Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

217/376

Purihin ang Panginoon, Hulyo 30

Pupurihin ko ang PANGINOON sa lahat ng panahon; ang pagpuri sa kanya ay sasaaking bibig nang patuloy. Awit 34:1. KDB 223.1

Dapat bang ang lahat ng ating mga debosyonal na gawain ay binubuo sa paghingi at pagtanggap? Palagi ba natin dapat isipin ang ating mga kagustuhan, at hindi kailanman ang mga natanggap nating benepisyo? Dapat ba tayong maging tagatanggap ng Kanyang mga awa, at hindi kailanman magpahayag ng ating pasasalamat sa Diyos, hindi kailanman purihin Siya para sa kung ano ang Kanyang ginawa para sa atin? Hindi tayo sobrang nagdarasal, ngunit masyado tayong matipid sa pagpapasalamat. Kung ang kagandahang-loob ng Diyos ay nananawagan ng higit na pagpapasalamat at papuri, magkakaroon tayo ng higit na kapangyarihan sa panalangin. Mas sasagana tayo sa pag-ibig ng Diyos, at mas maraming igagawad upang purihin Siya. Ikaw na nagrereklamo na hindi dinirinig ng Diyos ang iyong mga panalangin, baguhin ang kasalukuyang gawi, at ihalo ang papuri sa iyong mga kahilingan, makikita mong isasaalang- alang Niya ang iyong mga ninanais. KDB 223.2

Manalangin, manalangin na taimtim at walang tigil, ngunit huwag kalimutang pumuri. Mabuti para sa bawat anak ng Diyos na ipagtanggol ang Kanyang karakter. Maaari mong dakilain ang Panginoon; maaari mong ipakita ang kapangyarihan ng umaalalay na biyaya. Mayroong mga karamihan na hindi pinahahalagahan ang dakilang pag-ibig ng Diyos o ang banal na kahabagan ni Jesus. Libo-libo rin ang humahamak sa walang kapantay na biyayang ipinakita sa plano ng pagtubos. Lahat ng nakikibahagi sa dakilang kaligtasan ay hindi malinaw sa bagay na ito. Hindi nila nililinang ang mga pusong mapagpasalamat. KDB 223.3

Ngunit ang tema ng pagtubos ay ninanais ng mga anghel na tingnan; ito ang magiging siyensya at awit ng tinubos sa buong walang-katapusang panahon ng kawalang hanggan. Hindi ba ito karapat-dapat para pag-isipang mabuti at pag- aralan ngayon? Hindi ba dapat nating purihin ang Diyos na may puso at kaluluwa at tinig para sa Kanyang “kamangha-manghang mga gawa sa mga anak ng tao”?—Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 317, 318. KDB 223.4