PAGLAPIT KAY KRISTO

16/147

Si kristo ang hagdan

Ito rin ang sagisag na tinukoy ni Kristo sa Kanyang pakikipag-usap kay Natanael, nang sabihin Niyang: “Makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos na nagmamanhik-manaog sa ulunan ng Anak ng tao.” Juan 1:51. Sa pagtaliwakas, ay inihiwalay ng tao ang kanyang sarili sa Diyos; naputol ang pagkakaugnay ng lupa at ng langit. Sa malaking look na nakapagitan ay di maaaring magkaroon ng pagkakaugnay. Datapuwa’t sa pamamagitan ni Kristo ang lupa ay muling naparugtong sa langit. Taglay ni Kristo ang sariling kasakdalan, Kanyang nilagyan ng tulay ang look na ginawa ng kasalanan, upang maaring makipagtalastasan sa tao ang mga anghel na tagapangasiwa, lniuugnay ni Kristo ang taong nagkasala, mahina’t walang kaya, sa Bukal ng walang-hanggang kapangyarihan. PK 25.1

Datapuwa’t walang kabuluhan ang mga pagkasulong na pinapangarap ng mga Lao, at walang mararating ang lahat ng pagsisikap na maangat ang sangkatauhan, kung pababayaan nila ang tanging bukal ng pag-asa at tulong na itinaan sa sangkatauhang nagkasala. “Ang bawa’l mabuting kaloob, at ang bawa’t sakdal na kaloob ay pawang buhat” sa Diyos. Santiago 1:17. Hiwalay sa Kanya ay walang tunay na magaling na likas. At ang tanging daan ng paglapit sa Diyos ay si Kristo. Ang sabi Niya: “Ako ang Daan, at ang Katotohanan, at ang Buhay: sino may hindi makalalapit sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko.” Juan 14:6. PK 26.1