Bukal Ng Buhay
Kabanata 32—Ang Senturyon
Ang kabanatang ito ay batay sa Mateo 8:5-13; Lukas 7:1-17.
Sinabi ni Kristo sa mahal na taong ang anak ay pinagaling Niya, “Malibang kayo'y makakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ay hindi kayo magsisipaniwala.” Juan 4:48. Dinamdam Niya na ang sarili Niyang bayan ay siya pang humihingi ng mga tanda ng Kaniyang pagka-Mesiyas. Ulit at ulit na nagtaka Siya sa kanilang di-pani-niwala. Nguni't nanggilalas Siya sa pananampalataya ng senturyong lumapit sa Kaniya. Hindi na inusisa ng senturyon ang kapangyarihan ng Tagapagligtas. Ni hindi nito hiniling na Siya'y sumama upang gawin ang kababalag-han. “Sabihin Mo lamang ang salita,” wika nito, “at gagaling ang aking alila.” BB 437.1
Ang alipin ng senturyon ay dinapuan ng paralisis, at nakabingit sa kamatayan. Sa mga Romano ang mga alipin ay mga busabos, na binibili at ipinagbibili sa mga pamilihan, at pinagmamalabisan at pinagmamalupitan; subali't ang senturyon ay mabait sa kaniyang alipin, at malabis niyang hinahangad na ito ay gumaling. Siya'y nani-niwalang mapagagaling ito ni Jesus. Hindi pa niya naki-kita ang Tagapagligtas, nguni't ang mga balitang narinig niya ay nagbigay sa kaniya ng pananampalataya. Bagama't ang relihiyon ng mga Hudyo ay mga panlabas na anyo, gayunma'y naniniwala ang Romanong ito na ang relihiyon ng mga ito ay nakahihigit sa relihiyon niya. Sinira na niya ang mga hadlang na pambansang pagta-tangi at pagkapoot na nakapagitan sa mga manlulupig na Romano at sa nalupig na mga Hudyo. Nagpakita siya ng paggalang sa paglilingkod sa Diyos. Sa mga pagtuturo ni Kristo, ayon sa ibinalita sa kaniya, ay nasumpungan niya ang nakatutugon sa pangangailangan ng kaluluwa. Ang buong nasa loob niyang ukol sa espiritu ay tumugon sa mga salita ng Tagapagligtas. Nguni't nakadama siya ng di-pagiging-karapat-dapat na lumapit sa harap ni Jesus, at nakiusap siya sa matatandang Hudyo na gumawa ng kahilingan para pagalingin ang kaniyang alipin. Kilala nila ang Dakilang Guro, at naisip niyang alam ng mga ito kung paano lalapit sa Kaniya upang matamo ang Kaniyang pag-lingap at pagsang-ayon. BB 437.2
Nang pumasok si Jesus sa Capernaum, ay sinalubong Siya ng isang delegasyon ng mga matanda, na siyang nag-sabi sa Kaniya ng ninanais ng senturyon. Sinabi nilang “karapat-dapat ang taong gagawan Niya nito: sapagka't iniibig nito ang ating bansa, at ipinagpatayo tayo nito ng sinagoga.” BB 438.1
Karaka-rakang bumaling si Jesus patungo sa tahanan ng pinuno; nguni't palibhasa'y sinisiksik ng karamihan, hindi Siya makapagmadali. Nauna na sa Kaniya ang balita ng Kaniyang pagdating, at sa pag-akala ng senturyon na siya'y di-karapat-dapat, ay nagpasabi na ang senturyon kay Jesus, “Panginoon, huwag Ka nang mabagabag; sapagka't hindi ako karapat-dapat na Ikaw ay pumasok sa silong ng aking bubungan.” Datapwa't nagpatuloy pa rin ng paglakad ang Tagapagligtas, at ang senturyon, sa wakas ay nagbakasakali nang lapitan Siya, na sinasabi, “Hindi ko inakalang ako'y karapat-dapat man lamang pu-mariyan sa Iyo;” “datapwa't sabihin Mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila. Sapagka't ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, na may nasasa-kupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya'y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya'y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang gina-gawa.” Kung paanong ako'y kumakatawan sa kapangya-rihan ng Roma, at kinikilala ng aking mga kawal ang pagiging kataas-taasan ng aking kapangyarihan, ay gayundin naman kumakatawan Ka sa kapangyarihan ng walang-hanggang Diyos, at lahat ng mga bagay na nila-lang ay tumatalima sa Iyong salita. Mauutusan Mo ang sakit na umalis, at ito'y susunod sa Iyo. Matatawagan Mo ang Iyong mga sugong buhat sa langit, at magbibigay sila ng biyayang nagpapagaling. Sabihin Mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alipin. BB 438.2
