PAGLAPIT KAY KRISTO
Ang paksa ng pagtubos
Ang paksang tungkol sa pagtubos ay isang suliraning ninanais na matunghayan ng mga anghel; ito ang pag-aaralan at aawitin ng mga tinubos sa walanghanggang panahon. Hindi baga nararapt na ito’y isipisipin at pag-aralan sa panahon ngayon? Ang walanghanggang awa at pag-ibig ni Jesus, ang hirap at sakit na Kanyang binata ng dahil sa atin, ay humihingi ng pinakamahigpit at pinakamahalagang pagbubulaybulay. Dapat nating isiping palagi ang likas ng sinisinta nating Manunubos at Tagapamagitan. Dapat nating bulaybulayin ang gawain Niya na naparito upang iligtas ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan. At pagka binubulaybulay natin ang mga salaysaying makalangit, ay lalong lalakas ang ating pananampalataya at pag-ibig, lalo at lalong magiging karapatdapat sa Diyos ang ating mga panalangin, sapagka’t higit at higit na mararagdagan ng pananampalataya at pag-ibig. Sila’y magiging matalino at masigasig. Magkakaroon ng lalong mapagpatuloy na pagtitiwala kay Jesus at sa araw-araw ay mararanasan ang Kanyang ka- pangyarihang nagliligtas ng lubusan sa lahat ng nagsisilapit sa Diyos sa pamamagitan Niya. PK 122.1
Pagka binubulaybulay natin ang mga kaganapan ng Tagapagligtas, ay ating nanaising mangabago tayo ng lubusan, at mawangis sa larawan ng Kanyang kadalisayan. Kagugutuman at kauuhawan ng kaluluwa ang matulad sa Kanya, na ating sinasamba. Kung kailan iniisip si Kristo ng higit at higit ay saka naman lalo at lalong sasalitain natin Siya sa mga iba, at kakatawan tayo sa Kanya sa sanlibutan. PK 123.1