Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

66/376

Kayo'y Bumaling sa Akin at Kayo'y Maliligtas, Marso 4

Kayo'y bumaling sa akin, at kayo'y maliligtas, lahat ng dulo ng lupa! Sapagkat ako'y Diyos, at walang iba liban sa akin. Isaias 45:22. KDB 71.1

Ang panukala ng langit na kaligtasan ay napakalawak na sapat para yakapin ang buong sanlibutan. Hinahangad ng Diyos na hingahan ang nakahandusay na sangkatauhan ng hininga ng buhay. At hindi Niya hahayaan na mabigo ang alin mang kaluluwang tapat sa kanyang paghahangad ng mas mataas at mas marangal kaysa sa anumang maibibigay ng mundo. Patuloy na Siya ay nagsusugo ng Kanyang mga anghel doon sa kanila na mga, habang napalilibutan ng mga kalagayan na talagang nakapanlulumo, ay may pananampalatayang nananalangin para sa kapangyarihang higit na mataas kaysa sarili nila upang sakupin sila, at magdala ng pagliligtas at kapayapaan. Sa maraming mga paraan ang Diyos ay magpapahayag ng Kanyang sarili sa kanila, at ilalagay silang malapit sa mga kaloob na magpapatatag sa kanilang kompiyansa sa Kanya na nagbigay ng Kanyang sarili para sa katubusan ng lahat, “upang kanilang ilagak ang kanilang pag-asa sa Diyos, at hindi malimutan ang mga gawa ng Diyos, kundi ingatan ang kanyang mga utos.”— Prophets and Kings, pp. 377, 378. KDB 71.2

Sa buhay na ito ay maaari lamang nating umpisahang maunawaan ang kahanga-hangang tema ng pagtubos. . . . Ang haba at lawak, ang lalim at lapad, ng tumutubos na pag-ibig ay malabong nauunawaan. Ang panukala ng kaligtasan ay hindi lubos na mauunawaan, kahit na makita ng tinubos sa kung paano sila tinitingnan, at malaman sa kung paano sila kinilala; ngunit sa walang- hanggang panahon, bagong katotohanan ang patuloy na mabubuksan sa mga namamangha at nasisiyahang isipan. Bagaman ang mga kalungkutan at kirot at tukso ng sanlibutan ay matapos, at naalis na ang dahilan, ang bayan ng Diyos ay magkakaroon kailanman ng isang natatanging, matalinong kaalaman kung ano ang naging halaga ng kanilang kaligtasan.— The Great Controversy, p. 651. KDB 71.3

Halos ngunit hindi buong ligtas, ay nangangahulugang pagiging di-halos ngunit buong nawaglit.— Christ’s object lessons, p. 118. KDB 71.4