“Nang marinig ni Jesus ang mga bagay na ito, ay nagtaka Siya sa kaniya, at lumingon, at sinabi sa karami-hang nagsisisunod sa Kaniya, Sinasabi Ko sa inyo, Hindi Ako nakasumpong ng ganito kalaking pananampalataya, hindi, kahit sa Israel man.” At sa senturyon ay sinabi Niya, “Ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyo'y mangyari. At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon.” BB 439.1
Ang matatandang Hudyo na nagrekomenda sa senturyon kay Kristo ay napaghalatang malayo pa sila sa pag-tataglay ng diwa ng ebanghelyo. Hindi nila nakilala na ang malaki nating pangangailangan ay nasa pagsandig lamang sa kahabagan ng Diyos. Sa kanilang pagbabanal-banalan ay inirekomenda nila ang senturyon dahil sa paglingap na ipinakita nito sa “ating bansa.” Nguni't tung-kol sa sarili nito ay sinabi ng senturyon, “Hindi ako karapat-dapat.” Kinilos ng biyaya ni Kristo ang puso nito. Nakita nito ang sarili nitong di-pagiging-karapatdapat; gayunma'y nangimi pa rin itong humingi ng tulong. Hindi ito nagtiwala sa sarili nitong kabutihan; ang daing nito ay ang malaki nitong pangangailangan. Ang pananampalataya nito ay nanghawak sa tunay na likas ni Kristo. Hindi ito sumampalataya sa Kaniya bilang isa lamang manggagawa ng mga kababalaghan, kundi bilang Kaibigan at Tagapagligtas ng sangkatauhan. BB 439.2
Sa ganitong paraan makalalapit kay Kristo ang bawa't makasalanan. “Hindi dahil sa mga gawa ng katwiran na ating ginawa, kundi ayon sa Kaniyang kaawaan ay Kaniyang iniligtas tayo.” Tito 3:5. Pagka sinasabihan kayo ni Satanas na kayo'y isang makasalanan, at hindi makaaasang tatanggap ng pagpapala sa Diyos, ay sabihin ninyo sa kaniya na si Kristo'y naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. Wala tayong anumang bagay na makapagrerekomenda sa atin sa Diyos; subali't ang maipamamanhik natin ngayon at kailanman ay ang ating kalagayang ganap na walang-kaya na siyang nagiging dahilan ng pangangailangan natin ng Kaniyang tumutubos na kapangyarihan. Sa pamamagitan ng pagtatakwil ng lahat nating pananalig sa sarili, ay makati-tingin tayo sa krus ng Kalbaryo at ating masasabing— BB 440.1
“Walang dalang hain ang mga kamay ko;
Sa iyong krus lamang nanghahawak ako.”
BB 440.2
Sapul sa pagkabata ay tinuruan na ang mga Hudyo tungkol sa gawain ng Mesiyas. Ang mga kinasihang pangungusap ng mga patriarka at mga propeta at ang masagisag na pagtuturo tungkol sa mga paghahandog ay napasakanila. Subali't hindi nila pinansin ang liwanag; at ngayon ay wala silang makita kay Jesus na anumang bagay na mananasa. Datapwa't ang senturyon, na isini-lang sa kahentilan, nag-aral sa gitna ng mga diyus-diyo-san ng imperyo ng Roma, nagsanay bilang isang kawal, na ang pinag-aralan at mga kapaligiran ay waring walang-walang kabuhayang espirituwal, at lalo pa manding ini-layo ng pagkapanatiko ng mga Hudyo, at ng paghamak ng sarili niyang mga kababayan sa mga tao ng Israel—ang taong ito ang nakakita ng katotohanang hindi nakita ng mga anak ni Abraham. Hindi niya hinintay na makita kung tatanggapin ng mga Hudyo ang Isa na nag-aangking siya nilang Mesiyas. Yamang ang “ilaw na lumiliwanag sa bawa't tao na pumaparito sa sanlibutan” (Juan 1:9) ay nagliwanag sa kaniya, ay napagkilala niya, bagaman malayo, ang kaluwalhatian ng Anak ng Diyos. BB 440.3
