Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Anumang Hingin Natin sa Kanyang Pangalan Ay Kanyang Gagawin, Hulyo 11
At anumang hingin ninyo sa aking pangalan ay aking gagawin, upang ang Ama ay maluwalhati sa Anak. Kung kayo'y humingi ng anuman sa pangalan ko ay gagawin ko. Juan 14:13, 14. KDB 204.1
Lumakad sa makitid na tabla ng pananampalataya. Magtiwala sa lahat ng mga pangako ng Panginoon. Magtiwala sa Diyos sa kadiliman. lyon ang panahon para magkaroon ng pananampalataya. Ngunit madalas ninyong hinahayaang pamahalaan kayo ng inyong nararamdaman. Naghahanap ka ng pagkamarapat sa inyong sarili sa tuwing hindi ninyo nararamdaman ang pag- aaliw ng Espiritu ng Diyos, at nalulungkot dahil hindi ninyo ito makita. Hindi kayo sapat na nagtitiwala kay Jesus, sa minamahal na si Jesus. Hindi ninyo ginawang lahat-lahat ang Kanyang pagiging karapat-dapat. Ang pinakamahusay na magagawa ninyo ay hindi magpapaging karapat-dapat sa inyo sa pabor ng Diyos. Ang pagiging karapat-dapat ni Jesus ang magliligtas sa inyo, ang Kanyang dugo ang maglilinis sa inyo. Ngunit mayroon kayong mga pagsisikap na dapat gawin. Dapat ninyong gawin ang magagawa ninyo sa inyong bahagi. Maging masigasig at magsisi, pagkatapos ay maniwala.— Testimonies for the Church, vol. 1, p. 167. KDB 204.2
Nakita kong kung hindi natin maramdaman ang mga agarang kasagutan sa ating mga panalangin, dapat nating hawakan ang ating pananampalataya, na hindi pinapayagang pumasok ang kawalang-tiwala, sapagkat ito ang maghihiwalay sa atin sa Diyos. Kung ang ating pananampalataya ay nag-aalinlangan, wala tayong matatanggap sa Kanya. Dapat maging malakas ang ating pagtitiwala sa Diyos; at sa tuwing pinakakailangan natin ito, babagsak sa atin ang pagpapala na gaya ng buhos ng ulan. KDB 204.3
Kapag nanalangin ang mga lingkod ng Diyos para sa Kanyang Espiritu at pagpapala, ito minsan ay dumarating kaagad; ngunit hindi ito palaging iginagawad. Sa ganitong mga panahon, huwag manghina. Panatilihing nakahawak ang iyong pananampalataya sa pangako na ito'y darating. Maging buo ang iyong pagtitiwala sa Diyos, at kadalasan ay darating ang pagpapalang iyon kapag kinakailangan mo ito, at hindi mo inaasahang makatatanggap ka ng tulong sa Diyos kapag nagpapahayag ka ng katotohanan sa mga di-mananampalataya, at matutulungang salitain ang mga salita na may kalinawan at kapangyarihan—Ibid., vol. 1, p. 121. KDB 204.4