Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

34/376

Siyang Nananatili sa Diyos Ay Nananatili sa Pag-ibig, Pebrero 1

At ating nalaman at sinampalatayanan ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Ang Diyos ay pag- ibig at ang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. 1 Juan 4:16. KDB 39.1

Lahat ng makaamang pag-ibig na ipinasa mula henerasyon tungo sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng puso ng mga tao, lahat ng mga bukal ng pagpapahayag ng pagmamahal na nagbukas sa diwa ng mga tao, ay mga maliit na sapa lamang tungo sa napakalawak na karagatan, kung ikukumpara sa walang hanggan at di-maubos na pag-ibig ng Diyos. Hindi ito mabibigkas ng dila; hindi ito mailalarawan ng panulat. Maaari mo itong pagnilay-nilayan sa bawat araw ng iyong buhay; maaari mong saliksikin nang may kasigasigan ang Kasulatan upang maintindihan ito; maaari mong gamitin ang bawat kapangyarihan at abilidad na ibinigay ng Diyos sa'yo, sa pagsusumikap na maunawaan ang pag-ibig at kahabagan ng makalangit na Ama; gayunpaman, sa kabila nito ay mayroong walang hanggan. Maaari mong pag-aralan ang pag- ibig na iyon sa mahabang panahon; ngunit hindi mo lubos na mauunawaan ang haba at lawak, ang lalim at laki, ng pag-ibig ng Diyos sa pagkakaloob ng Kanyang Anak upang mamatay para sa mundo. Ang kawalang-hanggan mismo ay hindi kayang ibunyag ito. Ngunit sa ating pag-aaral ng Biblia, at pagninilay- nilay sa buhay ni Cristo at ng plano ng pagtubos, ang mahahalagang mgs temang ito ay higit at higit na mabubuksan sa ating pagkaunawa. . . . KDB 39.2

Ito'y tuloy-tuloy na pagsisikap ni Satanas na panatilihing abala ang isip ng mga tao sa mga bagay na makahahadlang sa pagtamo ng kaalaman sa Diyos. . . . Ang Anak ng Kataas-taasan ay may lakas na lumaban sa digmaan para sa atin; at sa pamamagitan “Niya na sa atin ay umibig,” tayo'y maging “mga higit pa sa nagtagumpay.”— Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 740, 741. KDB 39.3