Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

188/376

Patuloy na Hanapin ang Panginoon, Hulyo 1

Hanapin ninyo ang PANGINOON at ang kanyang lakas; palagi ninyong hanapin ang kanyang pakikiharap. 1 Cronica 16:11. KDB 194.1

Ang pananalangin ay itinalagang paraan ng tagumpay sa pakikipag- salungatan sa kasalanan at pag-unlad ng Cristianong karakter. Ang mga banal na impluwensiyang dumarating bilang kasagutan sa panalangin ng pananampalataya ay makapagbibigay katuparan sa lahat ng ipinakikiusap ng kaluluwang nagmamakaawa. Para sa kapatawaran ng kasalanan, para sa Banal na Espiritu, para sa isang pagpipigil na tulad kay Cristo, para sa karunungan at kalakasang gawin ang Kanyang gawain, para sa anumang kaloob na Kanyang ipinangako, maaari tayong humiling; at ang pangako ay, “inyong tatanggapin.”— The Acts of the Apostles, p. 564. KDB 194.2

Kapag ang pag-iisip ng tao ay nadala sa pakikipag-isa sa pag-iisip ng Diyos, ang may hangganan sa Walang-hanggan, hindi masusukat ang epekto nito sa katawan, isip, at kaluluwa. Sa ganitong pakikipag-isa matatagpuan ang pinakamataas na edukasyon. Ito ay sariling pamamaraan ng Diyos para sa pag- unlad.— Ibid., p. 126. KDB 194.3

Hindi lahat ng iyong mabubuting hangarin at intensyon ay makatutulong sa iyo na mapaglabanan ang kasamaan. Dapat kang maging mapanalanginin. Ang mga kahilingan mo ay hindi dapat mahina, paminsan-minsan, at pasumpung- sumpong, kundi taimtim, matiyaga, at di-nagbabago. Hindi palaging kinakailangan na lumuhod para makapanalangin. Linangin ang kaugalian ng pakikipag-usap sa Tagapagligtas sa tuwing ikaw ay nag-iisa, naglalakad, at abala sa araw-araw na paggawa. Hayaang patuloy na maiangat ang puso sa tahimik na kahilingan para sa tulong, sa liwanag, sa lakas, at sa kaalaman. Hayaang ang bawat hininga ay maging isang panalangin.— The Ministry of Healing, pp. 510, 511. KDB 194.4