Kay Jesus ito'y isang pangako ng gagawin ng ebang-helyo sa gitna ng mga Hentil. Taglay ang kagalakang minasdan Niya sa hinaharap ang pagtitipon-tipon sa Kaniyang kaharian ng mga kaluluwang buhat sa lahat ng mga bansa. Nguni't taglay ang matinding kalungkutang inila-rawan Niya sa mga Hudyo ang ibubunga ng kanilang pagtanggi sa Kaniyang biyaya: “Sinasabi Ko sa inyo, Na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kanluran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaae, at ni Jacob, sa kaharian ng langit. Datapwa't ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.” Ay, kayrami nga ng naghahanda pa rin sa ganyan ding nakamamatay na pagkabigo! Samantalang ang mga kaluluwang nasa madilim na lupain ng mga di-binyagan ay nagsisitanggap ng Kaniyang biyaya, kayrami naman ng mga nasa bansang Kristiyano na bagaman nag-liliwanag ang ilaw sa kanila ay hindi naman ito pina-pansin. BB 441.1
Mahigit na dalawampung milya buhat sa Capemaum, sa isang talampas na tumutunghay sa malawak at ma-gandang kapatagan ng Esdraelon, ay nakalatag ang nayon ng Nain, at doon ngayon ibinaling ni Jesus ang Kaniyang mga hakbang. Kasama Niya rito ang marami sa Kaniyang mga alagad at ang iba pa, at sa kanilang pag-lalakad ay naglapitan pa ang mga tao, na pawang nasa-sabik sa Kaniyang mga salita ng pag-ibig at kahabagan, na dala ang kanilang mga maysakit upang Kaniyang pa-galingin, at laging umaasa na Siya na may ganitong kahanga-hangang kapangyarihan ay magpapakilalang Siya ang Hari ng Israel. Isang karamihan ang sumalubong sa Kaniyang paglakad, at isang nagagalak at naghihintay na pulutong ang sumusunod sa Kaniya sa pagsalunga sa mabatong landas na patumpa sa pintuang-daan ng nayon sa bundok. BB 441.2
Habang sila'y nalalapit, ay isang libing ang makiki-tang lumalabas sa pintuang-daan ng nayon. Mabagal at lipos ng lungkot ang paglakad nilang patungo sa libingan. Nasa unahan ng libing ang isang nakabukas na kabaong na kinalalagakan ng isang bangkay, at nakapaligid dito ang mga tagapanangis, na pinupuno ang himpapawid ng kanilang mga humahagulhol na panaghoy. Waring ang buong mamamayan ay natipon na rito upang ipakita ang kanilang pagpipitagan sa namatay at ang pakikiramay nila sa mga naulila. BB 442.1
Ang tanawing yaon ay gumigising ng pakikiramay. Ang namatay ay kaisa-isang anak na lalaki ng isang ina, at ang inang ito ay isang balo. Inihahatid ng tumatangis na magulang sa huling hantungan ang kaisa-isa niyang ina-asahang bubuhay at aaliw sa kaniya sa lupa. “Pagkakita sa kaniya ng Panginoon, siya'y kinahabagan Niya.” Samantalang siya'y patuloy sa paglakad na walang nakikita dahil sa luhang bumabalong sa mga mata, na tuma-tangis, at hindi napapansing naroon si Jesus, lumapit Siya sa tabi niya, at marahang nagwika, “Huwag kang tumangis.” Hahalinhan na ni Jesus ang kaniyang kalumba-yan ng kagalakan, gayunma'y hindi Niya mapigil na ipahayag ang ganitong magiliw na pakikiramay. BB 442.2
“Siya'y lumapit at hinipo ang kabaong;” sa Kaniya kahit ang paghipo sa patay ay hindi nakapagpaparumi. Huminto ang nangagdadala ng kabaong, at tumigil din ang mga panangisan. Ang dalawang pulutong ay puma-ligid sa kabaong, na umaasa sa hindi maasahan. Naroon ngayon ang Isa na nagpalayas ng sakit at dumaig sa mga demonyo; ang kamatayan kaya ay sasailalim din ng Kaniyang kapangyarihan? BB 442.3
Sa malinaw at makapangyarihang tinig ay binigkas Niya ang mga salitang, “Binata, sinasabi Ko sa iyo, Magbangon ka.” Ang tinig na yaon ay naglagos sa mga tainga ng patay. Iminulat ng binata ang kaniyang mga mata. Hinawakan ni Jesus ang kamay niya, at itinindig siya. Natamaan ng kaniyang paningin ang babaing tumatangis sa tabi niya, at ang ina at anak ay matagal at mahigpit na nagyakap nang buong katuwaan. Umid na nakatingin ang karamihan, na parang namamalikmata. “Sinidlan ng takot ang lahat.” Tahimik at magalang silang nakatayo sa loob ng kaunting sandali, na para bagang sila'y nasa harapan ng Diyos. Pagkatapos ay “niluwalhati nila ang Diyos, na sinasabi, Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang propeta; at, dinalaw ng Diyos ang Kaniyang bayan.” Ang mga nakikipaglibing ay bumalik sa Nain na parang isang prusisyon ng mga nagsipagwagi. “At kumalat ang balitang ito tungkol sa Kaniya sa buong Judea, at sa buong palibut-libot ng lupain.” BB 442.4
