Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

163/376

Ang Pagano at Dayuhan Ay Susunod sa Diyos, Hunyo 6

Pagkarinig nila sa akin ay sinunod nila ako; ang mga dayuhan sa akin ay nagsisisuko. Awit 18:44. KDB 168.1

Kasing banal ng Diyos ang Kanyang kautusan. Pagpapahayag ito ng Kanyang kalooban, wangis ng Kanyang likas, pagsisiwalat ng banal na pag-ibig at karunungan. Nakasalalay ang pagkakasundo ng mga nilalang sa ganap na pag-ayon ng lahat ng may buhay, ng lahat ng bagay, may buhay o wala, sa kautusan ng Maylalang. Nagtatag ang Diyos ng mga kautusan para sa pamamahala, hindi lamang sa mga nabubuhay, kundi sa lahat ng pagkilos ng kalikasan. . . . KDB 168.2

Ngunit samantalang pinamamahalaan ng mga batas ng kalikasan ang lahat ng bagay sa kalikasan, tanging ang tao lamang, sa lahat ng naninirahan sa sanlibutan, ang nananagot sa batas moral. Ibinigay ng Diyos sa tao, ang pinakatampok sa Kanyang paglalang, ang kapangyarihan na makaunawa sa Kanyang mga hinihingi, na maunawaan ang katarungan at kabutihan ng Kanyang kautusan, at ang mga banal na hinihingi nito sa kanya; at inaasahan sa tao ang di-nagbabagong pagsunod.— Patriarchs and Prophets, p. 52. KDB 168.3

Hindi napigilan ng mga magulang ang pagkamakasarili ng kanilang mga anak. Naging layon ng bawat pagsisikap ang pagbibigay-hilig sa sarili. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa sarili, napakarami ang nagapos sa pagkaalipin kay Satanas. Mga alipin sila ng sarili nilang mga damdamin at pagnanasa, na nasa ilalim ng kontrol ng masama. Sa pagtawag sa kanila upang maglingkod sa Kanya, nag- aalok sa kanila ang Diyos ng kalayaan. Kalayaan mula sa pagkaalipin sa kasalanan ang pagsunod sa Diyos, pagkatubos mula sa mga damdamin at simbuyo ng tao.— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, p. 247. KDB 168.4

Nagbibigay ng buhay na kalakasan at kapangyarihan sa kaluluwa ang kahandaang sumunod sa mga hinihingi ng Diyos. Natutupad para sa manggagawa at gayon din sa kanilang pinagmamalasakitan niya ang isang gawaing nananatili na tulad ng araw. Gaano man kalimitado ang kakayanan ng manggagawang kasangkot sa gawain . . . tatanggapin ng Diyos ang gawain.— Testimonies for the Church, vol. 4, p. 613. KDB 168.5