Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Kaaliwan at Mabuting Pag-asa sa Pamamagitan ng Biyaya, Pebrero 17
Ngayon ang ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ang Diyos na ating Ama na umibig sa atin at nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa sa pamamagitan ng biyaya, ang umaliw sa inyong mga puso, at patibayin kayo sa bawat mabuting gawa at salita. 2 Tesalonica 2:16, 17. KDB 55.1
Sa buhay relihiyon ng bawat kaluluwa na sa wakas ay nagwagi, magkakaroon ng mga eksenang kakilakilabot na kalituhan at pagsubok; ngunit ang kanyang kaalaman sa Banal na Kasulatan ay magbibigay daan sa kanya upang dalhin sa kaisipan ang mga nakasisiglang mga pangako ng Diyos, na siyang mag-aaliw sa kanyang puso, at magpapatibay ng kanyang pananampalataya sa kalakasan ng Isang Makapangyarihan. . . . Ang pagsubok ng pananampalataya ay mas mahalaga kaysa sa ginto. Dapat malaman ng lahat na ito'y isang bahagi ng disiplina sa paaralan ni Cristo, na mahalaga upang linisin at dalisayin sila mula sa karumihan ng mundo. Dapat nilang tiisin nang may lakas ang mga panunuya at pag-atake ng mga kaaway, at pagtagumpayan ang lahat ng mga balakid na maaaring ilagay ni Satanas sa kanilang landas upang hadlangan ang daan. Susubukan niyang akayin sila na magpabaya sa pagdarasal, at sikaping pigilan sila sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan; at itatapon niya ang kanyang nakamumuhing anino sa harap ng kanilang landas, upang ikubli si Cristo at ang makalangit na mga atraksyon mula sa kanilang paningin. KDB 55.2
Walang dapat nagpapatuloy na umuurong at nanginginig sa ilalim ng tuloy- tuloy na pagdududa, naghahasik sa kanilang daang may pagrereklamo; ngunit ang lahat ay dapat tumingin sa Diyos, at makita ang Kanyang kabutihan, at magalak sa Kanyang pag-ibig. Tipunin ang lahat ng iyong kapangyarihan upang tumingin sa taas, hindi sa baba sa iyong mga paghihirap; at hindi ka kailanman manlulupaypay sa daan. Makikita mo sa lalong madaling panahon si Jesus sa likod ng ulap, na iniaabot ang Kanyang kamay upang tulungan ka; at ang kailangan mo lang gawin, ay iabot sa Kanya ang iyong kamay sa simpleng pananampalataya, at hayaan Siyang akayin ka. Habang ika'y napupuno ng pagtitiwala, ikaw, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, ay napupuno ng pag-asa. Ang liwanag na nagniningning mula sa krus ng Kalbaryo ay naghahayag sa iyo ng pagpapahalaga ng Diyos sa kaluluwa, at sa pagkilala sa pagpapahalaga na iyon, nanaisin mong ipaaninag ang liwanag sa mundo.— Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 578, 579. KDB 55.3