Siya na tumatayo sa piling ng nagdadalamhating ina sa may pintuang-daan ng Nain, ay nagmamasid din sa bawa't isang tumatangis sa tabi ng kaniyang patay. Nahahabag Siya't nakikiramay sa ating kadalamhatian. Ang puso Niyang mapagmahal at maawain, ay isang pusong di-nag-babago sa pagiging-maibigin. Ang salita Niyang bumuhay ng patay, ay mabisa pa rin ngayon na gaya noong magsalita Siya sa binatang taga-Nain. Sinasabi Niyang, “Ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay naibigay na sa Akin.” Mateo 28:18. Ang kapangyarihang yaon ay hindi nababawasan sa paglipas ng mga taon, ni nauubos man sa walang-tigil na pagdaloy ng Kaniyang biyaya. Sa lahat na sumasampalataya sa Kaniya ay nananatili pa rin Siyang isang nabubuhay na Tagapagligtas. BB 443.1
Ang dalamhati ng ina ay pinalitan ni Jesus ng ligaya nang ibalik Niya ang buhay ng anak nito; gayunman ang binata ay ibinalik na muli sa lupang ito, upang magtiis pa ng mga kalungkutan, ng mga pagpapagal, at ng mga kapanganiban, at upang sumailalim na muli ng kapangyarihan ng kamatayan. Nguni't ang pagkalungkot natin sa namatay ay inaaliw ni Jesus sa pamamagitan ng isang pabalita ng walang-hanggang pag-asa: “Ako ang nabubuhay, at namatay; at, narito, Ako'y nabubuhay magpakai-lanman, at nasa Akin ang mga susi ng impiyerno at ng kamatayan.” “Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, Siya nama'y gayunding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay Kaniyang malipol yaong may kapangyarihan sa kamatayan, samakatwid baga'y, ang diyablo; at mailigtas silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.” Apoealipsis 1:18; Hebreo 2:14, 15. BB 443.2
Hindi kayang pigilin ni Satanas ang mga patay pagka sila'y tinutulutan ng Anak ng Diyos na mabuhay. Hindi niya mapananatili sa kamatayang espirituwal ang isang kaluluwang tumatanggap ng makapangyarihang salita ni Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa lahat ng mga patay sa pagkakasala ay ganito ang sinasabi ng Diyos, “Gumising ka, ikaw na natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay.” Efeso 5:14. Ang salitang iyan ay buhay na walang-hanggan. Kung paanong ang salita ng Diyos na nag-utos sa kauna-unahang tao na mabuhay, ay nagbibigay pa rin sa atin ng buhay hanggang ngayon; kung paanong ang salita ni Kristong, “Binata, sinasabi Ko sa iyo, Magbangon ka,” ay nagbigay buhay sa binatang taga-Nain, ay gayundin naman ang salitang, “Magbangon ka sa gitna ng mga patay,” ay buhay sa kaluluwang tumatanggap nito. Ang Diyos ay “nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Kaniyang iniibig na Anak.” Colosas 1:13. Lahat nang ito ay iniaalok sa atin sa Kaniyang salita. Kung tinatang-gap natin ang salita, ay napapasaatin ang kaligtasan. BB 444.1
At “kung ang Espiritu Niyaong bumuhay na mag-uli kay Jesus ay tumitira sa inyo, ang bumuhay na mag-uli kay Kristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan sa pama-magitan ng Kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.” “Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Diyos: at ang nangamatay kay Kristo ay unang mangabubuhay na mag-uli: kung magkagayon tayong nangabubuhay na nangatitira ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa-Panginoon tayo magpakailanman.” Roma 8:11; 1 Tesalonica 4:16, 17. Ito ang salitang pang-aliw na iniaatas Niya sa ating ipang-aliw natin sa isa't isa. BB 444.2