PAGLAPIT KAY KRISTO
“Bagay na mahirap unawain”
Sinasabi ni apostol Pedro na sa Kasulatan ay mayroong ilang “bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, ... sa ikapapahamak din nila.” 2 Pedro 3:16. Ang mga talata sa Kasulatan na mahirap unawain ay siyang ipinipilit ng mga eseptiko, na anila’y isang katuwirang panglaban sa Biblia; nguni’t hindi gayon, manapa’y mga kabuuan ito ng isang matibay na patotoo na ang banal na Kasulatan ay kinasihan. Kung walang linalaman iyan na anumang salaysay na tungkol sa Diyos, kundi yaon lamang mga madaling unawain; kung ang Kanyang kadakilaan at karangalan ay matatarok ng mga isip na mahina ng mga tao, kung magkagayon ay hindi nagtataglay ang Biblia ng napakatibay na pa- totoo ng banal na kapangyarihan. Ang kadakilaan at pagkamahiwaga ng mga paksang ipinakikilala, ay siyang dapat bumuhay ng pananampalataya na ito nga ang salita ng Diyos. PK 149.1