Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

53/376

Tayo Ay Pinagkasundo sa Diyos sa Pamamagitan ni Cristo, Pebrero 20

Samakatuwid, kay Cristo ay pinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan at ang kanyang sarili na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pakikipagkasundo. 2 Corinto 5:19. KDB 58.1

Tumingin, O tumingin kay Jesus at mabuhay! Hindi maaaring hindi ka maakit sa walang kapantay na atraksyon ng Anak ng Diyos. Si Cristo ay Diyos na nahayag sa laman, ang misteryo na itinago sa mahabang panahon, at sa ating pagtanggap o pagtanggi sa Tagapagligtas ng mundo ay kasangkot ang mga epektong pang-walang hanggan.—Fundamentals of Christian Education, p. 179. KDB 58.2

Dahil sa kasalanan ang tao ay napalayo sa Diyos. Maliban sa panukala ng pagtubos, ang walang-hanggang pagkakahiwalay mula sa Diyos, ang kadiliman ng walang katapusang gabi, ay magiging kanya. Sa pamamagitan ng sakripisyo ng Tagapagligtas, ang pakikipag-isa sa Diyos ay muling nagawang posible. Sa personal ay hindi tayo makalalapit sa Kanyang presensya; sa ating kasalanan hindi tayo makatitingin sa Kanyang mukha; ngunit maaari natin Siyang pagmasdan at makipag-usap sa Kanya kay Jesus, ang Tagapagligtas. . . . Ang Diyos ay “na kay Cristo, pinagkakasundo ang mundo sa Kanyang sarili.” . . . KDB 58.3

Ang buhay at kamatayan ni Cristo, ang halaga ng ating katubusan, ay hindi lamang sa atin pangako ng buhay, hindi lamang paraan ng pagbubukas muli sa atin ng mga kayamanan ng karunungan; ang mga ito'y ang mas malawak, mas mataas na pagpapahayag ng Kanyang karakter na higit pa sa nalalaman ng mga banal sa Eden. At habang binubuksan ni Cristo ang langit sa tao, ang buhay na ibinibigay Niya ay nagbubukas sa puso ng tao sa langit. Ang kasalanan ay hindi lamang naglalayo sa atin sa Diyos, kundi sinisira sa tao ang pagnanais at kakayahang makilala Siya. Ang lahat ng gawaing ito ng kasamaan ay misyon ni Cristo na alisin. Ang mga kakayahan ng kaluluwa, na ginawang paralisado ng kasalanan, ang nagdilim na kaisipan, ang baluktot na kalooban, Siya'y may kapangyarihang pasiglahin at panumbalikin. Binubuksan Niya sa atin ang mga kayamanan ng sansinukob, at sa pamamagitan Niya ang kapangyarihang maunawaan at gamitin ang mga kayamanang ito ay ibinahagi.— EDUCATION, PP. 28, 29. KDB 58.4