Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

166/376

Ang Kanyang mga Utos Ay Hindi Pabigat, Hunyo 9

Sapagkat ito ang pag-ibig sa Diyos, na ating tuparin ang kanyang mga utos at ang kanyang mga utos ay hindi pabigat. 1 Juan 5:3. KDB 171.1

Dapat nating ibigay ang ating mga sarili kay Cristo, upang mamuhay na may kahandaang sumunod sa lahat ng Kanyang hinihiling. Sa Panginoon ang lahat ng kung sino tayo, ang lahat ng mga talento at kakayanan na ating taglay ay dapat italaga sa Kanyang gawain. Kapag ibinibigay natin nang lubos ang ating mga sarili sa Kanya, ibinibigay ni Cristo, kasama ang lahat ng mga kayamanan ng kalangitan, ang Kanyang sarili sa atin. Tinatanggap natin ang mahalagang perlas.— Christ’s object Lessons, p. 116. KDB 171.2

Tandaan mong mayroon kang Kalangitan na makakamit, isang landas patungo sa pagkapahamak na kailangang iwasan. Paninindigan ng Diyos ang lahat ng Kanyang sinasabi. Nang pinagbawalan Niyang kumain ang una nating mga magulang ng bunga ng punungkahoy ng kaalaman, binuksan ng kanilang paglabag ang mga pintuan ng kahirapan sa buong sanlibutan. Kung lalakad tayong salungat sa Diyos, lalakad Siyang salungat sa atin. Ang pagsunod sa lahat ng Kanyang hinihiling anuman ang kapalit ang tanging ligtas na landas. Ang lahat ng mga ito'y natatag sa walang-hanggang pag-ibig at karunungan.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 365. KDB 171.3

Dapat na kontrolado ng matibay na prinsipyo ang mga kabataan, upang mapagbuti nila ang mga kapangyarihang ibinigay ng Diyos sa kanila. Ngunit sinusunod ng mga kabataan ang simbuyo nang lubos at walang pakundangan, na hindi isinasaalang-alang ang prinsipyo, na anupa't sila'y patuloy na nasa panganib. Dahil hindi laging nasa kanila ang gabay at proteksyon ng mga magulang at bantay, kailangan nilang masanay sa pagtayo sa sariling mga paa at pagpipigil. Kailangan nilang maturuan na mag-isip at kumilos mula sa maingat na prinsipyo.— Messages to Young People, p. 379. KDB 171.4

Tayo'y mapababanal sa pamamagitan ng kapangyarihan at pangingibabaw ng katotohanan, at mapataas tungo sa tunay na karangalan ng pamantayang itinatag sa Salita. Matututunan ang daan ng Panginoon sa pamamagitan lamang ng pinakamaingat na pagsunod sa Kanyang Salita. Pag-aralan ang Salita.— Ibid., p. 391. KDB 171.5