tayo ng Ama, hindi dahil sa malaking pampalubag-loob, kundi itinaan Niya ang pampalubag-loob dahil sa iniibig Niya tayo. Si Kristo ang naging tagapamagitan upang maibuhos ng Ama ang Kanyang di matingkalang pag-ibig sa isang nasawing sanlibutan. “Na kay Kristo ang Diyos na pinakipagkasundo ang sanlibutan sa Kanya rin.” 2 Corinto 5:19. Nagbata ang Diyos na kasama ng Kaniyang Anak. Sa paghihirap sa Getsemane, sa pagkamatay sa Kalbariyo, ang puso ng Walang-hanggang Pag-ibig ay siyang nagbayad ng halaga ng ating katubusan. PK 16.1