PAGLAPIT KAY KRISTO
Nang kaarawan ni samuel
Nang mga kaarawan ni Samuel, ay lumayo sa Diyos ang angkan ni Israel. Nangagbata sila ng mga ibinunga ng kanilang kasalanan; sapagka’t nawala ang kanilang pananampalataya sa Diyos, nawala ang kanilang pagkakilala sa Kanyang kapangyarihan at karunungang magpuno sa bansa, nawala ang kanilang pagtitiwala sa Kanyang kakayahang ipagtanggol at ipakitang matuwid ang Kanyang gawain. Tinalikdan nila ang dakilang Hari ng santinakpan, at hinangad na sila’y paghariang gaya ng mga kalapit-bansa. Bago sila nagkaroon ng kapayapaan, ay ganito muna ang tiyak nilang ipinahayag: “Aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ilo, na humingi kami para sa amin ng isang hari.” 1 Samuel 12:19. Ang kasalanang kinikilala nila ay dapat nilang ipahayag. Ang di nila pagkilala sa utang na loob ang siyang nagpahirap sa kanilang mga kaluluwa, at naghiwalay sa kanila sa Diyos. PK 53.2