Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

186/376

Makikilala Ninyo Sila sa Kanilang mga Bunga, Hunyo 30

Gayundin naman, ang bawat mabuting puno ay mabuti ang bunga, ngunit ang masamang puno ay masama ang bunga... Kaya't makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Mateo 7:17-20. KDB 192.1

Gaano man kataas ang kanyang pag-angkin, siyang hindi napuspos ang puso ng pagmamahal para sa Diyos at sa kanyang kapwa ay hindi alagad ni Cristo. Bagaman nagtataglay siya ng dakilang pananampalataya, at kahit mayroong kapangyarihang makagawa ng mga himala, ngunit kung walang pag-ibig, walang kabuluhan ang kanyang pananampalataya. Maaaring magpakita siya ng dakilang pagkabukas-palad, ngunit kung mula sa ibang motibo kaysa sa dalisay na pag-ibig kaya niya ibibigay ang lahat ng kanyang pag-aari upang pakainin ang mahihirap, hindi siya bibigyang komendasyon ng kanyang ginawa para sa pagsang-ayon ng Diyos. Maaaring maranasan niya ang pagkamatay ng isang martir dahil sa kanyang sigasig, ngunit kung wala siya ng ginto ng pag-ibig ituturing siya ng Diyos bilang isang nalinlang na panatiko o ambisyosong mapagpaimbabaw.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 168. KDB 192.2

May kahusayang higit na mas makapangyarihan kaysa sa kahusayan sa salita sa tahimik, hindi pabago-bagong buhay ng isang dalisay at tunay na Cristiano. May higit na impluwensiya kung ano ang isang tao kaysa sa kung ano ang kanyang sinasabi. . . . Ang sarili nating karakter at karanasan ang siyang nagtatakda sa ating impluwensiya sa ibang tao. Upang makumbinsi ang ibang tao tungkol sa kapangyarihan ng biyaya ni Cristo, kailangang makilala natin ang kapangyarihan nito sa sarili nating mga puso at buhay. Kailangang ang ebanghelyong inilalahad natin para sa kaligtasan ng mga kaluluwa ay siya ring ebanghelyong nagligtas sa sarili nating kaluluwa. Magagawang maipadama sa nagdududang sanlibutan ang ating impluwensiya sa pamamagitan lamang ng buhay na pananampalataya kay Cristo bilang personal na Tagapagligtas. Kung ating aakayin ang mga makasalanan mula sa rumaragasang agos, kailangang nakatayong matatag ang ating mga paa sa ibabaw ng Bato, si Cristo Jesus. Ang sagisag ng Cristianismo ay hindi panlabas na tanda, hindi ang pagsusuot ng krus o ng korona, kundi iyong nagpapahayag ng pakikiisa ng tao sa Diyos.— The Ministry of Healing, pp. 469, 470. KDB 192.3