PAGLAPIT KAY KRISTO

98/147

Ang banal na kasulatan

Nagsasalita sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang salita. Nasa atin sa salitang ito ang lalong maliliwanag na hanay ng pagkahayag ng Kanyang likas, ang Kanyang pakikitungo sa mga tao, at ang malaking gawain ng pagtubos. Dito’y nalalahad sa harapan natin ang kasaysayan ng mga patiarka at ng mga propeta at iba pang mga banal na tao nang una. Sila’y may “mga pagkataong gaya rin ng atin.” Santiago 5:17. Nakikita natin kung paano sila nangakipaglaban sa panglulupaypay, na gaya ng sa atin, kung paanong sila’y nangahu log sa mga tukso na gaya rin ng nangyayari sa atin, ngu ni’t nagpakasiglang muli at nanaig sila sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos; at sa pagtingin sa kanila ay pinasisigla tayo sa ating pagsusumakit na umabot sa katuwiran. Pagka binabasa natin ang mahahalagang karanasang sa kanila’y ipinagkaloob, ang liwanag at pagibig at pagpapalang kanilang tinamasa, at ang gawain na kanilang ginawa sa pamamagitan ng biyayang sa kanila’y ibinigay, ang diwang sa kanila’y nagpasigla ay nagpapaalab sa atin ng isang apoy ng banal na pagpapakabuti, at isang pagmimithing makatulad nila sa likas: katulad nilang lumakad na kasama ng Diyos. PK 120.2