PAGLAPIT KAY KRISTO
Manalig sa diyos
Kung diringgin natin ang ating mga alinlangan at pangamba, o kung sisikapin muna nating ayusin ang lahat ng bagay na hindi natin maliwanagan bago tayo magkaroon ng pananampalataya, ay lalo lamang kakapal at lalalim ang mga bagabag. Nguni’t paglumalapit tayo sa Diyos, na kinikilala nating tayo’y mahina at walang kaya, at sa pananampalatayang may kalakip na pagpapakumbaba at pagtitiwala ay sasabihin natin ang ating mga pangangailangan sa Kanya na ang karunungan ay walang-hanggan, na sa Kanya’y hayag ang lahat ng mga bagay sa sangnilalang, at pinamama- halaan Niya ang lahat ng bagay sa pamainagitan ng Kanyang kalooban at salita, ay Kanyang pakikinggan at diringgin ang ating daing, at pasisilangin Niya ang liwanag sa ating mga puso. Sa pamamagitan ng taimtim na panalangin ay napapaugnay tayo sa pag-iisip ng Walang-hanggan. Maaaring wala tayong makitang anumang kahanga-hangang katunayan sa sandaling nakatunghay sa atin ang mukha ng Manunubos na sa ati’y nahahabag at umiibig, gayon pa man ay tunay na ginagawa Niya ito. Maaaring hindi natin maramdaman ang hayag na dampi ng kanyang kamay, nguni’t totoong nakapatong sa atin ang Kanyang kamay na may pag-ibig at pagkaawa. PK 134.1